Pst! Mag-subscribe upang mabasa ang aming mga bagong istorya sa inyong inbox! (ito ay LIBRE kaya huwag mahiya!)  
Home » When the Bad Boy Met his Match

If Love is Real, it will Happen… (Uncut Version)

5 December 2009 40 Comments

AFTER SIX MONTHS…

“Jeda, ikaw na ang bahala sa gown ni Ms. Tessa ha. May importante lang akong lalakarin at kailangang nakaayos na iyan bukas ng hapon.”

“Opo. ‘Yung piña barong po ng groom, naka-set na din.”

Napangiti siya. Kahit mawala siya ng isang buwan ay alam niyang nasa maayos ang lahat. Eksperto na si Jeda sa pasikot – sikot sa Ladies and Gents at may mga pakulo pa ito upang makabingwit ng kliyente. Mula sa kaibigan hanggang sa mga pinsan ng kanilang mga customers ay sa kanila na rin nagpapa – arrange ng kasal.

“Hay ate, kailan kaya ako makapagsusuot ng wedding gown?” nangiti siya sa hitsura ni Jeda. Tila ito nangangarap na ipinatong sa dibdib nito ang ipapalit sanang gown sa mannequin na nasa harap ng salamin ng boutique.

“Eh ‘di isuot mo na ngayon.” Nangingiting wika niya.

“Si Ate naman oh, siyempre dapat ay may groom ako ‘diba.”

“O siya sige, ihahanap kita para makapagsuot ka na ng wedding gown.”

Nagkatawanan silang dalawa ni Jeda sa sinabi niyang iyon.

“Ate…” pagkuwa’y sabi nito.

Luminga siya sa assistant na patuloy sa pag – ikot sa salamin habang kunwa’y nakasukat ang damit pangkasal dito.

“Ano ba ang pakiramdam ng ikinakasal?”

Napalis ang ngiti niya sa tanong nito.

“Bakit sa’kin mo itinatanong? Ikinasal na ba ‘ko?” kunwa’y balewalang sabi niya pero ang totoo ay ibig niyang magngitngit sa isang simpleng tanong na iyon.

“Ikaw naman kasi Ate eh. Kung bakit hindi mo pa tanggapin ulit si Sir Martin eh halata namang mahal na mahal ka ng tao.” Matamang nakatitig si Jeda sa dalaga at mandin ay hinihintay ang isasagot nito.

“Alam ko. Pero wala na akong nararamdaman para sa kaniya. Ayokong pilitin ang sarili ko.”

“Naku, si Ate! Wari ka pa diyan eh! Ang sabihin mo, si Fafa Radge ang hinahanap – hanap mo! Aminin!”

“Tumigil ka! Wala akong pakialam sa lalaking iyon noh!”

“Hay…kalimutan niyo na kasi si Fafa. Tiyak na sa mga oras na ito ay masaya na iyon sa piling ng kontrabidang si Ingrid! Mahigit anim na buwan na nang umalis siya patungong Australia ‘diba, Ate?”

“Oo. May – asawa na siya kaya simulan mo nang maglakad patungo sa tahian para makita ang gown ni Ms. Tessa.” Bahagya niya itong itinulak patungo sa back door at kinuha mula dito ang hawak nitong damit.

“Hay…Ano pa ang saysay ng wedding gown kung nasa Australia naman ang groom?”

Inabot niya ang isang throw pillow na malapit sa kinatatayuan saka ibinato kay Jeda. Malakas namang tawa ang itinugon nito. Kasalukuyang isinusuot niya ang damit pangkasal sa mannequin na nasa harapan nang mapansin ang isang itim na kotse sa kabila ng salamin. Nasa kabilang kalsada iyon at nakahimpil sa mismong tapat ng boutique.

Lumabas siya upang sinuhin ang may – ari ng sasakyan subalit pababa pa lang siya sa tatlong baitang na hagdan ay umandar na ang sasakyan. Tinted ang salamin ng kotse at hindi man lamang niya naaninag ang sakay niyon. Napailing na lamang siya sa sarili.

“DAMN!” nahati sa ilang piraso ang basong inihagis ni Ingrid. Galit na galit na hinarap nito ang nakahubad barong si Radge. Nakaupo ito sa kama at nakamasid sa basong napiraso sa sahig.

“What else do you need Radge! Ano pa ba ang gusto mo?!” tanong nitong hindi alintana ang kahubaran.

“Stop it…” nanlulumong sagot ng binatang walang katinag – tinag sa pagkakaupo sa kama. Naihilamos nito ang palad sa sa mukha dala ng matinding inis na nadarama.

“Ano pa ba ang kailangan mo? Ginawa ko na ang lahat!”

“Ginawa mo nga ang lahat pero hindi mo man lamang ba naisip na hindi ko iyon hinihingi?”

“You’re talking nonsense, Radge! Alam mo ang kahihinatnan ng mga sinasabi mong ‘yan!”

Napailing si Radge sa kawalan ng pag – asa.

“Do what you want now, Ingrid. Kung kaya ng konsensiya mo ang mga pagbabanta mo ay gawin mo na habang maaga! Gawin mo na habang nagdurusa pa ako sa lumpo kong mga paa! Dahil sa sandaling makawala ako sa buhay na ito ay ibibigay ko sa’yo ang pinakamatinding parusa na sinisiguro kong hindi mo kakayanin!” nagngangalit ang kaniyang mga ngipin sa matinding galit. Damang – dama niya ang panginginig ng kalamnan dahil sa tititimping emosyon.

Subalit tanging matinis na halakhak lang ang maririnig sa babaeng kausap nito. Malakas iyon at punung – puno ng sarkasmo.

“There’s no way you are going to do that, honey! You can never escape from me.” Inabot nito ang mga nagkalat na damit na nasa sahig saka iyon isa – isang isinuot. Matapos iyon ay saka ito lumabas nang nakataas ang noo – tila sinisiguro na ang tagumpay na hawak nito.

Napangiti siya ng lihim kasabay ng pag – unat ng mga binti. Hindi dapat malaman ni Ingrid ang unti – unting paggaling ng kaniyang mga paa. Hindi dapat maunsyami ang mga pinaplano niya.

Ilang sandali muna ang kaniyang pinalipas bago inabot ang teleponong nasa bedsite table. Napailing siya nang makitang putol pa rin ang linya noon subalit ilang saglit lang ay napangiti na rin siya. Kumilos ang kaniyang kaliwang kamay sa ilalim ng king sized brass bed at mula roon ay inilabas ang kulang tatlong daling cellular phone. Ilang saglit lang ay may kausap na siya sa telepono.

“ATE, KUNG IKAW ang ikakasal, ano ang motif na gusto mo?”

Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ang tanong ni Jeda.

“Kahit ano. Saka ko na lang ‘yan iisipin kung may posibilidad nang dumating.” Maikling sagot niya.

“Malay mo naman Ate, ‘diba. Pero ano ba talaga ang gusto niyo sakaling ikasal kayo? Anong motif? Anong klase ng bulaklak? Engrande ba? Church or garden?”

Napangiti siya. Kung minsan ay talagang makulit si Jeda lalo na kung umaandar ang imahinasyon nito. Wala namang masama kung patulan niya ito ngayon. Paminsan – minsan lang naman.

