Episode 11 – False Alarm
Kung hindi ka mahahawakan,
hindi ka maaaninag,
at hindi ka matatagpuan…
H’wag na lang.
KATATAPOS lamang ng klase ni Tet. Pagkapasok nito sa bahay ay napansin niyang malungkot ito. Paano ba naman kasi, parang may pasan itong elepante sa magkabilang balikat nito.
“Bakit parang sinlalim ng hukay sa kanto natin yang pagmumukha mo?” aniya bago binigyan ang kapatid ng malamig na tubig. Pagkatapos ay tinapik niya ito sa balikat.
Umiwas ito sa kaniya. “I’m tired Kuya, let me rest muna…”
Tumahimik na lamang siya habang pinapanood ang pagpasok ni Tet sa loob ng kwarto nito. Maya-maya ay may narinig siyang ingay sa loob ng silid nito. Kinatok niya ito.
“Tet, kumain ka na ba? Naghain na rin pala ako. Tara.” aniya bago kinuha ang lockpick niya sa bulsa. Mahirap na, baka mamaya ay marami na itong nabasag o kung anu mang gamit.
Wala siyang narinig na sagot mula sa loob ng silid nito at patuloy pa rin ang mga ingay na nanggagaling sa kwarto nito. Napabuntong-hininga na lamang siya bago niya ginamit ang lockpick ngunit hindi umubra ito dahil may isa pa palang lock ang pintuan nito mula sa loob.
“Tetsu! Papasok ako!” aniya bago niya sinipa ng malakas ang pintuan. Sa sobrang lakas nito ay nasira ang lock nito. Nakita niya na nakakalat ang gamit nito at nakabulagta ang kapatid sa kama, iyak ng iyak.
“Sabi ko, leave me alone!” sigaw nito kaniya bago ito nagtakip ng unan upang hindi na marinig ang kaniyang mga susunod na sasabihin.
Ngumiti na lamang siya. Bibiruin na lamang niya ito baka sakaling mapakalma niya ang kapatid sa kung ano mang problema ang dinadala nito. “Siguro, may period ka no?”
“Wala!”
“Siguro, sumabit na naman yang damit mo sa cabinet no?”
“Hindi!”
“Siguro, may kumuha na naman ng baon na gawa ko no?”
Bigla ay tumayo ito sa kama bago siya binato ng unan. “Sabing leave me alone eh!” Tumakbo ito papalabas ng kwarto saka lumabas ng bahay.
Kung saan man ito pupunta ay hindi niya sigurado. Marahil, pupunta ito sa likod ng bahay nila at duon magmumukmok o kaya sa parke na malapit sa kanila. Pwede rin sa baywalk o sa puntod ng kanilang mga magulang. Ang daming lugar kung saan ito maaaring sumuot at isa lang ang nalalaman niya, kailangan niya itong sundan.
TATLONG oras bago umuwi ng bahay si Tetsu…
“Tet! Ang sarap naman ng baon mo!” sabi ni Ether aka Ekla. Isa ito sa mga kaklase niyang babae na may pagkasingkit ang mata. Kumuha ito ng pagkain sa kaniyang lunchbox kahit hindi man lang nagpapaalam. May dalawa pa itong kasama mula sa likuran nito, mga usual alipores nito.
“Sino na naman ang nagluto kaya niyan!?” tukso ni Farah, mahilig ito sa kulay asul kung kaya’t lahat ng accessories nito ay kulay asul din.
Sumingit naman si Rafah sa tabi ni Farah. “Siguro, galing sa kuya niya, as usual.” Sa boses nito, tiyak na nang-aasar ito.
“Eklang Payatot, Farang Toothpick at Rafang Tuod! Anong ginagawa ninyo sa bestfriend ko!?” singit ni Liza sa harapan ng tatlo. Nasa likod niya si Tetsu habang humihibik ito. Paiyak na ito.
Umismid si Ekla. “Hoy Lizang Lisa, h’wag kang makialam dito!”
Sumingit naman si Farah. “Oo nga! Gusto mo bang tirisin ka namin ha?”
