A Night to Remember: Chapter 13

This entry is part 14 of 15 in the series A Night To Remember

LUMUWAS sila sa maynila para ipakilala sa mga magulang ni Tyler ng huminto sila sa napaka-laking bahay nila Tyler ay sobrang lakas ng kaba ng kanyang dibdib dahil nagaalala siyang hindi magustuhan ng mga ito kaya napahawak siya ng mahigpit sa mga braso ni Tyler.

“Nervous?” ang tanong nito at ng tumango siya ay hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga kamay

“They will love you sweet heart trusts me” ang bulong nito sa kanya at dinampian siya ng halik

“Daddy who live’s here?” ang tanong ni Natasha kay Tyler

“I live here baby and your grand parent” ang sagot nito

“Wow talaga daddy? Nandito po ba sila gusto ko siyang Makita?” ang excited na sabi ni Natasha na bahagya pa ngang napapatalon.

“You will, let go guys” ang sabi nito at inakay na silang mag-iina.

At ng bumaba na sila ay hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang mga kamay at sa kabila ay hawak nito si Natasha at hawak naman niya si Nathan magkakahawak kamay silang pumasok sa napakagarang bahay nila Tyler. Sinalubong at binate sila ng mga katulong at pinatuloy

“Sina Mama?” narinig niyang tanong ni Tyler sa matandang katulong

“Iho your home” ang narinig niyang sabi ng mabining boses na palapit sa kanila at ng lingunin niya ay pareho pa silang nagulat ng ginang na nkalapit na sa kanila

“Oh I remember you” ang sabi nito na nangbibilog pa ang mga na nakatingin sa kanya at lumipat ang tingin sa kambal

“Hi ma magkakilala kayo?” ang nagtatakang tanong Tyler sa ina

“Not really pero nakita naming sila sa mall” ang sabi nito at nakangiting tumingin sa kanila

“I see oh well by the way nasan ang papa, ma? Ipakilala ko sa inyong dalawa ang mga kasama ko?” ang sabi nito sa ginang

“Nasa study room iho kung gusto mo ay putahan natin siya” ang sabi nito bagamat nagtataka ay ngumiti sa kanila at inakay na sila nito papunta ng study room

Knock! Knock!

“Come in” ang sabi ng sabi ng masuyong boses sa kabilang panig ng pinto.

Naunang pumasok ang mama ni Tyler at sumunod sila kasama ang kambal na nagtataka pero tahimik na sumusunod sa kanila

“Hmm Honey may sasabihin si Tyler” ang sabi ng ginang Na nagpaangat sa ulo ng matandang lalaki na abala sa binabasang papeles at katulad ng Ginang ay nagulat din ito ng Makita sila

“Hi pa” ang sabi nito

“What a surprise Iho at May mga kasama ka“ang sabi nito na nakatingin sa kanila at matamang pinakatitigan ang kambal.

“Yes Ma! Pa! I want you to meet Ayessandra” ang sabi nito sa mga magulang at masuyo pa siyang inakbayan.

“Ayessa this is my mother Julia at my father Alex” ang pakilala nito sa mga magulang

“Nice to meet you ma’am and sir” ang sabi niya

“Oh the pleasure is ours Iha” ang sabi ng mama ni Tyler at niyakap siya at hinalikan sa magkabilang pisngi, ang matandang lalaki naman ay hinalikan ang kanyang kamay.

“Ma, Pa I know this will come as a shock but I can explain all of this” ang sabi nito sa mga magulang bago hinawakan ang kanyang mga anak na tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

“I want you to meet your grand kids Natasha and Nathaniel” ang sabi ni Tyler sa mga magulang na nanlalaki ang mga mata sa gulat habang palipat lipat ang tingin sa kanilang mag-anak at maya-maya ay titingin sa isa’t isa.

“Oh iho do you mean what you said?” ang naiiyak sa tuwa na sabi ng ginang

“Yes ma they are your grand kids, Nathaniel, Natasha meet your grandma and grandpa” ang sabi ni Tyler sa kanilang mga anak na nakatitig sa mga magulang nito parang kinikilala.

“Oh come here kids” ang tawag ng dalawang matanda sa kambal na pinaunlakan naman ng mga ito at mahigpit na niyakap ng ama ni Tyler si Nathan at si Natasha naman ay ng Lola nito pagkatapos ng mahigpit na yakapan ay pinaghahalikan ng mga ito ang mga apo habang lumuluha.

Makalipas ang ilang sandali ay nagpalit ang magasawa at niyakap ng Lola nito si Nathan at si Natasha naman sa lolo nito.

“Oh Tyler” ang nabanggit niya habang masayang tinitignan ang mga anak sa bisig ng mga lolo’t lola ng mga ito na mangiyak ngiyak pa rin habang panay ang halik sa mga Apo na ngayon lang nakilala makalipas ang mahabang tatlong taon.

