Episode 7 – True Blood
Nawala ka,
ako’y umiyak.
Hinanap kita,
ngunit huli na ang lahat.
MARAMING dugo ang nawala kay Yuta pagkatapos nitong sumalpok sa isang kotse na mabilis na nag-overtake sa tagiliran nito.
Kagagaling lang ng kuya niya sa isang kliyente mula sa isang malapit na probinsya. At dahil sa pinagkakatiwalaan siya nito, pinahiram siya nito ng sasakyan upang makahabol para sa fireworks na papanuorin ng kaniyang kapatid kasama ng mga kaibigan nito.
Ngunit sa kasamaang palad, nangyari nga ang hindi inaasahan. Na-aksidente ito at kasalukuyan itong nasa emergency room kung saan ilang oras na rin na naghihintay sina Tet, Alex at Liza sa labas ng pasilyo.
“Sino po ang kamag-anak ni Yuta?” tanong ng doktorang tumingin sa kondisyon ng kuya niya.
Agad niyang itinaas ang kaniyang kamay habang naghihintay sa labas ng emergency room. Puno siya ng dalangin na sana ay nagkamalay na ang kuya niya. “A—ako po!
“Anong pangalan mo? Kaano-ano mo si Yuta?” Sabay kuha ng ballpen ng doctor sa bulsa nito. Tinitigan siya nito habang hinihintay ang sagot niya.
Pilit niyang inayos ang kaniyang tindig bago sumagot. “Te— Tetsu po. Kapatid po niya ako.”
“Anong apelyido mo?” tanong ng doktora sa kaniya.
Nag-aalangan siyang tumingin dito bago ibinigay ang sagot na hinihintay nito. “Nizara po, Tetsu Nizara…”
“Nizara… Sounds familiar.” mahinang sabi ng Doktora sa kaniya bago nagsulat sa papel na hawak nito. “In any case, I’ll brief you with regards your brother, Yuta.”
Napalunok siya. Umaasa siyang hindi magiging ganun ka-grabe ang kondisyon ng kuya niya. Kung maari lang ibalik ang nangyari kagabi, hindi na sana siya umalis at nanatili na lamang sa tabi nito. Sinuway na lang sana niya ang utos nito na sumama kina Alex at Liza.
Pero anong magagawa niya? Nangyari ang hindi niya inaasahan. Worst case is, birthday na niya bukas. Siguradong pareho silang magiging malungkot kung sa ospital sila magce-celebrate ng espesyal na araw na inilaan sa kaniya para ng Dios.
“Maraming nawalang dugo sa kuya mo. Ngayon, nag-aagaw buhay siya at hindi namin alam kung kailan siya tatagal. Fascinated kaming mga doctor dahil hindi namin alam kung papaano niya nagagawang lumaban kahit malapit nang bumigay ang katawan niya.”
Napasigaw siya sa narinig mula dito. “A—anong pong ibig niyong sabihin Doc!”
“In short, kailangan nating makahanap ng dugo upang maduktungan ang kaniyang buhay. Sorry, pero dederetsahin na kita.” anito bago siya nito hinawakan sa magkabilang balikat. “Ihanda mo ang iyong sarili sa anumang mangyayari.”
Tila tumakas ang lupang kinatatayuan niya, gusto niyang mabuwal mula dito. Anong ibig sabihin nito? Ang kuya niya, ganun-ganun na lang mawawala sa kaniya? Iniwan na siya ng kaniyang ama at ina. Ngayon, pati ba naman ang kuya niya na umako ng responsibilidad ng kanilang mga magulang ay iiwan na rin siya? Unfair! It’s so unfair!
Sa huli, dinamayan siya nila Alex at Liza habang humahagulgol siya sa pasilyo ng ospital. Anong dapat niyang gawin? Saan siya dapat kumuha ng dugo? Saan siya kukuha ng pera? Bakit nangyayari ito sa kaniya? Iyon ang mga tanong na nag-uunahang makaalpas sa ibabaw ng kaniyang kaisipan.