“Oo nga! Oo nga!” sang-ayon naman ni Rafah sa dalawang kaibigan na mahilig mang-asar sa klase.
Sa sobrang inis niya ay sinampal niya ng malakas si Ekla, napabalikwas ito. Kasunod ay sinikmurahan nito si Farah, halos masuka ito sa sobrang lakas ng kaniyang suntok. Pagkatapos ay tinadyakan naman niya si Rafah na lagi na lamang sumasang-ayon sa dalawa.
Nagpalakpakan ang buong klase dahil sa wakas ay nakakita rin ang mga ito ng katapat. Kung tatanungin ang mga kaklase nila, pinaka-lively at energetic si Tet kesa sa kaniya. Pero sa pagkakataong ito ay tila nagpa-api ito ng lubos sa tatlong kumag na iyon.
Hinawakan niya sa magkabilang balikat si Tet. “Bes, anong nangyari? Bakit di ka lumaban?”
“Ka—kasi… ano…”
Niyugyog niya ito ng malakas. “Speak up! Sa ating dalawa, ikaw dapat ang pinakamatapang. Anong nangyari kanina? May sinabi ba silang hindi maganda?”
“Bes…”
“Ano!?”
“Buntis daw ako.”
Sabay-sabay na bumagsak sa kinauupuan ang mga kaklase nilang nakarinig sa sinabi ni Tet. Ano!? Buntis ito!? No way! Teka, kung buntis man ito, sino ang magiging ama? Imposible! Isang lalake lang ang alam nilang lagging kasama ni Tet, walang iba kung hindi si—
Pinutol niya ang momentum na iyon. “Ang kuya mo ba ang may sala nito!?”
“E— ewan ko Bes! I mean, sabi kasi nilang tatlo, buntis daw ako…”
“Teka! Paano naman nila nasabi? Alam mo namang walang ginawang matino ang mga yun, diba?”
“Oo, alam ko. Pero base sa mga sinabi nila, parang totoo eh. I mean, totoo talaga… for me.”
Napasuntok na lamang siya sa kaniyang noo. Talaga namang buhay oh! Lunes na lunes eh sinisira ng bestfriend niya ang buong linggo niya. “Teka, ano ba talaga ang sabi nila?”
“Kasi daw, wala raw akong ganang kumaen. Tapos, nakita nila akong dumuwal sa restroom. Tapos, medyo lumaki daw yung… ano ko…” namula ito sa hiya bago nito tinakpan ang mukha ng dalawang kamay nito.
Binatukan niya ito. “Ano daw yung lumaki?”
Tinuro nito ang dibdib niya. Boobs!? Teka, oo nga. Mas malaki nga ang hinaharap niya kesa dito pero sa mga oras na ito, parang mas lumaki nga ang boobs nito. Ano kayang ibig sabihin nito?
Bigla ay pumasok si Ms. Arie sa klase. Guro nila ito sa Physical Education. As usual, maganda at seksi ito kung kaya’t pati mga kaklase nila ay talagang napapanganga sa tuwing nagtuturo ito, much more kung isinasagawa nito mismo sa sarili ang kanilang mga exercises.
Nasulyap ito kay Tet. “Hoy Tet, parang matamlay ka? May problema ba?”
“Ma’am, buntis po si Tet!” koro ng buong klase liban sa kaniya sabay nagtawanan ang buong klase.
Nabigla naman si Ms. Arie sa narinig. “No way! Hindi nga?” tinitigan nito ang buong klase na waring babatukan ang sinumang magsasalita o mag-re-react pa. Walang kumibo sa klase pagkatapos nitong gawin iyon. “Sino ang ama Tet?”
“Ma’am naman!” pagtatanggol niya kay Tet ngunit nagtatakbo na ito palabas ng classroom. Nag-walk-out na ito.
“Ooops, sorry.” ani Ms. Arie bago nito binatukan ang sarili. Wrong question!
May pagka-kalog din kasi ito kung kaya’t magaan ang loob ng lahat ng mga estudyante sa kaniya. Ikanga, mother figure ito para sa kanila. “Ok, class dismissed. Medyo sumama ang pakiramdam ko. Bukas na lang tayo magkita-kita. Liza, samahan mo ako sa clinic.”
