HALOS magdamag kong suot ang aking headset dahil sa dami ng tumatawag. Ang iba’y maayos kausap ngunit karamihan sa kanila’y talaga naman—mga pasaway na kliente!
At kahit biyernes na ay parang hindi ko nararamdaman ang ginhawa na nararamdaman ng ibang mga tao. Kadalasan kasi pag biyernes ay ‘easy-go-lucky’ ang karamihan sa mga class-b employees. Yung mga nagta-trabaho sa mga opisinang naka aircon, 8 hours na nakatitig sa kanilang monitor, at kumakain tuwing lunch, yun ang class-b para sa akin.
Samantalang ako, hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking sarili! Oh well! Hindi na mahalaga yun! Basta’t stable ang natatanggap kong sweldo, sapat na yun para maging masaya ako. Yun naman ang dapat eh, maging masaya ka sa iyong trabaho.
Tumingin ako sa aking relo.
May oras pa para maglibot sa SM Megamall. O kaya’y maari din akong pumunta ng MOA kung gusto kong magpagabi. Tama! Sa MOA na lang ako pupunta. Mas gusto ko munang magpahangin mag-isa. Kailangan ko yun para naman makapag-isip tungkol sa mga bagay na dapat kong gawin in the future—siyempre included dun si Brian!
PAGKATAPOS kong maghapunan ay dumeretso agad ako sa baywalk ng MOA.
Talaga namang nakaka relax. Kahit maraming tao’y may mga espasyo pa rin malapit sa dagat para maupuan.
Umupo ako bago ko ipinikit ang aking mga mata. Maya-maya’y dumantay sa aking katawan ang malamig na simoy ng hangin. Malamig iyon at mabango.
“Hmm…” bulong ko sa aking sarili.
Patuloy na umihip ang malamig na simoy ng hangin. This time, mas naging klaro ang ilan sa mga pangyayari sa aking nakaraan. Inalala ko iyon.
“OH honey!” bulong ko sa aking sarili.
Nasa ibabaw ko si Brian at kasalukuyan niyang ipinapadama sa akin kung paano siya magmahal. Tama siya, masarap pala. Bawat ulos na natatanggap ko sa kaniya’y talaga namang tumatagos sa aking pagkababae. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang kabuuan.
Maya-maya pa’y biglang bumibilis ang kaniyang mga ulos. Tila nagmamadali siya sa kaniyang pupuntahan na para bang may hinahabol na kung ano. Pagkamulat ko ng mata’y nakita ko si Jake! Ang dati kong boyfriend—ah hindi pala, ex-MU pala!
Napakagat ako sa aking labi. May kalahati sa aking puso ang sumisigaw pa rin sa kaniyang pangalan. Sinumbatan ko ang aking sarili na huwag siyang titigan ngunit mapilit siya. Mapilit ang Jake na yun!
Shit! Barkada ko lang naman siya so bakit siya mag-aalala sa akin? Kung talagang nag-aalala siya, dapat nuon pa niya ipinadama yun! Dapat nuon pa nang hindi ko pa nakikilala si Brian. At dapat nuon pa nang binigyan ko siya ng pagkakataon para mahalin ako.
Ngunit anong magagawa ko!? Laging nakabuntot sa kaniya ang Charise na yun! Blah! Dahil ba sa mas maganda ito sa akin kaya ito ang mas pinili ni Jake? Maganda din naman ako. In fact, maraming nagkakandarapang manligaw sa akin nung nag-aaral pa kami ni Jake. Problema nga lang, pag-poporma na yung mga inutil, humaharang din si Jake– na isa ring inutil!
“Pero sinong mas inutil?” bulong ko sa aking sarili habang tinititigan si Jake. “Ipapakita ko sayo kung sinong ang inutil Jake! Magsama kayo ng Charise na yun!”
Bigla’y nakita ko si Brian na pinalitan ang mukha ni Jake.
