CHAPTER 13. What if Love is not Enough?

NAKIKITA niya si Radge at kaykisig nito habang lumalakad papalapit sa kaniya. Umangat ang kamay nito na animo’y inilalahad upang abutin niya. Walang pag – aatubiling inabot niya iyon subalit nagitla siya nang maglagos ang kaniyang kamay sa palad nito. Muli niya itong inabot subalit hindi niya ito magawang hawakan. Nagsimulang bumalong ang kaniyang mga luha. Nang muli niyang tingalain ang nakalahad na kamay ni Radge ay wala na iyon. Unti – unting lumayo ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong naglaho sa kaniyang paningin.
“Radge!” hindik na hindik siya habang sumisigaw.
“Ma’am…Ma’am…” mahinang tapik sa mukha ang nagpabalikwas sa kaniya.
Nang magbalik ang kaniyang diwa ay muli niyang naalala ang panaginip at muli ay napahikbi siya.
“Ma’am, saan po ba tayo pupunta? Nawalan kayo ng malay at wala naman akong mahingan ng tulong kaya…”
“N-nasaan po ba tayo?”
“Hindi pa po tayo gaanong nakalalayo sa Café na pinanggalingan ninyo. Saan po ba tayo?” tanong ng driver na may bahagyang pag – aalala sa tinig.
Nang maalala ang dahilan ng kaniyang pagsakay sa taxi na iyon ay muling sumikdo ang dibdib niya. Nang tunghayan ang relong pambisig ay lalo na siyang nanlumo.
“Manong, pakihatid po ako sa St. Martin’s Hospital. Parang awa niyo na po, bilisan natin!”
HALOS HINDI niya maihakbang ang mga paa habang naglalakad papasok sa ospital. Ibig niyang makita agad si Radge pero may kung anong pumipigil sa kaniya na magmadali itong makita. Sa likod ng isip ay natatakot siya sa posibleng nangyari sa binata.
Awtomatiko siyang naglakad patungo sa silid na kinaroroonan ni Radge. Tila iyon na ang pinakamahabang sandali sa kaniyang buhay. Kasabay ng pagbayo ng dibdib ay ang masaganang luhang naglalandas sa kaniyang mga pisngi.
Nang sa wakas ay marating ang silid na sinabi ni Ingrid ay napahinto siya. Sa labas ay naroon ang ilang taong hindi man niya kilala ay batid niyang kaanak ni Radge. Sa namumugtong mata ng mga naroon ay lalong ibayong takot ang kaniyang nadama.
Unti – unti ay kumilos ang kaniyang mga kamay upang buksan ang pintuan ng silid. Pinaghalong amoy ng gamot at bulaklak ang bumungad sa kaniya pagbukas niyon. Ilang hakbang pa ang kaniyang ginawa nang sa wakas ay tumambad ang nakahigang katawan ni Radge sa kamang nasa sulok ng silid. Nakasuot ito ng hospital gown at ang halos walang buhay nitong katawan ay nakakabitan ng napakaraming tubong hindi niya nauunawaan kung para saan. Isa lamang ang kahulugan ng mga iyon…at hindi niya iyon gustong unawain…
Hindi niya maikilos ang kaniyang mga paa sa matinding sakit na nadarama sa mga sandaling iyon. Tila ba naparalisa na nang tuluyan maging ang utak niya at walang anumang rumerehistro roon.
“Dati naman kaming masaya. We were actually planning to get married when you came. Now, look at him. Look where your stupid love brought him.” Nagbalik ang kaniyang diwa nang marinig ang tinig ni Ingrid na nasa kanang bahagi ng kama ni Radge. Hindi ito nakatingin sa kaniya at sa halip ay kay Radge ito nakatunghay.
Wala siyang naitugon dito. Ano nga ba ang maaari niyang isagot? Na bago pa man ito ay siya ang unang babae sa buhay ni Radge? Na ayon na rin sa binata ay siya ang tunay na mahal nito? Wala siyang lakas upang magsalita at ang pakikipagpalitan ng argumento ang pinakahuling bagay na nanaisin niya sa mga oras na iyon.
