“HOY, bilisan mo kaya diyan ‘no, kanina pa napepeste ang beauty ko sa init dito!” nagtatatarang na sabi ni Cleo kay Francine.
“Magtigil ka nga diyan, alalahanin mo ang lasagna!” sagot naman niya sa nakasimangot na kaibigan sabay irap dito.
“Oo na, puro iyan na lang ang sinasabi mo mula pa kanina! Sino ba kasi ang tinatanaw mo diyan? Kandahaba na ang leeg mo sa kakasilip diyan kanina pa ah?! Pa-sight nga!” Nakisilip ito sa tinitingnan niya at gaya ng kanyang inaasahan ay napangiti ito.
“Sino pa ba ang titingnan ko dito kundi ang matronang teacher natin noh! Sana hindi pumasok yan sa Math para makapunta tayo ng maaga sa canteen!”
Kasalukuyan silang nakakubli ng kaibigan sa isang poste ng gusali kung saan tanaw nila ang Math Department ng Francisco Dominguez High School. Tumingkayad pa nang husto si Cleo upang tanawin ang loob ng faculty room na kung may pumapasok lang namang estudyante o mga teachers kaya bumubukas ang pinto.
May ilang minuto na rin nang mula sa huling klase ay yayain niya ang kaklaseng si Cleo. Wala mang ideya ang kaibigan ay wala na rin itong nagawa nang hatakin niya ito. At ngayon nga ay sa labas ng Teachers’ Faculty sila naroon at tila guwardiyang aali-aligid habang may tinatanaw sa loob niyon.
“Halika na sa classroom, bestfriend; baka mamaya ay lumabas pa si Madam Brakuda eh makasabay pa natin yan pabalik sa klase. Asa ka pa, eh hindi naman marunong umabsent ‘yang gurangis na ‘yan!”
Madam Brakuda ang nakaugalian nilang itawag sa teacher nila sa Math. Bakit nga hindi gayong asar na asar sila sa teacher nilang ito. Minsang hindi siya nakasagot sa tanong nitong ‘Can square be considered rectangle’ na assignment nila ay hindi biro ang sermong naranasan niya. Basta ang alam niya, bata pa siya ay itinuro na ng kanyang Math teacher noon ang hitsura ng square at ng rectangle at malaki namang talaga ang pagkakaiba ng dalawang iyon. Ano ba naman ang malay niya na sa Geometry ay tanggap pala na ang square ay rectangle?
Ang ending, mula yata pagkabata hanggang pagdadalaga nito at pagtanda na dalaga pa rin ay ikinuwento na sa buong klase. Iyon ay upang ipakita lamang ang kaibahan nilang dalawa! Take note, kaibahan nilang dalawa…as in mula sa pananamit hanggang study habits! Ayon dito, ang dapat diumano ay isang dangkal mula sa tuhod pababa ang haba ng skirt na isusuot niya! Tama ba naman iyon samantalang ilang beses nga siyang nagpabalik-balik sa modista ng kanyang mama, iklian lamang nito sa tamang tabas na gusto niya ang kanyang school uniform!
Ayon pa rito, sa sobrang sikap daw nito noong nag-aaral ay hindi lamang sa gabi ito nagbubuklat ng lectures kundi pati na rin sa madaling-araw. Hindi iilang teachers daw ang nakapuri sa kahusayan nito. Almusal pa lang ang sermon na iyon patungkol sa klase partikular sa kanya – dahil kaya lang naman nagmisa ang kanyang teacher ay dahil lang sa wala siyang assignment for that day! Makatarungan ba namang isakripisyo ang buong oras nito para lamang siya sermunan?
Siyempre pa, binigyan siya ng oras to explain her side pero nakakasampung salita pa lamang siya, “Sorry, madam pero naiwan ko po kasi ang notebook ko…”, entra na naman ito!
Hindi naman talaga niya naiwan ang kanyang lecture notebook pero wala siyang ibang maisip na dahilan para ikatwiran rito. Baka ihagis pa sa kanya ang eraser nitong namumutiktik sa chalk dust kapag sinagot niya ito ng “Sorry, madam I forgot to do my assignment!”
Iyon ang naging simula ng pagkaramdam niya ng pagkainis sa kanyang Math teacher. Pakiramdam niya kasi, hindi tama ang ginagawa nitong pamamahiya sa kanya sa klase. Siya yata si Francine Aviona, ang muse ng Section Israel at nag-iisang anak ng mag-asawang Greg at Marita Riva!
Kahit maaga siyang naulila sa kanyang ama ay hindi naman sila naghihirap dahil may maayos na trabaho naman ang kanyang ina sa isang kompanyang pag-aari rin ng pamilya ng kanyang papa. Kilala rin sa kanilang munting baryo ang kanyang pamilyang pinanggalingan. Bukod sa ang pagiging pulis ng kanyang dalawang tiyuhin, madalas rin niyang nakikitang kasa-kasama ng kanyang mama ang mayora ng kanilang bayan sa mga gatherings nito. Hindi lang niya tiyak kung paanong nagsimula subalit alam niya na may impluwensiya rin ang kanyang pamilya sa Barrio Sta. Ines. At iyon ang ipinagsisintir niya! Para sa kanya, hindi siya dapat ipinapahiya ng ganoon ni Mrs. Brakuda. Isang paglapastangan iyon sa pagkatao niya.
