Episode 12 – Touch of Fate
Isang ngiti mo lang,
at ako’y napapaamo.
Yakapin mong minsan,
ay muling nagbabalik sayo.
“TET!” sigaw ng isang malambing na boses sa likuran niya habang nililigpit niya ang kaniyang mga gamit. Tapos na kasi ang klase niya. Uwian na.
“Hi Iyah, bakit?” aniya bago niya isinukbit sa kaniyang likuran ang bag na dala.
“Alis tayo. Sama mo si Liza.”
“Saan tayo pupunta?”
“Sa videoke! Birthday ko kaya ngayon! Tapos, papakilala kita sa lolo at kuya ko!”
“Ah… Kasi, ano, Iyah, hindi—“
“Hindi namin tatanggihan yan Iyah! Ikaw pa! Anytime, go kami!” biglang sumulpot si Liza sa likuran niya saka tinakpan ang kaniyang bibig. “H’wag ka ng umangal, sagot kita sa kuya mo.” bulong nito bago ngumiti kay Iyah.
“Ta—talaga!? Yehey! At least may kasama na ako sa birthday ko!” anito bago lumabas ng classroom nila.
Hindi nila kaklase si Iyah dahil nasa kabilang section ito. Sabi nila, may kakaiba at espesyal daw itong kakayahan na naging dahilan upang layuan siya ng mga kaibigan nila. Ikanga ng karamihan, ma-swerte daw sila ni Liza dahil nakasundo nila agad ito. Paano ba naman kasi, wala itong kaibigan sa buong eskwelahan kundi silang dalawa lang.
Hinatak niya papalapit ng bintana si Liza. “Ano bang naiisip mo! Baka mamaya totoo nga ang sabi-sabi!”
“Anong sabi-sabi? Ang alin? Ang makita ang hinaharap mo pag nahawakan niya ang alinmang parte sa katawan mo gamit ang kaniyang dalawang kamay? Ganun ba?” naging defensive si Liza, pinagtatanggol niya ito.
Umiling siya. “Hindi naman sa ganun bes, pero mabuti na rin ang nag-iingat.”
“Ewan ko sayo. Siguro, kung maririnig ka ni Kuya Yuta, babatukan ka nun. Huwag mong husgahan ang tao sa panlabas niyang kaanyuan. Dapat, maging fair ka.”
Tumango siya. “Opo. Sorry na po.”
Ngumiti ito. “Forgiven.”
PAGKATAPOS nilang pumunta sa videoke ay dumeretso na agad sila sa bahay ni Iyah kung saan naruon ang lolo at kuya nito.
Nasa isang mataas na lugar ang bahay nila Iyah. Para itong shrine sa labas ngunit pagpasok mo sa loob ay makikita mo pa rin ang isang typical na filipino home. Sa tantiya niya ay galing sa mayamang pamilya si Iyah ngunit pinili ng mga ito ang isang payak na pamumuhay.
Hindi pa sila nakakaupo ay agad na dumating ang lolo ni Iyah. Sa unang tingin ay parang hindi ito tumanda dahil parang nasa mid thirties lamang ang itsura nito. Ngunit sa totoo lang, ayon sa kanilang narinig kay Iyah ay mahigit walampu’t taong gulang na ito. Kakaiba talaga! Ano kaya ang iniinom nito?
“Maraming salamat sa inyong pagpunta sa aming munting tahanan. Mabuti naman at inimbitahan kayo ni Master Iyah.”
“Lolo! H’wag mo kong tawaging Master! Alam mo namang hindi ko kayang tanggapin ang inaalok ninyong kapangyarihan pagkatapos ninyo.”
Tinapik nito sa balikat si Iyah bago ito ngumiti ng mahina. “Saka na lang natin pagtalunan yan mahal na apo pag nakaalis na ang mga bisita mo. Pero sa ngayon, pabayaan ninyong pagsilbihan ko kayo.”
Pumunta ito sa kanilang mini bar at kinuha ang isang tea set. Tutulungan sana ito ni Iyah ngunit mabilis itong tumanggi at pinaupo na lamang sa tabi nila. Isa-isa silang binigyan ng baso nito bago naglagay ng tsaa. Kulay luntian ito at tila bagong timpla ito dahil sa aromang naaamoy nila.
“Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanila apo ko?”
Umismid si Iyah ngunit agad naman niyang binawi iyon. Malambing si Iyah ngunit sa klase nila ay hindi iyon halata. “Lolo, sina Tet at Liza po, mga kaibigan ko po sa school.”