Nakatingala at nakatingin siya sa kawalan saka nag – isip ng isasagot kay Jeda.

“None of the above. Pag ikinasal ako, ang gusto ko ay sa dagat. M – marami kasi akong magagandang alaala sa dagat…kagaya noong…”

“…noong?”

“…noong bata pa ako.” Nakangiti siyang tila nangangarap habang nagsasalita.

“Gusto ko ay simpleng bestida lang na puti…siyempre ‘yung babagay sa setting ng kasal ko…” bahagya siyang lumingon kay Jeda bago muling nagpatuloy, “tapos ay walang hanggang rosas na pawang mga puti rin…at walang ibang kulay kung hindi puti…”

“Ay, ate, ang baduy mo naman! Puti lang? Feeling virgin huh?!” natatawang wika ni Jeda.

“Tingnan mo, pinagtatawanan mo ‘ko ngayon…tatanung – tanong ka diyan!”

“Errr…pero alam mo Ate, hindi na unique yan eh. Alam mo kung bakit? Kasi, may isa tayong kliyente na ganyan din ang gusto – si Ms. Baby. Gusto niya na walang ibang kulay sa wedding niya kung hindi puti rin at sa dagat din ‘yun!” tatawa – tawa si Jeda habang inilalahad iyon.

Natahimik naman siya. Hindi niya gusto ang isipin na may kahawig ang kaniyang dream wedding. Lihim namang nangingiti si Jeda. Iniwan na niya ang nakasimangot na amo habang nagrerebisa ng records nito.

MALAPIT na siya sa lugar kung saan sinabi ni Martin na magkikita sila subalit hindi pa rin mapalagay ang kalooban niya. Tama ba ang gagawin niyang pakikipagkita dito? Isang linggo matapos ang paglisan ni Radge patungo ng Australia ay dinalaw siya ni Martin sa boutique. Sinabi nitong nagpalipas lamang ito ng sama ng loob subalit nagawa na diumano nitong patawarin ang kanilang ‘pagtataksil.’ Ibig man niyang ipaliwanag ang lahat ay hindi na rin niya ginawa dahil wala na rin namang mangyayari. Wala na si Radge at tuluyan na nitong kinalimutan ang pangako nila sa isa’t – isa. Ano pa ang silbing pag – usapan nila ito?

Muli siyang sinuyo ni Martin at sa kabila ng kaniyang pagtanggi ay paulit – ulit itong nag propose ng kasal sa kaniya. She told him she needed time but he insisted he would always be there. At ngayon nga ay muli niyang pinaunlakan ang paanyaya nitong kumain sa labas. Sa isip niya ay wala namang masamang muling makipaglapit kay Martin dahil may mga pinagsamahan naman sila nito.

Alas dos ang usapan nilang magkikita sa isang cafeteria ilang bloke ang layo mula sa Ladies and Gents. At nang makapasok ay nakita niya agad si Martin. Walang pagmamadali niyang tinahak ang daan patungo sa nakatalikod na lalaki. Sa tingin niya ay may kausap ito sa telepono at hindi napapansin ang kaniyang pagdating. Sa bagay ay napaaga yata siya ng ilang minuto sa takdang oras ng kanilang usapan.

Nang makalapit ay nagulat siya sa naulinigang sinasabi nito. Mahina subalit mariin ang tinig ng lalaki. Walang ibang tao sa paligid nila at tiyak niyang hindi pa nakikilatis ni Martin ang kaniyang pagdating.

“Wala akong pakialam kung mamatay sa gutom ang matandang ‘yan, Gonzales! Basta sundin mo ang pinapagawa ko at ‘wag ka nang magtanong ng kung anu – ano! Magkikita kami ni Trixia ngayon at sandaling panahon na lang ay buo na ang aking mga plano.”

Awtomatikong humakbang paurong ang kaniyang kanang paa. Naging mabilis ang kaniyang mga hakbang. Ang hakbang ay naging takbo paglabas ng cafeteria at nangangatog sa takot na nilandas niya ang kalsada papunta sa mataong bahagi kung saan maari siyang humanap ng taxi.

Saktong papatawid siya ng kalsada nang marinig ang pagtunog ng cellphone na hawak. Wala sa loob na sinagot niya iyon.

“Hello honey? Where are you? I’m already here at the cafeteria.” Si Martin.

Hindi siya nakakibo sa matinding takot at sa halip ay pinatay niya na lang iyon. Nang muling tumunog ang gadget ay hindi niya agad iyon sinagot. Subalit nang titigan ang screen ay nakita niyang hindi iyon ang numero ni Martin. Kliyente marahil. Dahil sa ideyang iyon ay sinagot na rin niya ang tawag.

“Hello…” nangangatal ang boses niya habang palinga – linga sa paligid. Sa malas ay wala pang taxi na dumaraan.

“Trix…” Mahina subalit tila bomba sa kaniyang pandinig ang boses na nasa kabilang linya. Bigla ay sinalakay siya nang matinding nerbiyos. Kakatwa dahil sa kabila noon ay may kapanatagan ng loob siyang nadama. Pakiramdam niya ay hindi siya nag – iisa ng mga sandaling iyon at naroon ang kausap upang ipagtanggol siya.

“Trix, you listen…mag – ingat ka. Please be safe, baby…please be safe…” nanginginig ba ang boses ni Radge habang sinasabi iyon? O imahinasyon lang niya ang lahat?

“What do you mean?” tanong niya habang patuloy sa paglinga. Isang kotseng itim ang nakita niyang papalapit sa kaniyang kinatatayuan at bigla ay nakadama siya ng panganib. Tila pamilyar ang kotseng iyon sa kaniya. Tumakbo siya nang magsimulang bumagal ang kotse habang papalapit sa kaniya.

“Radge! Radge, help me! Tulungan mo ‘ko!” at muli ay ang matinding takot para sa sariling kaligtasan ang kaniyang nadama.  Nang marinig niya ang busy tone sa kabilang linya ay nawalan na siya ng pag – asa. Mabilis siyang tumakbo subalit mas higit ang bilis ng sasakyan at nagawa nitong harangin ang kaniyang daraanan.

Nang lumabas si Martin sa pinto ng kotse ay nangangatal sa takot na nanigas siya sa pagkakatayo sa gilid ng daan. Tumingin siya sa paligid at nag – iisang wraggler jeep lang ang natanaw niyang parating.

“Trix, why are you here? Sa loob ng cafeteria ang usapan natin ‘diba?” mahinahong tanong ni Martin na ang pagkakangisi ay nakaplaster sa mga labi nito.

“Martin, please…hayaan mo na ‘ko…”

“Ano ba ang sinasabi mo? Sumakay ka na sa kotse.” mariin ang pabibitiw ng salita nito.

“Martin, please…pag – usapan natin ito…”

“Pasok!” nangangatog na siya sa takot at akmang kakaladkarin na siya ni ni Martin pasakay ng kotse  nang mabilis na humimpil ang wraggler jeep sa tapat nila. Mula doon ay bumaba ang isang matikas na lalaking nakasuot ng itim na jacket. Kulang anim na talampakan din ang taas nito at sa tingin niya ay hindi naglalayo sa taas ni Radge.