“Ye— yes ma’am.”
HINDI niya nahanap si Tet kahit na binalikan pa niya ang mga lugar kung saan ito maaring magmukmok o magtago. Pagkabalik niya sa bahay ay nakita niya ang isang magandang babae na nakaupo sa harapan ng bahay nila. Tumayo ito pagkakita sa kaniya.
“Dito po ba ang bahay ni Tet?” magalang nitong tanong sa kaniya bago ito yumuko bilang tanda ng paggalang.
Yumuko din siya bago niya ito sinagot. “Opo, dito nga. Sino po kayo?”
“Ako si Ms. Arie, teacher ni Tet sa PE. You see, may prob—“
“May problema ba siya Ms. Arie?” casual niyang tanong dito.
Namula ito. Hindi niya siguro sukat akalain na magiging pormal ang pakikipag-usap niya dito. Pero kailangan niyang gawin iyon upang makakuha ng respeto mula sa mga guro nito. Ayaw niyang isipin ng mga ito na isa siyang lampa o mahinang tao. Gusto niya ay maging malakas at kagalang-galang para sa nag-iisa niyang kapatid.
“Buntis si Tet.”
“Ano!?” nawala siya sa pose. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Imposible! Paanong mabubuntis si Tet gayong wala naman itong boyfriend o kinakasama. Wait, isa lang ang suspect dito! At walang iba kung hindi siya!
“Sabihin mo, may nangyari ba sa inyo ni Tet?”
“Wala! I mean, kapatid ko yun! Hindi ko magagawa sa kaniya yun!”
Umismid ito bago siya tiningnan mula ulo hanggang paa. Tila wala itong tiwala sa mga sinasabi niya. “Talaga lang ha? Eh bakit parang nininerbiyos ka?”
“Hindi naman. Nabigla lang naman ako sa sinabi mo. Teka, sino ba ang may pakulo niyang eskandalo na yan?”
“May tatlong kumag kasi sa eskwelahan namin na nagkakalat ng dilim. Ayun, ang pinakahuling biktima nila ay si Tet. Sinabi ng mga ito na buntis daw siya kaya nagkaruon ng mental breakdown ang kapatid mo.”
“Ganun ba?” napaupo siya sa sahig. “Kaya pala badtrip ang kapatid ko pagkauwi kanina…”
“Nasaan na pala siya?”
“Wala. Hindi ko alam. Hinanap ko na pero hindi ko makita.”
Nilapitan siya nito ng malapitan sa mukha. Humangin ng malakas at dahil duon ay naamoy niya ang pabango nito. Halos kapareho ito ng pabango ng kaniyang kapatid. Teka, don’t tell me na ginagaya nito ang porma ng teacher niya? Kunsabagay, nagdadalaga na si Tet, hindi na kataka-taka iyon.
Umiwas siya ng tingin. Baka mamaya ay sunggaban pa siya nito at halikan. Mahirap na! Baka mamaya ay maipit siya sa isang sitwasyong mahihirapan na namang siyang lusutan. “Ba—bakit Ms. Arie?”
“Cute ka pala sa malapitan Yuta. Hindi na ako magtataka kung mahulog ang loob sayo ng kapatid mo lalo na’t dalawa lang kayo lagi dito sa bahay.”
“Teka! Kahit teacher ka ng kapatid ko ay hindi ibig sabihin ay may karapatan ka ng makialam sa paraan na alam ko kung paano ko siya palalakihin.”
Ngumiti ito na parang nakakaloko. “Tange ka pala Yuta. Hindi ako naparito bilang teacher niya. Nandito ako as a friend.”
“Ganun?” halos manlaki ang kaniyang dalawang mata sa narinig. Kakaiba talaga ang mga taong ganito. Masasabi niyang ma-swerte si Tet dahil may teacher siyang katulad ni Ms. Arie. Kung naging estudyante siya siguro nito ay tiyak na mahuhulog din ang loob niya dito. Pero hindi, para sa isang tao lang ang kaniyang puso. At para iyon kay—
“Tet!” mabilis nitong sigaw pagkatapos na masulyapan si Tet na naglalakad palapit ng bahay. Kasama nito si Liza at nagtatawanan pa sila. Sa wakas! Bumalik na sa normal ang kaniyang kapatid!
