EPISODE 8 – Mist Unspoken
Pangako sa iyo,
ipaglalaban ko.
Sa hirap at ginhawa,
ang ating pag-ibig.
LINGGO ngayon at nagyaya ang kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Tet, kasama ang mga kaibigan nito na sina Alex at Liza na mamasyal.
Pagkatapos nilang magsimba ay dumeretso sila sa isang malaking videoke bar. Pagkapasok nila sa nasabing lugar ay agad na binigyan kaagad sila ng attendant ng room na iba sa mga pangkaraniwang customer. Pinauna na niya sina Tet, Alex at Liza na pumasok ruon dahil siya ang sasagot sa gastos para sa gimik nilang iyon. Nang mawala na sa kaniyang paningin ang tatlo ay may naramdaman siyang malaking kamay na umakbay sa kaniyang balikat.
“Yuta my friend, buti naman at napadalaw ka ulit dito sa videoke bar ko?” sabi ng isang lalake na mas matangkad at malaki ang pangangatawan kesa kaniya. Ngumiti ito at sumenyas sa isang attendant nito na bigyan siya ng menu.
Umiling siya bago niya tinapik ang kamay nito na nakapatong pa rin sa balikat niya. “Peri, malaki na yata ang ipinagbago mo. Mukhang masayahin ka na ngayon kaysa nung una kitang makita. Ano kayang nangyari?”
Ngumiti ito na parang aso bago siya nito hinila sa waiting area na walang tao. “Yuta my friend, may bago akong chick ngayon! At hindi lang isa, dalawa pa!” anito bago ibinigay sa kaniya ang menu na ibinigay ng attendant nito. Pinapili siya ng mga pagkain na dapat nilang orderin. Sky is the limit! Ibig sabihin, sagot nito ang lahat ng gastos nila para sa videoke getaway nilang iyon.
“Aba! Pagkatapos mawala ng pasaway mong misis, mukha yatang mabilis kang naka recover ah. At sumobra pa ata dahil dalawa pa ang nasungkit mo.” pagbibiro niya bago siya pumili ng apat na putahe kasama na rin ang mga inumin. Kinuha naman ni Peri ang order niya at sinenyasan ang mga tauhan nito na bilisan ang paghahanda ng kakainin nila.
Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Peri. “Utang ko ang lahat sayo Yuta my friend. Kung hindi ka nakialam sa lovelife ko, tiyak, baka hanggang ngayon ay mukha pa rin akong tanga dahil sa wala kong kwentang misis.”
“Ginawa ko lang ang tama sa paningin ko. Regular kitang customer at unang kita ko pa lang sa misis mo, kinalibutan na ako. Paano ba naman kasi, imbes na tanungin ako kung magkano ang rates namin eh ako pa ata ang gustong bilhin. Hindi normal yun para sa isang babaeng committed na. Buti na lang, hindi pa kayo kasal. Dahil kung hindi, mahihirapan kang lusutan yan.”
Tumango ito. “Oo nga my friend. In fact, binigyan ko siya ng pagkakataon para mag-explain sa mga kakaibang kilos niya. Pero nang hindi ko na kinaya, sinabi ko ang lahat sa iyo. Buti na lang, tinulungan mo ako. At dahil dun, malaki ang pasasalamat ko sa iyo.”
“Walang problema Peri. Nandito lang naman ako kung kailangan mo ako. At itong VIP treatment na binibigay mo sa akin ay sobra-sobra na rin, nahihiya tuloy ako sayo.” aniya bago siya tumingin sa kitchen area kung saan inilalabas ng mga attendant ang mga pagkain ng mga customers. Napansin niyang sumenyas ang isa sa mga attendant nito na tapos na ang inorder nilang pagkain.
Tumayo si Peri bago nito inilahad ang kamay nito upang makipag-kamay sa kaniya. Tanda iyon ng pasasalamat sa mga kabutihang ibinigay niya dito. “Basta Yuta my friend, salamat. Maliit na bagay lang ang ibinibigay ko sa iyo. Later, babawi ako ng todo sa iyo para naman patas na tayo.”
