CHAPTER 12. Against All Odds
HULING ARAW na nila sa isla at napagkasunduan ng grupong maagang lumabas upang maligo. Tumawag si Martin at ayon dito ay magbihis siya nang maaga at susunduin siya nito.
Mula pa nang nagdaang gabi ay hindi na tumigil sa mabilis na pagpintig ang puso niya…mula nang muli ay magkaunawaan sila ng lalaki. She felt empty the very moment Radge left her. At iyon ang kinatatakutan niya. Tila siya isang nilalang na may bagong mundo. At natatakot siyang hindi masabayan ang galaw niyon.
Ang sabi ni Radge ay kausapin nila si Martin at Ingrid pero tumanggi siya. Hindi niya alam kung paanong sisimulan ang pagkausap kay Martin dahil natitiyak niyang hindi magiging madali para dito ang lahat. Natatakot siya sa maaaring gawin nito…hindi lamang para sa sarili kundi lalong higit para kay Radge.
Napapayag niya si Radge na ilihim muna ang lahat subalit kabilin – bilinan nitong hindi na niya hahayaan si Martin sa mga advances nito – bagay na sinang – ayunan naman niya. Kung siya ang masusunod ay hindi na niya ibig pang makita ang lalaki. Kahit paano naman ay may pinagsamahan sila nito at naaawa rin siya para sa binata.
Nang muling tumunog ang kaniyang cellphone ay mabilis niyang sinulyapan iyon. Halos ay dambahin niya ang gadget nang makilala ang caller.
“Hello…”
Silence…
“Hello Radge?” ulit niya.
“Good morning, baby.”
Napapikit siya pagkarinig pa lamang sa tinig nito. It was like a hymn teasing her ears and she felt like in heaven…
“Good morning…how’s your sleep?” sabik na tanong niya. Sa isip ay inilalarawan ang maamong mukha ni Radge.
“It was the most peaceful sleep I ever had. I’m glad you’re now here, babe…I’m really glad you’re home…” madamdaming wika nito sa kabilang linya na bahagyang nagpangilid sa mga luha niya.
“Don’t make me cry, baby.”
There. Nasabi na rin niya. After eight long years ay muli niyang nabigkas ang salitang iyon. And she admitted she missed calling him that way. Baby is so far, the most beautiful word to her. It implies everything. Very romantic. Very Radge.
“Please don’t. I don’t wanna see you cry again. When you feel like crying, remind yourself that I love you.”
Bakit ba ganito si Radge? Lahat ng sinasabi nito ay tumatagos sa kaibuturan ng puso niya. Hindi niya mawari kung anong klaseng emosyon ang lumulukob sa kaniya at halos ay hindi na siya makahinga.
“Thank you. I’ll always remember that.” Matapos ang ilang palitan ng mga salita ay ibinaba na niya ang cellphone. Binura niya ang call logs doon at nilagyan ng security password ang mga mensaheng galing kay Radge. Nangingiting inulit sa isip ang password na ginawa niya – mybaby.
“COME ON, HON! Let’s enjoy the clear water!” sumisigaw pa si Martin nang tila bata itong nagtatakbo sa dagat.
Napakaaliwalas ng panahon. Ang bughaw na langit ay tila nakatunghay sa kanila. Napakalinaw ng tubig at kumikislap sa sinag ng araw ang buhanging ipinagmamalaki ng isla. Napangiti siya. Tila iyon isang bagong umaga para sa kaniya. At napakagaan ng kaniyang pakiramdam.
Matapos alisin ang nakataping malong ay tumambad ang kaniyang alindog sa suot na one piece bathing suit. Floral and earthy tones mixed up to convey the artistically designed swimsuit on top of her. Iyon ang napili niya sa dalawang pampaligo na binili ni Ingrid. Simple lang ang tabas niyon at komportable ang kaniyang mga galaw. One piece lang iyon subalit bukas ang tagiliran kaya nakikita rin ang bahagi ng kaniyang baywang hanggang sa bungad ng balakang niya.
Sinadya niyang hindi siya abutan ni Martin sa loob ng silid at hindi nalingid sa kaniya ang pagsimangot nito nang makita siyang naghihintay sa labas. Hindi niya ibig na makasilip ito ng pagkakataon upang gumawa ng hakbang na hindi niya gusto kaya pinipili niya ang maging maingat.