“Tinawagan kita dahil sa tingin ko ay karapatan mong malaman ang lahat pero sana ay umakto ka ng normal sa harap ng mga kamag – anak ni Radge. Alam nilang hindi maglilipat taon ay ikakasal na kami at huwag mo sanang sirain ‘yun.”
Bumuka ang kaniyang mga labi upang magsalita pero walang lumabas na tinig doon. Totoo ang sinabi ni Ingrid. Masaya naman talaga ang pagsasama ng mga ito bago siya dumating. Tila siya kontrabidang umeksena sa isang pelikula at inangkin ang bidang lalaki roon. Kasabay ng guilt ay ang matinding sama ng loob sa lahat ng nangyayari.
“Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako ang narito sa tabi ni Radge at hindi ikaw? Ako ang tinawagan niya bago siya tuluyang mawalan ng malay, Trixia. And I hope that is clear to you. Mahal ako ni Radge at ang tanging dahilan na nag – uugnay sa inyo ay ang nakaraan na hindi niya nagawang takasan.”
Umangat ang tingin niya mula kay Radge patungo sa mga mata ni Ingrid.
“A – ano ang ibig mong sabihin?” sa wakas ay nagawa niyang magsalita.
“I knew everything about you and Radge. He told me what happened between the two of you even before you showed up. Nang magkita kayong muli sa kasal ni Ricci ay saka lang nagkaroon ng mukha ang mga kuwento niya, but just the same…he was just guilty for what he has done and that’s all into it. Stop dreaming, Trixia. It’s over.” Matalim ang mga matang wika nito.
Ang tinitimping hinanakit ay kumawala sa kaniyang pagpipigil. Lumapit siya sa binata at saka humagulgol nang malakas. Yumakap siya rito at tumangis na tila ba iyon na ang huling sandaling makikita niya ito.
“Radge! Radge, gumising ka! Sabihin mo ang totoo! Sabihin mong mahal mo ako please! Radge!”
Mahal siya ni Radge. Ibinubulong ng puso niyang magtiwala siya sa mga pangakong binitiwan nito.
“I love you, Trix. If moving on means forgetting everything about you, I’d rather not breathe.”
Mahal siya ni Radge. At panghahawakan niya ang gahanip na pag – asa ng pangakong iyon.
“I don’t wanna see you cry again. When you feel like crying, remind yourself that I love you.”
Mahal siya ni Radge at ipaglalaban niya ito.
Nang maramdaman ang paglapit ni Ingrid ay galit na hinarap niya ang babae.
“Huwag mong tangkaing palabasin ako sa silid na ito…lalo’t higit sa buhay ni Radge dahil hindi mo iyon magagawa! Sapat na ang mahabang panahong ipinahiram ko siya sa’yo at ngayon ay kailangan ko na siyang bawiin!”
“How dare you! You don’t own him!” histerikal na sigaw ni Ingrid.
“At hindi mo rin siya pag – aari! Hindi magiging pag – aari kahit kailan!” hinawakan niya ang kamay ni Radge bago muling nagpatuloy, “…dahil hanggang humihinga siya…habang pumipintig ang puso niya…ako lang ang babaeng mamahalin niya…” kasunod niyon ay ang mahabang pagtangis na halos ay pumugto sa kaniyang hininga.
WALA SIYANG tulog at pagod na pagod na ang kaniyang katawan pero ang lahat ng iyon ay walang halaga. Kailangang narito siya sa tabi ni Radge paggising nito. Kailangang siya ang unang mabungaran pagmulat ng mga mata nito.
Umalis si Ingrid matapos ang ilang palitan nila ng salita pero nadarama niyang simula pa lang iyon ng lahat. Mas higit niya itong dapat katakutan dahil may pagbabanta sa mga mata nito.
“Radge! My God, honey, what happened?!” ang mga dumating ay patakbong lumapit sa binatang nakahiga sa kama. Umiiyak ang babae at nakaalalay naman dito ang kasama nito. Ilang sandali rin bago ito napayapa at saka siya napansin.
