Episode 2 – Age doesn’t matter
Langit at lupa,
ganiyan ang ating pagitan.
At kahit malayo,
tatanaw at aasa ako.
MAAGANG pumasok sa eskwelahan si Tet samantalang naiwan naman ang kuya niya sa kanilang gift wrapping shop.
Ito na rin ang naghahanda ng kaniyang lunchbox at nag-aayos ng kaniyang susuutin bago siya pumasok sa eskwela. Second year high school na siya at hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya kung bakit hindi tinapos ng kuya niya ang pag-aaral nito. Sayang, ga-graduate na sana ito sa kursong business management pero mas pinili nito ang mag negosyo kesa ang tumanggap ng diploma.
“Uy Tet, pahingi ng baon mo mamaya ha?” bulong sa kaniya ni Liza, isa sa mga kaibigan niyang babae.
Binelatan niya lamang ito bago niya ito sinagot. “Ayoko nga. Luto kaya to ng kuya ko no.”
“Yun na nga eh! Kaya nga ako hihingi kasi luto ng kuya mo yan.” anito bago pa ito dumikit sa kaniya. “Sige na, please?”
“Ayaw.”
“Ok, ganito. Hihingi ako sa lunchbox mo pero may kapalit akong kwento sayo.” ani Liza bago ito ngumisi sa kaniya.
Sinimangutan niya ito. “Iyo na lang ang kwento mo. Akin ang lunchbox ko.”
“Talaga lang ha…” ani Liza bago nito iwinasiwas na parang basang sampayan ang isang love letter sa mukha niya. “Kahit na ipapabasa ko sayo itong sulat para kay sir?”
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya makapaniwala na may ginawang sulat ang kaniyang kaibigan. At mas lalo pa siyang na curious dahil ayon dito, para raw ito kay ‘sir’. Pero sinong sir naman yun? Pinag-isipan niya ang alok nito.
“Well? Sige na, pumayag ka na. Friends naman tayo diba Tet?” lambing ni Liza sa kaniya bago nito pinadaan sa ilong niya ang sulat. Mabango ito! Kakaiba talaga itong trip ng barkada niya!
Binuksan niya ang bag bago siya nagsalita. “Oo na! Pritong itlog at hotdog lang naman ito tapos fried rice.” aniya bago siya ngumisi. Naisahan niya ito dahil lagi itong nakakain ng komplikadong dish ng kuya niya. But this time, sobrang simple ang laman ng kaniyang lunchbox kaya sorry na lang siya!
“Favorite ko yan! Para fair, exchange na lang tayo ng baon!” ani Liza bago nito kinuha ang kaniyang lunchbox saka isinilid sa bag nito. “At di mo pwede bawiin ito, we have a deal remember?”
“Ang daya! Ang usapan, sharing lang eh!”
“Nagbago na isip ko. Besides…” anito bago bumulong sa kaniya. “Napaka simple ng luto ng kuya mo ngayon pero ok lang. I’ll make sure na makakain ako ng totoong luto niya later kaya humanda ka!”
“No– no way!” aniya bago na lamang niya ibinagsak ang kaniyang mga balikat dahil sa pagkadismaya. Sa lahat ata ng mga kaibigan niya, si Liza lang ata ang nakakatagal sa mataray niyang pag-uugali.
BUMAHING ng mahina si Yuta habang abala sa pagbabalot ng mga give-aways para sa isang birthday party sa susunod na linggo. Ayon kasi sa kasabihan ng mga matatanda, bumabahing daw ang isang tao sa tuwing may nakakaalala dito.
“Sir, may nakakaalala po ata sa inyo.” sabi ng lalake niyang customer na medyo may katandaan sa kaniya.
Nginitian lamang niya ito pagkatapos niyang ayusin ang kaniyang sarili. “Siguro nga po.”
“Nagtataka lang ako kung bakit mag-isa ka lang dito sa shop mo. Wala ka bang ibang kasama dito?”