“Peri, sa pagkakaibigan, hindi uso ang patas-patas na iyan. Kesyo magkulang o sumobra ang pabor, dapat manatili ang essence ng pagkakaibigan. Kaya h’wag mo nang masyadong isipin yun, ok?” aniya bago niya nilapitan ang waiter na may hawak ng kanilang pagkain.
Pipigilan sana siya ni Peri na magdala ng pagkain ngunit nagpumilit siya. Gusto kasi niya na siya ang maghahatid ng kakainin nila sa room kung saan naruon si Tet. Napangiti siya habang iniisip kung ito na ba ang kumakanta. Ngumingiti siya dahil boses pa lang ng kapatid niya, napapawi na ang lahat ng mga negative forces na nakapalibot sa kaniya.
“SORRY girls, nakialam na rin ako sa waiter. Gusto ko kasi ako ang maghahatid ng food sa inyo.” aniya bago siya umupo sa tabi ni Tet. “Turn ko na ba?”
Ngumiti ito sa kaniya bago sinimulan ang awitin na napili nito upang kantahin. Nabigla siya dahil sobrang sweet ng kanta— ‘Nothing’s Gonna Change My Love For You’. Naaalala niya tuloy ang isang gabi habang nagsusulat siya ng kwento dahil ito rin ang kasalukuyang tinutugtog sa radio na pinapakinggan niya. Ngayon ay ikinatutuwa pa niya nang labis ang pag-aalay nito ng kanta sa kaniya.
Nang matatapos na ang koro ay napansin niyang umiiyak ito. Naisip niya na masyadong ninanamnam ni Tet ang awiting kinakanta nito para sa kaniya. Nagulat na lamang siya nang bigla nitong dagdagan ang lyrics na siyang ikinagulat din nina Alex at Liza.
“Nothing’s gonna change my love for you— kuya.” seryoso nitong sabi sa kaniya. Hindi na niya ikinagulat iyon dahil napaka-vocal naman nito pagdating sa feelings nito para sa kaniya. Ang ikinagulat niya ay ang biglang pagkawala ng malay nito habang hawak ang mikropono.
Agad siyang humingi ng tulong kay Peri at sa mga kasamahan nito upang dalhin sa malapit na ospital ang kaniyang kapatid. Buti na lamang at naruon ang sasakyan ni Peri at mabilis nilang naisakay si Tet papunta sa ospital.
PAGDATING sa ospital ay agad na inasikaso si Tet ng mga doctor.
Kasama pa rin niya ang mga kaibigan nitong si Alex at Liza. Kung nag-aalala siya para kay Tet, mas lalo naman ang mga ito. Mabigat ang kaniyang kalooban sa nangyari ngunit napapagaan naman ito ng mga kaibigang nananatiling mabuti para kay Tet. At dahil dito ay nagpapasalamat siya ng lubos sa mga sumusuporta sa kanilang magkapatid.
“Kuya, magiging ok naman si Bes diba?” halata sa tono ng pananalita ni Liza na nag-aalala ito. Sa lahat ng mga kaibigan ni Tet sa eskwela, ito ang maituturing niyang maaasahan sa lahat ng oras. Nakuha nito ang loob niya nang mag-kwento si Tet tungkol dito. Ipinagtanggol daw kasi siya nito nung tinutukso at inaaway si Tet ng mga kaklase nila.
Lumapit si Alex kay Liza bago ito niyakap. “Magiging mabuti rin ang kalagayan ni Tet. Alam mo ba kung bakit Liza?”
“Ba—bakit naman po?”
“Kasi, lahat ng batang makulet, mabilis na gumagaling.” anito bago tumawa ng malakas sa harapan ni Liza. Ang akala niya ay maaasar ito kay Alex ngunit nagpasalamat pa ito. Ngayon, ang dating aso’t pusa na Alex at Liza ay magkaibigan na ngayon.
