Episode 4 – Fear of Something
Pangangamba,
dapat bang isiping walang hanggan?
Asahan mo na…
kahit kailan hindi kita iiwan
GABI na ngunit hindi pa rin dumarating si Tet galing sa klase nito. At dahil nag-aalala si Yuta ay pansamantala nitong sinara ang kanilang gift wrapping shop at tumakbo patungo sa eskwelahan ng nakababatang kapatid.
Pagdating dun ay agad niyang nakita ito, nag-iisa sa sulok. Marahil, hindi ito makaalis dahil sa sobrang lakas ng ulan. Alam niyang takot din ito sa kidlat at kulog kaya lagi siyang nag-aalala sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
“Tetsu, uwi na tayo.” sabi niya rito habang tinatakpan ang mga tenga nito sa pamamagitan ng mga sariling kamay. Nakapikit din ito ng todong-todo at halatang malapit na rin itong umiyak.
Tiningnan siya nito. Bigla ay yumakap ito ng mahigpit sa kaniya. “Ku– kuya, bakit ngayon ka lang? Kanina pa kaya kita hinihintay dito?”
“May payong ka naman diba, bakit hindi ka na lang umuwi mag-isa habang hindi pa lumalakas ang ulan kanina?” aniya bago nito hinaplos-haplos ang mahaba nitong buhok.
Mas lalo pang hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kaniya. “Kasi may tinapos pa kami ni Liza. Pinauna ko na siyang umuwi kasi may nakalimutan ako sa classroom. Pero nung papalabas na ako, bigla namang lumakas ang buhos ng ulan.”
“Ok lang yan. Nandito na naman ako.” aniya bago niya ito hinalikan sa puyo.
Ang halik na iyon ang nagsilbing lakas ng loob para sa kaniyang kapatid na bumalik sa normal. “O– ok na ako! Tara na kuya! Sugod tayo sa ulan!”
“Paanong sugod ang gusto mong gawin natin?”
“Kahit anong sugod, basta’t kasama kita.”
“Eh paano kung hindi mo na ako kasama?”
Nanlumo ang mukha nito. Iiyak na sana ito ngunit siya na rin mismo ang unang naglambing dito. “Ano ka ba Tetsu. Alam mo namang hinding-hindi kita iiwan diba?”
Tumingin ito sa kaniya ng deretso. Nagiging perfect circle ang mga mata nito sa tuwing maglalambing ito sa kaniya. “Talaga?”
Pinitik niya ito sa ilong. “Talaga. Pangako.”
Mabilis nilang nilisan ang eskwelahan kahit alam nilang malakas ang pagbuhos ng ulan. Wala pa sila sa kalagitnaan ng daan ay nasira ang payong na dala-dala ni Yuta kung kaya’t ibinigay nito ang jacket na dala nito at ipinasuot na lamang kay Tet.
Pagdating sa bahay ay maayos silang nakapag-ayos ng katawan at sabay na nakapag-hapunan. Para kay Tet, ang mga simpleng pangyayari gaya nito ang importante sa kaniya. Basta’t kasama niya ang kaniyang kuya, makakaya niyang maging matatag.
Sa kabilang banda, para kay Yuta, ang mga lambing at pagpapa-kyut sa kaniya ni Tet ang nagbibigay dagdag sa kaniyang lakas. Ikanga, stress reliever niya ito. At kahit na anong problema ang dumating, basta’t nasa tabi niya si Tet, makakaya niyang gawin kahit ang mga imposible.
UMAGA na ngunit hindi pa bumabangon ang kaniyang kuya.
Nung una ay hindi niya ito pinansin dahil alam niyang napagod ito sa pagsundo sa kaniya kagabi. Pero nang napansin niyang umuungol ito ng mahina habang natutulog, duon na siya binalot ng takot.
Agad niyang nilapitan ang kaniyang kuya at hinipo ang noo nito. Mainit ito! At hindi lang basta’t mainit dahil tila kagabi pa ito nilalagnat!