Papaalis na sana siya nang biglang may lumapit na mga cameraman sa kaniyang harapan at mabilis siyang kinuhanan ng litrato at video. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kung kaya’t tinakpan niya ang kaniyang mukha sa pamamagitan ng pagsiksik sa katawan ni Liza na kasalukuyang yumakap sa kaniya. Si Alex naman ay pinipilit na itaboy ang mga media sa harapan nila.
“Ano ba! Hindi nyo ba nakikita na depressed na itong kaibigan namin?” suway ni Alex habang tinatakpan ang mga lente na parang bubuyog kung makalapit sa kanila.
Ilalayo na sana siya ni Liza nang biglang may reporter na nagtapat ng mikropono sa kanila. “Ms! Totoo bang siya si Tetsu Nizara?”
“Oo! At bakit ba bigla na lang kayong sumusulpot na parang kabute at nanggulo? Umalis na nga kayo! Depressed na nga itong bestfriend ko pero nanggugulo pa kayo!” mataray na sabi ni Liza sa media.
Bigla ay inilayo ng isang tiga-media ang mikropono bago seryosong tinitigan si Liza. “Hindi ko alam kung ano ang buong nangyari pero may nakapagsabi sa amin na nandito ang last and sole heir ng Nizara Clan. At ang tinutukoy namin ay ang kaibigan mong yan na si Tetsu.”
“Anong Nizara Clan!? H’wag nga kayong magpatawa! Mga ordinaryong tao lang yang mga yan!” singit naman ni Alex bago tinabig ang media na nakikipag-usap kay Liza.
Sumingit naman ang isang tiga-media. “Hindi kayo maniniwala pero totoo ang sinasabi namin. In fact, may nagbigay ng impormasyon sa amin para sa eksaktong lokasyon ni Tetsu.”
“Kahit ano pang sabihin ninyo, hindi kami naniniwala sa inyo. Malay ba namin kung gusto niyo lang kidnapin ang barkada namin. Magkakamatayan muna tayo!” malakas na sabi ni Alex, sumang-ayon naman si Liza sa sinabi nito.
Unti-unti ay nagsimulang dumagsa ang mga tao sa paligid nila upang maki-usyoso sa kanilang kalagayan. Nag-panic ng kaunti ang mga media hanggang sa dumating ang isang lalake na halos kasing-edad at tangkad ni Yuta. May pagkakahawig din sila ngunit iba ang kulay ng buhok nito—kulay pula. Gwapo rin ito at may dating. Pero ano naman ngayon? Ang kailangan niya ay dugo na makakapagbigay buhay sa kuya niya, hindi isang lalake na parang hambog pa kung makaasta.
“Tama na ang pagpapanggap. Kunin sila.” sabi ng lalakeng may red hair bago tumalima ang mga taong kumukuha ng kanilang litrato. Mabilis na nawalan ng malay sina Alex at Liza. Nakita niya ang mga media na parang nag-iba ng kilos. Nagpanggap lang ang mga ito na galing sa media! Parang mga goons na ang ito kung umasta ngayon!
Pinilit niyang tumayo kahit nahihirapan siya. “Si— sino ka?”
“Ako si Yuta, ang tunay mong kapatid— Tetsu.” anito bago ito ngumiti sa kaniya.
Napahawak siya sa kaniyang bibig. “No— no way!”
“Seems like malaki na ang ipinagbago mo. But nonetheless, kailangan na kitang sunduin ngayon. Sayang naman ang ipapamana sa akin ni Lolo. At hindi ko makukuha iyon kung hindi kita madadala ng personal sa harapan niya. Buti na lang, naabutan kita at may nagbigay ng tip sa akin kung saan ka naroroon. At saktong-sakto ang pagkakataong ito dahil kaarawan mo na bukas. Ibig sabihin, kahit nakita pa kita nuon, walang kwenta iyon dahil wala ka pa sa hustong gulang.”