Hinawakan niya sa kaniya-kaniyang balikat sina Alex at Liza. “Tama, magiging ok din ang lahat.”
Tumango silang dalawa bago tumingin sa pintuan ng emergency room. Para sa kanilang tatlo, ito na ata ang pinakamahabang oras na dumaan sa kanilang buhay. Mahalaga sa kanila si Tet. Kung magkakaruon ito ng malubhang kalagayan, tiyak na ikalulungkot niya ito ng labis.
“Alex, Liza— may pabor sana akong hihingiin sa inyong dalawa. Pwede ba, kayo muna ang magbantay sandali kay Tetsu. Kung papipiiliin kayo ng room, pumili kayo ng semi-private para maalwan para sa ating lahat. May kailangan lang akong asikasuhin.”
Tumango si Alex. “Walang problema Yuta. Narinig mo yun Liza, tayo ang mga guardian angels ni Tet ngayon.”
“Oo nga!” tugon naman ni Liza kay Alex bago siya nito nginitian.
“Salamat.”
PAGKARAAN ng ilang oras ay nakabalik ulit ng ospital si Yuta.
Kumuha siya ng pera para sa pambabayad sa gastusin sa pagpapagamot ng kaniyang kapatid. Kumuha rin siya ng isang kakaibang notebook at ballpen na siyang gagamitin niya upang makapagsulat ng kwento habang naghihintay siya sa paggising ni Tet. Nagdala na rin siya ng pagkain na siyang sasapat para sa mga taong bibisita sa kaniyang kapatid.
Pagkapasok niya sa kwarto kung saan naruon ang kaniyang wala pa ring malay na kapatid ay agad niyang nakita si Alex na hinihimas-himas ang buhok ni Tet. Si Liza naman ay nakatulog na rin sa sobrang tagal ng paghihintay.
“Alex, kamusta na? May dala akong pagkain dito. Nabayaran ko na rin ang dapat bayaran.” bungad niya dito.
Ngumiti ito sa kaniya. “Ok lang naman kami Yuta. Na-stress lang daw si Tetsu kanina. Tingnan mo nga yang si Liza, nakatulog na rin. Baka napagod sa paghihintay, ang tagal kasi gumising nitong makulet mong kapatid eh.”
“Ganun ba? Ok lang yan, ikaw pa.” aniya saka inilapag ang mga bitbit niyang gamit. “Sige Alex, ako na ang bahala dito. Kung sakaling kailanganin ko ulit ang tulong mo, sana nandiyan ka pa rin.”
Umiling ito saka ngumiti sa kaniya. “Walang problema. Gustuhin ko man na bantayan magdamag si Tet ay hindi kakayanin ng oras ko. Pero pagkatapos ng klase ko, dadaanan ko ulit kayo dito.”
“Salamat Alex, napakabuti mong kaibigan.” aniya bago niya ito hinalikan sa noo. Lagi niya itong ginagawa dito sa tuwing naglalambing siya sa kaibigan. Malapit si Alex sa kaniya dahil halos magkasing-edad din sila. Pero hanggang duon lang yun at hindi na sosobra pa.
Binatukan siya nito ng marahan. “Ikaw Yuta, tigil-tigilan mo nga ang pagiging sweet sa akin. Minsan, parang gusto ko na mamis-interpret ang mga paghalik mo sa noo ko. Hindi na ako bata no!” anito saka ito tumawa ng malakas.
“Ssh, natutulog si Tetsu.” saway niya saka tinuro ang kaniyang kapatid na natutulog sa tabi nila. Tiyak, kung naririnig nito ang pinag-uusapan nila, magseselos talaga ito.
“Pero seryoso nga Yuta, bawas-bawasan mo ang pagiging malambing kay Tet.”
“Bakit naman Alex, may masama ba duon?”