“May problema ba, boss?” tanong nito pagtawid. Hindi niya napigilan ang maiyak nang makita ang lalaking sumaklolo. Nang itaas nito ang jacket na suot upang ipakita ang nakasukbit na baril sa baywang ay tahimik na sumakay ng kotse si Martin at umalis sa lugar na iyon.

Bago pa siya nakahuma ay sumakay na ng jeep ang lalaking nagligtas sa kaniya. Nagtatakang sinundan na lamang niya iyon ng tingin habang papalayo ang sinasakyan nito.

KASALUKUYAN silang namimili ni Jeda ng mga Christmas decors para sa boutique. Mula nang araw na nangyari ang insidente ay hindi na muling tumawag sa kaniya si Radge subalit siniguro na rin niya ang sariling kaligtasan. Sa tuwing lalabas ay kasama niya si Jeda at tiniyak din niyang may baon siya parating pepper spray sa bag niya. Kasalukuyan siyang tumitingin ng ornaments nang mapatingin siya sa ginang na nasa hindi kalayuan. Sa hitsura nito ay tila kanina pa iyon nagmamasid sa kaniya.

“Trixia, hija…” panimula nito nang makalapit.

Bahagya siyang ngumiti at tumungo tanda ng paggalang sa babae. Akmang tatalikod na sana siya nang hawakan nito ang kaniyang braso.

“Can we talk?” tanong nito na ang lungkot sa mga mata ay hindi maikakaila. Tumango siya at nagpagiya rito.

Humantong sila sa isang cemented bench na nasa harap din ng nasabing tindahan. Naliliman iyon ng isang mataas na puno na napapalamutian na rin ng mga Christmas balls.

“Kumusta ka na?” panimula nito.

Hindi siya agad nakakibo kaya hinawakan nito ang kaniyang mga palad at muling nagsalita.

“Nauunawaan ko ang nararamdaman mo. Pero napakakomplikado ng lahat.”

Napangunot ang kaniyang noo sa tinuran nito.

“Everything happens for a reason, hija. Malalampasan mo rin ang mga ito…”

Napangiti siya nang mapait sa sinabi ng ina ni Radge. Kailangan pa ba nitong ipaalala ang lahat sa kaniya?

“True love happens, Trixia. If your love is real, you will get to find each other the moment you least expect it…despite the distance…the hardships and pains…gaya naming mag – asawa. Naniniwala akong may hangganan ang lahat…May awa ang Diyos, anak.” Matapos sabihin iyon ay tumayo na ito at iniwan siyang tulala. Paulit – ulit na umaalingawngaw ang mga sinabi nito sa kaniyang pandinig at ni isa ay wala siyang maunawaan sa mga iyon.

“MAY ALAM ka bang dasal De Vera? Kung mayroon ay simulan mo na!”

Napatingala ang lalaking nakagapos ngunit kagyat ding napayuko nang tamaan ng liwanag na nagmumula sa flashlight. Ang pinagsama – samang pagod, gutom at pangamba ay sapat upang manghina siya.

“Hayup ka, Martin! Itinuring kitang tila isang anak at ngayon ay ganito ang igaganti mo sa akin!”

Napangiti ang lalaki sa narinig na sinabi ng matandang nakayukyok sa isang sulok ng warehouse na iyon. Ang mga kamay nito ay nakatali sa likod.

“Pasensiya na, tanda. Hindi ‘yan mahalaga sa’kin! May sarili akong ama kaya hindi ko kailanman kinailangan ang isang ama – amahan sa katauhan mo!”

“Paanong…Matagal nang patay ang iyong ama!”

Isang pagak na tawa ang umalingawngaw sa paligid.

“Kagaya ng lahat ay naniniwala ka ring isa akong Montes! Paanong mangyayari ‘yan gayung walang kakayahang magkaanak si David!”

Pakiramdam ng matanda ay higit na lumalim ang gatla ng kaniyang noo sa matinding pagkakangunot.

“Gayunman ay itinuring ka niyang totoong anak! Bakit hindi mo siya natutuhang mahalin bilang isang ama?!” pasigaw ding tugon nito.

“Gaya ng nasabi ko ay hindi ko kailangan ng ibang ama, De Vera. Sapat nang alam ko kung sino ang aking totoong ama.”

Napailing ang matanda sa narinig. Hindi yata’t hindi tumupad sa usapan si David at ipinagtapat nito sa anak – anakan ang lahat bago ito pumanaw?

“Bata pa lang ako ay alam ko nang hindi ako isang Montes. Kaya nang magpakilala sa’kin ang aking tunay na ama ay wala na akong ibang ninais kung hindi ang kilalanin niya sa takdang panahon.”

Rumehistro ang matinding galit sa mukha ng bihag. Tila hindi ito makapaniwala sa naririnig mula sa kausap.

“Paano niyang nagawang magtaksil sa pagkakaibigan naming tatlo?! Paano itong nagawa ni Claudio kay David?!”

Napangiti si Martin sa nasaksihang pagkabigo sa mukha ng matanda.

“Hindi ninyo kailanman itinuring na kaibigan ang papa! Akala niyo ba’y hindi niya alam ang lahat? Nagdadalantao na ang mama pero hindi niyo pa rin iyon ipinagtapat sa papa na noong mga panahong iyon ay sapilitang ipinakakasal sa mama ni Ingrid. Pinagtiwalaan niya kayo. Umasa siyang sasabihin ninyo sa mama ang plano nilang pagtakas sa huling gabi bago ang itinakdang kasal nila ni Tita Antonia. Sa halip ay nilinlang niyo ang mama at pinalabas na tinakasan siya ng papa kaya napilitan siyang sumama kay David!”

“Hindi iyan totoo! Isang malaking kasinungalingan ‘yan! Magkababata kaming apat kaya alam ko ang buong pangyayari! Hindi totoong nagmamahalan ang iyong mama at si Claudio! Pero totoong anak ka niya kay Magda…dahil hinalay niya ang iyong ina!”

“Sinungaling!” Galit na galit na hinawakan nito sa magkabilang kuwelyo ng damit ang matanda.

“Iyan ang totoo, Martin. Maniwala ka! Sumumpa ang iyong ama na hindi niya sasabihin sa’yo ang totoo kapalit ng kalayaan niya sa batas. Na hindi na siya manggugulo at ang lahat ay mananatiling lihim. Kaya hindi ko alam kung anong galit mayroon siya upang ilabas ang mga ito ngayon!”

“Alam mo kung bakit? Dahil hindi siya naging masaya kahit kailan kay Tita Antonia! Buong buhay niya ay minahal niya ang mama kaya malaking galit ang nakatanim sa puso niya laban sa inyo! At ngayon, katulong niya ako sa pagkuha ng lahat ng bagay na para sa amin…”

Ngumisi muna si Martin saka nagpatuloy…

“Ang mama na buong buhay na minahal ng papa…ang hacienda na tulung – tulong ninyong binuong tatlo subalit ibinigay mo lamang sa hudas mong anak! At higit sa lahat ay ang babaeng siyang buhay ko subalit pilit ding inaangkin ng gahaman mong tagapagmana! Lahat ng iyan ay magbabalik sa amin, De Vera! Kaya magdasal ka na sa mga huling oras na ilalagi mo sa mundo!”

