Episode 5 – Acceptance of Everything
Ikaw ay akin,
dahil ako’y sa iyo.
Ako’y sa iyo,
dahil ginusto ko.
MALALIM na ang gabi at katatapos lamang ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Ipipikit na sana ni Yuta ang kaniyang mga mata pagkatapos magbasa ng makakapal na libro ngunit may natanggap siyang mensahe mula sa kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon saka binasa.
“Yuta, help!” sabi sa text message.
Kilala niya kung sino ito! At hindi niya maaring balewalain iyon!
Dali-dali niyang kinuha ang kaniyang jacket, susi sa motor at helmet. Naisip niyang magpaalam muna kay Tet ngunit dahil sa limitado lamang ang kaniyang oras ay hindi na niya ginawa iyon. Tutal, bago sumapit ang umaga ay makakabalik na rin naman siya ng bahay bago pa man magising ang kaniyang nakababatang kapatid na babae.
Lingid sa kaalaman niya, may isang anino sa kwarto ng kaniyang kapatid ang nakakita sa kaniyang mabilis na pag-alis. Bumulong ito sarili, “Kuya… aalis ka na naman…”
BAGO sumilip ang sinag ng araw sa bintana ni Tet ay nagising na siya.
Alam niyang umalis ang kuya niya kagabi kung kaya’t kokomprontahin niya ito. Tiyak, lagot ito sa kaniya dahil nagiging madalas ang paglabas nito tuwing gabi nang hindi man lang nagpapaalam. Iba yata siya dahil isa siyang matinik at mahigpit na kapatid.
Mabilis niyang binuksan ang kaniyang silid at dali-daling bumaba sa sala. Sigurado, wala pa ang kaniyang kuya. At kung sakali mang dumating na ito ay siguradong puyat ita. Pagdating niya sa sala at nakita niya ito sa kusina, naghahanda ng kanilang almusal.
“Tet, kain na. May pasok ka pa.” bungad ni Yuta sa kaniya bago ito ngumiti. Wala itong bahis na anumang pagod o puyat sa ginawa nitong pag-alis kagabi. O baka nananaginip lang siya ng gising?
Sinuri niya ang mga mata nito ngunit fully recharged ang mga ito! Pero, anong nangyari? Umalis ba talaga ito? Kung oo, san ito nagpunta? Kung hindi naman, ano yung nakita niya kagabi? Weird! “Th— thanks kuya.”
Nginisian siya nito. “Tet, titigan mo na lang ba ako o kakainin mo na yang almusal mo? Sige ka, baka tumakbo yan at sipain ka.” anito bago siya itinulak papalapit sa kaniyang upuan.
Gustuhin man niyang tanungin kung saan ito nagpunta kagabi ay hindi niya magawa. Marahil nga, baka panaginip lang ang nakita niya kagabi. Lagi kasi siyang paranoid these past few days pagkatapos nilang mag-usap tungkol sa kanilang pangako.
“Simula nang mawala si Papa at Mama, sayo ko na ibinaling ang mga natitira kong oras. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal pero sa pagkakataong ito, pabayaan mo muna ako maging mahina…”
Tinapos niya ang flashback na iyon sa pamamagitan ng pagkuha ng kubyertos. Kumuha siya ng pagkain. Isusubo na sana niya ito nang biglang may kumatok sa kanilang gate.
Mabilis namang pinuntahan ng kuya niya ang gate upang tingnan kung sino ang taong iyon. Dahil sa hindi na rin siya mapalagay ay sinundan niya ito. Mula sa bintana, nakita niya ang isang maganda at isang desenteng babae. Binayaran ng kuya niya ang pinamasahe nito sa taxi na sinakyan nito. At take note, may dala itong maleta— isang malaking maleta!
“WENDY…” mahinang sabi ni Yuta pagkatapos niyang makita ang kaibigan.
Ayon sa kulay ng mga mata nito, tiyak na pagod ito mula sa biyahe at kagagaling lamang nito mula sa isang grabeng pag-iyak. Marahil, hindi pa rin ito kumakain ng almusal.
“Honey… I’m sorry…” ani ng babae bago ito yumakap sa kaniya.
Gustuhin man niyang pigilan ito sa pagtawag sa kaniya ng ganun ay tila huli na ang lahat dahil nasa likod na niya si Tet at tila galit na galit ito sa narinig. Susugurin na sana ni Tet si Wendy ngunit napigilan niya ito.
“Anong honey? Ang kuya ko ba ang tinutukoy mo, aber!?” mataray na sabi ni Tet kay Wendy habang tinuturo nito ang sariling ilong.
Ngumiti naman si Wendy bago ito nagsalita sa wikang Frances. “vous devez être tetsu. it’ ; plaisir de SA de vous rencontrer.” Ang ibig sabihin ay— Ikaw siguro si Tetsu. Isang karangalan ang makilala ka.”