“Sino ka? Ano’ng nangyari sa anak ko?” simulang tanong nito.
Sasagot sana siya nang bumukas ang pintuan ng silid at iniluwa noon ang doktor na may kasamang nurse. Halos sabay – sabay silang tatlo sa paglapit sa dumating.
“Mr. and Mrs. De Vera?” bungad ng doktor kasabay ng pag – abot sa kamay ng mag – asawa.
“Kumusta po ang lagay ng anak namin?” tanong ni Mr. De Vera.
“His vital signs are stable…but he’s in coma. I’m sorry but his head seriously hit the…”
“Oh no…no way doc! What do you mean?! Please tell me he’s okay! Mabubuhay ang anak ko hindi ba?!” histerikal na si Mrs. De Vera at siya naman ay napapikit na lamang sa mga naririnig.
Radge please…please…
“How I wish I could say that, Misis. But I don’t want to give you false hopes. It’s been two days now since the accident and he’s still not awake. Let’s just pray. Miracles do happen, anyway.” Iyon lang at tumalikod na ang doktor.
Napaupo siya sa matinding paghihirap ng loob. Milagro? Iyon na lamang ba ang pag – asang mabuhay si Radge? Doon na lamang ba niya iaasa ang lahat? Tila napakaliit ng pagitan ng buhay at kamatayan sa tingin niya. Tila ba ang bawat nilalang ay may kani – kaniyang pangalan sa isang pisara na sa oras na kunin ito ay dagli iyong mabubura. Sa ganoon lang ba magwawakas ang lahat? Ganoon na lang?
Tila kandilang nauupos ang pakiramdam niya sa sarili. Hindi niya magawa ang kumain maging ang matulog sa pagbabantay sa binata. Ibig sana niyang magpakilala sa mga magulang ni Radge subalit tila gaya niya ay wala rin sa sarili ang mga ito. Si Mrs. De Vera ay wala ring ginawa kung hindi umiyak sa bisig ng asawa. Kung hindi marahil sa pampakalma na ibinigay ng doktor ay hindi ito magagawang ilabas ng kabiyak upang saglit na makapagpahinga.
Nang mapag – isa ay hinawakan niya ang mga kamay ni Radge. Masuyo niyang pinaglandas ang tingin sa maamo nitong mukha na bagaman natutulog ay nagbabadya ng paghihirap. Ang sala – salabat na tubo na nakakabit sa katawan nito ay ang tanging pag – asang pinanghahawakan niya upang magdugtong ng buhay sa lalaking kaniyang minamahal.
“I love you, baby…” At muli ay ang pagbalong ng tila walang pagsidlan niyang luha.
“I love you so much that I couldn’t live each day without you…Sabi mo, mahal mo ‘ko. Alam mong duwag ako ‘diba…Alam mong takot akong mag – isa…You promised to love me everyday…make it happen, Radge…make it happen…” ang mahina niyang hikbi ay naging hagulgol…hanggang maging panaghoy na dalangin niyang nawa ay makaabot sa pandinig ng Maylikha.
Nasa ganoon siyang ayos nang maramdaman ang bahagyang pagpitik ng mga daliri ni Radge. Nakasilip siya ng pag – asa dahil doon. Maliksi siyang tumayo upang tumawag ng nurse sa labas ng silid. At nang muling magbalik ay tila may pagkalaki – laking kamay na dumakot sa kaniyang dibdib pagkakita sa lalaki.
“I DON’T KNOW how this happened. Hindi ko rin ito lubusang maipaliwanag. Mula sa pabago – bagong vital signs ay naging normal na iyon sa loob lamang ng ilang sandali at ngayon nga ay nagising na siya. This is indeed a miracle, Mr. and Mrs. De Vera. Radge fought for his life and he made it.” Napapikit siya nang mariin sa narinig na sinabi ng doktor.