“Nagkakamali ka, Martin! Hayaan mo akong magpaliwanag! Walang karapatan ang iyong ama sa hacien…”

Kumilos si Martin at isang malakas na sampal ang nagpawala sa malay ng matandang bihag. Iyon lang at tila walang anuman na tumalikod ito at lumakad palayo. Isang tauhan nito ang sumalubong at nagbigay ng telepono.

“Hello, Ingrid…”

Napangunot ang noo nito at kasunod ay rumehistro doon ang galit.

“Punyeta! Hindi maaaring mangyari ‘yan! Akala ko ba’y lumpo ‘yan!”

Isang malakas na tunog ang nalikha nang ibalibag ni Martin ang telepono sa sahig. Nagpupuyos sa galit na hinarap nito ang mga tauhan saka nagbigay ng bagong utos. Subalit hindi pa man ito natatapos sa pagmamando ay umalingawngaw na ang isang sigaw na nagbubuhat sa labas ng warehouse.

Mabilis ang naging pagkilos ng kaniyang mga tauhan. Ang bawat isa ay maliksing kumilos palapit sa bawat lagusan ng bodega. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ng matinding takot sa dibdib si Martin para sa sariling kapakanan.

Nang masilip mula sa isang maliit na butas ang mga taong isa – isang tumatakbo palapit sa bodega ay agad niyang pinaputukan ng baril ang mga iyon. Walang buhay na bumagsak sa lupa ang mga katawan nito.

Isang mahaba at nakatutulig na palitan ng putok ang namayani sa paligid. Nang makitang nag – iisa na siya ay lalo nang kinain ng takot si Martin. Nanginginig na hinawakan niya nang  mahigpit ang hawak na baril at itinutok iyon sa pintuan ng bodega.

Nagliwanag ang kaniyang mukha nang makita ang gumagapang na bihag sa sahig. Agad niyang tinakbo iyon at maliksing itinayo upang ipamprotekta sa sarili. Kasabay niyon ay ang pagbalibag ng pintuan ng warehouse.

“Sumuko ka na Montes!”sigaw ng isang pulis habang papalapit. Sa likod nito ay ang tatlo pang mga kasama.

“Nababaliw ka ba! Kung susuko ako ay malamig na rehas ang kahahantungan ko! Mas mabuti pa sa akin ang mamatay kasama ng matandang ito!” Isang malakas na putok ang bumasag sa katahimikan ng paligid. At kasabay noon ay ang pagbagsak ng katawan ni Martin sa malamig na baldosa ng bodega.

Nanginginig sa takot ang matandang bihag habang papalapit dito ang lalaking tagapagligtas.

“M – maraming salamat…Isa kang tunay na kaibigan ng aking anak…”

Isang tapik sa balikat ng matandang De Vera ang naging tugon ni Mundo. Kasabay ng pag – aalis nito ng gapos ng matanda ay ang alingawngaw ng ambulansiyang paparating.

“ATE, BILISAN mo naman!”

“Naku Jeda ha, sinabi ko na sa’yo na hindi ko gustong lumabas ngayon! Ang kulit mo!” Kasalukuyan silang naglalakad ni Jeda sa buhanginan ng beach na pagdarausan ng kasal ng kliyente. Nakakainggit naman ang Baby na iyon dahil matutupad sa buhay nito ang kasal ni pinakamimithi niya.

“Hindi nga pwede, Ate! Personal ka pang ini-request ni Ms. Baby kaya dapat nga ay flattered ka! Wala yatang tiwala sa’kin ang kliyenteng iyon at kahit sinabi kong kaya ko ay gusto pa rin niyang ikaw ang mag – ayos ng kasal niya!” sabi nito habang hawak ang laylayan ng suot nitong malong.

“Ang sabihin mo, gusto mo lang akong inggitin sa kasal na ‘yan! Aminin mo!”

“At paano ka namang maiinggit sa hitsura mong ‘yan? Aba’y napakaseksi mong tingnan sa Hawaiian dress na ‘yan, Ate!” Itinuro pa nito ang suot niyang manipis na pinaghalong light green at puti.

“Ikaw ang nagbigay nito ‘diba! Ang sabi mo ay personal request din ng Ms. Baby na ‘yan nang malamang pangarap ko ang summer beach wedding niya! Hindi ba napakarami naman yatang requests ng customer na ‘yan, Jeda?” Humalakhak lang si Jeda sa tanong na iyon.

Nang sa wakas at marating ang paligid ay namangha siya sa nakikita. Mula sa gilid ng tila kuwebang lagusan ay matutunghayan ang isang mesang pabilog kung saan mga tauhan niya ang naroon. Ang bawat bisitang dumarating ay inaabutan ng mga ito ng katutubong kuwintas at tsinelas. Ang mga babae ay pawang mga nakaputi ng damit at ang mga lalaki naman ay nakasuot ng manipis na Hawaiian polo shirts at short na may Hawaiian designs din.

Kayganda palang tanawin mula sa malayo ng mga bisitang nakaputi. Ang elevated flatform na siyang pagdarausan ng kasal ay nakahanda na rin at naliligiran ng iba’t – ibang laki ng puting rosas. Saan mang panig ay makikita ang mga puting rosas at humakalimuyak din ang amoy ng imported na bulaklak na iyon. Ang nakatunghay na araw ay tila nagsasayaw sa paningin niya. Perfect! Gumaan ang pakiramdam niya at bigla ay naging proud siya kay Jeda. Nang batiin niya ito ay simpleng ngiti lang ang itinugon nito na ikinataas ng kilay niya.

Isa lang ang labis na ipinagtaka niya. Ngayon lang siya nakakita ng isang kasal kung saan nakasuot ng maskara ang mga bisita. Bahagi rin iyon ng pakulo ni Jeda?

“Nasaan na ang bride?” tanong niya. Luminga siya sa paligid at hindi niya makita ang mga ikakasal. Bahagya siyang naalarma. Tatlumpung minuto na lamang at magsisimula na ang seremonya at kailangan na nilang magmadali.

Walang anu – ano ay naglabasan mula sa kung saan ang isang grupo ng mang – aawit. Agad na pumwesto ang mga ito at sa saliw ng napakalamyos na himig ng ay isa – isang lumabas mula sa pinagkukublihan ang isang grupo ng kababaihan at kalalakihan na animo’y mga abay. Ang bawat lalaking nanggagaling sa kanang panig ng tila kuwebang bato ay inaabutan ng puting rosas ng kaniyang mga tauhan. Mula naman sa kaliwang panig ay isa – isang lumalabas ang mga babae at sa pinakasentro na nagsisilbing aisle ay magsasalubong ang bawat pares kung saan ang hawak na rosas ng lalaki ay iaabot sa abay na babae.

Napatanga siya habang pinanonood ang processional. Napakaganda subalit – bakit wala ang groom?

Bigla ay napatda siya habang papalapit ang mga ito. Lahat ng naglalakad sa saliw ng himig pangkasal ay pamilyar sa kaniya subalit ni isa ay walang tumitingin sa kaniyang kinaroroonan. Matinding kaba at pagtataka ang bumalot sa kaniya.