Napatanga si Tet. Ano raw!? Anong alien language yun!?
“veuillez pardonner ma petite soeur.” sabi naman ni Yuta pagkatapos na batukan ng mahina si Tet. Kung isasalin sa wikang Ingles— Please forgive my little sister. Pagkatapos ay binulungan niya ang kapatid. “Tetsu, behave. Nasa harap ka ng isang prinsesa— isang tunay na prinsesa.”
Pagkarinig niyaon ay tila nanlamig ang buong katawan ni Tet. Hindi yata ito makapaniwala sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, simula pagkabata pa ay fascinated na si Tet sa mga istorya ng mga prinsipe at prinsesa, mga hari at reyna, mga kaharian at malalawak na lupain. Napangiti na lamang siya pagkatapos makita ang kakaibang reaksyon ng kapatid.
Tinakpan ni Wendy ang bibig habang tumatawa ito. Isang pag-uugali kasi ng prinsesa ang magkaruon ng mayuming pag-uugali sa harap ng tao. Kinindatan niya si Wendy bago niya ibinaling ang tingin kay Tet. “Tetsu, bahala ka na sa gamit ng mahal na prinsesang Wendy. Siguradong pagod na pagod siya galing sa biyahe.”
“Hindi na, kaya ko na ito Yuta.” tutol naman ni Wendy bago nito kinuha ang maleta ngunit nahuli ito dahil inunahan na siya ni Tet.
“Hi—hindi na mahal na prinsesa! Ako nang bahala dito! Sige, kain na kayo ni kuya!” mabilis na sabi ni Tet pagkatapos nitong kunin ang gamit ni Wendy saka pumasok sa loob ng bahay.
Nagkatinginan sila ni Wendy bago siya nito tinaasan ng kilay.
“Yuta, anong kalokohan na naman yang naisip mo?” si Wendy.
Tumingin na lamang siya dito bago niya ito sinagot. “Sumakay ka na lang—Mahal na prinsesang Wendy galing Frances.” Humalakhak siya pagkatapos makita ang kakaibang reaksyon ng kaibigan.
PAGKATAPOS kumain ng almusal ay dapat na hugasan ang mga pinagkainan.
Ngunit imbis na siya ang gumawa nito bilang bisita ay si Tet na mismo ang nag-prisinta. Hindi lang iyon, maging paghahanda ng kaniyang tutulugan sa sariling kwarto nito ay iniayos na rin ni Tet. Talagang napaniwala nila ni Yuta na isa nga siyang prinsesa. Gustuhin man niyang sabihin dito ang totoo ay hindi na niya magawa. Pababayaan na lamang niya na si Yuta ang magsabi nun kay Tet.
“Tet, salamat ha?”
“Walang anuman yun mahal na prinsesa!” mabilis na sabi nito pagkatapos ay yumuko ito sa kaniya bilang tanda ng paggalang.
Napangiti siya bago niya naisip na kausapin ng masinsinan si Tet. Magandang pagkakataon ito dahil umalis si Yuta upang bumili ng additional supplies para sa gift wrapping shop nila.
“Pwedeng magtanong Tet?” panimula niya.
Tumango ito sa kaniya. “Kahit ano mahal na prinsesa!”
Tinampal niya ang kaniyang sariling noo bago hinawakan ang mga kamay nito. “Ganito na lang, hindi kasi ako komportable na tinatawag na mahal na prinsesa. May pangalan kasi ako at magiging masaya ako kung tatawagin mo ako sa pangalan ko.”
“Pe— pero, isang kabastusan yun mahal na prinsesa! Magagalit ang kuya ko!”
“Ok, ganito na lang.” lumapit siya kay Tet bago niya ito inakbayan saka binulungan. “Tawagin mo ako sa pangalan ko pag tayong dalawa lang. Tutal, magkaibigan na naman tayo diba?”
Tatanggi sana ito ngunit bigla itong tumango sa kaniya ng paulit-ulit. Senyales iyon na napapayag na niya ito. “Sige! Ate Wendy! Ok ba?”
“Ok na ok!” Ayos! Success ang kaniyang pre-emptive move. Ngayon, kailangan niyang usisain kung sino ba talaga itong Tetsu na ito na sobrang pino-protektahan ni Yuta sa kanilang lahat.
“Sinong kasama ninyo dito sa bahay ni Kuya Yuta mo?” pauna niyang tanong.
Tinuro lamang nito ang picture frame nilang magkapatid na nakasabit sa dingding sa harapan nila. “Kami lang. Ang sweet no?”
