Episode 3 – Drama Rollout
Aking itatago,
ang dapat mong makita.
Aking itatabi,
ang siya mong gunita.
“BAKIT di mo ako maaring mahalin?” ani Filia habang umiiyak sa harapan ni Blue, ang matalik nitong kaibigan.
Hinawakan sa magkabilang balikat ni Blue si Filia. “Bes, mag-kaibigan lang tayo at ayaw kong masira iyon. Malaking porsyento ang nasisira ang friendship ng dalawang tao kung sakaling hindi magwo-work-out ang relasyon nila sa isa’t isa.”
“Pero Blue, iba tayo sa kanila. Mahal natin ang isa’t isa! Alam mo yan dahil nararamdaman kong mahal mo rin ako!”
“Hindi nga pwede Bes! Ang kulit mo!” ani Blue bago ito tumalikod kay Filia saka humakbang papalayo.
Hinabol ni Filia si Blue. Sinampal niya ito ng malakas saka niyakap ng mahigpit. “Blue, don’t leave me! Hindi ko kakayanin! Please!”
“Bes, stop this! Hindi mo alam ang ipinipilit mo sa akin! Imposibleng maging tayo! Ano ba!” sigaw ni Blue bago ito pumiglas sa pagkakayakap sa kaniya ni Filia.
Napa-upo na lamang sa sahig si Filia bago ito nagsalita mula sa paanan ni Blue. “Bakit mo ginagawa sa akin ito? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito? Nahihirapan na ako…”
Nilamon ng katahimikan ang sandaling iyon at si Blue na rin ang mismong lumunok niyaon. Niyakap niya ang lumuluhang kaibigan bago niya inilapit ang kaniyang mga labi sa tenga nito saka bumulong. “I’m in love with someone else and we’re getting married two weeks from now. I’m sorry… Bes.”
PAGKATAPOS marinig ang mga linyang iyon ay tiningnan niya ang kaniyang nag-iisa at nakababatang kapatid na babae, si Tet. Umiiyak ito at tila gusto nitong mag-reklamo sa writer ng kanilang pinapanuod na stage play.
“Hoy Tet, tahan na. Tapos na ang palabas. Uwi na tayo.” pahayag niya bago siya tumayo sa kaniyang kinauupuan.
Tiningnan lamang siya nito saka yumakap sa kaniya ng mahigpit. “Kuya naman! Bakit ganun? Unfair naman ang love story na yan! Nakaka-lungkot!”
“Cheer up. May mga stage play talaga na ganiyan. Malay mo, kaya nagka-ganiyan ang ending niyan eh para ikaw mismo ang gumawa ng magandang story para sa kanila. Every writer has their own perspective and beliefs. Hindi mo mauunawaan yun unless na suutin mo ang sapatos nila.”
“Ikaw rin eh! Madaya!” reklamo ni Tet bago siya nito marahang hinampas ng bag sa tagiliran. “Lagi ka na lang ganiyan, ang lalim mong magsalita!”
“Ikaw lang ang nagsasabi niyan mahal kong kapatid.”
Magsasalita pa sana si Tet nang bigla silang may narinig na anunsiyo mula sa namamahala ng stage play na kanilang pinapanuod.
“Patalastas. May surpresa po kaming eksena para sa inyo. Mangyari po lamang na pagbigyan po ninyo ang aming pagtatanghal para sa ikalulugod ng lahat. Ito po ang regalo namin para sa aming anibersaryo. Magsisimula po ang palabas pagkaraan ng bente minutos. Maraming salamat po at aasahan po namin ang inyong pagdalo.”
“Kita mo na kuya! Sabi ko sayo may extrang ending yan! Nuod pa tayo! Please?” pakiusap ni Tet sa kaniya habang hinihimas-himas nito ang kaniyang tenga, kahinaan kasi niya ito.
Pinaupo niya ang kapatid sa upuan bago niya iniwan ang kaniyang bag dito. “Ok, sige. Pupunta lang ako ng restroom.” aniya bago niya ito tinitigan ng seryoso. “H’wag kang malikot dahil kung hindi, hindi ka na makaka-ulit.”
Ikinumpas naman ni Tet sa kaniyang dibdib ang ‘cross my heart’ proof bilang pangako. “Ok kuya! Bilisan mo ha?” anito bago siya nito kinindatan.
Kahit kailan talaga, para itong bata kung umasta sa tuwing kasama niya ito. Minsan, iniisip niya na nakakain siguro ito ng forever young fruit at pakiramdam niya ay lagi itong asal bata. Sa kabilang banda, naisip din niya na mabuti ang ganito. At least, laging may taong naglalambing sa kaniya sa bawat oras na kailangan niya ito.
