Halos nawala ang antok ni Foo dahil sa mensaheng natanggap niya sa kaniyang cellphone. Inisip niya kung sino ang nagbigay ng kaniyang numero at dalawang suspek lang ang bigla niyang naisip! Si Kristen na sobrang makulet sa YM at si Yesha ang diwatang ka-tandem ni Kristen sa kalokohan! Siguradong may pinaplano ang dalawang bruhang ito para guluhin ang kaniyang tahimik na buhay—- at hindi siya makakapayag na magwagi ang dalawang bruhang ito sa kaniya! Never!
Mabilis namang sumingit sa isipan niya si Tessa. Halos mapalunok siya ng maalala ang matamis na halik na natanggap niya mula rito. Napakasarap ngunit may kaunting pait rin na kasama ito. “Ano kaya ang problema ng bulingit na yun? Minsan, kwela. Minsan pasaway. Nakakaasar. Sala sa init, sala sa lamig!” pasigaw na bulong ni Foo sa kaniyang sarili bago niya ibinato ang sarili sa kaniyang magulong kama.
“Bahala na. This time, hindi na ako tatakbo. Haharapin ko kayong lahat! Ang misteryosang Alexandra na yan. Ang dalawang bruha na yun! Pati na rin ang pasaway na bulingit na nagnakaw ng halik sa akin…” muling bulong nito sa kaniyang sarili habang unti-unting sumasara ang mga talukap ng kaniyang mga mata. Nag-iimbita ang malamig na gabi para makapaghinga ang kaniyang pagal na katawan upang sa kinabukasan ay mayruon siyang lakas na harapin ang bukas.
Kinabukasan…
(by Foo)
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











foo…asan ang act 15?…may secret ba?
asan yung 15?
bakit 16 kagad???
wahahaha pagtulungan kaya natin yesh? hehehe
Jejeje…kulit namin talaga ni tin noh!
foo! ayos yan ah hehehe! galing!
at last! naayos din ang .com namin! konting dekorasyon na lang at siguradong gaganda pa ito lalo. nyahaha!