Radge will live. Kahit isang sandali ay hindi sumagi sa isip niya na totoong mawawala ito. Hindi siya nito kayang iwan…alam niya iyon…nadarama niya iyon…
Lalapit na sana siya upang magpakita kay Radge nang biglang sumalya ang pintuan. Tuluy – tuloy si Ingrid sa paglapit sa binatang nasa higaan at walang babalang pinaghahalikan ito.
“How are you honey? You scared the hell out of me!” tila hindi nito malaman ang gagawin kung hahalikan o yayakapin ang binata. Napatda siya sa kinatatayuan. Lalo na nang lumapit pa ang mga magulang ni Radge at gawaran ng halik sa pisngi ang bagong dating. Si Radge naman ay nakangiting nakamasid dito. Hindi nito napapansin ang presensiya niya pero… hindi ba siya nito hahanapin man lamang?
Kusang kumilos ang kaniyang mga paa upang lumapit sa mga ito.
“R – Radge…” tila isang eksena sa pelikula na napigil sa hangin ang kaniyang paghinga. At ang paglingon ng lalaki ay tila ba napakatagal sa pakiramdam niya.
Nakangiti siya at inaasahan niyang iyon din ang isasalubong ni Radge sa kaniya. Subalit sa kung anong dahilan ay walang bakas ng anumang rekognisyon ang mga mata nito. Ilang sandali siya nitong tinitigan at matapos ay saka ito napangunot ng noo.
“Yes, Miss?” wika nito na dagling nagpangiti kay Ingrid.
Tuluyan na siyang lumapit at hinawakan ang kamay nito.
“Baby, ako ‘to. Hindi mo ba ako nakikilala?”
Muli itong tumitig sa kaniya at tila may nakiraang lungkot sa mga mata nito bago ito muling nagsalita.
“Oh, I’m sorry… T – Trixia?”
Yumakap siya rito ng buong higpit. Akala niya ay nakalimutan na siya ng binata.
“Thank God you’re now okay! Akala ko ay tuluyan ka nang mawawala sa akin!” Patuloy siya sa pag – iyak nang naramdamang walang reaksiyon ang katawan ng kayakap. Tumingala siya buhat sa pagkakayuko rito at saka siya tumunghay sa mukha ng binata.
“Radge? S – Something wrong?”
Hindi ito sumagot. Sa halip ay inalis nito ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa palad nito at saka nito iyon pinagsalikop.
“Manhid ka ba o sadyang tanga?! Can’t you get it? Hindi ka mahal ni Radge at ako lang ang tanging babaeng pakakasalan niya! Kuha mo?!” pigil man ang lakas ng boses ni Ingrid ay tila umaalingawngaw iyon sa kaniyang pandinig.
“Ano ba ang nangyayari dito? Radge, anak, alam kong hindi ito ang tamang panahon para pag – usapan ito pero hindi ba at kamakailan lang ay nagsabi ka na sa amin ng papa mo…”
Napatingin siya kay Mrs. De Vera nang magsalita ito. Nang matiyak na maayos na ang kalagayan ng anak ay muli itong nagbalik sa normal nitong kilos. Nakuha na rin nitong alamin ang pangalan niya at natuwa itong malaman na kasintahan siya ng anak nito.
“Ma, please…Masakit ang ulo ko. Please send her out. I’ll deal with her some other time. Please send her out now.” Kulang ang salitang pagkagulat sa narinig niyang sinabi ng binata. Did he just say ‘send her out?’ Siya – na kasintahan nito at hindi si Ingrid?
“Radge, ano ba ang nangyayari? Mahal mo ako ‘diba? Nagkakaunawaan na tayo. Magkikita tau sa Café Eana pero hindi ka dumating dahil…dahil sa aksidenteng nangyari sa iyo. Now that you’re well, I’m here to take care of you.” nagsusumamong sabi niya.
“Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi niya? Get out! Get out of our lives now!” Nang hawakan siya sa braso ni Ingrid ay hinintay niyang magalit si Radge pero nanatili itong walang imik. Ipinikit pa nito ang mga mata na tila ba ayaw siyang makita man lamang. Kung hindi pa umawat ang mga magulang nito ay magpapatuloy si Ingrid sa pagtataboy sa kaniya. Hindi na niya iyon nakayanan at mabilis niyang tinahak ang landas palayo sa lugar na iyon…palayo sa lalaking minahal ng lubos subalit hindi na yata napagod sa pananakit sa kaniya.
