PAGKATAPOS mananghalian ay nagyayang maglibot sa mall si Tessa upang maghanap ng bagong damit. Dadalo kasi ito sa kasal ng kaniyang barkada sa makalawa. Since kasama na rin niya si Foo, ang pinaka-kaclose niya sa lahat niyang ka-opisina, kinulit niya ito hanggang sa mapapayag niya ito na samahan siya. Tutal, may 40 minutes pa naman sila para makapamili at hindi naman ganun kahigpit ang kanilang opisina tungkol sa oras.
Dumeretso agad sa isang boutique si Tessa kasunod si Foo. Halatang kabisado na nito ang dapat nitong bilhin. Mga ilang minuto lang ang ginugol niiya hanggang sa makahanap siya ng tamang size para sa kaniyang blouse na gagamitin. Isang long at mid-cute backless blouse like gown ang kaniyang pinili. May kamahalan iyon ng konti ngunit parang baliwala iyon sa kaniya.
Biglang nagsalita si Foo pagkakuha ni Tessa sa resibo mula sa kaniyang binili. “Miss, baka naman pwede na tayong bumalik sa office. Saka, mukhang pinaghahandaan mo yan ha. Ano bang big deal dyan sa kasal na yan?” tanong niya.
“Don’t worry, babalik na tayo. At hoy! Hindi Miss ang pangalan ko, Tessa no! Nang-aasar ka na naman!” sabay irap. “Talagang big deal sa akin ito. Dahil kelangang magkaruon na ako ng boyfriend sa makalawa. Remember, may utang ka sa akin? Mababayaran mo yun pag umoo ka and I won’t accept any other payments or answer other than your ‘yes’.” muli nitong sabi bago ito tumawa kagaya ng isang mangkukulam.
(by foo– todo na to!)
FOO’s NOTE: Grabe, mukhang ako lang ata ang nag e enjoy sa series na to. *titig sa ibang TOP authors* Palibhasa, may kaniya-kaniya kayong lovelife kaya di nyo na ako pinapansin! I’m getting jelly na talaga! Me hate all of you! Bleh!
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











Makulit ba talaga c foo? hahaha
ang cute naman nitong story mtatapos b 2?
hahahahahahaha..no comment!!!!
foo: *titig kay miram* comment kaya yan? ahehe
Hi! foo, ung short stories na ggwin pra sa angel mo ha,, pabsa mo un skin.. ingat…
foo: sige, i’ll try to put it into words. :p
lolz
can’t think of anything to add hehehe
kayang-kaya mo yan foo sige gogogo!!! lolz
foo: heh! gogohin mo hubby mo. bwahaha!