“Meron po, yung kapatid ko pong babae, tumutulong siya sa akin pag-gabi. Kaya lang nasa eskwelahan po siya ngayon.”
“Ganun ba. Ilang taon na ba yang kapatid mo?”
“Mag didiso-otso na po ngayong taon.”
“Ang bata pa pala. Eh ikaw, ilang taon ka na ba?”
“Mag be-bente sais na ho ako.”
Medyo natulala naman ang customer niyang lalake sa narinig mula sa kaniya. Kakaiba kasi ang sitwasyon nilang dalawa ni Tetsu. Kung magtatanong pa ito ng iba pang personal na tanong, hindi na niya ito sasagutin.
Bigla ay iniba niya ang usapan. “Kayo po sir, ilang taon na po kayo?” aniya bago niya pansamantalang itinigil ang pag-aayos ng mga give-aways.
Ngumiti naman sa kaniya ang lalake bago nito sinagot ang tanong niya. “Halos magkasing-edad lang tayo.”
“Ganun!? Ang akala ko pa naman mas matanda ka sa akin. Wala kasi sa facial looks mo.”
“Ok lang. Medyo stressed out lang sa pagtuturo.”
“Pagtuturo? Teacher ka!?”
“Oo!” pagkasagot ay bigla itong tumingin sa kaniyang relo. Napansin niyang nagulat ito dahil tila na-late na ata ito sa schedule nito sa klase. “Naku pare! Pasensiya ka na pero maiiwan na kita! Bahala ka na diyan! Later!” anito bago ito tumakbo papalabas ng shop.
Hindi na niya nagawang magpaalam dito dahil sa sobrang bilis ng pagsasalita nito. Naisip tuloy niya na mahirap siguro maging teacher kagaya nito. Pero sa kabilang banda, naisip din niyang mabuti na rin ang kaniyang kinahantungan. At least, kasama niya si Tet at nasusubaybayan niya ito. Ito na lamang ang kaniyang magagawa para sa kaisa-isa niyang kapatid– ang alagaan ito hanggang sa huli.
PAGKATAPOS ng lunch break nila ni Liza ay mabilis silang bumalik sa classroom nila.
Sa pagkakataong ito, nabasa na rin niya ang nilalaman ng sulat ni Liza para sa ‘sir’ nito. Tuloy, sa tuwing naiisip niya ang mga bawat salitang nakatatak sa papel na iyon ay hindi niya maiwasang mainggit. Bakit sa dinami-dami pa ng lalake, bakit dun pa sa isang tao ang masyadong malayo ang agwat nila sa edad? Pwede ka naman pumili ng kasing edad mo o di kaya yung edad na hindi sobrang malayo ang agwat ninyo sa isa’t isa. Pero bakit kay ‘sir’ pa?
Mag-uusap pa sana sila ni Liza nang biglang pumasok si Sir Conrad, ang teacher nila sa Mathematics.
“Ok class, pasensiya na kung medyo nahuli ako.” pagpapaumanhin nito bago nito binuklat ang kaniyang class records. “Simulan na natin ang klase.
“Yes sir!” koro ng buong klase nila. Ramdam niya na hindi lang si Liza ang may crush kay Sir Conrad kung hindi halos ata lahat ng kaklase niyang babae.
Nagsulat ng isang simpleng math equation si Sir Conrad sa blackboard nila bago ito muling humarap sa kanila. “Liza, can you solve the equation at the blackboard?”
“Yes sir.” may lambing na sagot nito. Mabilis na pumunta si Liza sa blackboard at isinulat ang sagot. “This is the answer.”
“That’s good Liza. Now, I have another question.”
“A– ano po iyon sir?” halos mautal sa pananalita ang kaniyang kaibigan. Na te-tense ito dahil halos magkalapit na sila ni sir!
Tinitigan ni Sir Conrad ang mga mata ni Liza bago ito nagtanong kay Liza. “Bakit mo nakuha ang tamang sagot?”
Napalunok naman si Liza. “Ka– kasi po, yan po yung dapat isagot? Tama po ba?”
