Episode 6 – Prelude Mist
Bakit ako nalulungkot,
hindi ko alam.
Ngumingiti ako,
wala namang dahilan.
LINGGO ngayon at nagyaya si Tet na magsimba.
Libre din ng araw na iyon si Alex, ang suki nilang kapitbahay, pati na rin si Liza, ang bestfriend niya. Siyempre pa, hindi mawawala si Yuta, ang kaisa-isang kuya ni Tet.
“Kuya Yuta! Ang pogi mo! Tabi tayo ha!” agarang sabi ni Liza pagkatapos makita si Yuta kasama siya.
Humirit naman si Alex. “Hoy bulingit, akin lang yan si Yuta no.”
Tumitig naman ng masama si Liza kay Alex. “Anong bulingit!? Liza ang pangalan ko at bestfriend ako ni Tet! Baket, sino ka ba?” mataray na sabi nito.
Nagtaas naman ng isang kilay si Alex kay Liza. “Ako lang naman po ang girlfriend ni Yuta. In fact, hinalikan niya ako at ikaw, hindi ka pwedeng dumikit sa kaniya dahil bata ka pa.”
Tila ayaw namang magpatalo ni Liza kay Alex kung kaya’t sumingit na si Yuta sa kanila upang mamagitan. Nananatiling tahimik lamang si Tet kahit na naaasar na ito.
“Kayong dalawa, umayos na nga kayo. Saka niyo na lang pagtalunan yan. Magsisimba tayo tapos ganiyan pa ang pag-uugali ninyo.
Tumahimik naman ang dalawa bago sila tuluyang pumasok sa simbahan. Nananatiling tahimik si Tet, parang wala ito sa sarili.
NATAPOS ang una at ikalawang pagbasa. Ngayon ay nasa homiliya na sila ng pari. Ito ang paboritong parte ni Tet sa tuwing magsisimba. Pakiramdam kasi niya ay ang nagsasalita sa harapan niya ay ang tatay at nanay niya at hindi isang pari.
“Kamusta kayo mga kapatid?” tanong ng pari sa lahat. Tumango naman ang karamihan samantalang sumagot naman ng ‘Mabuti naman po Father’ ang karamihan.
“Love knows no boundaries. Minsan, ang hirap nitong intindihin lalo na pag totoo ang iyong nararamdaman. Often times, kahit alam mong masasaktan ka sa huli, sige ka pa rin.” ani ng pari bago pumunta sa gitna ng altar.
Ipinagpatuloy nito ang sermon. “Pero dapat din nating maintindihan na hindi sa lahat ng oras, happy ending. Hindi sa lahat ng oras, masaya. Kung nahihirapan ka, dapat matuwa ka. Bakit? Kasi, kung nasasaktan ka, alam mong buhay ka. At pag buhay ka, gaya nga ng sabi ng marami, nananatili ang pag-asa.”
“Isang pag-asa na hindi sa lahat ng tao, masusumpungan mo. Isang pag-asa na karamihan sa atin ay nawawala. Ang mali kasi, karamihan sa atin, mabilis sumuko. Konting dagok lang, susuko na. Konting sugat lang, aayaw na.”
Bumalik ang pari sa pulpito bago isinara ang Biblia na hawak niya. “Bago ko tapusin ang homiliyang ito, may nais akong hingin ng pabor sa bawat isa sa inyo. Isang pabor na sana— magpakatotoo kayo sa nararamdaman ninyo. Unawain natin ang kaloob na bigay sa atin. Ipaglaban ninyo ang mga karapat-dapat na ipaglaban. Maghimagsik kayo laban sa kasamaan. Dahil sa huli— ang kabutihan ang siyang mananaig.”
Sa buong homiliya na iyon, tila lumakas ang loob ni Tet na lalong ipagtanggol ang nararamdaman niya para sa kaniyang kuya. Eh ano ngayon kung mahal niya ang kuya niya? Wala naman silang ginagawang masama. Besides, malaki ang tiwala sa kaniya ng kuya niya kung kaya’t wala siyang dapat ipangamba.
Tila kumalma naman ang kalooban niya sa narinig mula sa pari. Tama ito, dapat niyang ipaglaban kung ano nararamdaman niya. Tumingin siya kay Tet habang nakapikit ito at mataimtim na nagdadasal. Bumulong siya sa kaniyang sarili. “I won’t let other people hurt you— at all cost.”
PAGKATAPOS magsimba ay nagyaya si Alex na pumunta sa videoke.