Pagkarinig niya sa sagot nito ay tila kinurot ang kaniyang puso. Pakiramdam niya kasi ay parang umiikot lang ang buhay ni Tet kay Yuta. “Oo nga, ang sweet. Siguro, mahal na mahal mo ang kuya mo no?”
“Tama ka diyan! At sobrang-sobra pa sa sobra ang pagmamahal ko kay kuya.”
Napabuntong-hininga siya. Paano ba naman kasi, grabe na yata ang tama nito kay Yuta— parang katulad niya. “Wa—wala akong masabi.”
“Ok lang yan Ate Wendy! Sa katunayan nga, papakasalan ko ang kuya ko pagsapit ko ng eighteen! Pupunta ka ha?”
Halos mahulog siya sa upuan niya. Ano daw!? Pakakasalan niya si Yuta? Ang sarili niyang kapatid? Baliw na yata itong si Tet! “What!? Magkapatid kaya kayo!”
“Joke lang!” anito bago ito ngumisi na parang pusang nang-aasar. Naisahan siya nito!
Nagtawanan silang dalawa sa pinag-uusapan nila ngunit biglang dumating ang isang katahimikan. Isang katahimikang si Tet na rin mismo ang sumira nito.
“Alam ko…” mahina naman nitong sagot sa kaniya. Kung kanina ay energetic ito, ngayon ay tila hindi na. “Hindi naman pwedeng mangyari yun dahil magkadugo kami diba?”
Napakagat siya ng labi. “What if— hindi nga kayo talaga kayo magkapatid, anong gagawin mo?”
Nag-angat ito ng ulo bago siya nito sinagot ng deretso. “Eh di mas maganda! At least, magagawa ko na ang gusto kong gawin sa kuya ko!”
“A—ano naman yun Tet?” Tila lumunok ata siya ng malaking bato sa sarili niyang tanong.
“Make love to him, all day and night!”
Tila bumagsak ang kisame sa ibabaw niya dahil sa narinig. Ngayon niya lang na realize kung gaano kamahal ni Tet si Yuta. Tiyak, oras na magkatotoo ang wish nito, talagang mawawalan na siya ng pag-asa kay Yuta. Pero ok lang, hindi naman ganun katindi ang feelings niya para dito. Talagang mabait lang ang Yuta na iyon kaya kadalasan ay nami-misinterpret ang sweetness at caring na ibinibigay nito sa kahit kaninong tao.
PAGKALIPAS ng tatlong araw ay nagdesisyon si Wendy na bumalik na sa kanilang bahay.
May malaki kasi itong family problem at mismong si Yuta ang umayos nito. Ngayon ay nasa bus station na sila kung saan ihahatid na niya ang kaibigan.
“Wendy, salamat ha?” panimula niya pagkatapos na maibaba ang maleta.
Pinaupo siya ni Wendy habang hinihintay ang pagbubukas ng pintuan ng bus na sasakyan nito. “Yuta, mag-usap nga tayo.”
“Tungkol ba kay Tetsu ito?”
“Oo. Dederetsahin na kita.” Huminga ito ng malalim upang humugot ng lakas. “Mahal ka ni Tetsu, alam mo ba yun?”
Nginitian lamang niya ito. “Alam ko.”
Tila nainis naman ito sa reaksyon at sagot niya. “Alam mo rin ba na sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa pagsali mo sa isang teatro at sa pagiging manunulat mo? Sinabi ko na rin na hindi ako prinsesa at ako rin ang gumanap bilang Filia sa stage play na idinirek mo. Pati yung pagtawag ko sayo bilang ‘Honey’, ipinaliwanag ko na rin sa kaniya.”
“Alam ko rin.”
Binatukan siya nito nang mahina. “Kakaiba ka talaga… Ano bang nakain mo?”
Hindi niya ito sinagot. Gustuhin man niyang mainis kay Wendy dahil sa pagsasabi nito sa mga sekreto niya ay hindi niya magawa. From the mere fact na nakuha ni Wendy ang loob ni Tetsu ay isa lamang ang ibig sabihin nito— unti-unti nang nanunumbalik ang dati nitong ngiti bago pa man mawala ang kanilang mga magulang.
Bumukas ang pintuan ng bus. Senyales iyon na maari na rin itong umalis upang sumakay dito. Tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya nito.
“Yuta, huling tanong…”
“Ano yun Wendy?”
“What if— hindi talaga kayo magkapatid, anong gagawin mo?”
Tila pinana ng palaso ang kaniyang puso. Gustuhin man niyang bunutin iyon ngunit hindi niya magawa. Tumahimik na lamang siya—hindi dahil sa hindi niya alam ang kaniyang isasagot. Hindi siya sumagot dahil—
Pinutol nito ang pag-iisip niya ng malalim. “Bahala ka. Basta’t isa lang ang hiling ko. Sana, h’wag mong iwan si Tetsu kahit anong mangyari… Sayo lang siya nakasandal at pag nangyari yun… Baka mangyari rin sa kaniya ang nangyari sa akin nuon.”