Sumunod sa hanay na iyon ay ang dalawang pares ng mag – asawang kilalang – kilala niya. Isang ngiti ang ipinukol sa kaniya ng mga magulang. Kahit batid na niya kung sino ang kasunod na makikita ay tila hindi pa rin siya makapaniwala. Nang luminga siya ay nagkaroon na ng mukha ang bawat bisita – ang kaniyang mga kaibigan, mga dating kaklase, at pamilya. Bigla ay bumaha ang realisasyon sa isipan niya.

At nang muling lumingon sa hanay ng mga tao ay namangha siya. Bumilis ang tibok ng puso niya habang papalapit ang napakakisig na si Radge. Ang suot nitong pang – itaas na manipis na Hawaiian polo ay nakabukas sa harapan at ang suot nitong maile lei sa leeg ay bumagay sa malapad nitong dibdib. Subalit sa kabila ng nadarama ay sumingit ang poot doon. Bigla ay naalala niya kung paano siya ipinagtabuyan ni Ingrid at tinalikuran ni Radge…bagay na nagpangyari upang mabilis na kumilos ang kaniyang mga paa at tumakbo papalayo upang takasan ang eksenang iyon.

“Trixia!” Lumulubog sa buhangin ang kaniyang mga paa subalit hindi niya iyon alintana. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar na iyon. Kailangan niyang iligtas ang sarili  mula sa paulit – ulit na pananakit ng lalaking nag – iisa sa puso niya. Nang abutan ay niyakap siya ng lalaki. Pilit siyang kumawala sa pagkakayapos nito at sa gitna ng saliw ng malamyos na awitin ay sumigaw siya nang ubod lakas.

“Can somebody tell me what’s going on here?!”

Natahimik ang lahat habang nakamasid sa kanila.

“Trix, magpapaliwanag ako…”mahinahon ang tinig ni Radge subalit hindi iyon sapat upang mapawi ang ngitngit na nadarama niya.

“Hindi na kita ibig pang makita…Kung inaakala mong muli mo akong malilinlang sa ganitong paraan ay nagkakamali ka!” mariing tugon niya.

“Alam kong wala na akong sasabihing paniniwalaan mo kaya minabuti ko itong sabihin sa harap ng mga taong naririto…sa harap ng mga taong mahalaga sa’yo…”

“Tama na! Ayoko nang marinig pa ang anumang sasabihin mo! Tama na ang dalawang beses na pinaglaruan mo ako…dahil hindi ko na kakayanin pa ang ikatlo!” basag ang tinig niya. Hindi na niya alintana ang mga tao sa paligid. Sa isip ay ang pagdaramdam na saksi pa ang mga ito sa mga sakit ng kalooban niya.

“Baby, you listen!”

“Stop calling me baby! Hindi ako bata so stop treating me like one!”

“Kung mahal mo ako ay magtitiwala ka…maniniwala ka…”

“Tama na! Ayoko nang marinig ang mga kasinungalingan mo!”

“Mahal kita! Maniwala ka dahil ‘yan ang totoo!”

“Sinungaling!”

“Trix, mahal kita! Will you please try to listen!”

“Shut up!” Nabigla siya nang walang anu – ano’y sakupin ni Radge ang kaniyang mga labi. Pinilit niyang kumawala subalit tila wala siyang lakas upang gawin iyon. Maging ang sarili ay ipinagkanulo na siya sa pananabik na nadarama sa lalaking kaharap.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay namalayan niyang nakakulong ang kaniyang mukha sa mga palad ni Radge.

“Open your heart and try to listen, baby…mahal kita! Walang oras o kahit minutong hindi kita inisip! Mahal kita kaya mas pinili kong magalit ka kaysa tuluyan kang mawala sa akin! Naiintindihan mo ba? Ang mga rosas…ang mga taong naririto…ang lahat ng mga ito’y para sa’yo dahil mahal kita!” malakas ang tinig na sabi nito. Kung titingin lamang sila sa paligid ay makikita nila ang pagluha ng mga taong naroon.

Nang lumuhod si Radge at yumakap sa kaniya ay nabuwag ang pundasyon ng galit niya sa dibdib. Sa halip na sumagot ay iyak ang naging tugon niya. Ano pa bang patunay ang kailangan niya? Heto at nakaluhod sa kaniyang harapan ang lalaking akala niya’y sa panaginip na lamang niya mamahalin.

Hindi na niya kailangan ang magtanong. Sapat na si Radge. Sapat nang narito ang lalaking kaniyang minamahal at magiting na nag – aalay ng pag – ibig sa harap ng lahat ng taong naroroon.

“ Ilang beses mo na ‘kong sinaktan pero paulit – ulit kitang minamahal…Oh Radge, I so hate you! At kahit gaano kasakit ang magmahal sa isang tulad mo, paulit – ulit yata akong susugal…”

Nang muling angkinin ni Radge ang kaniyang mga labi ay napayakap na rin siya dito. Tila ba sa simpleng halik na iyon ay lumipad ang mga agam – agam niya. Ang lahat ng tanong ay napawi na sa kaniyang isipan. Wala ng ibang mahalaga kundi ang makasama nang tuluyan ang binatang minamahal.

“Only God knows how much I wanted to kiss you like this…crush you in my arms and never let you go…but baby…we need to get married before the sun sets.” Bulong nito na nagpangiti sa kaniya. Lumapit si Jeda at iniabot kay Radge ang Haku lei na puno ng mga puting orkidyas at tuluyan na siyang napaiyak nang isuot nito iyon sa kaniyang ulo.

Mahal niya si Radge at handa siyang muli ay magtiwala rito. Panghahawakan niya ang pag – ibig na iniluluhog nito dahil sa pagkakataong iyon, saksi na ang Diyos at ang mga taong mahal niya sa pag – ibig na iniaalay ng binata. Wala na siyang mahihiling pa.

Nang sa wakas ay ibigay ng pari ang basbas ng pag – iisang dibdib nila ni Radge ay nagpalakpakan ang lahat ng naroon. Wala namang kapantay ang ligayang nadarama niya.

EPILOGUE : TRUE LOVE HAPPENS…

It was their very first night to sleep together as married couples. At ang kaba ay hindi maalis – alis sa kaniyang dibdib. Tapos na ang kasal at ang mga bisita ay nasa kani – kaniya na ring kubong sadyang nakalaan para sa mga ito.

Nang ilahad ni Radge ang bawat pangyayari ay hindi niya maiwasan ang mamangha, magalit at mahabag sa asawa.

Nang araw na naaksidente si Radge ay pinuntahan ito ni Ingrid. Doon ay ipinagtapat ni Radge  dito ang lahat – lahat mula sa simula kung paano sila nagkakilala hanggang magkahiwalay ang kanilang mga landas. Subalit hindi ito basta pumayag na ganoon lang kadaling matatapos ang lahat sa kanila ni Radge kaya naman nang umalisang binata sakay ng kotse ay sumunod pa rin ito.

Tumawag ito kay Radge habang kapwa sila nagmamaneho patungo sa lugar kung saan naroon si Trixia. Sinubukan ni Ingrid na sabihin kay Radge na walang preno ang sasakyang dala nito sa kagagawan na rin ni Martin subalit huli na ang lahat at naganap na ang aksidente.

“Nang magkamalay ka? Hindi mo ako nakilala ‘diba? Paanong…” tanong niya habang nangingilid pa rin ang luha dala ng masakit na alaala.

