Pagkababa ni Foo at Tessa sa 6th floor kung saan matatagpuan ang kanilang pantry ay agad na napansin ni Foo na kulang kaniyang pera. Hindi kasi sapat ang dala-dala niyang pera sa kaniyang pitaka kung kaya’t tinangka nitong magpaalam kay Tessa na bumalik sa itaas ngunit pinigilan siya ng huli.
“It’s ok Foo, I’ll treat you na lang but you have to pay me later.” sabi nito sabay ngisi sa kaniya. Halatang nang-aasar.
“No way! Baka ibang klaseng payment scheme na naman yang naiisip mo!” may pang-aasar na pagtatanong nito sa kaniya.
Itinuro lamang ni Tessa ang kaniyang lips gamit ang kaniyang hintuturo sabay sabi, “Who knows.” ngisi niya ulit sabay hatak kay Foo sa pinakamalapit na stall sa kanilang kinatatayuan.
(by foo)
FOO’s NOTE: Ay naku! Tulungan nyo naman akong ibahin ang script neto. Or else, baka magkatuluyan kami ng little sis ko dito. Yare ako sa mga gf ko! (oops, gf lng pala. ahehe)
~
Ang TOP Specials ay isang mini project (story-creation-game) na hango sa totoong nangyayari tungkol sa buhay ng mga manunulat sa website na ito. Simple lang rule: Ipagpatuloy at bumuo ng istorya gamit ang four (4) paragraph rule base sa mga nakaraang Act. Ang plot ay maaring maging comedy, horror, suspense o romance ayon sa inyong mood.
Malaya rin ang mga mambabasa na mag contribute ng kanilang continuation ngunit nakadepende pa rin sa amin kung anong ‘best’ continuation ang aming ipu-publish. Kung kailan matatapos ang istoryang ito ay hindi namin alam. So, let the story begin and take you wherever you want!











cute ba ung foo? boy po ba siya?
hahahaha… kawawa ka naman foo
foo: huhu
ikaw na lang ang magtuloy. sayang ang story.
foo: naku po.. pangatlong tao ka na nagsabi niyan. huwahh!
sinimulan mo yan……d tapusin mo…bwahahahaha
foo: muhuhu! kala ko pa naman, tutulungan ako nila yesha, blue, kristen, paurong.. yun pala.. *sniffs* i de delete ko na lang to!
tessa: subukan mo at makikita mo hinahanap mo!
*foo tago sa sulok*