A Night to Remember: Chapter 2

This entry is part 3 of 15 in the series A Night To Remember

PAPUNTA SILA ng kanyang mga kaibigan sa canteen ng makabungo niya ulit si Tyler ang pinakasikat at pinagkakaguluhan ng kababaihan sa school nila bakit hindi napakaguwapo nito, Matalino at mayaman kaya halos lahat ng babae sa campus ay nais mapansin nito.

At tulad ng dati natulala na naman siya kay Tyler sa tuwing dumadaan ito dahil sobrang parang bagyo ang presensya nito na idagdag pa ang napakaguwapong mukha.

“Hey watch your step Lady” ang madiing sabi ni Tyler sa kanya na bahagya pang hinawakan ang kanyang mga kamay para hindi siya ma-out balance.

“Im s-s-sorry”

Nagkabuhol buhol pa ang pag sorry nya dahil sa sobrang pagkataranta dahil sa ikalawang pagkakataon ay nakabungo na naman niya si Tyler at kinausap na naman siya nito.

“Hoy Ayessa ang bibig mo baka pasukan na yan ng langaw” sabi ni Ara sabay tulak sa kanyang baba pataas.

“Ano kamo Ara?” ang nagulat pa niyang tanong dito dahil sa medyo napalakas na pagsasara nito sa kanyang mga bibig na hindi niya namalayang naibuka niya dahil sa pagkatulala.

“Ang sabi ko maganda ka na sana kaso may pagkabingi” ang biro nito na sinabayan pa ng tawa.

“Nakita nyo ba yon Girls kinausap ako ulit ni Tyler” ang kinikilig nya pang sabi habang sinusundan pa rin ng tingin si Tyler na palayo na sa canteen.

“Timang di ka kinausap pinagsabihan ka” ang natatawa namang sagot ni Iyah, at sabay pang nagsitawa ang mga ito

“Come on girls kain na tayo aba nagrarambulan na ang aking mga alaga noh at naghahalucinate na si Ayessa” ang sabi ni Iza at hinigot na siya sa kamay dahil halos ayaw pa niyang lumayo sa pintuan kung saan lumabas si Tyler.

Hanggang matapos kumain ay di pa rin maalis Alis ang magandang ngiti ni Ayessa kahit na siguro pasabugin pa siya ay di niya mararamdaman dahil sa sobrang saya yes loka loka na talaga siya sa sobrang pagkainlove kay Tyler.

“Im really in love with him now” ang sabi niya sa mga kaibigan ng palabas na sila ng campus

“Hay naku day sinabi mo Na sa amin yan One million times mula pa ng unang beses mo siyang nakita” ang sabi ni Iza na bahagya pang nakataas ang isang kilay na alaga sa ahit.

“At hanggang ngayon hanggang sulyap ka pa rin lang at di naman niya napupuna ang beauty mo” ang sabat naman ni Iyah.

“Gosh ni hindi nga ata alam ni Tyler that you exist noh” sabi pa ni Ara na medyo nakairap pa sa kanya na tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

“Grabe naman kayo magsalita ilang beses na po kaya kaming nagkakabungo at kinakausap niya ako noh?” ang masang loob na sabi pa niya dahil sa harap-harapang pagaalaska ng mga ito sa kanya anong magagawa niya kung talagang inlove na inlove na siya kay Tyler na nang magsabog ata ng kaguwapuhan ang Diyos ay ito ang nasa unahan.

“Ayessa nabunggo mo lang siya but is that enough para ma notice ka niya e ni hindi nga nito makuha tumingin sayo noh” ang pasubladang sagot ni Ara na ikinasakit ng loob niya.

“Ang sakit mo naman magsalita why am I that ugly?” ang nagpagsisintemyento niya dahil hindi niya matanggap ang sinabi nitong hindi siya matitigan ni Tyler ano siya Zombie na nakakatakot ang pagmumukha at hindi siya masulyapan.

“Ayessa you are not ugly to tell you the truth you are really stunning but you need to change dear?”

Ang sabi naman ni Iyah totoo naman ang sinabi nito at hindi siya nito binobola maganda talaga siya sa maganda maputi ang kanyang balat at makinis ni wala ito kahit isang mantsha ,bilugan ang kanyang mga mata na may mahahabang pilikmata at mapupungay, katamtaman ang tangos ng ilong at higit sa lahat makipot at mapupula ang kanyang mga labi madami pa ngang nagsasabi na kamukha niya sa Kristine Hermosa dahil kahit di siya katangkaran ay di  rin naman siya pandak ang height niya ay 5’3 at higit sa lahat maganda ang hugis ng kanyang katawan.

Pero bakit nga kaya di siya napapansin ni Tyler well the answer is simple MANANG kasi siya.