Tumahimik si Sir Conrad na parang nilalasahan ang sagot ni Liza. Maya-maya ay ngumiti ito at hinawakan ang buhok nito na parang pusa. “Tama pero meron pang mas tama Liza. Alam mo ba kung ano yun?”
“A– ano po yun?” Namumula na ang pisngi ni Liza! Sa tuwing binabanggit kasi nito ang pangalang Liza ay alam niyang nadadagdagan lalo ang pagtingin ng kaibigan para sa teacher nila.
Pansin din niya na masama na rin ang titig ng kaniyang mga kaklaseng babae sa kaibigan niya. Ano kayang ibig sabihin nito? Alam na kaya ni Sir Conrad na may gusto sa kaniya si Liza? Hindi maari! Dahil kung mangyayari iyon, he’s only taking advantage of the situation!
“Sa pag-aaral ng math, hindi lang basta dapat alam mo ang dapat isagot. Dapat, alam mo rin kung paano mo iibahin o huhukayin ang iba pang sagot na nakapaloob dito.” ani Sir Conrad bago dinagdagan ang sagot ni Liza. Sa huli, nakagawa pa ng tatlong alternative answers si Sir Conrad na siyang hinanangaan ng buong klase.
MAAYOS na nakarating ng bahay si Tet ngunit kapansin-pansin na parang may gumugulo dito. Hindi muna niya ito kinulit bagkus ay pinaghanda niya ito ng mainit na inumin.
“Tetsu… inumin mo to.” aniya bago iniabot ang isang maligamgam na milo pagkatapos nitong lumabas ng kwarto upang magpalit ng damit.
Tinitigan muna siya nito bago kinuha ang baso. Tinikman nito ang tinimpla niya. Sumimangot ito. “Walang asukal ang milo! Ayaw ko neto!”
Imbis na sumagot ay binatukan niya ang kapatid ng mahina sa ulo. “Basta’t inumin mo lang at ubusin mo. May hidden ingredient akong nilagay diyan.”
Nginusuan muna siya ng nakababatang kapatid bago nito nilagok ang milo. Pagkaubos ay ngumiti ito sa kaniya. “Ma– matamis!”
“Bakit matamis?”
“Kasi may nilagay kang secret ingredient eh.”
Tinitigan muna niya ang kapatid bago niya ito nginitian. “Tama, pero meron pang mas tama diyan.”
“A– ano yun?” pagaralgal nitong tanong sa kaniya na tila may naaalala itong kakaibang pangyayari.
“Sa pagtitimpla ng milo, hindi lang dapat asukal ang dapat mong ilagay para ito tumamis. Bilang kuya mo, dapat, umisip ako ng ibang paraan kung paano kita paliligayahin kahit sa pag-inom mo lang ng milo. Baka pag dumating ang time, magsawa ka at di mo na pansinin ang mga timpla ko, mahirap na, mababatukan lang kita.” aniya bago nito ginulo ang buhok ni Tet saka ngumiti pagkatapos.
“Kuya naman eh! Inaasar mo na naman ako eh.” anito bago siya nito tinulak ng marahan saka mabilis na iniabot ang isang sulat sa kaniya. “Galit ako sayo!”
Hindi niya nasalo ang sulat kaya nahulog ito sa paanan niya. Kinuha niya ito. “Tet naman, di ka na mabiro! Uy! Bumalik ka nga dito!” Napabuntong hininga na lamang siya pagkatapos marinig ang malakas na pagsara ng pintuan nito. Marahil, stressed out lang ito sa school kaya ito nagkakaganito.
Nag desisyon siyang iwanan muna si Tet para makapag-isa. Pumunta siya sa kusina bago binuksan ang sulat na ibinigay para sa kaniya ng kapatid.
Kuya…
Salamat sa lunchbox na lagi mong inihahanda para sa akin.
Salamat sa pag-aayos mo ng damit ko bago ako pumasok.