Wala namang nagawa si Liza kung hindi ang sumunod. Gustuhin man nitong tarayan si Alex ay hindi niya magawa dahil halos magkapareho sila ng ugali. Ang ipinagtataka lang ni Alex at Liza ay kung bakit tahimik si Tet ngayong araw. Alam kasi nila na kahit kaunting lambing o titig ng kahit sino sa kuya niya ay nagagalit ito kaagad. Ngunit ngayong araw, buhat nang magkita-kita sila, ay tila manhid ito at pipi.
“Bes, it’s your turn now.” sabi ni Liza bago ibinigay ang microphone sa kaniya.
Lumapit naman si Alex sa harapan niya bago hinawakan ang noo niya. “Wala ka namang lagnat pero bakit parang ang tahimik mo ngayon ha, Tetsu?”
“Oo nga bes, dali-dali, share mo naman habang nasa labas ang kuya mo.” pangungulit naman ni Liza sa kaniya. Sa pagkakataong ito ay tila nagkaruon ng truce ang bestfriend niya at si Alex.
Huminga siya ng malalim. “Ang hirap kasi eh. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko ngayon.”
Nagkatinginan lamang si Alex at Liza sa isa’t isa. Nagsalita si Alex. “Liza, parang alam ko na kung ano ang problema ng bestfriend mo.”
“Ano yun Ate Alex?” sumakay naman si Liza sa kausap.
“In love yan sa kuya niya eh.” ani Liza bago ito tumingin sa kaniya. “Tama ba Tetsu?”
OO! Yan ang gusto niyang isagot kay Alex ngunit walang lumalabas sa bibig niya kung hindi buntong-hininga at katahimikan. Sasagot na sana siya nang biglang dumating ang kuya niya, bitbit ang ilang pagkain na inorder ni Alex para sa kanila.
“Sorry girls, nakialam na rin ako sa waiter. Gusto ko kasi ako ang maghahatid ng food sa inyo.” sabi ni Yuta bago umupo sa tabi ni Tet. “Turn ko na ba?”
Ngumiti naman siya bago tumayo sa gitna. Humarap siya sa kuya niya bago inilapit ang microphone sa bibig niya. “Kuya, para sayo ang kantang ito.”
“If I had to live my life without you near me, the days would all be empty, the nights would seem so long…” panimula niya bago siya tumingin sa telebisyon. Pakiramdam niya, sa bawat araw na nagdadaan ay kukunin sa kaniya ng Dios ang kuya niya. Naiisip pa lang niya ang mga bagay na iyon ay parang naiiyak na siya.
Ipinagpatuloy niya ang pagkanta. “Hold me now, touch me now, I don’t want to live without you…” halos mautal-utal siya ng sabihin ang linyang iyon. Nauutal siya dahil unti-unti siyang naiiyak. Parang hindi niya kayang kantahin ang mga susunod na linya dahil sumisikip ang dibdib niya. Nahihirapan siyang huminga.
“Tetsu! Ok ka lang? Bakit ka umiiyak?” tanong sa kaniya ni Yuta pagkatapos mapansin na umiiyak siya.
Tumingin lamang siya dito bago siya ngumiti. “Nothing’s gonna change my love for you— kuya.”
Pagkatapos sabihin ang mga linyang iyon ay nawalan siya ng malay. Bumagsak siya sa mga balikat ng kuya niya. Bago siya tuluyang nawalan ng malay ay naririnig pa niya sila Alex at Liza na ginigising siya. Nabalot ang buong paligid niya ng kadiliman. Isang kadiliman na humuhugot sa kaniya papalayo sa mundo, papalayo sa kuya niya.
MABILIS na naisugod sa ospital si Tet.
Katatapos lamang ilabas ang kaniyang kapatid mula sa emergency room at ngayon ay naka confine na ito sa isang semi-private na kwarto. Pagkagising nito ay binigyan niya ito ng matamis na ngiti.
“Tetsu, anong pakiramdam mo? Ok ka na ba?”
Ngumiti ito sa kaniya. “Ok lang ako Kuya. Nasaan ako?”
“Nandito ka sa ospital. Nag collapse ka kanina dahil sa sobrang puyat at pagod. But now, you’re ok. Kailangan mo lang ng pahinga.”
Tumingin ito sa bintana bago muling nagsalita. “Thank you kuya ha. Pasensiya ka na. Tuloy, di mo nabuksan ang shop. Marami pa naman atang magbi-birthday ngayon.”
“Ikaw talaga… nagpaparinig ka ata eh.”
Ngumisi ito. “Hindi no! Isa pa, sa makalawa na ang birthday ko. Feeling ko, wala ka pang naiisip na regalo sa akin no?”