Kanina pa naglulunoy sa tubig ang kanilang mga kasama nang dumating sila. Papalusong na siya nang matanaw buhat sa karamihan ng mga naliligo ang paparating na si Radge. Napangiti siya nang hindi sinasadya. Kahit sa gitna ng maraming tao ay makikilala mo ito. Mula sa maganda nitong pangangatawan hanggang sa napakasimpatiko nitong mukha, walang sinumang nasa matinong pag – iisip ang hindi hahanga sa angkin nitong kakisigan. Nang ngumiti ang mga mata nito ay muntik na siyang madala ng mabining agos ng tubig. Good Lord!
Nang malapit na ito ay saka niya nakita na hindi pala ito nag – iisa. He was with Ingrid that in one snap became a head turner on men. Who would not pay attention when she was almost not wearing anything at all? Ang suot nitong bikini top ay halos mapigtas na sa taglay nitong hinaharap. Ang string bikini bottom naman ay ganoon rin at halos ay wala na itong itinago pa sa mga mata ng audience nito. Hindi niya napigilan ang mapasimangot nang makitang nakayakap ito sa braso ng “kasintahan.” Kaagad ay naramdaman niya ang inis sa dibdib.
Nagulat siya at napatili nang may humila sa kaniyang binti. Kasunod noon ang malakas na pagtawa ni Martin. On instinct, sinabuyan niya ito ng tubig.
KAYGANDA ni Trixia sa suot nitong bathing suit. Hindi niya mapigil ang magpakawala ng hangin nang mapagmasdan ang kariktan ng dalaga. Ang saplot nito ay humakab nang husto sa makurba nitong katawan. Tila umiilaw din sa sikat ng araw ang porselanang kutis nito.
Napabuntong – hininga siya nang makita ang brasong pumulupot sa maliit na baywang ni Trixia. Hanggang kalian ba niya dapat tiisin ang masaktan? Mahal niya si Trixia at mahal din siya nito subalit kapwa sila walang layang ipakita iyon sa mundo.
“Honey?” untag ni Ingrid sabay yakap kay Radge mula sa likuran.
Ramdam niya ang kahubdan ng dalaga na nakadaiti sa kaniyang balat. Gayunman ay hindi tumutugon ang kaniyang katawan sa lantarang pang – aakit na iyon. Ang kaniyang buong atensiyon ay nakatuon kay Trixia. Ito lang ang mahalaga sa kaniya ngayon at sa mga susunod na araw ng buhay niya.
Nang muling lumingon sa gawi ng dalawa ay huling – huli ng kaniyang paningin ang ginawang pagyakap ni Martin kay Trixia. Naramdaman niya ang pag – iinit ng mukha at kusang kumuyom ang kaniyang mga palad sanhi niyon. Inilayo niya ang tingin sa mga ito nang biglang narinig ang pagsigaw ni Trixia. Nang lumingon siyang muli ay nagsasaboy ito ng tubig kay Martin na patuloy naman sa paghalakhak.
He could bet no good artist can paint his face at that very minute. She just swore not to entertain advances of Martin. Pero sabagay, ano ba ang inaasahan niyang makita sa dalawa? Magnobyo ito sa mga mata ng lahat kaya natural lang ang ikinikilos ng mga ito. Maging siya nga ay hayun at nakahawak pa sa kamay ni Ingrid. Bigla niyang naialis ang kamay na nakahawak dito at mabilis na sumisid palayo.
Nang lumutang siya ay muli siyang lumubog at nang pag – angat ay muling tumanaw sa kinaroroonan ni Trixia. Bagaman malayo na ay nakita niya itong nakikipagtawanan kay Martin. Kagaya niya ay papalayo na rin ang mga ito sa dalampasigan. Muli siyang lumangoy at hindi pinansin ang tumatawag na si Ingrid. Ibig niyang lunurin sa tubig ang nararamdamang galit sa dibdib. Para saan ang pagmamahal niya kay Trixia kung hindi naman niya maipagmamalaki iyon? Gaano ba siya katagal maghihintay?
Nang muling umangat ay tinanaw niya si Trixia subalit nawala na ito sa kinaroroonan. Nang hindi niya rin makita si Martin ay lalo na siyang kinain ng selos. Ano pa nga ba ang posibleng ginagawa ng mga ito sa ilalim ng tubig? Muli sana siyang lalangoy nang biglang mahagip ng tingin ang papaahon na si Martin. Luminga siya sa paligid at hinanap si Trixia subalit wala talaga ito.