Naramdaman ko na malapit na siya sa sukdulan. Binigyang laya ko ang kaniyang paghihirap at buong pusong tinanggap ang lahat ng kaniyang pag-ibig sa akin.
“Oh Brian!”
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mata. Bumalik ako sa kasalukuyan. Nakaupo pa rin ako sa tabi ng dalampasigan habang pinagmamasdan ang kabubuuan ng karagatan sa gabi.
Lumingon ako sa aking paligid– ang ganda dito!
Ang daming ilaw at mga batang naglalaro sa aking likuran. Sa aking gilid nama’y mga magkasintahang naglalampungan. Este, nagyayakapan. Ah ewan, pareho lang yun para sa akin. Akala siguro nila’y maiinggit ako, hindi no!
Pero saglit ay nakaramdam ako ng kalungkutan.
Ito ba talaga ang gusto ko? Masaya na ba ako sa kung anong mayruon ako? May Brian naman ako na mapagmahal, maaalalahanin at makulit, diba? Saka marami kaming plano ni Brian na dapat mangyari. Kaya nga siya nag-ta-trabaho sa Laguna para sa aming hinaharap diba? Mga tanong ko sa aking sarili.
Bigla na namang umihip ang hangin. Malamig at mabango iyon. Mabango… teka! “Parang kilala ko kung sino ang taong naaamoy ko! Don’t tell me nandito si Jake!?”
Mabilis akong tumayo at bumaba sa aking kinauupuan ngunit may malaking lalake na humarang sa akin. Magkasing-taas sila ni Brian at halos pareho ng built ng katawan. Ngunit mas gwapo siya kay Brian at—
“Jake! What are you doing here!?” bulalas ko sa aking sarili bago tuluyang nagpasirku-sirku ang mga dugo sa aking puso.
~
Mga Tauhan
Icka – Kasalukuyang nagta-trabaho sa Makati bilang isang Call Center Agent. Ex-MU niya si Jake samantalang si Brian naman ang kaniyang kasalukuyang nobyo.
Jake – Barkada ni Icka simula pagkabata. Kasintahan niya si Charise, ang kaniyang childhood sweetheart.
Charise – Childhoot sweetheart ni Jake. Kasalukuyang girlfriend ni Jake.
Brian – Nagta-trabaho sa Laguna at umuuwi sa Mandaluyong every weekends. Kasintahan niya si Icka.
Karen – Barkada nila Icka at Jake.
Author’s Note:
Ang MAYBE ay isang orihinal na istorya ni Cindy Soriano. At dahil libre at inspired akong magsulat, susubukan kong ipagpatuloy ang isa sa mga istoryang minsang nagbigay kiliti sa inyong mga nakaraan tungkol sa mga MU-MU na yan. I will try my best to give our characters a chance to share their love story to all of you.
Sino ang magwawagi sa puso ni Icka? Si Jake na ex-MU niya o si Brian na current boyfriend niya? Abangan!
- foobarph











Ang MU ay MagUlong usapan kasi minsan Magisa lang tayong Umiibig sa ibang tao
sino nga kaya..???
Nakarelate dn aq pero mdyo iba lng ang stwasyon hehehe!ganda!
wew!!!!!
ganda ng story!!!!!!!!
omg… next time… i bo block ko ang sarili ko para basahin ang sarili kong istorya. nahihiya ako pag nakikita ko yung mga grammatical errors ko. nyahaha!
foo, ayan han binasa kna ang MAybe at ang ganda nga.. gus2 kna mabasa agad ang kasunod.. tpusin mna ha.. ingat..
foo: eto na pooo
ahhhhhhhhhh…..sana cute din
foo: cute? *tingin kay miram* cute nga.
AYAN MAY BAGO ,,,EH D, D NA AKO MASYADONG BITIN….HEHEHEHE
ADVANCE MERRY X-MAS TO ALL……….
foo: hehe, ako din. pero para hindi tayo kapwa mabitin, dapat matapos ko ito para makapag release kami ng new story. oh well