“Meron na kaya, ako pa.” ngumiti siya dito. Tama ito, wala pa nga siyang naiisip. Hindi kasi niya alam kung ano ang magandang i-regalo dito bukod sa spaghetti at kiss sa ilong na ibinigay niya bilang advanced.
Naalala niya tuloy ang ginawa nitong paghalik sa kaniyang mga labi. Hindi normal na halik iyon para sa magkapatid gaya nila. Dapat ay ibinibigay lamang ang klase ng halik na iyon sa taong mahal mo. Sa kaso nila, mali iyon.
“Kuya… h’wag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.” Tila nag-flashback sa kaniya ang sinabi nito sa kaniya pagkatapos siya nitong halikan sa labi. Unti-unti ay bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganito siya pero isa lang ang alam niya. Gusto niyang mapaligaya si Tet, kahit na sa anong paraan.
“Liar.” Bumalik siya sa realidad pagkatapos marinig ang boses ni Tet. “Wala ka pang naiisip na magandang regalo sa akin, halata ka kaya.”
Ngumiti na lamang siya para hindi humaba ang usapan. “Bukas, makakalabas na tayo dito. Kaya magpalakas ka ha?” Pag-iiba niya sa usapan.
“Ok, ako pa!” magiliw naman nitong sagot sa kaniya.
KINABUKASAN ay nakalabas din sila pagkatapos na mai-settle ng kuya niya ang hospital bill.
Sa ngayon, cashier at tambay mode lang siya. Hindi kasi siya pwedeng magpuyat at magpagod eh. Maya-maya ay dumating si Alex, may dala itong regalo at maliit na cake.
“Tet! Ok ka na ba?” ani Alex bago nito ibinigay ang bitbit sa kaniya.
Kinuha niya ito at saka tumingin kay Yuta na abalang-abala sa pagbabalot ng mga regalo. “Oo naman! Inalagaan kaya ako ng kuya ko!”
“Mabuti naman.” Ibinaling nito ang tingin sa kuya niya. “Yuta, may gagawin ka ba mamaya?”
“Wala naman, bakit Alex?” simpleng sagot ng kuya niya.
“Yayayain ka sana namin ni Tetsu na manuod ng fireworks mamaya. Pwede ka ba?”
Sumimangot ang kuya niya. “Pass muna Alex. May ni-ru-rush kasi akong mga dapat ibalot dito. Sobrang dami kasi eh.”
“Ganun ba? If you like, tutulungan ka na lang namin!”
Umayaw ito. “Hindi na Alex! Ok lang. Isama mo na lang si Tetsu.”
“Oh Tetsu, narinig mo yun, sumama ka na lang daw sa amin sabi ng kuya mo.”
Nakaramdam naman siya ng kalungkutan. Paano ba naman kasi, ang akala niya, sasamahan siya ng kuya niya manuod ng fireworks. Yun pala ay hindi dahil busy ito. Mas inuna pa nito talaga ang trabaho niya kesa sa kaniya. Tuloy, parang gusto niyang mainis pero inunawa na lamang niya ito.
“Ok lang Ate Alex, basta sabi ni kuya, susunod ako.”
NAGSIMULA ang fireworks sa eksaktong oras na itinakda para dito.
Marami ang nanuod sa baywalk. Naging solemn ang pangyayaring iyon dahil walang banda na normal na tumutugtog ng malakas sa paligid nila. Sila Alex at Liza naman ay nagtatalo pa rin, para silang aso’t pusa.
Pero sa kabilang banda ay natutuwa siya habang tinitingnan ang dalawang tao na nasa harapan niya. Parang kailan lang, nawala ang mga magulang nila. Pero sa kabilang banda, napalitan naman iyon ng mga kaibigang masasabi niyang nagpapaligaya din sa kaniya. Siyempre, hindi mawawala ang kuya Yuta na laging nasa tabi niya.
Ngunit ngayon ay wala ito sa tabi niya. Paano ba naman kasi, busy ito sa trabaho nito, may ni-ru-rush kasi na mga orders. Napakagat siya ng labi. Na-realize niya kasi na masyado siyang nagiging selfish. Oo, magkapatid sila pero kailangan din naman na lumigaya ang kuya niya. At ang klaseng kaligayahan na ini-expect ng bawat isa ay hindi niya maaring maibigay dahil sa magkadugo sila, hindi talaga sila pwede.
“Tet, ok ka lang diyan?” pangangamusta sa kaniya ni Alex bago hinawakan ang kaliwang kamay niya.
“Oo naman!” magiliw niyang sagot bago niya ito tiningnan.