Makalipas ang ilang sandali ng pagkakakilala ngayon ay oras nang pagpapaliwanag kaya kahit ayaw pang humiwalay ng mga magulang ni Tyler sa mga apo ay hinayaan na muna nilang dalhin ang mga ito ng katulong para pakainin.

“So iho do you want to tell us what is going on?” ang tanong ng Papa nito nang makapasok sila sa Study room.

“ Its long story ma and pa but to make it short magschool mate kami ni ayessa noong college we fell inlove with each other at may nangyari sa amin at nabuntis si ayessa at ngayon lang kami ulit nagkita.” Ang paliwanag nito sa mga magulang

“Don’t tell me iho na hindi mo pinanagutan si Ayessa kaya lumayo alam mong walang Fuentabelia na tumatakas sa responsibilidad” ang galit na sabi ng daddy nito dahil inaakalang tinakbuhan siya ng anak nito.

“No Sir hindi niya po alam na buntis ako, ako po ang kusang lumayo” ang sabi niya sa mga ito habang nakayuko ang ulo at nagbabanta ng tumulo ang mga luha dahil sa pagkaalala sa nakaraan na pilit niya na sanang gustong kalimutan.

“What do you mean iha? Why did you leave?” ang naguguluhang tanong ng mama nito na nagpalipat lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa.

“Ang akala niya kasi mama may fiancé ako at ayaw raw niyang magulo ang buhay ko” ang salo ni Tyler sa kanya

“What? Bakit niya naisip na may fiancé ka meron nga ba iho?” halatang lalo naguluhan ang mga ito dahil sa tinatakbo ng kanilang kuwento.

“No mama tumawag kasi si Arriana sa condo ng gabing may nangyari sa amin at nagpakilalang fiancé e hindi alam ni Ayessa na may kakambal ako kaya ang akala niya ako ang hinahahanap ni Arriana at ako ang fiancé nito kaya umalis siya dahil ayaw niyang makagulo” ang mahabang paliwanag nito

“Ganoon ba ? Di kita masisi iha maski siguro ako ganon ang gagawin” ang mapag-unawang sabi ng ginang sa kanya.

“ Bakit ngayon mo Lang siya nakita iho? Hindi mo ba siya hinanap?” ang tanong ng ama ni Tyler

“Hinanap ko siya Papa pero walang nakakaalam kung nasan siya” ang sabi ni Tyler sa ama nito habang masuyo siyang tinitigan.

“Saan kayo nagkita ulit iho?”ang tanong ng mama nito

“Sa Pangasinan malapit sa rest house nabili ko at ngayon nga ay nandito na kami at pinapakilala na sila sa inyo” ang sabi nito sa mga magulang.

“Oh im so glad we saw them in mall sila yung sinasabi namin sayo na kamukha ninyo ni Tyron noong mga bata kayo pero ayaw mo maniwala” ang may himig pagtatampo pa na sabi ng mama nit o kay Tyler

“Im so glad ngayon ay may mga apo na talaga tayo Alex and my kamukhang kamukha mo ang mga bata Tyler di maipagkakailang mga anak mo” ang tuwang tuwa pang dagdag ng ginang

“So when do you plan to get married?” ang tanong nito na pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa ni Tyler.

“Soon pa very soon” ang sabi nito sabay kindat sa kanya na ikinapula ng kanyang mukha.

“Aba dapat Lang bilisan mong pakasalan siya napakaganda pa naman niya ikaw rin baka maagaw pa sayo” ang biru ng ama nito na kay Tyler na bahagya pa siyang nginitian.

“No way pa never” ang madiing sabi nito na ikinatawa nilang lahat dahil kitang kita nila kung paano dumilim ang mukha nito at naglagatukan ang mga buto sa kamay.

“Naku kailangan pala nating mamanhikan na sa mga magulang ni Ayessa” ang sabi ng mama nito na napakaganda nang pagkakangiti sa kanila.

Nagkatinginan na lang sila ni Tyler hinawakan nito ng mariin ang kanyang mga kamay.

“Oh did I say something wrong?” ang sabi nito dahil Hindi nakaligtas dito ang ginawa nilang tinginan.

“Its just galit ang parents niya sa kanya at pinalayas siya” ang hindi matuloy na sabi ni Tyler

“Oh im sorry iha but do you mind if I ask you why?” ang sabi nito na nakakunot ang mga noo marahil ay dahil sa pagtataka.

“Julia” ang saway ng ama ni Tyler sa asawa

“Ok Lang po yon, nagalit ang papa ng malamang nabuntis ako kaya pinalayas niya ako” ang nangingilid ang luha niyang sagot dito habang nakayuko dahil naalala na naman niya ang masakit na ala-alang yon.

“Omg napakahirap pala ng pinagdaanan mo mula ng mabuntis ka at magisa mo Lang itinaguyod ang mga anak mo sa loob ng ilang taon” ang sabi ng mama nito na naluluha narin nakikisimpatya sa kanya.