Tuluyan na siyang bumagsak sa sahig na kaniyang kinatatayuan. Ano ang sinasabi nitong siya si Yuta? At kapatid daw niya ito? At may lolo daw sila? At may mamanahin sila mula rito? Anong kagaguhan ang pinagsasasabi nito? Pasaway na lalake— ang gulo!
“Naging madaldal na yata ako. Halika na, lilisanin na natin ang lugar na ito.” Simpleng sabi nito bago nito pinitik ang daliri. Isang senyales iyon para gumalaw ang mga tauhan nito. May kumagat na parang langgam sa kaniyang batok. Binigyan siya ng mga ito ng pampatulog!
Maya-maya ay nawalan siya ng malay habang tinatanaw ang nakasaradong pintuan ng emergency room kung saan naruon ang kaniyang tunay na kuya. Bago siya tuluyang nawalan ng malay, ang huling nasabi niya sa kaniyang isipan ay— “Tulong, Kuya…”
OKINAWA, Nishihara— Japan.
“Ohayou gozaimasu, Tetsu-sama.” bati sa kaniya ng isa sa mga babaeng nakita niyang naglilinis ng kaniyang kwarto. Sa tagalog ay, “Magandang umaga, Pinunong Tetsu.” May physical features ito na kagaya sa isang Filipina.
Inilibot niya ang tingin sa paligid, puno ito ng magagarang kagamitan. Pero nasaan siya? Anong nangyari? Bigla ay naisip niya ang kuya niya na kasalukuyang nag-aagaw buhay sa emergency room sa ospital na pinanggalingan niya.
Unti-unti ay naalala niya ang mga huling nangyari sa kaniya bago siya nawalan ng malay. “Na— nasaan ako?”
“Ore?” Parang na-supresa ang babae na bumati sa kaniya. “Nasa Okinawa ka ngayon, sa Japan. Ako nga pala si Cherry, ang personal mong alipin.”
Nagtaas siya ng kilay. “Japan? Ikaw— alipin? Anong pinagsasasabi mo? At bakit marunong ka ng wika namin? Anong nangyayari dito?”
Ngumiti ito ng mahina bago hinawakan ang kamay niya. “Nasa mabuti kang kamay. Alipin mo ako dahil inupahan ako ni Pinunong Oji, ang lolo mo. Marunong akong mag-tagalog dahil kinakilangan ito upang mapaglingkuran kita ng maayos.”
“Liar! Ibalik ninyo ako sa pinanggalingan ko! Kailangan ako ng kuya ko!” aniya bago siya tumayo ngunit nabuwal din siya pagkatapos. Mahina pa rin ang katawan niya. Kahit gusto niyang kumilos ayon sa kaniyang kagustuhan ay hindi niya ito magawa. Kaasar!
Pinakalma siya nito. “Nandito ang kuya mo, pero wala siya ngayon dito sa palasyo. Nasa siyudad siya dahil balita ko may inaasikaso itong mga dokumento.”
“Anong pinagsasabi mo Cherry! Ang kuya ko, nasa Pilipinas. Nasa ospital dahil na-aksidente siya! Kailangan niya ng dugo or else mamamatay siya! Naiintindihan mo ba ako!”
Pumikit lamang sandali ngunit maya-maya ay dumilat rin. Humugot ito ng maraming hangin upang makaipon ng sapat na lakas upang sabihin ang isang napaka-importanteng bagay. “Pinunong Tetsu… patay na ang nakilala mong kuya sa Pilipinas.”
“Hi— hindi maari…” tanging naibulong niya sa sarili bago siya muling nawalan ng malay.
SA isang maluwag na kwarto, naruon ang isang matanda na seryosong nakapikit habang nakaupo ito sa isang maliit na unan. Tila may hinihintay ito na kung ano.