“Sigurado ka Bes?” kumipirma naman ni Liza sa kaniya.
Tumango siya bago naman hinawakan ni Liza ang kaniyang kanang kamay. “Salamat Ate Alex. Salamat Bes.”
“Sus, wala yun, ikaw pa!” koro nila ni Alex at Liza. Nagkatinginan pa ang dalawa. Ang akala niya ay magtatalo na naman ito pero nagkatawanan na lang sila.
Nagpatuloy ang pagguhit ng magagandang liwanag sa madilim na kalangitan. Naalala tuloy niya ang home-made fireworks na ginawa ng kuya niya para sa kaniya. Hindi man kasing bongga at ganda ang mga fireworks na nakikita niya ngayon, masasabi niyang proud siya dito dahil kahit mga simple lamang iyon ay talagang tumatak iyon sa kaniyang isipan.
Naalala niya rin ang mga pangakong binitawan niya para sa kuya niya na hindi niya ito iiwan kahit anong mangyari. Ngunit habang iniisip niya ang mga nakaraan nila ay nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil pakiramdam niya ay sinasakal niya ang kuya niya. Sinasakal niya ito upang pigilan itong magmahal ng iba. Pigilan ito na siya lang ang dapat mahalin at wala ng iba pa.
“Selfish ka…” sumbat niya sa sarili. Unti-unti ay napansin niyang nag-uunahan ang mga luha sa pagbagsak mula sa kaniyang mga mata. Umiiyak siya dahil wala siyang magawa sa kaawa-awa niyang kondisyon. Kung maari lang humiling sa mga fireworks na nasa harapan niya, ang hihilingin niya ay—
“If the road ahead is not so easy, our love will lead a way for us, like a guiding star.” sabi sa boses sa paligid nila. Boses ito ng kuya niya, kumakanta ito! Pero saan nanggagaling iyon? Wala naman ito tabi niya.
“I’ll be there for you if you should need me, you don’t have to change a thing, I love you just the way you are” Maging si Alex at Liza ay narinig din ang boses ng kaniyang kuya. Hinanap nila kung saan nanggagaling ang boses nito. Nasa loob ito ng bag!
“So come with me and share the view, I’ll help you see forever too, hold me now, touch me now, I don’t want to live without you” Isang cellphone ang nasa loob ng bag niya! Bagong-bago ito at may keychain din na nakasabit. Pero kanino ang cellphone na ito? Sino ang tumatawag at naka-set pa ang ringtone nito na nanggaling pa sa pag-record ng boses ng kuya niya.
Sinagot niya ang cellphone. “Hello! Sino to?”
“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?” ang kuya niya ang nasa kabilang linya. Hinanap niya kung nasaan ito pero hindi niya ito makita. Parang nawala lahat ng kaniyang bagabag nang marinig ang boses ng kuya niya.
Tumango siya. “Oo kuya! Akin ba itong cellphone? Nasaan ka?”
“Oo, sayo yan. Happy birthday mahal kong kapatid.”
“Kuya naman eh, bukas pa kaya birthday ko!”
“Eh di advanced na lang. Happy?”
“Oo! Sobra! I love you!”
“I love you too…”
Ngumuso siya. “Eh kuya… nasaan ka ba? Punta ka na dito!”
“Nagmamaneho kasi ako at—“
May narinig siyang malakas na tunog mula sa linya ng kuya niya. Nagmamaneho? Malakas na ingay? No—no way! Nabangga ang kuya niya habang nagmamaneho ito!
“Ku—kuya! Kuya! Kuya!” paulit-ulit niyang sigaw ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.











ay wah na man sana masama nangyari kay yuta….cute ang paraan ng pagbigay ng gift….SURPRISE!!!!
SWEET nung gift ni Yuta for tet. :”>
danda nman story na 2..w0oooh!
wahhhh!!! ano ba??? wahhhh!!!
naku….
nakaka iyak na man.. huhuhuh….
xy: wah! *bigay bote* ay mali. *bigay tisyu*
naiiyak nman ako eh.. kc my naalala ako sa story.. tpos naaksidente din sya.. at ngayon wla na sya..
xy: kaya mo yan..
…ang cute talaga super…
wat da? wat hapen? anu b yan?
next plz.. heheh can’t w8..
xy: may bubbles ako dito, magagamit mo habang nag w w8 ka
argg.. i hate u xy, bakit naaksidente si yuta? i hate you..
xy: aksidente ba yun o sinadya? hmmm!
what the?
my gosh…. wag ka nmang magpaiyak…
fookak… grrr….
danda nya….