“Para sayo, walang masama, magkapatid kayo eh. Pero alam kong alam mo na may nararamdaman siya sa iyo. Baka dumating ka sa punto na mahalin mo si Tet hindi bilang isang kapatid mo kung hindi mas higit na! Concern lang naman ako.”
“Naiintindihan kita Alex pero ganito lang naman kami. Besides, wala naman kaming ginagawang masama.”
“Sa ngayon Yuta, oo, wala kayong ginagawang masama. Pero paano kung dumating ka sa puntong kapantay na ang nararamdaman mo sa nararamdaman niya, anong gagawin mo?”
Bigla ay napa-isip siya, tama ito. Ang paglalambing na ginagawa niya ay dapat na ginagawa lamang sa isang girlfriend, sa isang syota, at hindi para sa isang kapatid. Sa sitwasyon nila ni Tetsu, siya ang may kasalanan dahil ang atensiyon na ibinibigay niya para dito ay higit na ata sa isang kapatid!
Tumiim ang mga bagang niya. Nahihirapan siya dahil kung hindi pa sinabi ni Alex ito sa kaniya ay hindi siya matatauhan. Huminga siya ng malalim bago sinagot ang tanong nito. “Hindi ko alam.”
Pagkaalis ni Alex at Liza ay naiwan silang dalawa sa loob ng semi-private room ni Tet. Wala pang tao sa kabilang kama kung kaya’t solo nila ang kwarto. Agad niyang kinuha ang kaniyang notebook at ballpen at agad na nagsulat sa mga pahina nito. Habang nagsusulat ay naiisip niya si Tet— ang mga masaya, makulit at malambing nitong pakikitungo sa kaniya.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagsusulat ng bigla siya bumulong sa kaniyang sarili. “Kung hindi lang tayo magkapatid— baka minahal na rin kita ng buong-buo… pero hindi pwede, alam mo yan…”
Maya-maya ay nakita niyang gumalaw ang mga kamay nito na tila hinahanap siya. Agad niyang itinago ang notebook sa drawer at pansamantalang tumigil sa pagsusulat. “Tetsu, anong pakiramdam mo? Ok ka na ba?” tanong niya pagkamulat ng mga mata nito.
PAGKALABAS nila ng ospital ay naging abala agad siya sa pagbabalot ng mga give-aways para kay Peri.
May malaki kasi itong handaan na gaganapin sa Bulacan at kinakailangan niya itong tapusin ng mabilisan. Habang ginagawa niya ang pagbabalot ng mga items ay nagyaya rin sina Alex at Liza na manuod ng fireworks sa baywalk kasama si Tet. Gustuhin man niyang sumama ay hindi niya magawa dahil kailangan muna niyang tapusin ang obligasyon niya kay Peri.
Nang mapansin niyang paalis na sila Alex, Liza at Tet, patago niyang inilagay sa bag ng kapatid ang bagong cellphone na binili niya para sa kaarawan nito. May kasama rin itong keychain na katulad din sa kaniya. At para mas lalo pa itong matuwa ay pinalitan niya ang ringtone nito ng kaniyang sariling boses. Isang ringtone na kinanta niya para sa inialay nitong kanta para sa kaniya. Ini-record niya ito habang nagpapahinga pa ito sa ospital. Nangako siya sa kaniyang sarili na susunod sa fireworks event pagkatapos na mai-deliver kay Peri ang mga items nito.
Pagka-deliver niya sa mga items ni Peri gamit ang sasakyan nito ay agad na siyang nagpaalam upang humabol sa fireworks event. Pagkalabas niya sa exit ng highway ay tumawag kaagad siya dito upang ipaalam na hahabol siya para sa event. Pero habang nag-uusap sila ni Tet ay pumutok ng malakas ang lobong binili niya para sa kapatid. Dahil sa sobrang lakas ng pagputok ay nabitawan niya ang kaniyang cellphone. At imbes na kunin niya ito mula sa kaniyang paanan ay hindi na niya ginawa dahil ayaw niyang ma-disgrasya siya habang nagmamaneho. Bahala na kung magalit si Tetsu— babawi na lang siya kung sakali!