Tumayo siya at sinalubong nilang dalawa si Tet. Niyakap siya nito ng mahigpit pagkatapos na makalapit sa kaniya. Nag-sorry ito at nagpaliwanag tungkol sa nangyari. Nag-kwento ito na nakita siya ni Liza sa kanilang secret hideout at duon nagpaliwanag si Liza tungkol sa mga maseselang nangyayari sa katawan ng isang babae. Kadalasan daw mangyari iyon sa mga babaeng dumadaan sa puberty stage. Meaning, sa mga babaeng nagdadalaga tulad ni Tet.
Sinamahan na ni Liza si Tet na matulog sa kanilang bahay dahil na-mi-miss daw nito ang pag-hang-out sa bahay nila. Pagkapasok nila sa bahay ay naiwan silang dalawa ni Ms. Arie sa labas.
“YUTA…”
“Bakit Ms. Arie?”
“Kung hindi ba kayo naging magkapatid ni Tet, ano sa tingin mo ang mangyayari?”
Natigilan siya. Same old question, same old answer. Pero sa pagkakataong ito, tila nagiging malabo na ata sa kaniya ang old answer na lagi niyang sinasabi sa tuwing may mag-uusisa sa kaniyang nararamdaman.
“Maraming pwedeng mangyari Ms. Arie. Gusto mo bang malaman kung ano?”
Napalunok ito ng malaki sa kaniyang sinabi at biglang namula ang mga pisngi nito. Sa tingin niya ay may crush ito sa kaniya dahil usap-usapan na sa klase ang pagkakaruon ni Tet ng isang gwapo at all-around na kuya. “A— ano?”
Lumapit siya dito bago niya ito binulungan. “Hindi mo iyon malalaman dahil mananatiling sekreto iyon sa aming dalawa. Ikanga, it’s a lover’s secret.”
Sinuntok siya nito sa tagiliran bago ito tumawa ng malakas. “Kakaiba ka talaga Yuta. Basta, take care of Tet when I’m not around.”
“Sure, Ms. Arie.”
Ngayon, mas nauunawaan na niya ang kaniyang nararamdaman para kay Tetsu. Hindi niya kayang lumagpas sa harang na inilagay sa kanilang dalawa kahit pa may kakayahan siyang gawin iyon. At kung sakali mang dumating ang araw na iyon, mas nanaisin pa niyang maglaho na lamang kaysa mapasa-kaniya ang babaeng minamahal niya ng lubos. After all, ang kanilang mga bituin ay salungat sa takbo ng tadhana dahil sa huli ay tiyak na magiging malungkot sila…











maganda na sana kung itinuloy na lang yung sa japan..wala naman pala yon eh, bat isinali pa..so confusing..andun sana yung highlight nung story..exciting eh..pampagulo lang pala..hahai..
xy: kasi yung story sa japan, gift lang ni yuta yun para kay tetsu.. sana di ka masyadong naligaw.
..ai ganun,ung story sa japan d totoo:(.so panuh na cna tetsu n yuta,so totoong mgkapatid cla.aw,aw,aw,abangan ko p nxt episode:((!?
haha kakabasa ko lng sa story na toh..maganda ung cmula ng story at hehe confusing nga sa episode 7 and 8, wen is da nxt episode?
wah..!ang ganda naman..swit naman nilang magkapatid.. ^_^
may napanuod akong movie..ganto din story..
mAs malala pa nga kasi twins sila dun..haha
in the end di talaga sila pwd..haityz..
ito kea anung ending.?
kaka excite..!!!!
xy: dunno…
wahhhhh…….ang gulo na po ng kwento?!sana pakiayos naman po para maitindihan namin ng mabuti…thanks
xy: kyle, sang part ka naguguluhan?