Bago pa siya nagsimulang mataranta ay agad niyang narinig ang malakas na pagkatok ng tao sa pintuan ng kanilang shop. Marahil, isang customer ito na may rush na ipapagawa.
Agad siyang pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Nagulat siya ng makita ang isang taong nakita niya na rin dati.
“Hi kulet, ang kuya mo?” bati ni Alex sa kaniya.
Ngunit ang pagsusungit niya sa tuwing may mangungulit sa kuya niya ay hindi niya nagawa ngayong umaga. Nag-aalala kasi siya dahil may sakit ito! “A– ate…”
“Oh bakit, parang bumaet ka ata? Imposible.” pabirong sabi ni Alex sa kaniya bago sumilip sa loob ng kanilang shop. “Don’t tell me sarado kayo ngayon? Eh maaga kaya nagbubukas ang kuya mo.”
Binuksan nito nang tuluyan ang pintuan. Pinatuloy nito si Alex bago binuksan ang bintilador at ilaw sa harapan. “Ate, si Kuya, inaapoy ng lagnat. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako!”
Nanlaki naman ang mga mata ni Alex sa narinig. “What!? O sige, ganito. Kumuha ka ng bimpo, planggana at yelo. Kumuha ka rin ng papel at ballpen, isusulat ko yung mga gamot na dapat mong bilhin.”
Mabilis na tumalima naman siya sa utos ni Alex sa kaniya. Aaminin niya, naiinis siya dito dahil may gusto ito sa kuya niya. Pero pagkatapos nang ilang araw ay napatunayan niyang isa itong tapat na kaibigan at talagang mabait lang ang kuya niya dito.
Pagkakuha sa mga sinabi ni Alex sa kaniya ay agad itong nagsulat ng mga gamot na dapat niyang bilhin. Pagkabigay sa kaniya ng papel ay tumakbo na agad siya papalabas at pumunta sa botika.
Tiningnan ni Alex si Yuta na kasalukuyang nakikipaglaban sa trangkasong nakuha nito kagabi sa malakas na pagbuhos ng ulan. “Hanggang kailan mo aalagaan ang kapatid mo?” bulong nito sa sarili.
LUMIPAS ang ilang minuto at mabilis ding nakabalik si Tet sa bahay.
Pagkabukas ng pintuan ay nagulat siya sa kaniyang nakita. Pinupunasan kasi ni Alex ang buong katawan ni Yuta. At hindi lang iyon, pati singit nito ay hindi rin nito palalampasin!
“I– itigil mo yan Alex!” pigil niya dito.
“Tet!” nagulat ito kung kaya’t nabitawan nito ang bimpo na dapat sana ay ipampupunas nito sa singit ng kuya niya.
“Anong ginagawa mo sa kuya ko!? Hinihipuan mo siya no?”
Ngumiti lamang si Alex bago niya pinulot ang nabitawan niyang bimpo saka nito ibinato ito sa kaniya. “Wala ka talagang alam Tet. Oh ikaw na lang ang magpunas sa kuya mo. Tutal mas marunong ka naman kaysa sa akin.”
Namula ang mga pisngi niya. Siya? Magpupunas sa kuya niya? Pwede rin pero hindi niya kaya! Nakakainis talaga ang mga matured na tao! “I– ikaw na lang! Eto yung mga gamot!” aniya bago niya ibinato ang gamot kay Alex.
Lumabas siya ng kwarto at nagtungo sa shop upang tauhan iyon. Sa ngayon, palalampasin niya ang panlalandi ni Alex sa kuya niya. Pero oras na gumaling ito, yare sa kaniya ito… pati na rin ang kuya niya na feeling niya ay natutuwa rin sa pinaggagagawa sa kaniya ng malanding Alex na yun! Kainis talaga!
UNTI-UNTI ay iminulat ni Yuta ang kaniyang mga mata. Sa kaniyang pagmulat, nakita niya si Alex. Nakapikit ito habang nakikinig sa radyo. Hinanap niya si Tet ngunit hindi niya ito nakita. Babangon sana siya ngunit pinigilan siya nito.