Salamat sa pag-aaruga mo sa akin kahit makulit ako.
Salamat… salamat… salamat…At salamat dahil ikaw naging first kiss ko.
At least, alam kong mahal mo ako kaya mo ginawa yun.Pero kuya, ang hirap naman eh. Loves kita, alam mo ba yun?
Posible kaya yun kahit masyadong malayo ang agwat ng edad natin?Kasi may friend ako, halos pareho lang kami ng situation.
Sometimes naiisip ko, mas ma-swerte pa yung friend ko kesa sa akin.Bakit kamo? Kasi sila… pwede sila maging pwede.
Eh tayo? Hindi pwede kasi magkadugo tayo.Kasi naman… Ah basta, I love you.
Always,
Tetsu-Mo! ^_^
NAPABALIKWAS siya ng gising dahil sa kakaibang ingay na naririnig niya sa labas. Dahil sa gusto niyang malaman kung ano iyon, binuksan niya ang bintana saka nakita ang mga simpleng fireworks na nakikita niya mula sa harapan niya.
Ang bawat liwanag na gumuguhit sa madilim na kalangitan ang siyang tuluyang nakapag-pawala ng kaniyang antok. Mulat na mulat ang kaniyang pagkatao ng gabing iyon. Nakatulog man siya sa pagmumukmok dahil naglakas loob siyang ibigay ang love letter niya para sa kuya niya ay mabilis na nawala ang agam-agam na iyon. Bahala na! Basta’t ang mahalaga, nasabi niya ang nararamdaman niya.
“Tetsu!” sigaw ng kuya niya mula sa bubong nila.
Sumigaw din siya dahil hindi niya makita ito mula sa itaas. “Kuya! Sayo ba galing yan!?”
“Oo! Nagustuhan mo ba!?”
“Oo! Sobrang sobra! Thank you! Ang ganda nila!”
Natapos ang fireworks at mabilis na bumaba rin ang kuya niya mula sa itaas. Maya-maya lang ay naramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likuran. Kahit pawisan ito ay ayos lang sa kaniya, sanay na naman siya dito.
Bumulong ito sa kaniya. “Yun ang sagot ko sa tanong mo sa akin.”
“Yu- yung tanong ko sa sulat?” pabulong din niyang tanong sa kuya niya.
Tumango ito bago siya nito iniharap sa katawan nito. “Listen Tetsu.”
“A– ano yun, kuya?”
“Pagdating sa pagmamahal, hindi usapan ang agwat sa edad o estado ng isang tao sa buhay. Wala itong batas na sinusunod dahil may sarili itong pamantayan na ayon na rin sa nararamdaman ng dalawang taong nagmamahalan. Minsan, hindi mo masisisi ang kaibigan mo kung bakit sa dinami-dami ng tao eh siya pa. Ang magagawa mo na lang ay unawain ang sitwasyon nila at umasang magiging maayos ang lahat para sa kanila.”
Tumango siya bago niya napansing umiiyak na naman siya. Paano ba naman kasi, pinapangaralan na naman siya nito. Gusto pa sana niya tanungin ang kuya niya tungkol sa sitwasyon nilang dalawa ngunit napansin niyang nakatulog na ito sa kaniyang balikat. Ngumiti na lamang siya bago niya inalalayan ito sa kama niya. Tatabihan niya ito sa pagtulog kahit ngayong gabi lang.
“Age doesn’t matter, right kuya?” bulong niya sa sarili bago niya isinara ang bintana at pintuan sa kwarto niya. Kasabay nito ay dinampian niya ito ng mabining halik sa pisngi bago niya ito niyakap ng mahigpit.
MAAGA na naman siyang nakapasok kahit pinuyat niya ang kuya niya kagabi. Sa pagkakataong ito, siya ang naghanda ng almusal para sa kanilang dalawa. Sinabihan niya rin ito na after lunch na lang magbukas ng shop para magawa nito ang personal early routine nito every morning. Napangiti siya pagkatapos niyang makita si Liza.