HINDI SIYA papayag nang ganoon lang. Kung iniisip ni Ingrid na ganoon lang niya basta isusuko ang pag – ibig kay Radge ay nagkakamali ito. She’ll never get tired of doing anything just to have him back. She’ll never lose hope…not until he tells her to do so…
“Radge…” mahinang usal niya sa pangalan nito.
Nang magmulat ng mga mata si Radge ay tila takot ang unang rumehistro sa mga mata nito; matapos iyon ay ang galit.
“Ano ang ginagawa mo rito?” paanas na tanong nito.
Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya lubos na maunawaan ang kalamigan sa tinig ng binata. Nagsisimula pa lang itong magtanong ay hindi na niya makuha ang magsalita. Basta na lamang siya umiyak dahil sa matinding hinanakit sa inaakala niyang pag – ibig nito.
“Ano ang ginagawa mo sa’kin? Kailangan mo ba akong paulit – ulit na saktan? Hindi ka pa ba napapagod, Radge?” aniya. Masikip na masikip ang kaniyang paghinga.
“I’m sorry.”
Napatda siya.
“I’m sorry? Ganoon lang ba iyon? Tapos na tayo nang ganoon lang kabilis?” namamanghang tanong niya. Sana’y panaginip lang ang lahat…para hindi ganoon kahirap…hindi ganoon kasakit…
“Someday you’ll find someone that will love you more than I did. I’m so sorry, Trix.”
I did? Did he just use past tense?
“I didn’t mean it to happen. Hindi ko pinlano…hindi ko inakalang paggising ko ay…wala ka na pala dito…” patuloy na wika nito habang nakahawak sa kaliwang dibdid.
“Radge, this is impossible! I can give you time… I can give you forever if that’s what you need to realize everything…but don’t say goodbye yet…You’re killing me…” bakasakaling may pag – asa pa. Miracles do happen right?
“Radge, please. I’m begging you…Alalahanin mo ang lahat…Alalahanin mo ang mga pangako natin sa isa’t – isa…Alalahanin mong mahal mo ‘ko!” muling pagsusumamo niya.
Nang umiling nang paulit – ulit si Radge ay napalakas ang hagulgol niya. Kung mabibili lamang ang milagro ay uubusin niya ang lahat ng naipon upang magkaroon noon. Pero tila kabila pa ng imposible ang hinihingi niya…
Inipon niya ang lahat ng natitirang lakas at tinahak ang landas palabas ng silid ni Radge…palabas ng tuluyan sa buhay nito…Sa isip ay ang sumpang hindi na niya kailanman babalikan ang kabanatang iyon ng buhay niya.
Mga mahal kong mambabasa, maraming salamat po sa pagsubaybay ng kuwentong ito. Natutuwa ako na sa bawat kabanata ay nakikita ko ang reaksiyon at pagtanggap ninyo at dahil diyan ay lubos ang aking pasasalamat.
Isang kabanata (Epilogo) na lamang po ang nalalabi…sana ay muli ko kayong makasama sa huling kabanatang iyon ng buhay pag – ibig ni Radge Paolo de Vera at Trixia Destreza.
Ang inyong kaibigan sa likod ng mga titik,
Yesha
ingratang ingrid n2 ah srap sbunutan ay d pla dpat s kanya kalbohin hahah..feeling q impostor ung radge n nsa hospital.
oh my..grabe mare.. tapos kna basahin, pero hanggang ngayon dpa matapos tapos ang pagluha ko.. dko mapigil tlaga.. grabe sakit.. prang ako ang nkakaramdam ng sakit na nararamdaman ni trix….
ngkaroon sya ng amnesia, at ang naalala nya ung time na iniwan sya ni trix…
ano ba tong luha nto, di mauubos ubos. kla ko naubos nato sa i mean it.. dpa pla..
mare… thanks.. ang ganda ganda.. sobrang dalang dala me.. naalala ko kc sya ng ma coma sa accident.. pero un nga lng dna sya nagising…
congrats mare.. mwahh.. *hugs*.. labyu..
grabe..tumutulo luha ko at sipon sa chapter na to..haha
next chapter na po..
ang galing..sobra..
oh i hate radge bat sya ganun if i were trixy he snot worth it..ay nakakainis c ingrid…
i cannot wait the last chap..when is the posting…the story is very nice..best reagards mis yesha..
ang ganda talaga… aabangan ko talaga ang ending..