Maya-maya, may lumapit na isang gamo-gamo sa kandilang nasa harapan niya. Sa isang iglap ay nahati ang katawan ng gamo-gamo dahil mabilis niyang binunot ang samurai na nasa tagiliran nito saka muling isinukbit sa lagayan nito.
“Tetsu… Yuta…” bulong nito sa sarili.
Bumukas ang pintuan sa likuran niya. “Pinunong Oji, narito na po si Pinunong Tetsu.” Nakayukong sabi ni Cherry bago nagpakita si Tetsu sa likuran niya.
“Makakaalis ka na Cherry, salamat.” aniya bago niya pinatay ang kandila na nasa harapan niya. Pagkatapos ay lumipat siya ng inuupuan. Inalok niyang umupo ito sa kaniyang harapan. “Maupo ka, apo ko.”
Tumalima naman ito ng utos. “Pi—pinatay ninyo ang kuya ko! Kung hindi kayo dumating, hindi siya mawawala!” Mabilis na sumugod si Tetsu sa harapan niya gamit ang itinago nitong kutsilyo sa likuran.
Ngumiti siya. Hindi niya akalain na magiging ganito ang bati sa kaniya ng kaniyang apo. Sa isang iglap ay tinabig niya ang kamay nito gamit ang hawakan ng kaniyang samurai. Natanggal ang kutsilyo sa kamay nito pagkatapos ay ubod lakas niya itong tinulak gamit ang isang kamay. Gumulong ito papalayo sa kaniya.
“Tetsu— apo ko, mag-usap muna tayo.”
Tumayo ito bago siya nito sinigawan. “Ano pang pag-uusapan natin! Patay na ang kuya ko! Pinatay ninyo siya!”
“Hindi pa patay ang kuya mo, narito ako oh.” bigla ay pumasok si Yuta mula sa pintuang pinanggalingan niya. Ngunit hindi ito ang kuya na tinutukoy niya. Ang tinutukoy niya ay ang kuya niya na nakilala niya sa Pilipinas!
Aaminin niya, may pagkakahawig ito sa nakagisnan niyang kuya pero dehadong-dehado ito. Mas mabait at malambing yata ito kaysa dito. Isa pa, mas maganda ang boses nito at tindig kaysa sa nagpapakilalang Yuta sa harapan niya.
Dahil sa sobrang kainisan, muli niyang pinulot ang kutsilyo na nabitawan niya kanina saka mabilis na sinugod ang nagpapanggap na lalake sa harapan niya. Ngunit bago pa man niya makuha ang kutsilyo ay nahawakan na siya nito. Hindi siya makagalaw.
“Yuta, itigil mo yan!”
“Pero Lolo! Sasaksakin niya ako! Nakita mo naman?”
“Ginawa niya iyon dahil hinihila mo ang kaniyang galit. Maari ba, iwanan mo muna kaming dalawa ni Tetsu.”
Binitawan ni Yuta si Tetsu. “Pasalamat ka, nasa tabi mo si Lolo.” Pananakot nitong bulong dito bago ito umalis sa harapan nila.
“—Ina mo!” sagot naman Tetsu dito. Kumunot ang noo ni Yuta dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito ngunit sa kabilang banda ay napangiti siya sa inasal nito. Lumalaban na ito, hindi katulad dati.
MULI niyang kinumbinsi si Tetsu na kausapin niya. Sa pagkakataong ito, napakalma na niya ang babaeng kanina pa nagwawala sa kaniyang harapan.
“Maraming taon na rin ang nawala simula nang huli tayong nagkita, apo ko. Marahil hindi mo na rin kami naaalala dahil sa isang aksidenteng nangyari nuon.”
Kumunot ang noo niya. “Aksidente? Anong pinagsasabi ninyo?”
“Ang Nizara Family ay isang Yakuza Clan na nakabase dito sa Nishihara. Maayos ang pamumuhay natin hanggang sa binali ng Nahara Family ang kasunduang pangkapayapaan sa buong Okinawa.”