“Liza! Grabe! Ang saya-saya ko!” bungad niya sa kaibigan.
Kapansin-pansin naman na medyo nanlulumo ang mukha nito. Marahil, binasted ito ng Sir Conrad nila. “Ikaw masaya, ako hindi!”
“Eh bakit naman? Binasted ka ni Sir no?” aniya bago niya ito nginisian upang asarin.
Ibinagsak naman nito ang mga balikat bago ito tumango. “Hindi lang basted, sapul na sapul pa! Buti na lang, hindi ko nilagay ang pangalan ko or else, tepok ako!”
“Talagang tepok!” sagot naman niya. “Teka nga, paano mo nalaman na binasted ka niya? Sinagot ba niya ang sulat mo?”
Pineke nito ang iyak niya saka nito tinuro ang daliri sa bintana. “Hindi ba basted yung paliparin ang sulat mo sa pamamagitan ng lobo pagkatapos mo itong basahin? Tell me Tet! Makatarungan ba yun!?”
Ngumiti naman siya dito bago niya hinawakan ang dalawang kamay nito na kanina pa nanginginig sa pagkadadismaya. “Ok lang yan Liza! Mahahanap mo rin ang lalake para sayo!”
“Ga– ganun?” humihibik-hibik pa nitong sagot kahit na hindi totoong umiiyak ito.
“Oo ganun! Kahit kanino! Susuportahan kita!”
“Talaga? Kahit kanino Tet?”
“Oo nga sabi eh!”
“Pwes!” anito bago pumuwesto sa likuran niya saka hinalungkat ang bag niya. “Akin na lang ang kuya mo para mapasaya mo ako!”
Nanlaki ang mga mata niya pagkatapos niyang makita na nakuha na nito ang solo picture ng kuya niya sa kaniyang wallet. Kahit kailan talaga, pakialamera talaga ng gamit itong barkada niya. “No way! Akin lang ang kuya ko! Di ko pamimigay yun!”
“Oo, noon sayo, pero ngayon, akin na. Belat!”
“Liza! Ibalik mo yan!”
“Ayaw! Ayaw! Ayaw!”
Sa huli, para silang mga bata na nag-aasaran hanggang sa matapos ang klase. Marahil, siya na rin ang sumagot sa mismong tanong niya mula sa sulat na ibinigay niya para sa kuya niya. At ang naiisip niyang sagot ay, “Sa huli, kahit anong mangyari, magiging kuya kita at sigurado akong hinding-hindi ka mawawala sa akin…”











may gusto akong malaman sa story na di ko pa nabasa ang sagot kaya…
abangan ang sususnod na kabanata
naku anu kea susunod? auko n mgkainlovan silng magkapatid ksi mgkdugo sila sna lng hndi sila mgkadugo..o kea nmn mamulat n si tet sa gngwa nia at may mgsthan xang iba,,hahah..lmfao
age is not a problem
hay… para mga bata sina tetsu at yuta… nakakatuwa kasi may fireworks pa. how sweet!!!
xy: ganyan talaga… besides, each fireworks cost P20, siguro mga 10 yung lumipad nun… hahaha!
hmmmm…ang cute ng story…
sana lang di sila magkapatid…
wow…. danda…
fookak… tuloy mo 2…
ahehhee…
(peace)..
super exciting sana may kasunod na
ganda talaga.. next chapter na poh pls…heheh
ang ganda ah.. busy me sa work.. pero singit me ng time pra mabasa ko to.. hehehhe.. mare.. naalala ko tuloy c sir conrad ng love in disguise.. hehehhe.. miss kna un..
yay! parang, parang.. wahh!
cute ng mga names nila, yuta and tetsu..
kelan ang next chapter nito?
napakainteresanteng story…
kaya makiki-next please ako haha…
Yesha: Cute ng comment mo, Karlen…I love it haha! Next chap pls!
…weee….
…nxt chapter plzzz…
ang ganda po ng kwento exciting