“Wala ho yun mahal ko po kasi siya at ang kambal” ang sagot niya dito at tinitigan ng buong suyo si Tyler na lalong humigpit ang hawak sa kanyang mga kamay.

“And I love you so much also wag kang magalala nandito na ako always” ang sabi ni Tyler sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

“I know” ang sagot niya

“Hay kainggit parang tayo noon noh honey?” ang malambing nasabi ng mommy ni Tyler na ikinatawa nilang lahat lalo na ng tumango ang daddy nito at malambing na humalik sa asawa.

Makalipas pa ang ilang minuto at sabay-sabay silang lumabas ng study room at pumunta sa kumidor kung saan nandoon ang kambal at masayang nagsalo-salo sa tanghalian.

Kinahapunan ay dumating ang kakambal nitong si Tyron halos magulat pa siya sa nakita dahil magkamukhang magkamukha ang mga ito parang pinagbiyak na bunga at ang pinagkaibahan lang ay kulay dahil mas maputi si Tyler habang Kayumanggi naman si Tyron.

“Ayessa I want you to meet my twin brother Tyron” ang nakangiting sabi sa kanya ni Tyler habang nakaakbay sa pinakilala nitong kakambal.

“Hi Tyron im glad to finally meet you” Ang nakangiti niyang sabi dito habang Panay pa rin ang tingin niya sa dalawang magkamukhang magkamukha.

“Oh the pleasure is all mine, I am so glad to finally meet you ang nagiisang babae na nagpaiyak sa utol ko” ang sabi nito na ikinangiti niyang lalo at niyakap siya nito ng mahigpit.

“Ok times up” ang narinig niyang sabi ni Tyler at pabiro pang hinigot siya at niyakap ng mahigpit.

“Don’t worry kahit napakaganda ng mapapangasawa mo ay Hindi kami talo dahil alam Kong inlove na inlove ka diyan halos masiraan ka na nga ng bait nang hindi mo siya mahanap-hanap” ang nakatawa nitong sabi na ikinatawa nilang lahat lalo na ng pamulahan ng pisngi si Tyler.

“Im seing double kuya we have two daddy in front of me” ang sabi ng anak niyang sa Natasha na ikinahinto ng dalawang nag-aasaran.

“My my I think im seing what I will look like if im a girl” ang sabi ni Tyron habang naka-tulala itong nakatingin kay Natasha na kahawig na kahawig nito.

“That exactly my sentiment ng makita ko ang mga anak ko” ang sabi naman ng proud na proud na si Tyler at nilapitan ang mga Anak nila.

“Natasha, Nathaniel I want you to meet your Tito Tyron my twin brother” ang sabi nito sa mga anak na nakatingin ng matiim kay Tyron.

“Mga anak mo tol?” ang nakakunot nitong tanong kay Tyler dahil sa kabiglaan sa nalaman.

“Yes hindi alam ni Ayessa na buntis siya ng magkahiwalay kami kaya ngayon ko rin lang nalaman na may mga anak na pala ako and mind you im the most happy man in the world” ang bulong nito sa kakambal dahil ayaw nitong iparinig sa kanilang mga anak ang tungkol sa bagay na yon they are still too young para malaman ang mga bagay na iyon.

“I can see why kung ako siguro ang magkaroon nang ganito kaganda at kaguwapo na anak at not to mention the mother of my kids im sure I will feel ecstatic like you” ang sabi nito at muling nilingon ang kambal.

“Hello kids wanna give Tito Tyron a big hug?” ang sabi nito na ini-stretch pa ang mga kamay para makalapit ang mga bata dito at ng makayakap dito ang kambal ay tuwang tuwa nitong binuhat ang dalawa na ikinatawa naman ng mga ito.

“Tito Tyron bakit kamukhang kamukha mo ang daddy naming?” ang nagtatakang tanong ni Nathan na bahagya pang inihaplos ang kamay sa mukha nito.

“Because like you and Natasha, me and your daddy are twins too” ang sagot nito kay Nathan na nakangiti at lalo pang inilapit ang pisngi nito sa kambal kaya sabay itong hinalikan ng mga bata.

“Mabuti naman pala at naging boy si kuya Nathan dahil kung nagkataon pala magiging magkamukha kami at baka hindi na kami makilala ng mommy at daddy” ang natatawang sabi ni Natasha na ikinatawa nilang lahat.

“Mommy and daddy will always know dahil galing kayo sa amin kaya alam namin kung sino ang sino” ang sagot naman niya sa anak.

HINT FOR NEXT CHAPTER: Si Tyler ay P _ e _ _ _ _ _ _ ng student council

Series Navigation<< A Night to Remember: Chapter 12A Night to Remember: Chapter 14 (END) >>

306 thoughts on “A Night to Remember: Chapter 13

Leave a Reply