Lalong kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito! “Deretsuhin mo na lang kasi ako! Kagabi pa ako naguguluhan!”
“Sa madaling salita, magkaaway ang ang Nizara at Nahara Family. Ang nakilala mong kuya sa Pilipinas na si Yuta ay bahagi ng Nahara Family. Siya ang nakatakda bilang susunod na pinuno ng kaaway natin ngunit hindi nagtagumpay ang plano nila.”
Napatingin siya ng deretso sa matandang nagsasalita sa harapan niya, sa matandang nagpakilala bilang lolo niya. “Ba— bakit hindi sila nagtagumpay?”
“Hindi sila nagtagumpay dahil imbis na patayin ka ni Yuta nuon nang may pagkakataon siya ay itinakas ka niya. Kahit na bata pa siya nuon ay nakita ko na sa mga mata niya ang pagkakaruon ng potensiyal bilang maging pinuno ng Nahara. Hahabulin ko sana kayo ngunit masyado siyang mautak dahil nagawa ka pa rin niyang itakas.”
Umiling siya. “Hindi totoo yan! Paano mangyayari ang mga sinasabi mo gayong malinaw sa isipan ko ang mga alaala namin sa Pilipinas! Kapatid ko siya! Siya lang ang tunay na nagmamahal sa akin!
“Hindi ko alam kung paano kayo nakarating ng eksakto sa Pilipinas. Tanging si Ryozo lamang ang nakakaalam niyan.”
Nainis na naman siya dahil nagbanggit na naman ito ng bagong pangalan. “Ryozo? Sinong poncio pilato na naman yang tinutukoy mo?”
“Si Ryozo Nahara ang tinutukoy ko. Siya ang lalaking nakilala mo sa Pilipinas bilang nakakatanda mong kapatid. Siya rin ang nagtangkang pumatay sayo nuon.”
Napasandal na lamang ang isang kamay niya sa kaniyang likuran. “Hi—hindi!”
~
AUTHOR’S NOTE
Wala akong plot sa tuwing nagsusulat ako. Sa katunayan, pahahabain ko pa ang kwentong ito. Pero dahil sa may isa pa akong kwentong ipinangakong tatapusin para sa espesyal na tao para sa akin, wala na akong magagawa kung hindi seryosohin ang pagsusulat ng kwentong ito para matapos na.
Kung magulo sa inyo ang episode na ito– patawad. Ang hiling ko lang ay kumapit kayo dahil kung mag-kokomento kayo ngunit hindi naman ninyo pilit inintindi ang mga nakaraang episodes, tiyak, tuluyan kayong maliligaw sa kwento ko.
Ngayon pa lang, nagpapasalamat ako sa mga reaksyon ninyo, nakakasakit man sa damdamin o nakakataba. Gaya nga ng aming ipinangako, pangit man o maganda ang aming makuhang reaksyon, kayo pa rin, bilang mga mambabasa, ang numero uno sa aming puso.
Angela: Matutulad din kaya ang kapalaran nila Tetsu at Yuta sa Grandia?
Svergli: Ewan ko. H’wag sana.
Foo: Depende, kung tutulad sila sa inyo na napaka-boring ng characters.
*Angela at Svergli binugbog si Foo*











next chapter na po…
wow parang anime…hehe
kala ko vampire knight hahaha.. wow..jeje..
oh… mystery
sana di namatay si yuta..so sad naman..happy ending na sana..pro i lyk it,,galing pow!