Pagkadating niya sa baywalk ay halos papaalis na rin ang mga tao dahil tapos na ang fireworks event. Mula sa di kalayuan ay natanaw niya si Tet na halatang nag-aalala at aburido sa paghihintay. Gustuhin man niya itong biruin ay umatras na lang siya at nag-desisyong kakausapin na lamang ito ng seryoso para humingi ng tawad.
“Tetsu— sorry I’m late.” aniya habang nakaupo ito sa isang silya na nakaharap sa dagat. Malamig ang simoy ng hangin at nararamdaman niya ang kakaibang musika na dumadampi sa tenga niya na nangagaling sa harapan nila. Umupo rin siya sa tabi nito.
Huminga muna ito ng malalim bago ito nagsalita. “Bakit ngayon ka lang?” anito ngunit hindi nakatingin sa kaniya dahil nakatanaw ito sa maliwanag na kalangitan.
“May pumutok kasi at—“
“Dapat nagsabi ka!” sigaw nito sa kaniya kaya hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin. Halatang galit ito sa kaniya dahil pinag-alala niya ito.
“Kaya nga sorry na eh. Yan tuloy, hindi ko na nakita ang fireworks…”
“Kasalanan mo yan dahil hindi ka nag-iingat.” malamig nitong sabi bago ito yumuko. Ito na yata ang serious mode ng kapatid niya— nakakatakot!
Ngumiti siya bago niya ito inakbayan. Inaasahan niyang tatanggalin nito ang kamay niya sa balikat nito ngunit yumakap pa ito sa kaniya. Napaka-weird talaga nito pag naglalambing sa kaniya. Ang dami kasi nitong unexpected move!
“Kuya…”
“Ano?”
“Thank you…”
“Saan?”
“Thank you kasi tinupad mo ang pangako mo.”
Napailing siya. Inisip niya kung alin sa mga pangako niya ang natupad niya ngunit wala siyang maisip. Manghuhula na lang siya ng sasabihin. “Dahil ba sa cellphone yan?”
“Hindi…”
“Dahil ba sa mga pag-aalaga ko sayo yan?”
“Hindi rin…”
“Eh tungkol saan ba yang thank you mo na yan? At yung pangako na tinupad ko?”
“Thank you kasi hindi mo ako iniwang nag-iisa. Kahit natapos ang fireworks, may natupad ka pa ring isang pangako sa akin…”
Napalunok siya ng malaki. Mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya. Nararamdaman din niya ang pag-iyak nito. “A— ano naman yun?”
Tumingala ito sa madilim at malawak na kalangitan. Duon ay natatanaw niya ang maliwanag na sikat at bilugang buwan. Sa mga tabi naman nito ay mga bituin na halos nagpapalit na rin ng iba’t ibang kulay. “Tinupad mo ang pangako mo sa akin na sasamahan mo akong mag star gazing habang nasa tabing-dagat tayo. Eto na yun oh.” anito saka ngumiti.
“Ikaw talaga…” aniya bago tinugon ang yakap ng kaniyang kapatid. Matagal ang naging pagyakap nila sa isa’t isa. Sa tiyempong iyon, humiling siya para sa isang bagong kahilingan. Ang kahilingan na matupad niya ang lahat ng bagay na naipangako niya dito. Tiyak, sa mga darating na panahon ay mas darami ang mga pagsubok na darating sa kanila. At kung dumating man iyon, kailangan niyang maging mas matatag para dito.
Tumingin siya sa relo niya. Lagpas hatinggabi na pala. Napangiti siya dahil mayruon pa siyang isang bagay na dapat ibigay dito. Kinuha niya sa bag ang isang regalo. Nakabalot iyon sa isang kulay green na paper na may iba’t ibang pooh designs. Ngumiti ito sa kaniya pagkatapos na matanggap ang regalo.