MAGSISIMULA na ang palabas ngunit wala pa ang kuya niya!
Sinubukan niyang tawagan ito sa kaniyang cellphone ngunit hindi ito sumasagot. Gustuhin man niyang umalis sa upuan upang hanapin ito ay hindi niya magawa. Nangako kasi siya at kilala niya ang kuya niya pag nagalit, sobrang nakakatakot!
Unti-unti ay muling bumukas ang kurtina ng stage. Senyales ito na magsisimula na ang palabas. Mula ruon ay nakita niya si Filia, tila may hinihintay na isang tao.
SA isang parke nagkasundong magkita si Filia at ang kasintahan diumano ni Blue.
“Hi there, you must be Filia, Blue’s bestfriend, I presume?” maayos na bati ni Beatrice sa kaniya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Napanganga siya. Sobrang ganda nito at maging sa pag-uugali, aaminin niya, malaki ang lamang nito sa kaniya.
Inilahad niya ang kaniyang kamay upang makipag-kamay dito ngunit tinanggihan siya nito. Iniisip nito marahil na isa siya sa mahigpit na karibal niya kay Blue. Eh ano naman ngayon? Bestfriend niya naman si Blue at natural lang talaga na maiinggit o magselos ito sa kaniya. Kung kanina ay maganda ang unang impression niya dito, ngayon ay hindi na. Mataray din pala ito kagaya niya.
Inayos niya ang kaniyang tindig bago siya nagsalita. “Ex-bestfriend, to correct you my dear.” may sarkastiko niyang sagot dito.
“Why? Nakipag-break na ba siya sayo as his bestfriend?” How sad if it’s true.” inirapan siya nito na tila nang-aasar.
Gusto niya itong sabunutan at bigyan ng mag-asawang sampal ngunit pinigilan niya ang kaniyang sarili. “Mahal mo ba si Blue?”
“Oo, ikaw?”
“Ano sa tingin mo?” Inirapan din niya ito tulad ng ginawa nito sa kaniya kanina. Ang akala niya siguro magpapatalo siya dito. Hindi kaya no!
Tiningnan siya mula ulo hanggang paa ni Beatrice na waring sinusuri ang bawat kurba at nakatagong parte sa kaniyang katawan. Ipokrita talaga ang maldita! “Sa tingin ko oo. Kasi nandito ka para makiusap na i-break ko siya at ibigay siya sayo.”
“Ako? Makikiusap?” tumawa siya. “No way! Dahil pipigilan ko ang kasal ninyo!” pananakot niya dito.
Ngunit hindi nagpatibag si Beatrice. “Subukan mo, kung kaya mo. Mapapahiya ka lang.” anito bago siya nito iniwanan sa parke kung saan sila nagkita.
Ngayon, mas determinado na siyang agawin ito kay Blue ngayong nalaman niya ang tunay na kulay ng ugali nito. Mas malakas ang kaniyang will power na sumugal muli upang isalba ang kaniyang nararamdaman para kay Blue.
NAGSIMULA nang mag-martsa si Beatrice patungo sa altar kung saan siya naghihintay upang salubungin ito.
Sa bawat hakbang nito ay naaalala niya ang mga magagandang alaala nila ni Filia. Sa bawat salitang naririnig niya mula sa kantang inaawit sa kanilang likuran ay ang matalik niyang kaibigan ang kaniyang naiisip at hindi ang babaeng papalapit sa kaniya.
Napansin ni Tet na parang pamilyar ang mukha kung sino ang kasalukuyang gumaganap bilang si Blue. Ito ang kuya niya! Pero anong ginagawa nito sa stage at nakabihis pa ito? Pambihira! Mapapahiya lang ang kuya niya! Hindi kaya ito magaling umarte! Magiging disaster ang stage play na ito!
Nagsimula ang seremonyas ng kasal at umaasa siya na darating si Filia upang pigilan ang kaniyang kasal. Kung mangyayari iyon ay hindi siya magdadalawang isip na umatras sa isang relasyong hindi naman niya alam kung magiging masaya siya o hindi.
Pagdating sa pagpapalitan ng sumpaan sa kasal, tinanong siya ng pari kung maluwag ba sa kaniyang loob na kunin si Beatrice bilang asawa niya, na mamahalin niya habambuhay, maging sa kasaganaan at kahirapan. Hinintay ng pari ang kaniyang sagot, maging ang lahat ng mga panauhin sa simbahang iyon.
Sasagot na sana siya ng biglang nag-ring ang kaniyang cellphone. May tumatawag sa kaniya at si Filia ito! “Bes! Nasaan ka!?”