“Heavens! Pwede bang hindi kita makilala? Kung sakali mang mabura ang alaala ko, makikilala ka pa rin nito…” nang itapat ni Radge ang nakaikom na palad sa dibdib ay napangiti siya.

“…nang magkamalay ako ay si papa ang una kong nabungaran. And right there and then, he told me what’s going on…Ang hayup na Claudio ay matagal na palang nagbabanta kay papa.Nabuhay si papa sa takot na kamkamin ng ama ni Ingrid ang mga negosyong pinaghirapan nila ni Tito David – ang ama ni Martin.…”

“Pero bakit? Bakit gagawin ng papa ni Ingrid iyon?”

“May isang lihim silang magkakaibigan na dinala ni Tito David hanggang sa hukay. Ang lihim na iyon ay ang pagkatao ni Martin. Nang naging ganid si Tito Claudio at ninais nitong kamkamin ang hacienda na pinaghirapan nilang tatlo, doon nagsimula ang mga problema. Bagaman kaisa siya sa pagpapaunlad nito ay kabi – kabila ang iniwan niyang utang ng hacienda kaya naman ng magsagawa sila ng financial report ng lahat ng assets ay lumitaw na wala nang karapatan ang papa ni Ingrid sa negosyo. Nagalit si Tito Claudio at pinagbintangan ng kung anu – ano ang papa. Nang kausapin siya ng papa ay puro panunumbat ang sinabi nito. At diumano ay manunumbalik lang ang pagkakaibigan nila kung…  ”

“kung…?”

“…kung pakakasalan ko si Ingrid.”

“Pero bakit? Ano ang kinalaman noon?”

“Ang sabi ng tusong si Claudio ay upang manatili lamang ang pagkakaibigan hanggang sa mga susunod pang salinlahi but the man was a devil! He knew eversince that the property was already transferred to my name. I even bought the rights of Tito David from Tita Magda. But using his very own daughter, Lacerna planned everything for his own good. Inamin ng isang tauhan ni Claudio kay Mundo na kung makasal kami ni Ingrid ay ako naman ang isusunod niyang ipapapatay upang sa gayon ay walang kahirap – hirap niyang makuha ang hacienda. Very clever, isn’t it?”

Napailing siya nang marinig ang paglalahad ng asawa.

“Kaya nang malaman nilang may namamagitan sa atin ay agad silang kumilos. Nang magbalik ang malay ko ay naroon si papa at ang gahamang Lacerna ay agad na isinakatuparan ang maitim na balak nito! Hindi ka ba nagtaka na hindi ka pinapasok ng mga doktor nang magkamalay ako? Ang lahat ng tauhan sa ospital ay binayaran ni Lacerna at noon din ay inutusan nila akong itatwa ka. Noon una ay hindi ako sumang – ayon sa ibig nila pero nang malaman kong ang aking silid maging ang boutique mo at bahay ko ay may mga camera bugs, wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod…They threatened to kill you if I won’t marry Ingrid and you just can’t imagine how I was torn into pieces thinking that you will be hurt…”

Napasinghap siya sa isiping ang bawat pangyayari pala sa loob ng kaniyang boutique ay gwardyado.

“Pero…bakit si Martin? Bakit pati siya ay nakasali sa sigalot na ito?”

“Dahil hindi lang niya basta pinsan si Ingrid! Si Martin ang bunga ng panghahalay ni Lacerna kay Tita Magda! At gagawin ni Martin ang lahat kilalanin lang siya ng tunay niyang ama! At bahagi niyon ay ang masamang balak nila laban sa’yo at kay papa…”

“Oh my God…” nanlumo siya sa narinig.

“Nagsimulang manganib ang buhay mo nang malaman ng magkapatid ang tungkol sa’tin kaya mas pinili kong talikuran ka…masyado silang ganid sa kapangyarihan at pera…at ang ibig nila ay taglayin ni Ingrid nang tuluyan ang pangalan ko.”

Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy.

“Isa pa ay wala akong magawa. Nawalan ng pandama ang ibabang bahagi ng aking katawan. Naging imbalido ako noon kaya labag man sa aking kalooban ay napilitan akong sumunod sa gusto nila. I agreed to marry her but in one condition…kailangang maibalik ko muna ang sarili ko sa normal bago ‘yon kaya lumipad kami patungong Australia para sa mga operasyon…bagay na pabor sa akin at bahagi ng aking mga plano…

Nahahabag na napatingin siya sa maamong mukha ni Radge. Hindi niya lubos na maisip na nangyari ang lahat ng iyon.

“Doon ay nakakulong ako. Walang telepono. Walang kahit ano. Lahat ay nakadepende kay Ingrid and it was like hell. Ang isiping narito ka at nanganganib ay bagay na hindi magpatulog sa akin…”

Hinagkan niya ito sa labi bago muling tinunghayan ang mukha nito.

“Narinig ko si Martin. May kausap siya sa telepono ng araw na dapat ay magkikita kami. May pinapapatay siya at binanggit niya ang pangalan ko…I was so scared…”

“Same day when I called you. Nasa ospital ako noon at nang marinig ko ang pangalan mo habang kausap ni Ingrid si Martin sa telepono ay gumawa ako ng paraan upang makapagkubli kay Ingrid at matawagan ka. Salamat sa physical therapist na siyang kinasabwat ko upang lihim akong ibili ng cellphone na nakatulong ng malaki upang maisakatuparan ang aking mga plano.

“Ang taong tumulong sa akin ng gabing iyon…bahagi rin ba siya ng plano?” aniya.

“It was Mundo, a friend of mine who used to be a detective agent. I was able to call him before I talk to you. Alam ko kung nasaan kayo dahil sa narinig kong usapan ng magkapatid. Pero pinakiusapan ko siyang huwag magsasabi ng kahit ano para na rin sa kaligtasan mo.”

“Kaya pala…he was really weird that time…”

“He really is…But I owe everything to that brute. He was the one who handled everything here. Siya ang kumilos upang malaman kung saan naroon si papa at ligtas nila itong nabawi mula sa mga kamay ng mag – ama. Ngayon ay pagdurusahan nilang mag – ama ang mga nagawa nila.  Si Ingrid naman na naiwan sa Australia ay nangakong hindi na uuwi pa ng bansa kapalit ng kaniyang kalayaan. ”

“I am just glad everything is over. Your mom was right. May awa ang Diyos. At kung totoo ang pag – ibig natin sa isa’t – isa, magtatagpo tayong muli upang ipagpatuloy iyon…”

“And we truly found each other despite everything, baby.”

“How about the wedding? How did it happen?” bigla ay naitanong niya.

“Dalawang beses kong tinawagan si Jeda noon upang iayos ang kasal. What were you thinking huh? It was for Ingrid? No way. The moment I saw you, alam ko sa sarili kong hindi ko na hahayaang magkalayo pa tayo.”

“Para sa akin ang kasal na tinutukoy mo noon?”

“Yes, my beloved. Gusto ko sana ay ikaw mismo ang mag – ayos para personal mong maisagawa ang lahat ng gusto mo pero dahil sa mga nangyari ay naiba ang mga plano. Thanks to Jeda for doing the favor. I used to call her twice a week to check on you and of course to make sure everything for the wedding is set.” nakangiti ang mga mata ni Radge at nangungusap habang sinasabi iyon.”