Hustong nakarating na sa pampang si Martin nang dambahin niya papalangoy ang tubig. Madali niyang tinungo ang kaninang kinaroroonan ni Trixia at nang hindi makita saan mang panig ng dagat ang babae ay nagsimula nang kumabog nang malakas ang dibdib niya. Nasaan si Trixia?
Lumubog at lumitaw siya sa paglangoy subalit hindi niya ito makita. Halos mapugto na ang hininga niya sa labis na takot at sa isiping tinangay na ng agos ang katawan ng babaeng minamahal sa kung saan. Hindi niya mapapatawad ang sarili sakaling may mangyaring masama dito.
Sa muling paglangoy ay may naaninag siyang isang katawang tila nakalutang sa ilalim ng tubig. Hindi man niya natatanaw nang husto ay nararamdaman niyang si Trixia iyon. Madali niyang nilangoy ang halos sampung metrong layo ng babae at nang mahawakan niya ang katawan nito ay ramdam niya ang malakas na pagsikad ng kung ano sa kaniyang dibdib.
Habol niya ang hininga nang marating ang pampang. Inilapag niya ang katawan ni Trixia sa umiilaw na buhanginan at pinagpala ito. Madali niyang iginawad ang mouth to mouth resuscitation sa dalaga. Malakas ang pulso nito kaya hindi na niya kinailangan ang pagbibigay ng CPR.
Kasabay ng pag – ubo ni Trixia ay ang paglabas ng tubig sa ilong at bibig nito. Hindik na hindik itong yumakap sa kaniya. Hinagod niya ang likod ng dalaga at saka ito binuhat papunta sa pinakamalapit na bakanteng kubo. Kasunod nila ang nagtatakang mga mata ng kaniyang mga kasama at ng lahat ng nakasaksi sa pangyayari.
Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang mahalaga ay ligtas si Trixia at nasa bisig niya ito.
“Ssshh, don’t worry baby, I’m here.” Hindi niya napigilan ang gawaran ng halik ang umiiyak na dalaga. Iniupo niya ito sa makitid na katreng nasa loob ng kubo.
“Martin said he would go back to the room to get his camera…but he didn’t hear me screaming. Nobody heard me! I couldn’t move my feet and…and…Oh God!” she cried. Muli ay niyakap niya ang naghihisteryang dalaga at pilit itong pinayapa. Ano’t wala man lamang nakarinig dito? Hindi niya mapapatawad si Martin sa pagdadala sa dalaga sa malayong panig ng dagat.
“You’re now safe, baby. No need to worry anymore. You’re now safe with me.” He planted a light kiss in her mouth to pacify her but she caught his mouth with a passionate kiss. Tila ito nakasumpong ng isang moog. He couldn’t stop to utter curses as he gazed to Trixia and saw how shocked she was.
Nang ikulong niya ang mukha ni Trixia sa kaniyang mga kamay at pagmasdan ito ay naramdaman niya ang pagkatibag ng pangakong isinumpa sa dalaga. Paano niyang itatago ang pagmamahal na mahigit walong taon niyang iningatan?
“Ano ang ibig sabihin nito?!” Kapwa sila napatingin ni Trixia sa gawing pinto ng cottage. Naroon at nakatayo si Martin at Ingrid. Isa – isang tumalikod ang kanilang mga kasama na nakasaksi sa tanawing iyon.
Akmang susugod si Martin kay Radge nang iharang ni Trixia ang katawan sa huli.
“Huwag! Huwag, Martin! Parang awa mo na!” sigaw ni Trixia. Ang sindak ay nakalarawan sa maamong mukha nito.
“Sinasabi ko na nga ba at may nangyayaring milagro sa likod ko! How long have you been fooling me, De Vera! How long?!” ang galit na nakabadha sa mga mata ni Martin ay tila nag-aapoy sa matinding intensidad.
“Iniwan mo si Trixia nang walang kasama sa tubig at ngayon ay darating kang akala mo kung sinong dakilang tagapag – alaga niya!”
Nang makita ang ayos ng dalaga ay tila naunawaan nito ang nangyari.
“I told her to go with me but she refused and chose to stay in the water…kaya naman pala ay…may kaharutan!” marahas itong bumaling sa dalaga, “Ikaw Trixia, ano ba meron ang lalaking ito na wala sa akin? Is he bigger than me? Does he satisfy your needs more than I can do, honey?!”
Isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa panga ni Martin. Ang panlalait nito ay kaya niyang palampasin subalit hindi ang pambabastos sa babaeng minamahal niya. He would do everything to keep her safe and damned this man to just leave her too close to death!
Nang makabawi sa pagkabigla ay gumanti ng suntok si Martin. Lumabas sila ng cottage at doon nagpambuno. Galit si Martin kaya ramdam niya ang kakaibang lakas ng mga suntok nito pero mas higit ang galit na nararamdaman niya dahil sa pagpapabaya nito kay Trixia. Paano kung hindi niya ito agad nakita?
Naririnig niya ang halinhinang pagsigaw ni Trixia at Ingrid pero patuloy siya sa pagpaparusa kay Martin. Ibinuhos niya ang lahat ng ngitngit at galit na nadarama sa dibdib para dito.
Duguan ang mukha ni Martin nang sumadsad ito sa wooden bench na nasa gilid ng kubo. Madaling dumating upang sumaklolo ang mga kasama nila at lahat iyon ay nasa panig ni Martin. Tumalikod siya pumasok sa cottage. Binuhat si Trixia at kumilos papalayo sa lugar na iyon.
MADALI SILANG naghanda ni Trixia sa pag – uwi. Naririnig niya ang pagtunog ng cellphone subalit hindi niya iyon pinapansin. Pinatay niya iyon ng tuluyan nang makitang si Ingrid ang sanhi ng pagtunog niyon.
Nang makalabas ng silid ni Trixia ay nakita nila kapwang naroon si Ingrid sa sala at naghihintay sa kanila. Grief and pain in her eyes but he fought for the sudden attack of guilt. He never loved Ingrid and she was just a good companion to him, eversince…and she knew it.
“Radge…” she stood and called his name.
“I’m sorry, Ingrid. I’ll talk to you when everything is okay. Please understand.”
Iyon lang at madali na nilang tinungo ang pinto palabas sa beach house na iyon. Kasunod niyon ang paghikbi ni Ingrid.
“PLEASE BE safe.” Wika niya nang humimpil ang kotse sa harapan ng bahay niya.
“Baby, I’m so tired and need to get some sleep.” Inabot niya ang dalaga at naglalambing na humilig sa balikat nito.
“Sweetie, you can’t stay here. Maaga pa naman at makakauwi ka pa.” aniya.
Natural ay gusto rin niyang makasama ng matagal si Radge subalit hindi iyon maaari.
“Okay, okay. Reward me a good night kiss first and I’ll go home now.”
When their lips met, she knew everything is right. No more tears. No more worries. Just Radge. What else can she ask for when the best gift on earth is now hers?
“BABY…”
“Hmmmm…”
“Baby, wake up.”
“I love you.”
“And I love you more…but you need to wake up…”
Bigla ay napadilat siya nang pumasok ang realisasyon sa halos ay natutulog pa niyang diwa.
“Radge!” gulat siyang napasigaw. Tandang – tanda niya nang umalis ito sakay ng kotse nito. Paanong…?
“Yes, it’s me!” he was there lying beside her and covered by her bedsheet. Kung sa ibang pagkakataon ay matatawa siya. Gorgeous Radge…covered with her baby pink Hello Kitty bed sheet. What a nice scenery!
“I drove for I guess…two kilometers when I saw Martin’s car. So I decided to take the shortest route and got back. Umalis na siya nang makita ang kotse ko pero hindi ako matatahimik nang alam kong nasa paligid lang siya kaya pinasok ko na ang bahay mo. I’ll punish you for not closing your windows!” Pinindot nito ang ilong niya.
“You mean, you were here the whole night?!” gulat na sabi niya. At hindi man lamang siya nagising? Ganoon siya napagod sa nagdaang araw?
“Yes, and kept myself busy staring at you until dawn.” Nang kumilos ang mga kamay ni Radge at dumama sa braso niya ay hindi niya naiwasan ang mapaungol sa ibig nitong ipahiwatig.
“Sweetie, this is not fair.” daing niya.
“And what is fair?” he moved closer and started to kiss her bare shoulders.
“Radge, please! Sisigaw ako!”
“I’m sure you would! And I would be more than willing to hear you scream, baby.” He planted a wet kiss on her earlobes and she began to stammer. For Pete’s sake, he caught her on her weakest point of the day! Why, if he will insist, she’d be more than willing to give herself to him.