Ndi ko gets ung story..npnta knna s japan tas bglang nwla ung part n un..taz bmalik ulet s pinas haha..
xy: hahay… read previous comments bambam, for sure, maiintindihan mo rin..
whaa?… san ba 2 galing?…
hilo na ako sa kakaikot ng kwentong 2…
d ko talaga magets yong story…
whaaa…. (padyak paa)…….
xy: *droggy* blah! *akbay glory* inom n lng tayo glory! inom tayo ng iced tea… *burrrp*
tapos n po un hanggng episodes 11 lng po b un bitin po kc aq>>>hayyyyyyy asan n po b ung episodes 12 di ko ppo makita hehehehehe>>>>>galing mo napahanga mo ko
heloooo>>>ask ko kelan po post ung episodes 12 >>u know wat gusto ko ung sequence ng story mo>>nagetz ko po kagad hehehe>>>>
grabe d kinaya ng power ko ung flow ng story… kakalerkey ung kwento.. lalo ako nhilo d2 s office,,,
xy: nako, sorry naman. isipin mo na lang…. nanunuod ka ng mga one shot story.
hmmm ask ko lng ah.. parang XY hndi k tlga mapakali sa takbo ng story m ah.. san b tlga ang gs2 mo direksyon?

xy: basta’t ang alam ko, every episode, isang story na hindi connected sa ibang episodes. hahay.. tatapusin ko n nga lang to. ^^
grbe.. muntik na!!
muntik n tlga ako lalo maloka d2 ah…
grbe… san b tlga iikot itong story? anu b tlga?
ang lagay eh sa simula hanggang ending magulo ang takbo?
hayzzz..
)
xy: *bigay kutsilyo kay railee* mi ultimo… adios
an0 b naman un nkakhilo ung st0ry.. HumaBa ng humaBa n wla namang pnatunguhan.. Ang gulo!
xy: i agree. *ikot ulit pra mahilo* weeh!
ah.. story lang pala yung nangyari sa japan dun sa book na regalo ni yuta kay tet. parang pangarap ni yuta na kung sakaling mag-iba takbo ng mundo at ganun nangyari sa kanila, pede sila magkatuluyan… hay, sayang. akala ko kasama na talaga yun sa kuwento. anyways, kaabang-abang naman ito kahit mejo lumilihis sa morality… hehehe
xy: sbi nga ni jalug, immoral daw ito. hahay…
maganda ang st0ry hnd lang maganda ang sequence.sna itul0y n ung nsa japan si tet.mas exciting un.
xy: sowy, masyadong ma-aksyon kung itutuloy yun. dibale, konti n lng at matutuldukan n rin ito. har har!
Paanu po b ang pattern ng kwento na ito?Sa tingin ko dapat, ung nangyari sa japan naging prologue nalang kumbaga paunang eksena,tp0s aun saka kasun0d ung mga detalye simula sa umpisa hanggang sa majustify ung prologue.Suggesti0n lang po,wag sana masamain. Kc kpg ngba2sa ako ng kwento o n0vela prang ang pakiramdan ko real life ung kwento,ibig sabhin tul0y tul0y at hndi pdeng magbalik sa nakaraan.
xy: pasensiya ka na pero iba ang pattern ng i’m yours sa ibang novels na nababasa mo. bawat episode ay independent sa isa’t isa (exception siguro yung nangyari sa japan story). try watching vampire miyu, prang ganun yung style nito.
Yesha: yap, dats right. Ako din, may mga flashback sa Love Will Lead You Back at Amor Filia
Nalilito n talaga ako dito *confused* kelan kya darating ung time na matutul0y ang st0rya sa japan?
xy: hindi na matutuloy ang story sa japan dahil iyon ang gift ni yuta kay tetsu… in short, yung story sa japan, it did not happen in reality, story lang siya.
Ay ganun b, wala lang pala un,hehe,masyado kasi ak0ng na-h0ok up at nag-expect sa part n un.Ngy0n,malinaw na ang lahat.Pero sa tingin ko may pr0b p din sa fl0w ng st0ry na ito *confused*
xy: huhu.. tama na! *untog ulo sa pader*
sus ku!!! nu ba yan nakakaloka!!
ang gulo po ng kwento eh
xy: i agree.