“Paano mo naman nasigurong magpapakasal ako sa’yo? Maayos ang pagsasama namin ni Martin until you came.” wika niya.

“I never thought for a second that you will refuse me, baby. Alam kong pakakasalan mo ako anuman ang mangyari.”

“Aren’t we being conceited here?” nangingiting wika niya.

“Stating facts is not a conceit.” kinabig siya ni Radge and planted kiss on her neck.

“Totoo na ba ang lahat ng ‘yan?”

“Maniwala ka dahil ang lahat ng ito ay totoo. Walong taon kong pinarusahan ang sarili ko sa nagawa kong pananakit sa’yo. Wala akong ginawa kung hindi ang mag – aral nang mag – aral at nang makatapos naman ay walang humpay na trabaho. Sa isip ko ay muli tayong magkikita sa tamang panahon. Hahanapin kita at maipagmamalaki ko nang inayos ko na ang  buhay ko…hindi na ako ang bad boy na kilala mo…ang lahat ay binago ko para sa’yo… Kung hindi pag – ibig ang tawag roon, sabihin mo sa’kin kung ano…”

Sa halip na sumagot ay inilapit niya ang mukha sa asawa. She kissed him all around his face.

“I love you so much, Radge…”

“At mahal na mahal din kita. Ikaw ang buhay ko, Trixia.”

Nang maramdaman ang paglilikot ng kamay ni Radge sa kaniyang basal na katawan ay masuyo niyang tiningnan ang asawa. Ang kapanatagan ay nasa mga mata nito at alam niyang hindi siya nagkamali sa ginawang desisyon.

“Honey, we have a lifetime to do it…” aniyang kunwari ay inaantok na.

“Yes, I know…but I want to do it though…now…” tugon nito na hindi mapigil sa ginagawa.

“Can’t we sleep?” kunwa ay pagod na tanong niya.

“Sure…I’ll let you sleep after this…”

Napatili siya sa sumunod na ginawa ni Radge. At sigurado siyang hindi na siya makakatulog pa.

Anong damdamin pa ba ang hihigit sa pag – ibig? Wala na marahil. Ang pag – ibig ang ugat ng lahat. Ang dahilan ng lahat. Kaya nitong magbata ng anumang pasakit at hilahil kung ito’y sadyang totoo. Walang balakid na hindi malalampasan ng wagas na pag – ibig at mapalad ang sinumang nakasusumpong nito.

W        A         K        A        S

Mga giliw kong mambabasa,

Isang paumanhin sa nakaraang huling kabanata ng kuwentong ito. God knows how much I wanted to  improve my writing everytime I write a new story but time did not permit me to do so. Nakapangako po ako na sa araw na iyon ay ilalabas ko ang huling kabanata ng kuwento kaya bagaman may ilan akong agam – agam ay pikit mata kong inilathala ang kuwento.

Una, hindi ko na maisusulat pa kung ipagpapaliban ang huling yugto nang nagdaang lingo dahil sa nakabimbing kong mga gawain.

Pangalawa, ang word count po ng isang kabanata ay dapat na maglaro lamang sa 2400 words subalit ang isa pong ito ay umabot sa 6 236 at ayoko na kayong paghintayin pa sa ending ng kuwento kaya pinili kong isulat sa pinakamaikling paraan ang katapusan nito.

Pangatlo, hindi po ito ang orihinal na huling kabanata ng kuwento. Naisipan ko pong sa unang pagkakaton ay lumikha ng isang kuwentong pag – ibig na kikiliti at aantig ng damdamin ng mga mambabasa at iyan ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang malungkot na katapusan sa kuwento.

Gayunpaman,  dahil sa mainit na pagtanggap ng mga mambabasang gaya niyo sa bawat kabanata ng kuwentong ito, napagdesisyunan kong baguhin ang huling kabanata na sana’y maunawaan ninyong hindi madali para sa akin.

And because I accepted my fault, I felt the urge to write an uncut version of the said story. I just hope this time, it will be more worthy of your wait and time.


‘Til then,

Yesha Lee

 

40 Comments »

  • glory2me said:

    ang ganda….

    grabeh ate yesha… worth it…

    grabeh… 2x me napaiyak ng bad boy na 2 ahh..

  • empresz23 said:

    oh…gasped.

  • empresz23 said:

    dyan nanaman name ni mundo, gosh..kakakilig

  • yham said:

    ai…uncut..hmm…ok lng …till next time

  • yham said:

    bkit po gnun… huhuhuh…so touchable…naiiyak ako…hmmm….when it will end,.,..i dont want to happen this to ;me….sna wlang masyadong hassle.. i cant stop,,to cry…huhuh

  • eunsleepwalker said:

    haha:) cool ♥

  • bunso said:

    yeah……….love rules

  • sjyo_0208 said:

    mare… khit ilang beses ko basahin, ganon din un iyak ko.. hehhehe.. ganda.. sarap ng ganon noh..ung kasal mo khit di ikaw ang ngplan matutupad.. hayy.. fafa radge. kainlove ka talaga…
    c fafa mundo.. grabe galing ah.. dmi nya natulungan…. labyu mare.. ingat..mwahhh

  • muziclover said:

    maganda puu un s2ry!…sobra!!!…
    uhm…subrang ok po talaga ng ending!…
    hehe…..
    sana pu wag kaung gumawa ng kwento n sad ang ending,,,
    sana puro happy ending pu lahat,,..hehe…
    kakainspire pu kxe!…
    xalamat pu s pAgsusulat!

  • gwapay said:

    thumbs up! Ganda ng st0ry. Kkaiyak dn.keep it up.

  • gonnycho said:

    okay lang po iyon. thank you po. good luck pa po sa iba niyo pang mga storya.

  • khenjo said:

    Ms. Yesha ang ganda po.. sobra..,…

  • royshii00 said:

    sugoii.!!:)
    Yesha: thank u po :)

  • emji_sanjin said:

    an’ganda:)

  • tricxie said:

    thank u so much yessa,,,,, it was d best ever story…. it’s very touch one.

  • ann_kerstie said:

    soooooooo beutiful

  • lewdhater said:

    Wee. Ang ganda ng story… :”>
    Hayy.. How sad. Wla na akong mabasa dahil nabasa ko na lahat. :) )
    Ah basta. Kakileeeg tlga. XD

  • crizia32 said:

    so inspiring … ngkaroon ako ng dagdag pag-asa to hold on for my man. Hihiramin ko ang quote ni yesha lee and will put it it my heart ……”True love happens, If your love is real, you will get to find each other the moment you least expect it…despite the distance…the hardships and pains…Naniniwala akong may hangganan ang lahat…May awa ang Diyos…”

    To you Yesha thank you so much, your story is very inspiring and helpful at sa puso ko alam ko di lamang umiikot dito ang ganitong klase ng kwentong pagibig bagkus ganundin sa realidad ng buhay kagaya ko patuloy na lumalaban at naniniwala sa ngalan ng pagibig.