Yumuko naman silang dalawa bago kinumusta ang kalagayan nito. Maayos naman daw ang kalagayan nito. Nagkaruon sila ng mahabang pag-uusap ngunit ng magtatapos na sila ay agad na napansin ni Tet ang isang lalake na tila kanina pa nagmamasid sa kanila. Nagtatago ito sa likuran ng lolo ni Iyah.
“Hama, saluhan mo kami dito.” ani ng lolo nila. “Siya nga pala ang kuya ni Iyah, si Hama.”
Isang lalake na mukhang sampung taong gulang ang tuluyang nagpakita sa kanila. Sa unang tingin, aakalain mong normal ito ngunit may pagka-retarted ito. Sa madaling salita, isa itong special child. Autistic kasi. Ngumiti lamang ito sa kanila bago umupo sa tabi ni Iyah saka iniliyad ang ulo sa balikat ng kaniyang kapatid.
Nagtaas ng kamay si Liza. “Teka Iyah, ilang taon ka na ba? Imposibleng maging kuya mo si Hama kasi ang bata niyang tingnan!”
Siniko naman si Liza ni Tetsu. “Bes, wala ka bang manners? Pa- Pasensya ka na Iyah. Walang preno kasi minsan ang bibig nito eh.”
Ngumiti lamang si Iyah saka hinaplos-haplos ang buhok ni Hama. “Sa totoo lang, iilan pa lamang kayong nakakita kay Hama. At pare-pareho kayo ng sinabi. But ok lang, ganiyan talaga pag first time.”
Huminga muna ng malalim si Tetsu bago nagsalita. “Iyah, pasensiya ka na kanina ha. Sa totoo lang, alangan talaga ako sumama sayo. Pero ngayong nandito na ako, somehow, gumaan ang pakiramdam ko.”
“Ok lang Tet. Alam ko naman eh.”
Ngumisi si Liza. “Kitams, sabi ko sayo eh, may powers yang si Iyah eh!”
Tumindig ang lolo ni Iyah bago binuksan ang pintuan papalabas ng hardin. “Binibining Tet, maari mo ba akong samahan sa labas ng hardin? May sasabihin lang ako sayo.”
“Si—sige po. Bes, diyan ka muna.” pamamaalam ni Tet bago sumabay sa lolo ni Iyah.
Tumango naman si Liza. “Sige, mag-uusap muna kami ni Iyah.”
SA labas ng hardin…
“Binibining Tet, maraming salamat sa katapangan mo. Ang pagsasabi ng tunay mong nararamdaman sa harap ng maraming tao ay itinuturing kong isang kabayanihan.”
Napa-iling naman siya sa narinig. “Wala po iyon. Kung tutuusin nga po, parang ma-swerte nga kami dahil kahit ngayon pa lang namin nakasama si Iyah, magaan na agad ang loob namin sa kaniya.”
“Pala-kaibigan yang si Iyah. Pero nilalayuan siya ng mga tao dahil sa kaniyang kakaibang kakayahan.” kumuha ng bulaklak ang lolo ni Iyah saka ito binigay sa kaniya. May limang petals ito na puti samantalang may pabilog itong disenyo na kulay pula sa gitna.
“Kakayahan? Ano po ba ang kakayahan ni Iyah?”
“Kaya ni Iyah ang makita ang hinaharap, pangarap at saloobin ng isang tao. Iyan ang tanging dahilan kung bakit naging masaklap sa kaniya ang kaniyang sariling kapalaran.”
“Bakit po? Nakita na po ba ni Iyah ang kaniyang sariling hinaharap?”
Umiling ito. “Hindi. Pero si Hama, nakita niya ang sariling hinaharap ng kaniyang nakababatang kapatid na babae na si Iyah.”
“Ma—maari po bang malaman kung ano iyong nakita ni Hama?”
Lumapit ang lolo ni Iyah sa kaniya saka ito ibinulong sa kaniya. “Sige, makinig ka sa sasabihin ko…”
SAMANTALA, sa loob ng silid kung saan naruon si Liza, Iyah at Hama…
“WOW! Ang ganda pala ng future ko Iyah!” aniya pagkatapos hawakan at sabihin ni Iyah ang hinaharap ni Liza.