“Magpahinga ka muna Yuta. Nahamugan ka siguro ng sobra kagabi.” ani Alex bago nito kinuha ang maliit na bowl na naglalaman ng mainit na soup. Nagluto ito ng soup gamit ang kanilang rice cooker.
Iniayos niya ang kaniyang sarili. Napansin niyang medyo gumaan na rin ang kaniyang pakiramdam. Pero anong nangyari? Kagabi lang ay malakas siya. Pero kaninang umaga ay halos hindi na siya makabangon. Bakit kaya?
“Anong nangyari Alex? Bakit ka nandito?” simpleng tanong niya dito bago niya binuksan ang kaniyang mga bibig upang patuluyin ang sopas na inihanda sa kaniya ni Alex.
“May trangkaso ka kaya! Buti na lang at sabado ngayon at walang pasok yang kapatid mo! Tarantang-taranta kaya si Tet.”
“Na– nasaan pala siya? Baka mamaya kung saan na naman nagsususuot iyon.” inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. Nasa kaniyang kwarto pala siya.
Binuksan naman ni Alex ang bintana pagkatapos na maisubo ang huling scoop ng soup para sa kaniya. “Nasa shop siya. Nagbabantay.”
“Ta– talaga? Himala ata iyon.”
Ngumiti si Alex sa kaniya. “Bakit naman himala? Ayaw mo nun, may kasama kang nagbabantay ng gift wrapping shop mo.”
“Hindi naman sa ganun.” pilit niyang ibinabangon ang kaniyang sarili ngunit mabigat pa rin ang kaniyang pakiramdam. Siguro nga kailangan pa niya ng kaunti pang pahinga upang makabawi ng lakas.
“May problema ba Yuta?”
“Wala naman…”
Nilapitan siya ni Alex. Tumitig ito sa kaniyang mga mata. “Sinungaling.”
Umiwas siya ng tingin dito. Mag-ku-kwento ba siya rito? Pero anong i-ku-kwento niya? Tutal, kukulitin din siya ni Alex kung totoo nga silang magkapatid o hindi. Yun naman kasi ang normal na tanong na ibinabato sa kaniya sa tuwing magse-seryoso ang sinumang kausap niya.
“Look Yuta, if you don’t want to talk, ok lang. Di kita pipilitin.”
Huminga siya ng malalim. “Tetsu is the only family left for me. Simula nang mamatay ang nanay at tatay ko, ako na ang tumayo bilang Tatay, Nanay at Kuya niya. Kaya kung iisipin mo, parang naging sole mission ko na ang tutukan ang kapatid ko hanggang sa makakaya ko.”
“I’m sorry, hindi ko alam na ganun pala ang sitwasyon ninyo. Now I know…” ani Alex bago nito tinapik ang kaniyang balikat.
“Ok lang. May iba ka pang tanong?”
“Ahm– magkapatid ba talaga kayo ni Tet?”
Tinitigan niya ito sa mga mata bago niya ito sinagot. “Oo.”
BAGO matapos ang araw ay nakita na niya ang kaniyang kuya.
Malakas na ito at tila hindi ito nagkasakit. Ngumiti siya pagkakita niya dito. “Kuya! Naka-limang customer ako ngayon! I’m so happy!”
“Talaga? Wow! Ang galing naman ng kapatid ko!” anito bago niya ito niyakap ngunit tumanggi ito.
“Eew! Layuan mo nga ako kuya! Kagagaling mo lang sa sakit eh! Baka mamaya mahawa pa ako sayo! Mahirap na!” maarteng pahayag niya dito.
Tila nagtaka naman ang kuya niya sa sinabi niya. “Bakit mahirap na?”
Tiningnan lamang ni Tet si Alex bago siya ngumisi dito. “Mahirap na dahil baka ma di-virginize mo pa ako habang pinupunasan mo ang singit ko!”
Namula naman si Yuta bago ito tumingin kay Alex. “To– totoo ba yun Alex? Don’t tell me… nakita mo ang… ebon ko?”