Imbis na si Filia ang sumagot ay boses ng isang lalake ang nakipag-usap sa kaniya. “Sir Blue, kayo po ba ang bestfriend ni Ms. Filia?”
“Ako nga po, sino to?”
“Since kayo po ang nasa unang list ng contacts ni Ms. Filia ay kayo na po ang aming unang tinawagan. Isa po ako sa mga nurse na nag-asikaso kay Ms. Filia. She met a car accident a couple of minutes ago. Sana po mapuntahan po ninyo siya ngayon dito sa ospital.”
Pagkatapos makuha ni Blue ang address ng ospital ay hindi na siya nagdalawang isip upang umatras sa kasal. Ngunit pagkatalikod niya ay hinawakan siya ni Beatrice sa kamay upang pigilan siya nito.
“Wait! Paano na yung kasal natin Blue!?” tanong ni Bea sa kaniya. Halatang naiirita ito sa nangyayari.
Deretso niyang sinagot ito. “Pasensiya na Beatrice but you must realized by now kung sino ba talaga ang mahal ko. I’m a fool kung hindi ipagpapatuloy ko pa rin ito.”
Tumalikod siya kay Beatrice at tumakbo papalayo sa altar. Kasabay nito ay inihatid na lamang ni Beatrice ng tingin ang dapat sana ay magiging asawa niya. Sa huli, napagtanto nito na hindi sapat ang kagandahan at talino upang mapa-ibig mo ang isang tao. Dapat ay mahal ka rin nito upang mapanitili ang pagmamahalan sa isa’t isa.
HUMIHINGAL na dumating sa ospital si Blue.
Nakita niya mula sa intensive care unit si Filia. Maraming dextrose at iba’t ibang uri ng gamot na nakatusok sa katawan nito. Napakagat siya ng labi. Hindi dapat ito mangyayari kung nung una pa lamang ay tinanggap na niya ang pag-ibig nito sa kaniya.
Napaki-usapan niya ang doktor nito na makausapin si Filia. Pagkapasok sa loob ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. “Bes… I’m so sorry…” hibik niya.
Hindi ito sumagot. Marahil ay nagpapahinga pa rin ito pagkatapos ng operasyon. Hindi naging ganun kalala ang aksidente nito ngunit dahil na rin sa iba pa nitong kamag-anak, ay napilitan ang ospital na tratuhin si Filia bilang isang VIP patient kaya nasa ICU ito.
“Ngayon ko lang na realize na mahal kita. Kung may chance ako na mahalin ka, gagawin ko iyon. At ipaparamdam ko sa iyo ito nang buong-buo. Dahil ikaw lang ang laman ng puso ko at wala ng iba pa.” aniya bago sinulyapan ang kaniyang kapatid na mag-isang nanunuod sa kanilang pwesto.
Mula sa kinauupuan ni Tet ay nagtagpo ang kanilang mga paningin. Pakiramdam niya, sinabi niya ang linyang iyon hindi bilang si Blue para kay Filia kung hindi bilang si Yuta para sa kaniyang kapatid.
Naisip tuloy niya kung hanggang kailan niya matututukan si Tetsu. Kung iibig kaya siya sa ibang babae, ano kaya ang mararamdaman nito pabalik sa kaniya? Pipigilan din kaya nito ang kasal niya kung sakali? Paano kung ito ang umibig sa ibang lalake, anong gagawin niya? Napabuntong-hininga na lamang siya bago niya isinagawa ang kaniyang huling pag-arte.
Umiyak siya at nagsabi pa ng ibang sweet lines para kay Filia. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagising ito at tinugon din nito ang kaniyang pag-ibig. Sa kama kung saan nakaratay si Filia ay nabuo ang kanilang panibagong sumpaan at relasyon. Hindi bilang matalik na kaibigan sa isa’t-isa kung hindi bilang dalawang tao na nagmamahalan ng lubos sa isa’t isa.
NAGSARA ang kurtina ng entablado at malakas na nagpalakpakan ang mga manonood ngunit hindi nagawang sumabay ni Tet sa ibang mga tao.
Nanatili siyang nakaupo sa kaniyang inuupuan at pilit na pinipigilan ang kaniyang pagluha. Pakiramdam niya, ang isa sa mga linyang sinabi ng kaniyang kuya ay para sa kaniya. Hindi niya akalain na marunong itong umarte. At hindi lang basta marunong, magaling pa!
Kukunin na sana niya ang panyo sa kaniyang bag nang biglang may nag-abot sa kaniya ng isa. “Umiiyak ka na naman?”