“Radge, please…”
“Please touch me.” his voice as if in pain. When she moved her hands up and started to touch his bare chest, he groaned. And she was puzzled. Does he always need to sleep in birth suit?
“Huh? May masakit ba sa’yo? Dito ba? Saan?” sunud – sunod na tanong niya kasabay ng pagdama sa matipunong dibdib nito.
Napangiti si Radge nang buong kapilyuhan.
“Ouch!” kunwa ay sigaw nito.
“Saan ba ang masakit? Alin?”
“There.” Nang ituro nito ang ibabang bahagi ng katawan ay napasinghap siya at naalala ang kahubaran ng binata. Kaylakas ng tawa nito.
“Radge!”
“I am telling you the truth. It really hurts,” muli ay ngumiti ito sa kaniya ng pilyo bago nagseryoso ang tinig nito, “It really hurts knowing that I could have you this very minute but at the same time, I couldn’t.”
“And why couldn’t you?” she’s the one teasing this time.
“Oh, no. I can wait, baby. This is not yet the right time. And when that time comes, you’ll fall on your knees and beg to have me.” He lowered his head to kiss her but she stood up.
“Later, baby…after I brush my teeth…” tumatawang wika niya.
Kung araw – araw siyang gigising na si Radge ang unang sasalubong sa kaniya ay nanaisin na niyang sana ay palagi na lamang siyang natutulog.
“MOM, YOU’RE GONNA meet her…very, very soon.”
“Are you sure, hijo?”
Nang magtanong ang mga magulang tungkol kay Ingrid ay napilitan siyang sabihin dito ang totoo.
“But I thought, you two are getting married.”
“Iyan din ang sabi sa akin ni Ingrid dahil narinig na raw niyang pinaaayos mo na kay Janeth ang details ng kasal niyo.”
Hindi niya naiwasan ang mapasimangot sa sinabi ng ama.
“Pa, napag – usapan na natin ito nang paulit – ulit.”
His father rolled his eyes and chuckled.
“Pero anak, kung magpapakasal ka ay madaliin mo na. Kaytagal kong hinintay na sana ay muling magbalik ang kulay sa buhay mo and now, I can see you’re back to your old self, honey.”
“You’re right, ma. And don’t worry, wedding bells will soon be heard.”
ALAS KUWATRO NG HAPON ang usapan nila ni Radge sa Café Eana pero ilang sandali na ang nakakalipas ay wala pa rin ito. Nakadalawang order na siya ng iced tea at pinagpupusan na rin siya nang malamig subalit wala pa rin kahit anino ni Radge.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang numero nito subalit hindi niya ito ma-contact.
“Radge, where are you? Please show up.” bulong niya sa sarili. Kanina lang ay tiniyak ni Radge na darating ito at binilinan pa siya na mag – ingat sa daan.
Nakaisang iced tea pa ulit siya nang tanggapin sa sarili na hindi na darating si Radge. Ganap nang ika – anim ng gabi at natitiyak niyang hindi na darating ang hinihintay niya.
What happened? Is everything again, a part of a game? Muli bang nauulit ang mga naganap walong taon na ang nakalilipas? Bakit wala man lamang pasabi si Radge sa hindi nito pagdating? Nasaan na ito?
Napaigtad siya nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Dagli niya iyong kinuha at saka sinagot.
“Hello…” naginginig ang boses niya nang magsalita.
“Trixia! This is Ingrid. Naaksidente si Radge at ngayon ay kritikal ang lagay niya…” Nang marinig ang detalye ng ospital na kinaroroonan nito ay tila wala sa sariling kumilos ang kaniyang mga paa.
Ayon sa kausap ay nawalan ng preno ang kotse na sinasakyan ni Radge at nagpaikot – ikot iyon ng tatlong beses bago tuluyang sumadsad sa kalsada. Pinagmamadali siya ni Ingrid dahil baka diumano hindi na niya ito abutan ng buhay.
Anong klase bang kapalaran mayroon ang pag – ibig nila ni Radge? Sadya kayang may mga pagmamahalan na hindi nabibigyan ng katuparan? Nauupos na siya sa tindi ng sama – samang emosyon na nararamdaman. At bago pa man niya masabi sa driver ng taxi ang lugar na pupuntahan ay tuluyan na siyang nawalan ng malay.
