BUONG magdamag na hindi nakatulog si Foo dahil sa mga sinabi ni Tessa.
Iniisip niya na may bago na naman itong kalokohang ginawa o hindi kaya’y may malaki itong problema. Pero kahit na! Hindi siya maaring magpagamit sa isang babae lalo na sa isang bulingit kagaya ni Tessa!
Bulingit ang tawag niya kay Tessa dahil sa mas matangkad siya kaysa dito. Petite ang kaniyang pangangatawan at mukhang kinse anyos pa rin itong tingnan kahit nasa bandang 20′s na ito. Bulingit nga talaga!
Binatukang muli ni Foo ang sarili. “Kailangang makaisip ako ng paraan kung papaano ako makakalusot sa bulingit na yun!” bulong niya bago bago niya tuluyang tinapos ang paghuhugas ng pinggan pagkatapos niyang mag-almusal.
(by foo)
FOO’s NOTE: Balak kong tuldukan ang seryeng ito mga dalawang linggo mula ngayon. Magsisilbi na lamang itong short story at hindi isang pocketbook entry para sa TOP. H’wag sana kayong magagalit sa akin pero ako– galit na galit! Kung anuman ang dahilan ay sekreto na lamang muna sa ngayon. Hmpf! >.<
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











why naman foo? ganda na ng takbo ng story eh! jejejejeje
ganun!!!!may maga2wa ba kami????
foo: wala! ^_^ ehehe