“Hi—hindi no!” tanggi niya dito. Aaminin niya, hindi naging madali para sa kuya niya ang umeksena sa palabas na iyon. Kung paano nito nagawa ay wala siyang paki-alam. Ang gusto niya lang malaman ay kung kasama ba sa mga linyang iyon ang sinabi ng kaniyang kuya bilang si Blue kanina.
Inakbayan siya nito. “Tara, kain tayong ice cream. Nagutom ako dun ah.” anito bago ito ngumiti sa kaniya na tila walang nangyari. Hindi rin ito namukhaan ng ibang tao dahil sa suot nitong sumbrero bilang disguise. Pakiramdam tuloy niya, isang alien ang kaniyang kuya. Isang alien na maraming tinatagong sekreto!
Huminga na lamang siya ng malalim bago niya ito tiningnan pabalik. Palilipasin na lamang niya ang nangyari. Pag-uwi sa bahay ay saka na lamang niya ito kukulitin. “Sige, dalawang ice cream ang kakainin mo, sa akin isa lang. Parusa mo yan dahil iniwanan mo akong mag-isang manuod.”
“Ano!? Sobra ka naman! Hindi naman ako ice monster kagaya mo no?”
Sinimangutan niya ito. “Kung ayaw mo, eh di wag. Umuwi na lang tayo pero di na kita papansinin!”
Binatukan siya ng mahina nito saka ito ngumiti sa kaniya. “Ikaw talaga, di na mabiro. Sige, it’s my treat and this is your day.”
Sa tuwing ngumingiti at nagbibiro ang kaniyang kuya ay napaparam ang kaniyang mga bagabag. Pakiramdam niya, malaya siya sa kahit anong bagay. Sa isang banda, sa kasulok-sulukan ng kaniyang puso, may isang tinik siyang nararamdaman. Isang tinik na gustuhin man niyang alisin ay hindi niya magawa. Sana, kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng tinik na iyon. Iyon ang kaniyang naging hiling bago sila tuluyang nakalabas ng tanghalan.
HININTAY muna niyang makatulog si Tet sa kwarto nito.
Nang masigurado na mahimbing na ang pagkakatulog nito ay inilabas niya ang isang papel sa isang brown envelope at binasa iyon. Isa itong manuscript para sa isang stage play. Binasa niya ito pagkatapos na maupo sa tabi ng bintana.
Hospital Scene (Last scene)
Blue: Ngayon ko lang na realize na mahal kita at—
[Didilat ang mata ni Filia at pipigilan ang labi nito na magsalita]Blue: Filia… mahal ko…
[Titingin si Filia kay Blue] Alam ko, ayaw mo lang aminin.Blue: Pangako, hindi na kita iiwan. Dito na lang ako sa tabi mo.
Filia: H’wag naman, ayokong mag-stay dito sa ospital ng matagal no.[Ngingiti sila sa isa’t isa bago hahalikan ni Blue si Filia sa mga labi.]
By: Yuta
Ngumiti na lamang siya habang tinatanaw ang mga bituin sa kaniyang ibabaw. Nararamdaman rin niya ang malamig na simoy na hangin na dumadampi sa kaniyang pisngi. Para itong mga boses ni Tetsu sa tuwing naglalambing ito sa kaniya. Sa kabilang banda, hiniling din niya na sana ay hindi magkaruon ng malakas na pagbuhos ng ulan bukas. Mahirap na dahil takot pa naman sa kulog at kidlat ang kaniyang kapatid.











exciting…
takte sana hindi nalang sila naging mag kapatid.
))
aw so cute ng story!!!
grabe..super curius na talaga ako..
tama ba??? si yuta yung writer nung story??? i think so kc nakalagay BY:YUTA!!!is that play for tetsuu???????
misteryoso naman si yuta. bigla na lang susulpot sa play… ano ba talaga ang lihim ng magkapatid na ito??
<'..,i thinK tHat thEy wErE n0t reaLLy br0s. and. siS..
Hμ,something fishy is going on.prang merong itinatago na lihim si yatsu.*think*
xy: *sipol sipol*
oh!…..ganda ng stage play!..hehe…
xy: salamat po.
hindi ko maintindihan ung true relationship nila
haha
naman e
xy: ganiyan talaga..
sana tigilan na ni yuta ang katatawag na kapatid kay tetsu…
d naman kapatid ang pagtingin niya eh kundi isang babaeng pwedeng mahalin ng higit pa..
xy: aww…
ang ganda… prang meron me naaalala sa story na to.. thanks..
xy: ano naman yung naaalala mo ate?
ang cute naman ^_^
hanggang ngayon ay puzzle pa rin ako sa
ga characters…