Si Cleo naman ay nakaranas rin ng ganoong kaparehong situwasyon. Matinis at umaalingawngaw na “Cleotilde” ang narinig sa kanilang classroom nang makita nitong nakalingon ito sa kanyang papel. Nagtatanong ito noon kung ano ang formula na dapat nilang gamitin sa pagso-solve ng problem na ibinigay ni Madam Brachera aka Madam Brakuda. Aba eh talaga namang sa dinami-rami ng mga formulas na itinuro nito eh hilong-talilong na sila kaiisip kung alin sa mga iyon ang dapat nilang gamitin sa nag-iisang problem na nakasulat sa blackboard. At hayun, presto! Huli ang bestfriend niya at umani rin ito ng kagayang sermon na ibinigay sa kanya! Naiyak pa nga ito habang pinagkukuwentuhan nila during recess time ang nangyari.
“Wala talaga siya, bestfriend! Mukhang for the first time ay absent ang maganda nating teacher eeehhh!” pa-kenkoy niyang sabi makalipas ang ilang sandali.
“Gaga! Absent ka diyan! Tumigil ka nga, Francine! Duling ka ba o ano? Hayan kaya sa ikatlong seat si Madam noh!” Kinutusan pa siya nang bahagya ni Cleo sa ulo.
Tiningnan niyang mabuti ang itinuturo nito at nadismaya siya nang husto nang makita ang tuktok ng nakabraid na buhok nito. Kaya pala hindi niya ito makita ay dahil natatakpan lang ng ibang teachers sa loob ng faculty. Hindi rin naman kasi kataasan ito kaya nakubli sa mga kasama.
“Oo nga, ‘no! Nakakainis talaga! Eh bakit hindi pa siya tumatayo eh late na siya ng ten minutes! Maglalakad pa iyan ng pakendeng-kendeng kaya pagdating doon ay ubos na ang time niya para sa subject natin!”
“Bakit nga kaya ‘no? Eh araw-araw, ang agang pumasok niyang si Madam! Sira siguro ang relo!”
“Hmp, masasayang lang ang oras natin dito, best! Ang mabuti pa ay bumalik na tayo sa classroom at ‘pag wala pa siya after fifteen minutes ay iwan na natin!”
“Tama ka diyan, halika na nga at tiyak na tatayo na iyan!” Hinatak niya si Cleo at sabay silang nagmartsa pabalik ng gusali kung saan naroon ang kanilang silid-aralan.











maganda ang simula..
)
parang bumalik ako ng high school life ko, wherein my teachers in 2nd year and 4rth year were so terror/strict. imbes matuto ako eh winiwish ko na lang na absent si teacher…(i know it’s not a good wish for I will not learn naman) hehehe
let see how it goes…
Nice. Mukhang maganda yung story.
hate the teachers…………… bakit?
nice one
bakit halos lahat kinatatakutan ang subject na Math? Napansin ko lang din, mga teacher at professor sa subject na to puro masungit at suplado hehe
cute nung story haha.. sarap bumalik ng highschool..:)
nakakainis naman kc talaga ang math subject eh. lol
nyahahahhahahahah natawa nmn ako s kanila
ahahaha sure ako pagdatin nila sa classroom iba na ang kanilang teacher
jaja!!
pano po i-submit pag may gawa kng kwento
BALAK KO PO KACNG SUMALI EHH, i want to make a stories din po kac
I miss my highschool days:(
helo guys..im a neophyte here.i hav a plan 2 post my stories here..sana magus2han nyo..
Yesha: Talaga? Sige, buuin mo kahit isang chapter and teaser ng story, then submit mo samin ha
Thanks
ang gnda po ng chptr ah. Nkkrelate aq.
Mukhng ang gnda po ng kwnto ah. Nkkrelate aq.
ate..nwala ako sa chat… i was busy reading here. hehe
hi ate sure me ganda to….galing po ninyo….mwah
Hi! yesha, nku im sure maganda na nman ito..like love will lead you back and love in disguise. abangan ko lagi ang next chapter nito..thanks.. Goodluck & Godspeed..
sa’n po mababasa o makikita yung love will lead you back? di naman po nakapost dito sa TOP yang story na yan e. thanks
TOP: Mababasa po ang Love Will Lead You Back sa published book ni Ms. Yesha Lee sa Chapters Of the Heart. Maari po ninyong mabili ang mga libro sa mga bookstores. You can check their site for infos.
TOP: Mababasa po ang Love Will Lead You Back sa published book ni Ms. Yesha Lee sa Chapters Of the Heart. Maari po ninyong mabili ang mga libro sa mga bookstores. You can check their site for infos.
Thanks a lot…sana ma-enjoy niyo rin ang story na ito…muah!