    Yesha: I’m glad na naka-relate ka sa kuwento :)

    Masarap mgmahal…masarap panghawakan ang pangako ng isang pag – ibig…pero kaakibat niyon ay ang pagtitiis at pagharap sa lahat ng pagsubok na hahamon sa inyong wagas na damdamin sa isa’t – isa…

    Goodluck! ;-)

  • crizia32 said:

    true ka dyan yesha..i have too many words in my mind and in my heart but cant find words to write it down..im fulll of emotions after ko sabayan ang bawat kilig, sakit, iyak, sakripisyo at pagasa ni Radge at Trix….

    ang alam ko lang kabuang kaloka at kawindang ang magmahal ng tunay :D and my heart chooses to stay.

    thanks for the goodluck and for reaching out.

    keep it up!

    Yesha: You caught me there girl *wink* and I quote “…my heart chooses to stay…”

    Iba tlga ang lines ‘pag real life ang love story…may PUSO! :) Take care!

  • mz.lynnie14 said:

    una ko po itong comment sa lahat ng nabasa kong stories, and it is not because the others were not well constructed or pangit, kundi dahil sa lahat ng nabasa ko.. dito po sa story ninyo ako higit na humanga! it is a piece that will keep u readin, a prefect page turner!
    ang galing po ng imagination nyo miss yesha! more powers to u and please continue on delivering inspiring stories! thank you for your tym and for giving everyone a privelege to read such inspiring stories! :)

    Yesha: maraming salamat sa’yo, Lynnie :)

  • crizia32 said:

    @Yesha: You caught me there girl *wink* and I quote “…my heart chooses to stay…”

    Iba tlga ang lines ‘pag real life ang love story…may PUSO! :)

    —–

    yan ang nagagawa ng hiwaga ng pagibig! :D ang lalim : )

    its the language of love …. love speaks from the heart and when it does it comes out naturally the least u expected it :D

    Yesha: Korek! I agree :)

  • eycee said:

    hi ate yesha.
    well wala naman akong masasabi na naiiba sa mga nasabi nila.
    very well done! napaka ganda nung story and you just can’t wait to read till the end :-)
    more power and more stories to come sana! :-)
    congratulations ate!
    ciao!
    Anna

  • ramona_engo@yahoo.com said:

    ang galing. wala po me masabi! telenobela ba ito. ang galing. parang pelikula ang nabasa na napanood ko sa imahinasyon ko ang bawat pangyayari ng kanabata.

  • aubresh said:

    oh my, oh my, oh my golly……… im so speechless…..

    iba tlga ang talents mg mga pinoy….

    I really love the story… prang ky sarap mranasan ang gnyan.. too good to be true…

    I really adore such talent,, thank you for sharing it with us..
    it made me reAllize that things could really happen at the right time, in the right place and with the right person…
    and life could sometimes be like fairy tails.. please wake me up im daydreaming..hekhekhek…..

    i dont have more things to say…,now, all i want is to do is to stand up together with the readers who were inspired by this story and give you a STANDING OVATION…karapatdapat kang i.clap2x..hehe

    more power,, hope i cud read more of your works…
    Yesha: waaahh, upo kn Aubresh kasi naiiyak na ko jujuju…salamat po!

  • camille said:

    ahmmm.. mgnda po ung ending pero pwd ninyo po ba ilathala dito ung totoong ending kahit said story po ung ending plzzzz………. gusto ko po malaman kung ano tlga nang yari sa kanilang pag iibigan,,,
    Yesha: Camille, sa original outline ko, magkkaron ng brain cancer si Radge and will eventually die but Trix will still marry him even he’s inside his coffin. Kung mppansin niyo ang part na naalala niya si Trix hbang minamasahe xa back in HS, un ang gusto kong ipunto rito. But I changed my mind thinking that I would break the heart of the readers. Another thing, sa pagsulat pa lang ay naiiyak na rin ako kaya hindi ko na rin natapos ang ending na ‘yun. Lalo ang part na nag I Do si Trix sa ceremony ng kasal. Gosh, can u imagine the scene? jujuju…Thanks na din at hindi ko iyon naituloy :)
    Regarding the previous ending that’s now in private mode, it’s actually the same ending only that some scenes were inserted. Thanks for reading!

  • etivac10 said:

    similar sa lovelife namin ng babes ko… after 7 long yeras nagkita ulit kami sa isang kasalan at doon ulit nagsimula ang lahat.

    10 years na rin kami married at napapatawa na lang kami kapag napag uusapan namin ang nakalipas.

    napakaganda kwento at natutuwa ako nabasa ko ito.

    marami pong salamat.

    God Bless You.

    Lito aka etivac10

  • blue_xyryx said:

    galing nyo magsulat ….
    maraming salamat po sa story nakakaantig ng damdamin…

    sana marami pa po kau isulat na kwento…. susubaybayan po namin …
    thank you po ulit…

  • azyal said:

    gAnda nG enDing Ah…..dApAt kAng e.cLap2 miSs yeshA…ahEhEhE…

  • phoebi said:

    weeeeeeh!!!! i so lurv it!
    goooood work!
    more powers ms. yesha!

  • hana said:

    i’m really glad dat i found dis site.

    gnda ng story hehe.,.,(thumbs up!!!!!)

    :)

  • krizia said:

    sa wakas nabasa ko rin ang ending ng badboy..grabe,miss yesha akala ko naligaw aq ng story dhil ky mundo,ehehe!ang ganda2,miss yesha..galing2 mong writer pra ka ng cna martha cecilia at loreta baltazar sa pagsusulat..makapigil hininga 2ng ending buti tlg hndi aq nahimatay kc pinigil q tlg hininga q sa pagbabasa…lahat ng sinulat mo mgaganda tlg…galing mo tlg,idol…thank you and takecare,miss yesha.. *palakpakan* CONGRATULATIONS!!! *WINK*

  • jenny09 said:

    perfect!!!!!^^

  • misszhyrin said:

    very nice story:) nobody is perfect..but atleast mganda ung kinalabasan..thnx

  • fighting_angel22@yahoo.com said:

    nice story!

  • veppy said:

    ganda ng story!! i have d talent gurl!!

  • veppy said:

    ganda ng story!!

  • nonta said:

    wow! whoa.

  • kanamegirl05 said:

    =hi yesha. dun po sa nireply nyo ki camille about sa real story. so dun sa original story namatay si radge at piankasalan pa rin ni trix?
    =hay sana kahit sad ending magkaron ako ng chance na mabasa ung original story ung talagang buong buo, kahit sobrang haba at abutin ako ng ilang months babasahin ko pa rin. kaso hindi nyo pu ba tinapos?
    =dun po sa dinidescribe nyong papasok si radge na nakahawaian polo na nakabukas ang harap ng polo naimagine ko pong talaga xa ung sobrang gwapo, ang hot ng dating basta kakakilig ung itsura nya dun kahit sa isip ko lang nakikita. hehe nice story:))
    Yesha: sowee po…dinelete ko n ang part na ‘yun, nkkaiyak lng pag sau nangyari kaya wag n lng hehe…thanks thanks :)

  • kanamegirl05 said:

    nung kasal pu ba ni trix and radge nandun ung family ni trix? thanks.:)

  • jayselle17 said:

    wow…super duper ganda ng kwento…taas noo po akong humahanga sa lahat ng writers ng TOP…ang gagaling niyo poh!!!

    and again ANG GANDA GANDA!!!

    more power poh ate yesha..

    (hehehe uuii..nakiki-ate..hehehe)

Leave your response!

You must be logged in to post a comment.