Yay! I love this story, Feeling ko kaya siya naaksidente dahil na rin sa kagagawan ni Ingrid at Martin. Im sure may sinabi ung magpinsan sa kanya. Di ba nga sabi niya siya kausap ni Radge bago xa naaksidente. Kawawa naman si Trix
.
kakalungkot aman …
awawa si trix… huhuhu…
haiz….kainiz tlga ung ingrid na yan…cguro may cnbi sya kay Radge pra mnlmig sya kay Trixia…ang epal mo Ingrid…..
nice story..ang gnda…sna mapost na ung nxt chapter….
halla kawawa naman si trixia..
bat ganun su radge?? nagkamnesia ba siya???
tsk tsk
naiinis tuloy ako
nku… fake nga c fafa radge,,
nyhahaha… sau na ang pangs na 2 noh.. ate nitz and kriz,,
d q xia aagawin.. pinapak q na kc ehh..
nyhahaha…
Something must have happened for Radge to act that way. Baka may threat sa buhay ni Trixia kaya he chose to sacrifice his feelings. Sana happy ang ending.
gRABE ANG LUNGKOT NAMAN NUN.. SANA MAGBALIK NA UN FEELINGS NI RADGE FOR TRIX..NEXT NA PO.
THANKS!
…..it hurts radge…its killing me…ouch!!…anong nangyari Radge?…please do remember..please….woow..!!!ang ganda ng story…I can’t wait…If I were Trixia..I don’t know if I could do the same as she did…masakit kaya yun…ano kaya nangyari noh?…weelll..BTW…Yesha..the story is good..no wonder how great you are in comes on things like this..GODSPEED!!!
“Love is not enough…you should also have the memory to remind you every single day that you have someone to love and cherish forever…..’
“when you say a promise, its not made to be broken, you should also do that RADGE”!!!!!!!!!!!!
ganda ng story tnx po..aabangan ko ang sunod na kabanata?
ayyy bakit naman naging ganon si Radge???
may nangyari siguro before kaya ganon..
kawawa nanaman si Trixia.. haaaayyyy..
grabe ang ganda…..love it…galing mo ms. yesha..more power…
bka may ngyari or may naka usap si radge baguh cla magkita ni trix kawawa nman si trix lagi nlng nasasaktan dahil sa pinag gagawa ni radge
ganda ng kwento nakaka iyak sana masundan agad tuh ganda eh
nakakaiyak naman po but ang ganda po ng story.
salamat po sana po ending na.
pls. post po ang next chapter. salamat.
awts…
huhu…sad naman…=[
alam ko na ngyre ky radge pero dko sasabihin d2 bka mglit c miss yesha,hehe!anyway,kwawa nman c trixia..grabe ka,miss yesha nahawa kna rn ky miss calla lily nagppaiyak kna rn ng readers mo..huhuhu!*tulo sipon sabay punas sa tsirt,hehe!ubos na kc tissue ko*.ang sakit2 tlg ng chapter na toh pra kina trixia at radge,sobra tlg!
ate glo,ky ate nitz c radge kc c fafa markus ang sa akin..and2 p nga sa hause ayw humiwalay sa akin..lakas ng tamasa beauty ko..nyahahha!hyaan mo ibabalik ko cmarkus syo pg sawa na ko sknya,nyahaha
Ang danda aman xobra, parang pinupunit din ang puso ko , nxt chapter pls,,,
galing m ms.yesha idol n kta ngayon
h! Idol
Wahehehe, may isang line dun na nag papatunay na fake na RADGE un!
naku, san na kaya c RAdge??? baka pinakidnap ni INGRID or MARTIN >_<!
when yung next chap? grabeeh… ending na nga yung next.. grabeeh pa rin yung twist. hihii
hai.. ano kayang nayari at mangyayari?? can’t wait na..