Ngumisi naman si Alex bago ito tumitig kay Yuta. “Hindi lang nakita. Nahipo ko pa!”
“What!?” gulat na sabi ni Yuta bago siya napatingin sa kaniyang shorts. Hindi siya makapaniwala na mayruong babaeng makakahipo sa kaniya tulad ng ginawa ni Alex.
Lumapit naman si Alex sa kaniya bago ito bumulong. “Yung ebon ng kuya mo… sobrang gentle. Palibhasa kasi helpless at may sakit.” anito bago ngumiti ng napakalakas.
Namula naman siya sa narinig. Kung anu man ang ibig nitong sabihin ay hindi niya makuha. Pero darating din ang time na malalaman rin niya ang ibig sabihin ni Alex! Humanda siya dahil hindi siya magpapatalo dito!
NAGPAALAM si Alex sa kanila pagkatapos nilang maghapunan.
Aaminin niya, naging masaya siya sa araw na ito dahil hindi niya akalain na papayagan niyang makisalamuha si Alex sa kanilang magkapatid. Napaka protective kasi niya kay Tet at gagawin niya ang lahat upang maprotektahan ito sa kahit sinong gustong manakit dito.
Pagkatapos nilang maghugas at mag-ayos ng sarili. Niyaya niya si Tet na umakyat sa bubong at sabayan siyang tumingin sa mga bituin na nasa kanilang harapan.
“Tetsu, salamat sa pag-aalaga mo sa akin kanina.” aniya bago siya pumikit habang nakahiga sa kanilang malapad na bubong.
Hinawakan lamang nito ang sarili nitong mga kamay. Parang hindi nito alam ang sasabihin sa kaniya. “O– ok lang kuya. Sorry ha?”
“Sorry saan?”
“Sorry kasi kung hindi lang ako natatakot sa kidlat at kulog, hindi mo sana ako sinundo galing iskul. Tapos, hindi ka pa sana nagkasakit nang dahil sa akin.”
“Ok lang, sanay na naman ako.” aniya bago hinawakan ang kamay nito na malapit sa kaniya. Hinila niya ito papalapit sa kaniya. Tuloy, napahiga na rin si Tet kasama niya sa bubong habang tinatanaw ang mga bituin sa kalangitan.
“Kuya…”
“Tetsu, may kinatatakutan din ako gaya mo. Alam mo ba yun?”
Tumingin si Tet sa kaniya. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha nang mangyari ang tagpong iyon. “Talaga? Ano naman yun?”
Dinampian niya ng matagal na halik sa noo si Tet. “Natatakot ako na mawala ka sa akin. Ikaw na lang ang natitira kong lakas… pag nawala ka, hindi ko kakayanin.”
“Kuya naman…” bulong ni Tet sa kaniya bago siya nito niyakap ng mahigpit.
“Simula nang mawala si Papa at Mama, sayo ko na ibinaling ang mga natitira kong oras. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal pero sa pagkakataong ito, pabayaan mo muna ako maging mahina…”
Hinalikan siya sa ilong ni Tet. “Hindi ako mawawala sayo. Kahit anong mangyari, nasa tabi mo lang ako lagi kuya.”
“Pangako?”
“Pangako.”











ebon o ibon (hehehe)…
Nakaka curious naman ‘to, galing magpa suspense ng writer. Iisipin m0 talaga kung 22ong mgkapatid ba sina yuta at tet?
Now i know kung bakit nila pinagkakaguluhan tong storya na to, tsaka ung writer, inaatake nanaman ako ng curiosity .. hahahaa
but by the way nice story.. ^_~ keep it up..
ganda..exciting
CUTE.
) <3
ayyy…ang sweet nilang magkapatid..grabe ang bait ni yuta
natatawa tlga ako nung tinanong ni yuta si alex bout his ebon
and d rest bout ebon2 nkakatawa!
peace! lol
xy: *grins* dunno kung anong klaseng ebon yun..
hay… napakabuti namang kapatid ni yuta kay tetsu…
ang ganda….
weeeee ang cute talaga super…^_^