Hinalikan na lamang niya sa noo si Wendy. Isang halik na tanda ng pagpapasalamat at pamamaalam. “Akong bahala sa lahat. Mag-iingat ka.”
PAGKAUWI niya sa bahay ay nakita niya si Tet na masigasig na inaasikaso ang kanilang gift wrapping shop. Pumasok siya sa pintuan saka ipinakita ang pasalubong niyang spaghetti dito.
“Advanced happy birthday Tetsu.”
Sumimangot ito. “Spaghetti lang, wala na bang iba?”
Ngumiti na lamang siya bago niya nilapitan ito. Inilapit niya ang kaniyang mga labi sa ilong nito bago niya ito hinalikan dito. “Ayan, kiss. Satisfied?”
Umiling ito. Sumenyas ito na gusto pa nito ng isa. Pinagbigyan niya ito. Pumikit siya saka inilapit ang labi niya sa ilong nito. Bigla ay nag-angat ito ng mukha. Imbes na sa ilong ito lumanding ay sa labi nito. Parehong namula ang kanilang mga pisngi nang sandaling iyon.
Lalayo na sana siya ngunit biglang hinawakan ni Tet ang magkabilang pisngi niya saka siya siniil ng halik. Isang halik na sabik sa kaniyang pagmamahal. Malambot ang labi ni Tetsu. Kung hindi niya pipigilan ang sarili ay baka kung saan pa sila umabot.
Ibubuka pa sana ni Tet ang bibig nito ngunit tuluyan na niyang tinapos iyon saka niyakap ng mahigpit ang kapatid. Hindi maari ito. Hindi siya maaring mahalin ni Tetsu. Maya-maya ay narinig na niya ang mga paghibik nito. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito.
“Tetsu, what’s wrong?” malambing niyang sabi dito.
Gumanti ito ng yakap sa kaniya. “Kuya… h’wag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.”
“Hussle down. It won’t happen. Nandito lang ako lagi sa tabi mo…”
“Sa—salamat.”
Pagkatapos ng eksenang iyon ay ginugol na lamang niya ang mga natitirang oras sa panunood ng mga comedy at action movies. Kailangan, hangga’t maari, iwasan niya ang pagiging malambing niya kay Tetsu. Dahil kung hindi, baka tuluyan na ring mahulog ang loob niya dito.











aaarrrggghhh!!!…tense na ako sa story….kakagigil…
subra talaga sasabog na ata utak kuh sa ka-curiosan..
ang weird nga ng story.. pero EXCITIIIIIIIIIING! grabe kinikilig ako. hahahahahah
) :*
ang wierd ng story na 2 pero nkakaexcite xang basahin…heheh
what a story
waa incest
bakit naaapektuhan na si yuta kay tetsu? ano ba talaga ang dahilan at bakit di sila pede kung di naman sila magkapatid?
wahhh.. naughty tetsu.. pasaway ka ah..
hayyyyy
naku
nakakaewan tong story na 2
haha
xy: nakaka… gutom?
Kaya nga nangyayare lng to sa mga porno story ampon man o magkapated! But I really admired for the author magaling, you are a briliant writer kahit ganito comment ko sayu, pero saludo parin ako sayu! Peace!
xy: di naman po T_T
ewe..pano ba sila pinalaki ng magulang nila para maisipan nila…lalo na ni tetsu ang ganung bagay para sakanila ng kuya nila…magkadugo man o hindi,lumaki silang magkasama at namuhay na ang pag kaka alam ay magkapatid sila…may sayad ba si tetsu? para isiping maki-pag make love sa kuya nya? o si yuta na nagnanasa rin sa kapatid nya?
xy: parang may sayad ata. O_O
ngee… nice poh… but ganun…
feeling ko d cla magkapatid,,,,,,
nxt chapie plzzz////
kakabitin
xy: salamat po ate glory
nakaka excite nman..
heheh im sure mas maganda pa yung mga
darating na next chapter..
Hinde parin mganda pakinggan ang ganitung takbo Sorry ! Kahit ampon lang yung isa sa kanila parang Hwww! Nkakapangelabot parin as a Filipino.
xy: ok
my kakaiba nga.. abangan nlng ang next chapter.. thanks
xy: mas kakaiba ka sjyo.
waaaaaaa….ang cute talaga nila…
sana hindi cla 2nay na magkapatid…
^___^
Clueless pa rin ako sa nangyayari…
xy: ako rin, impromptu kasi. toink!
bkt ganun mejo ka2iba ah….