“Happy Birthday Tetsu…”
Maingat nitong tinanggal ang wrapper na nakabalot sa regalo bago nito nakita ang isang notebook na may nakasulat sa cover page nito, “True Blood (by Yuta for Tetsu).”
~
NOTE: Yung Chapter 7 po, read it as it is a STANDALONE story. Chapter 7 is just a story from Yuta’s notebook (look at the title of Chapter 7 and the title of the notebook which Yuta gave to Tetsu in this chapter. Next time, di na ako magsusulat ng malalim, nakakasira ng bangs, lolz. Ty po! ~Xy











nung una, nalito ako sa takbo ng istorya. kaya naman, gumawa ako ng summary ng bawat chapters at umaasang mabibigyang linaw sa epilogue. may hindi lang pala ako napansin sa chapters 6-8. para kay emily, salamat sa tip. hindi na nahibang ang mga dating nalito sa story na ‘to. matalinong bata! hehe… talagang iniintindi ang story, ‘di katulad ko. basta na lang makabasa! haha!
hahaha!!! libro lang pala ung true blood..kala ko pa naman totoong story talaga nila..hahaha^_^ grabe..kailang ulit aku nagbasa para lang maintindihan ang story..nakakalito din kasi…:)
kala ko ba nasagasaan si yuta ang gulo ahh..at dinala pa sa ospital..kita pa nga nila tet,alex and liza diba..
xy: maybe you can read the comments, you’ll get a hint of what really happened.
Nawiwindang aq shet hahaha alin ba ang alin at ano ang ano hahahah o.O kaloka! Harhar
xy: alin ang ano?
Nyakkk!Kagulo naman nini!!Hmp,.!
xy: hmpf ka rin. :p
..anuh?akla ko b naaksidente c yuta d previous chapter n d nkrting sa firework display?hahaha,lito n eh,chowii.hayzz,continue k n lng pgbbsa,BRB:P..
kelan po ipopost ung next chapter??
hayyy
gusto ko na matapos
xy: yare.. i-po-post na po, wait lang, huhu
*labas sa ilalim ng mesa*
ayy xy may tanung pa pho pala aq…
…errmmm…
…2wing kailan ang labas pho ng episode pho nito???????…
*tago ulit sa ilalim ng mesa*
xy: depende sa daloy ng mood ko magsulat. pero basically, may release ito every week. kaw cheena ha… nakakahalata na ako.
xy??
pede magtanung??
cla ba sa huli??
xy: *titig kay cheena* ang sarap nung pringles no?
Nakakalito nga,hehe.but i can’t wait for the next episode.grabe,nakakabaliw.nagtataka lang ako kung mgkasama sina tetsu at yuta nung gabi ng fireworks,paanung naaksidente si yuta?*puzzled*
xy: err… rianna, luk at the title of the episode 7… then read the last of episode 8.. makikita mo yung sequence nung story..
d q na nman maintindhan
d ba asa japan c tet??
haha
naman iiiii
xy: winter, tingnan mong mabuti yung title at yung sequence ng episodes…episode 6.. 8.. 7..
ahy yun
gets ko na po
salamat
kala ko kasi sunud- dunod na lng un
hehe
salmat po ulit
xy: np!
naku… anu ba tuh.. incest.. hahahaha..’
xy: sabi nga ni phalmer.. incest daw..
hahhaha… ayun… d na nakakalito..
thanks poh…
xy: kaw tlaga glory..
wahh! buhay ba si yuta? gara! *tinaggal sa pagkakabitin sa puno ng saging si xy* ayan!
xy: buhay na buhay, nakita mo naman, nagkita pa sila ni tetsu diba? salamat, nakahinga rin ako ng maluwag. *grins*
tips for reading this episode..
1. review episode 6.. then read episode 8.
2. look at the title of episode 7.. surprised?
pasensiya na, mukha atang ayaw magpaawat nitong si xy sa incest stuff niya. nako phalmer! anong gagawin natin sa otor na to. katayin na lang kaya naten?