Nabigla naman si Foo sa sinabi ni Tessa. Napaatras ito. Tatanggi.
“Humiling ka na lang ng kahit ano pero hindi mo ako pwedeng gawing boyfriend o kung ano man! Ano ako, mascot!? No way!” sagot ni Foo sa kaniya.
Natahimik si Tessa. Tumitig ito sa kaniya. Maya-maya’y tumulo ang luha nito habang humihikbi. “Please? My fufu?”
“Gah! Yan ka na naman! Ginamit mo na namang ang special pa-cute attack mo sa akin!” sabay palo nito sa kaniyang batok. “Yes na nga! Tumahan ka na. Para ka tuloy bata!”
(by foo– me ulit)
AUTHOR’S NOTE: OMG! Hindi maaari! Para po sa publiko, si Tessa po ang aking imaginary character na itinuturing kong little sister. Someone help me! Hindi kami maaaring magkatuluyan ng kapatid ko! Huwah!
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











eh kung imaginary character of a little sister lang bakit parang aburido ka sa sinusulat mo!!!!!!!!!!
asus! ikaw na lang kasi magtuloy nyan.. cute pa naman kayo ni tessa.hehe..bagay kayo..hahahaha
ibang klase ka talaga foo! lolz! kakatuwa naman hehehe
foo: nyao nyao!
foo.. jan nag-uumpisa yan mga ganyan.. hehehe
foo: muhuhuu… yun na nga eh.
bwahaha! natutuwa ako sa scene na ito. lolz!