AY, nagkaroon ba ng temporary amnesia si Radge? before cguro siya naaccident nag-explain siya kay Ingrid by means na iiwan na niya ito at si Trix na ang pipilin pero he met an accident and she (INGRID)took advantage of the sleeping Radge in Coma. but then, nagising siya, may temporary amnesia…then, di niya naalala si Trix.. how sad naman para kay tRix & THAT she even thought that Radge really did everything in purpose cguro para paglaruan siya. ~*(if onlu tRix & Radge knew*) =(( ===> sana tama ung guest ko, dahil kapag ganon? alam ko, magkakabalikan din sila and that malalaman lang ni tRix na he suffered from amnesia. sana hindi lagyan ng tuldok ni tRix about ung sa kanila ‘pag bumalik na ala-ala ni Radge….. i want them together!!!! =((
haie.. ubos na luha ko kaiiyak sa chapt. na2 .. nadala tlga yung emotions ko grabe.. next chap. na po.pls.. swana happy ending na..
waahh tapusin mo na po nakakabitin..and sana may bago ulit story..hehhe agad agad bah…ty
ang ganda naiiyak ako:((
bka nga my threat lng kya ngact xia ng gnon..
it mins that he really loves trix ryt..
ay ang ganda ganda..
more power po
Bakit ganon? nakakalungkot naman….
nmn bitin sis kelan las post?? kakalungkot nmn lagi nlng nassktan c trix..
Yesha: Saturday po ang ending
Yesha bakit naman ganito ito..huhuhuhu. Sarap batukan tuloy ni Ingrid..kakaasar siya pati narin si Radge. hay sana happy ending ito.
*singhot* kainis ka mare kahit nabasa ko na sarap ulitin… ouchy huhuhu…
grabe di ako humihinga while reading this chapter!
ayaw kong manghula what could’ve happened before Radge had an accident and what’s in store in the last chapter; i’ll leave it to the fine author’s pen… i just hope masaya ang ending kasi sayang naman ung 8 yrs na magkalayo cla and now that they’ve found each other again eh mauuwi lang sa wla ang lahat.
kudos to yesha! this is by far my favorite novel you have ever written. keep it up!
aaah. it’s killing me. I really am waiting for the next chapter
ouch….
ouch
(
i love this part…
““At hindi mo rin siya pag – aari! Hindi magiging pag – aari kahit kailan!” hinawakan niya ang kamay ni Radge bago muling nagpatuloy, “…dahil hanggang humihinga siya…habang pumipintig ang puso niya…ako lang ang babaeng mamahalin niya…” kasunod niyon ay ang mahabang pagtangis na halos ay pumugto sa kaniyang hininga.”
like trixia,its will also kill me if Radge will leave her..
aaaahhhhhh!!!!!! i cannot breath……. bakit ganon si radge? ang sakit sakit!!!!!!!!!
ms. yesha, kelan po ang posting ng epilogue???? kakabitin po kc… tnx po….
gosh..ayan na ang kinatatakutang ending ni lola tam, sad ending
hay grabe kelan poh nxt chap? sunday poh ba? huhuhu asar c radge!!!! hmp
haizt.. kala ko p nmn ok n ang lahat s knila… yun pla may mangyari p gn2…
anu kaya susunod???
sana happy ending… *wait mode* *pout*
. salamat at na discover ko ang site nto, nndirito lng pala magaganda na storya……
nakakaloka!!!!!!!..grrrr……………. i cud reli feel the pain she is feeling……
nice one!! thumbs up!!!…
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
Sponsor Namin
Share Us!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Quick Form
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel
(C) 2008-2010 Tagalog Online Pocketbook. All Rights Reserved. | A customized Arthemia and Mimbo theme.