Ngumiti naman si Iyah bago ininom ang tsaa nito. Mukhang nauhaw ito sa ginawang panghuhula kay Liza. “Basta’t magtiwala ka lang at gumawa ng kabutihan, tiyak, matutupad ang mga yan at sasang-ayon sa iyo ang kapalaran.”
“Salamat Iyah!” aniya bago pumasok ng silid si Tet. “Bes! Ang ganda ng future ko sabi ni Iyah!” sabay kaway sa kaibigan na walang ka-rea-reaksyon pagkatapos umupo sa tabi niya.
“Ano ka ba Bes, lumabas ka lang eh bigla ka ng natahimik.”
Tumingin lamang si Tet sa labas ng bintana bago nito iniyuko ang mukha nito. “Bes, uwi na tayo. Medyo sumama pakiramdam ko eh.”
“Kararating lang kaya natin. Ikaw talaga oh, KJ ka!”
“Please?”
Umismid siya. “Sige na nga. Iyah, Hama, uwi na kami. Pakisabi na lang kay lolo ha. Bye.”
NAUNANG lumabas si Liza sa kaniya upang pumunta sa palikuran. Lumabas na rin siya kasama si Iyah upang ihatid sila papalabas ng kanilang bahay. Habang hinihintay si Liza ay nagkaruon siya ng pagkakataon upang makausap ito.
“Tet…”
Nginitian niya ito bago niya hinawakan ang kamay nito. Maya-maya ay tila natulala si Iyah bago muling bumalik sa realidad. Hinayaan niyang makita ang hinaharap niya gamit ang kakaibang kakayahan nito. Ginawa niya iyon dahil gusto niya at hindi dahil pagsamantalahan ang kakaibang talento nito.
“Iyah… salamat.”
“Saan?”
“Sa pagtitiwala mo sa amin. Gusto ko lang sabihin na hindi ka nag-iisa. Nandito lang kami ni Bes at ng iba pa nating mga kaklase para maging kaibigan mo.”
Halos maluha si Iyah sa narinig ngunit pinigilan niya ito. “Gu—gusto mo bang sabihin ko sa iyo ang nakita ko?”
Umiling siya. “H’wag na. Baka mamaya, hindi pa ako makatulog…”
“Sigurado ka? Maganda naman ang nakita ko eh. Yun nga lang, masyado kang maraming pagsubok na pagdadaaanan…”
Tinapik niya ito sa balikat. Muli ay tila nabasa na naman nito ang kaniyang hinaharap. “Ok lang no. Later, ako naman ang magbabasa ng hinaharap mo. At siguradong matutuwa ka.”
Ngumiti lamang si Iyah bago ito tumango. “Sige, gusto ko yan… Tessa.”
Magsasalita pa sana ulit siya kung papaano nito nalaman ang kaniyang unang pangalan ngunit agad na sumulpot si Liza sa kaniyang likuran saka siya pwersahang hinila nito papalabas ng bahay nila Iyah. Natutuwa namang nagpaalam si Iyah sa kanilang dalawa bago nila tuluyang nilisan ang tahanan nito.
BINUKSAN ni Yuta ang pintuan pagkatapos marinig ang paulit-ulit na pagdoor-bell ng isang tao sa labas. Si Tet pala ito, late itong umuwi.
“Tetsu, bakit ngayon ka lang?” may pagkamasungit niyang tanong dito.
Ngumisi lamang ito sa kaniya bago sumilip sa loob ng bahay. “Kuya, may pagkain pa ba?”
“Wala na.” Isinara niya ang pintuan. Gusto niyang malaman kung ano ang gagawin ng kaniyang pasaway na kapatid. Kumatok ito sa pintuan ngunit hindi niya ito pinagbuksan.
“Kuya! Gutom na ako!”
“Ewan ko sayo! Diyan ka sa labas matutulog. Parusa mo yan.”
“Kuya naman eh!” Maya-maya ay tila nag-iba ang tono ng boses ang kaniyang kapatid. Nagsimula itong maglambing. “May dala ako sayo… ang cute oh.”
“Heh! Tumahimik ka. Diyan ka lang.”
“Hindi lang cute… ang bango pa…” patuloy nitong paglalambing sa kaniya. Hindi siya bibigay! Kailanga turuan ng leksyon ang pasaway niyang kapatid!
“Bah! Matutulog na ako, bye bye!”
“Cute… Mabango… at malambot pa.”