Ang ganda ng story mula chapter 1 to 7 pero and sumunod hindi ko maintindihan…. dapt continue ang stry…. hindi ko po nagustuhan ang mga sumunod n chapter???? ano po b? c yuta at tetsu naging sila po ba? or wla na c yuta… kasi nag aagaw buhay xa hospital dba…. pero sa sumunod n chapter ibang story na…. NAKAKALITO….
xy: T_T
ako nga rn ehh….magulo …..Naiyak ako nong chap.7 pero hndi ko na maintindihan ang susunod na chapter ehh….
i definitely LOVES it!
shocks!
my heart POPPED so hard wen i read that yuta was dead!
prng totoo tlga
feel na feel mo ung pains, sweetness [nung ibng chap] and evrythin
MIXED EMOTIONS KUMBAGA!
you rock! wuhoo!
xy: pag mixed, pwede na kayang tawaging halo-halo? ^^
pde na rn. ramen nlan pra mainit2 hehe
Wow naman..Di ko mapigilan di magc0mment!Ganda naman! Gulat ako s twist ng storya!Sana buhay p c yuta… (“,)
Nxt chapter na me!!!
xy: yay!
OMG! Kakaiba naman talaga itong story na ito! Ang galing ng imagination ng writer. Kaya naman pala pang-japanese ang mga pangalan. Walang katulad! Ang galing mo po!!! Keep it up!
Xy,ok lang kahit pahabain mo pa ito,kasi nakakapanabik ang bawat episode. I’ll wait for the nect episodes. Keep it up!
xy: hai hai!
phalmer! ano ba yan! bakit nawala yung comment mo sa episode 7 ko? huhuhuhu… pakiulit na lang ulit, lolz.
thanks..
hehe….ganda!…pwedeng isa pa?…sana may kasunod pa!…
xy: meron pa yan senti. basta ikaw.
congrats! ganda talaga ng story kahit hindi pa tapos.. at masaya ako na nagsisimula palang sabi mo nga.. tapusin mo huh??.. more powers!!hehe…..
hhahaha…. ayan medjo nalito ako…
kept it up…
wahhh! bakit namatay si yuta? ang bad! dapat kay xy binibitin sa puno ng saging eh..
xy: aw!
ganda ng twist
haha
action pa huh
hehe
ahy asan na po pla ung ball of fate?
xy: naka invisible daw po sa public yung ball of fate
eh panu po hahanapin un?
d na po ba pdeng basahin?
xy: pwede pa rin daw, pero saka na lang pag nakapag release na siya ng kasunod or pag natapos ko na ito
ahy sige po
aantayin ko na lng un
everyday po ba posting nito?
xy: wala pong definite posting schedule ito but rest assured na matatapos ito, unlike yung sa grandia ni foo
ahy butu nman..
hehe
ansama nman nun
sana maipost na dn po un
hehe
xy: sna nga rin po
and the plot thickens…at least di sila magkapatid yung
woooo..astig tlaga….any way salamat ha..everyday…man akong napaxok..d2..di useless kc.. laging my new..hhehe…astig.. nman yan..go..go..naka2relate taU xa kwento…umm..next chupy..na.. salamat…beautiful eyes ka muna..bka… tuyo na eyebal’z…hehe joke.. salamt..sa muli..God bless…mga Otor…same sa ating mga readers….e2 n ang 1st comment q..since pumasok aq..d2..silent reader..eh..ehhehe..t.Y
xy: ur welcome po
intriguing ang plot ng istorya… tuloy – tuloy na ito hanggang matapos
waaaaaaaaaa…weeeeeeeeee…
ibig sabihin d cla magkapatid nung yuta na kua nia sa pinas…
happy….
oh, i’m sure my dear foo… may part two eto pero sana hehe… pinaabot mo man lang sa episode 10 *wink*
di bale i’m sure naman na maraming naghihintay sa grandia. thank God at itutuloy na sya hahaha…
xy: hindi pa po ito ending ate lou. remember… *turo sa past comments* style anime daw ito. ahehe
galing mo otor..nailihis mo na ng tuluyan ang “incest” thing nila yuta at tetsu..
xy: ^^
ano 2 end na ganda sna kaso parang binasta basta nlng nyo..wag kayo gagawa ng 1 stor kung d nyo kaya tapusin ng mganda at hnd paikot2.sayang naman poh
xy: hindi pa po ending. in fact, nagsisimula pa lang ang story.