NAGULAT si Foo nang makita niya si Tessa kaniyang harapan. Halos magkadikit na ang kanilang mga mukha sa isa’t isa. Nataranta siya. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin o gagawin. Napalunok siya ng malaki. Nawawala na talaga siya sa kaniyang sarili!
“May sasabihin ka ba? Tumawag ka kasi sa cellphone ko.” ani Tessa sabay irap sa kaniya. Pagkatapos nun ay inilagay nito ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang balakang. “Well? I’m waiting.”
Nagtatanong na ito sa kaniya! At kailangan niya itong sagutin! Pero anong isasagot niya? “Ano kasi—- sorry.” Hindi ito maari! Wala siyang masabi!
Maya-maya pa’y mabilis na hinawakan ni Tessa ang kaniyang mukha bago siya nito hinalikan sa labi. Ewan ba niya pero sinagot niya iyon. Sandali lang ang halik pero para sa kaniya’y parang huminto ang oras sa kanilang dalawa. “Ako mayruon akong sasabihin sayo. I still hate you but I love you—- my fufu!” ani Tessa. Niyakap siya nito ng mahigpit bago ito ngumiti na parang isang maliit na pusa.
(by foo)
FOO’s NOTE: Hahay… ano kaya ang magiging papel ni Alexandra kay Foo at Tessa? Ah-um… abangan niyo na lang!
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











so, totoo talagang nangyari ito?
I love you my “fufu”….. ung co-worker ko sa mickey d’s tawag Nya sa bFf Nya is “fufu”.
hmmm!!!! may torpe pa ba sa panahong ito?
grabe ka foo….si tessa lng natataranta kana!…hayy…
pano nlng kung hinalikan ka pa nya!…nakakalika ka!
di ko alam na may lalaki pang ganyan sa panahon ngayon…
hehehehe…gusto ko pa ng karugtong nito foo…
foo: te– teka lang! isa-isa lang, mahina ang bida. hehehe
Bkit ang tagal ng kasunod? Wag naman kaming ibitin sa kwento.