Nagpantig ang tenga niya. Kelan pa natutong maglambing ng todo ang kaniyang kapatid? Talaga naman! Baka mamaya kung ano na ang pinaggagagawa nito sa labas! Palilipasin na lang niya ang tampo niya dito. Binuksan niya ang pintuan. Pagkabukas ay agad na bumungad sa kaniya ang isang bulaklak na may limang puting petals at may kulay pula sa gitna.
“Sorry.” malambing na sabi nito sa kaniya bago siya nito niyakap ng mahigpit. “I missed you kuya…”
Napabuntong-hininga na lamang siya sa ginawa ng kapatid. “Tetsu, next time, magsasabi ka kung saan ka pupunta ha? Alam mo namang marami akong orders this week. Kailangan ko ring magpahinga no?”
“Kaya nga sorry na nga eh…”
“Kumain ka na ba?”
“Hindi pa…”
“Sige… ipaghahain na kita pero teka, san mo ba nakuha ang bulaklak na ito?” sabay turo sa bulaklak na ibinigay sa kaniya ni Tetsu.
“Ito? Galing ito sa isang kaibigan at sabi niya, kapag ibinigay ko daw ito sa taong importante sa akin, hinding-hindi kami magkakahiwalay habangbuhay.”
Nginitian lamang siya nito bago iniliyad ang kaniyang kamay papasok sa loob ng kanilang bahay. Pinapapasok na niya ito sa loob. “Ikaw talaga. Welcome home Tetsu…”
“I am home, Kuya.” Anito bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang tahanan saka isinara ang pintuan. Kasabay nito ay ang pag-ihip ng malamig na hangin na may bitbit na mga tuyo at sariwang dahon sa labas ng kanilang tahanan.











bigla nman nag iba ang kwento -_- wla na tuloy ako na gets sa story
) binabasa ko nasa japan si tet tpos bigla bigla nasa pilipinas nnman ang kwento nakaka loka
)
to nmang c kua xy o….
di man lang ni reveal kung anu ung future ni iyah…
tsk… curious p nman aq…
di mu ba alam na curiosity put a cat in a coma??
kelan mu ba mapag iisipang isulat ang mga revelations??
panu nman kame?? kameng mga natural-born chismosa….
nasisira ang future namen ahh.. humina tuloy radar q… kasi ikaw….
haha… wag mu munang tapusin to kua…
paguluhin mu pa lalo hanggang sa makulta utak nmen…
wula nmang kameng magagawa kung litang ka tlagang magsulat e…
babasahin at babasahin rin nman namen to ganu man dumugo ang kasuluk-sulukan ng pag-uutakan namen….
iba na talaga pag tsismosa…. whahaha….
p.s. hindi q nga lang tlaga xure qng di ka nila isumpa….
(grabeh, npahaba ata comment q…)
whaha…. kip it up kuya!!
tnk ya….
xD
xy: arg..
arg ka dyan….
ako sasakmal sau e…
mwahaha….
gutsu mong ice cream?
xy: ayaw, kakakain ko lng kanina… hahaha!
‘de wag….
inalok na nga kita’t lahat….
sinayang mu effort q…
huhu…
di tayo bate…
xy: bleh
sana ituloy m rin yung story n si tet nsa japan na
xy: pwede rin, mas ma-aksyon yun!
sna ma-xplain nung writer kung ano b tlga nangyyri d2 pra my guide kmi^^
ikaw talaga means i missed you..
..kelan po nxt post ng story:-/?..
hayy xy… maging ako nalilito hehe… ending na ba ito? next!
xy: hindi pa po..
Weird…
xy: ang alin? o.O
ang hirap hulaan kung ano ang susunod na mangyayari, padami ng padami ang mga dapat ipaliwanag sa story na to, sana magka hint na kami… thanks for the update
nako PV… malapit na to matapos, tiyak, hindi mo magugustuhan ang ending. ^^
ang tagal bago masundan ang chapter na ‘to… mahiwaga talaga itong story na ‘to… nakaka-amaze!
mas mahiwaga ka swtbaby. haha! toink!
sa wakas meron na ring episode 12…
sana episode 13 naman xD
nako po… later siguro, ahehe
..wwwiiihhhh,kilig.gsto ko dhn ng gnung flower:P.more powers po n stil waiting 4 d nxt chapter:>..
hehe, ano kaya name nung flower na yun? ^^
..anuh nga pho b name ng flower n un?sna mhe mgbgay sa akin,bwahahahaha:))..