She is hiding her beautiful eyes with those thick glasses na panahon pa ata ni Mohamad at ang kanyang damit ay out of style lagi pa nakapusod ang mahaba at kulot niyang Buhok.

” You know what if you are really really serious to get Tyler attention you can do that”
Ang sabi ni Iza sa kanya na halos mabatak ang kanyang mukha dahil sa sobrang laki ng pagkakangiti dahil sa narinig imagine puwede raw niyang makuha ang pansin ni Tyler.

“How?” ang tanong niya na nabuhayan ng pagasa dahil sa narinig.

“Simple let’s give you make over” ang excited na sabi nito at sumangayon pa si Iyah

“Well??” ang naghihintay na tanong ni Iza na halatadong naiinip na dahil sa medyo matagal niyang pagsagot.

“Ok ill do everything for Tyler” ang desidido niyang sagot nag-apiran pa ang mga mahadera niyang kaibigan.

Desidido na siyang gawin ang lahat kung kailangan niyang iwanan ang nakagisnan na niyang ayos mula pagkabata dahil yun ang gusto ng kanyang Daddy ay gagawin nya makuha lang niya ang atensiyon ni Tyler at malaman nitong nag e-exist siya at kahit alam niyang ikagagalit ng kanyang Daddy ang pagbabago niya ng image ay wala na siyang paki-alam dahil ang kaligayahan niya ay si Tyler.

Maaga pa lamang ng araw ng sabado ay tumawag Na si iza sa kanya para ipaalala na ngayong araw na ang make over na gagawin nila sa araw na iyon.

“Hello, Ayessa o maligo ka na papunta na kami dyan” ang sabi nito ng sagutin niya ang tawag nito.

“Nakaligo na maaga kasi akong nagising eh” sagot naman niya dito dahil maaga siyang naligo dahil halos Hindi siya nakatulog nang nakaraang araw sa kakaisip kung tama ba ang gagawin niyang pagbabago na simula pa nang pagkabata ay nakasanayan na niyang ayos.

“Excited ka ba? Dapat lang dahil ito na katuparan ng pangarap mo hehe” ang nakakalokong sagot nito sa kanya at halatadong nasa good mood ito dahil sa napakasaya nitong boses.

“Hay naku di ako excited sa katunayan nga im nervous baka kasi imbes na gumanda ako at makuha ko pagtingin ni Tyler e lalo lang akong di pansinin nito” sabay buntong hininga niya dahil totoo naman yon dahil hindi niya sigurado kung may igaganda pa ba siya at nang napadako ang tingin niya sa salamin ay lalo lang siyang napa-buntonghininga.

“Wala kang kabilib-bilib sa amin don’t worry, there will be a new you soon” at sinabayan pa nito ng malutong na tawa na lalong nagpakaba sa akin.

“Hay naku bahala ka o sige bilisan nyo na hintayin ko na kayo dito ok?”

“ Sa mall na lang tayo magkita-kita para mas madali punta ka na doon” at pinatay na nito ang cellphone ni hindi na nakuhang magpaalam

Dali dali siyang nagbihis at pumunta ng mall pero nalate pa din siya dahil sa traffic

“Kanina ka pa naming hinihintay aba kala namin nag Indian de mango ka na”

Ang sabi ni Iza sa kanya na di naman mukhang galit sa katunayan mukhang excited nga ito dahil matagal na nilang sinasabi na mag bago na siya ng image dahil nakakasira raw siya sa kanilang grupo.

Dahil lahat ng kanyang kaibigan ay sikat sa school samantalang siya ay ni hindi mapansin di nga makapaniwala ang ilang student ng maging friends niya ang mga ito nagtataka siguro ang mga ito kung paano siya napasama sa grupo ng naggagandahan well dahil lagi niya tinutulungan gumawa ng project ang mga ito at siya lagi ang taya sa bayaran sa tuwing papasyal sila dahil doon ay isinali na siya ng mga ito sa barkada.

“Na traffic lang ako sorry mga friends” Ang humahangos pa niyang sabi sa mga ito ng makalapit siya sa may coffee shop na pinagtatambayan ng mga ito.

“O siya Tara na at sa dami ng dapat nating gawin dito sa babaeng ito ay kukulangin ang maghapon” ang sabi naman ni Ara na ikinatawa ng mga ito habang siya ay nakayuko at napahiya sa sinabi nito ganon ba siya kapangit at kukulangin sa kanyang ang buong maghapon para gumanda ang sakit naman ata noon sa pandinig.

Nagpunta muna sila sa parlor at ng ilugay ng Hair dresser ang buhok niya dahil papuputulan sana ng mas uso ay sinabi ng mga kaibigan niya na wag ng putulin dahil maganda daw pala ang makintab at itim na itim niyang kulot na buhok.

Pinangako na lang siyang ilugay ito at wag na wag itali. Kaya pina trim na lang ang dulo nito. Pagkatos sa buhok ay nagpa pedicure at manicure din siya, facial at foot spa.

Inayos din ang makapal niyang mga kilay at tinuruan siyang magapply ng manipis na make up at pinayuhan na lipgloss na lang ang gamitin niya total naman daw ay likas na mapupula ang kanyang mga labi ng matapos na at humarap siya sa salamin ay halos di siya makapaniwala kung tutuusin ay konti lang ang ginawa nila pero malaki na ang ipinagbago ng kanyang itsura.

Pagkatapos sa parlor ay nagpunta sila sa gawaan ng salamin at pinapalitan ang kanyang eye glasses ng contact lense para daw Makita ang maganda niyang mga mata.

Nagulat pa siya sa transformation niya dahil iba na ang nakikita niya sa salamin isa nang kaakit akit na babae maging ang mga kaibigan niya ay natulala at sinabing di daw nila inaakala na ganon siya kaganda.

At ang huli ay nagshopping sila ayaw niya nga sana gumastos ng malaki kaso di nakinig ang mga kaibigan niya at sinabing kailangan niya ito kaya mula damit hanggang sapatos, bag, make up ,at pati mga underwear ay pinagbibili nila ng matapos sila ay pagod na pagod na kaya di na pinahubad ng mga kaibigan niya ang damit na pinili nila para sa kanya at talaga namang ibang iba na siya sa dating manang na si ayessandra isa ng maganda at sexy ayessandra ang nakikita niya.

“You look so beautiful Ayessa im sure lahat ng guys ay sayo na titingin” ang may himig ingit na sabi ni Ara sa kanya na di niya na lang pinansin

“ Thank you,, and thank you guys so much I owe all of this to you guys” ang nakangiti niyang sabi sa mga ito

“Don’t mention it dear what are friends for” ang sabi naman ni Iza

“O libre mo na kami ng food dahil pagod at gutom na gutom na kami” ang utos sa kanya ni Iyah na halatadong nahahapo sa pagod dahil halos buong maghapon silang nagikot-ikot sa mall.

“Ok guys lets go” ang Masaya niyang sabi sa mga ito at nagpauna pa nga siya sa paglalakad.

Nagpunta sila sa restaurant na paborito nila lagi puntahan at kumain pagkatapos ay nagkanya kanya na sila ng uwian dahil may mga date pa daw sila Iyah at Ara, Si Iza naman ay may pupuntahan pa daw.

Pag uwi niya ay nagulat pa mga ka dorm mate niya dahil di nila siya nakilala kahit na si Nanay Remy na naging close friends na niya ay di rin siya nakilala.

“Ayessa iha ikaw ba yan?” ang nagtataka nitong tanong ng makapasok siya ng pinto habang ito naman ay abala sa pagva-vacuum.

“Opo ang Nanay Remy talaga Malabo na ang mga mata” ang sabi niya dahil nakita niyang nakatulala ito sa kanya na para bang nakakita ng artista.

“Aba’y bata ka napakaganda mo anak” ang sabi nito na binitiwan ang vacuum cleaner at pinaikot pa siya na parang modelo.

“Bakit naman po ganyan ang reaction ninyo para naming napakapangit ko dati”  ang kunwari’y nagtatampo niyang sabi dito.

“Naku iha hindi maganda ka na dati pa pero nagulat ako’t sumobra naman ang ganda mo ano ba nangyari sayo?” ang sabi pa nito na hinawakan pa ang kanyang damit dahil hindi ito sanay na nakasuot siya ng mga hapit na damit.

“Wala naman po napagisip-isip ko lang po na napakapangit ko kaya naisipan ng mga kaibigan kong bigyan ako ng make over” ang maba niyang paliwanag dito habang nakangiti.

“Bagay po ba?” ang tanong niya pa dito at umikot ulit sa harapan nito.

“Naku oo iha bagay na bagay para kang nasa Hollywood” ang sabi pa nito na ikinatawa niya.

“Sus si Nanay Remy naduduling na ata magpahinga nap o kayo at mukhang nasosobrahan kayo sa pagod”  ang nakangiti niyang sabi dito at kinuha pa ang hawak nitong vacuum.

“Nagsasabi ako ng totoo iha talagang napakaganda mo” ang sabi pa nito

“Naku aakyat na nga po ako at baka lumobo ang ulo ko’y hindi ko pa madala” ang sabi niya dito at iniwan na ang matandang nakatingin pa rin sa kanya na manghang-mangha.

Series Navigation<< A Night to Remember: Chapter 1A Night to Remember: Chapter 3 >>

260 thoughts on “A Night to Remember: Chapter 2

  1. I read this story in 2015 and I am very in love to this story but I lost this copies in my phone I accidentally delete it then starting 2016 I remember this story so I ended to find this…So now I’m very happy that I found it

Leave a Reply