Please wait for the last chapter of When the Bad Boy Met His Match…The end is near……
Yours truly,
Yesha
my oh my,bukingan tym n..ang sweet tlga ni fafa radge kiniklig aq,ms yesha anong nangyri?wg mo nmang ptyin c fafa radge wawa nman aq kung kailan ok n kmi mangyyri pa 2 huhuhu..Lpit n mg end kinkbhan aq s end ni2 nxt chapie n
awww… sna mabuhay pa c radge.. kawawa naman love story nla kpag namatay c radge.. wag naman sna.. ate yesha, sna ma-post na agad ung next chapter.. can’t wait 2 read it.. ^.^
wow ganda po,cant wait for the last chapter..good luck in your writing career. more love stories to come
can’t wait for the last chapter…
and im glad im the first one to comment?
ate yesh cant w8 haha kakabitin poh.. kelan ang last???
oh..thankz for posting this..I’ve been waiting for this to came up..well..when is the next chapter?thankz yesha!!!you’re really good..I love all your stories…..*smiles*
your praises keep TOP authors alive lolz
Yesha: tnx, pumpkin
ang ganda yesha..
i love it “against all odds”..
aww
bat ganun
that’s just a bait i think
err
It’s good that their relationship is out in the open now, sana lang maging maayos na ang lahat. But I have a feeling that it won’t be, not this early. There is something about Ingrid and Martin, sana maexplain din. Thanks for the update.
WOW nman nakakaiyak.. i cant wait for the next chapter grabe.. bakit kaya alam ni ingrid na nasa hospital c radge. naku sna wag nman mawala c radge.. niceee..
super ganda ng story sna d mamatay c radge wawa nman c trexia nxt chapter pls…tnx for the posting?
sa wakas alam na ng lahat ang relayionship nila.. naku! totoo kayang naaksidente si radge or bait lang yun? sana happy ending.. thanks ms. yesha.. =)
hay grbe n toh…
una nabuking sila.. tpos ok n sila..tpos ngyn nmn may nangyari kay radje.. nu b yan.. grbe n yan ms yesha…
cant wait..
Nakk-kilig n nkk-iyak, ang sarap cgurong mgng c trix,
tuwing kelan po ang posting??
Can’t wait for the next chapter..hmm..siguro si Martin nagtanggal ng preno sa car ni Radge..Siguro lang..^^
very impressive, from the beginning all the way to nearly end is amazing…making all the readers longing for the next chapter.
Good Job Ms. Yesha! and to all TOP authors, you guys are amazing! yahoooo!!!
Thank you always.
anyway, can’t wait for the last chapter…
Take care and GOD Bless!
TOP: Thank u so much, Kay *speechless*
my my my….
y y y…
I WANT RADGE. DEAD…para sad ending..hehe (KABALIGTARAN NG SINABI KO SIYEMPRE! HAHA!) daling-daling naman mit Yeta…
until how many chapters pala to? kakabitin…
Yesha: Last chapter na po ang susunod plus Epilogue sa huli…thanks
naku nman things are getting heart pounding…..ate yesh gaganda tlga ng mga stories mo, idol…..to all TOP authors gudluck…..honestly, kasing ganda na ng PHR ang gawa niyo lahat d2, minsan pa nga mas maganda pah……keep up the good work guys……Soar High!!!!!
can’t w8 for the next chpter……
kakabitin n nmn sana bukas na yung last chapter!!
hope to meet u sun yesha!!!
Ot po
if you won’t mind lan taon k n po?
ala bang EB?
hehehe
OMG! Yesh… buhay naman sí Radge, di ba? hindi ako mapalagay. waaaaahh!!! ang ganda talaga yesh. i’m a fan!!! always will be
thank you for this story!
mare, sobrang na missed ko c fafa radge.. sobra tlaga pilyo.. can’t wait sa last chapter.. thanks mare.. ganda tlaga.. labyu..mwahhh
1st love never dies talaga… hahaha… sana hindi sad ang ending nito… hehehe
ay nakakabitin naman po. salamat po. sana next chapter na at last chapter na.
i can’t wait to read po…. salamat.
waaaah mare!!! *cries* ouchy! huhuhu….
love it mare, bukod sa nauna ko nabasa ang ilang paragraph sa next chap mo na pareho nating prinoblema hayyy… i still love it and can’t wait for it hehehe… muah! lavyah!
kelan po next posting?? can’t wait po!! ang cute ng story!!!
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel