Episode 10 – Ring! Ring!
Maybe now I can show you,
what went on with my mind, when I first heard this song.
That moved me and hoping someday,
they will soothe the memories of every single broken hearts…
“HI cute, anong pangalan mo?” bungad ng isang lalakeng customer kay Tet habang nagbabalot siya ng maliliit na regalo.
Tiningala niya ito. Sa tantiya niya, kasing-edad siguro ito ng kuya niya. Aaminin niya, cute ito pero kung ikukumpara sa kuya niya, hindi pa rin ito makakapasa. Napansin niya ang kakaibang necklace na suot nito, may isa kasing singsing na nakalagay duon bilang pendant.
“Tet po. Anong maipaglilingkod ko sa inyo sir?” pormal niyang tanong dito. Wala siyang panahong makipagbiruan dahil busy rin siya sa kaniyang ginagawa. Isa pa, hindi naman ito mukhang customer. Para kasing naligaw lang ito sa shop nila at nagpapalipas ng oras.
Ngumiti ito sa kaniya saka kinuha ang kaniyang kamay. “I’m Brian. Nice meeting you little princess.” anito saka dinampian ng mabining halik ang kaniyang kamay.
Napatanga siya sa nangyari. Tinawag siya nitong prinsesa! Tapos, hinalikan pa nito ang kaniyang kamay. Namumula ang kaniyang pisngi habang kinikilig naman ang kaniyang kalooban. “Ahh… Ehh.. Kasi.. Po.. Ano..”
“Ikaw talaga. Ngayon ka lang ba hinalikan ng ganito Tet?”
“O—opo!”
“Oh bakit di ka makapagsalita diyan? First kiss ba?”
“Hi—hindi po!”
Napakamot ito ng ulo. “Nako, sorry ha. Ganito lang talaga ako bumati sa mga magagandang dilag na kagaya mo.”
Halos mautal naman siya sa pagsagot. “O—ok lang! I mean, ok lang kung nagpaalam ka kaya lang binigla mo ako. Pag nalaman to ng kuya ko, ma—“
“Magagalit ba?” hula naman nito bago ito lumapit sa kaniya ng malapitan. Pagdaka’y dumungaw ng tuluyan ang suot nitong necklace sa harapan niya na animo’y nagpapapansin sa kaniya.
“Hindi ko alam, pero pauwi na yun…” tinuro niya ang suot nitong singsing na nakasabit sa necklace. “Kuya Brian… hindi po ba ang singsing dapat nakasuot sa daliri at hindi nakasabit?”
Tiningnan nito ang itinuturo niya. Ngumiti ito pagkatapos na haplusin iyon. “Ah eto? Style lang yan.”
“Sigurado ka kuya? Eh bakit naging sad smiley face yang mukha mo?”
“Hindi naman.” Itinago nito ang pendant sa loob ng t-shirt nito. “Sige, alis na ako Tet. Nice meeting you.”
“Teka! Pumunta ka lang ata dito para mang-asar no?”
“Nope.” Tumalikod ito sa kaniya saka pumunta sa mga gift wrap samples nila. “Nung dumaan kasi ako dito, akala ko kakilala kita.”
Bumagsak ang malaking question mark sa ulo niya. Ano raw? Nang-aasar talaga ito at wala itong balak magpabalot ng regalo. Kunsabagay, ano naman ang ipapabalot nito sa kaniya?
Kumuha ito ng sample mula sa stand nila at lumapit ito sa kaniya. “May ipapabalot pala ako sayo Tet.”
“A— ano naman yun?” Napameywang siya. Pakiramdam niya kasi ay nang-aasar talaga ito. Napansin niyang bigla ay naging seryoso ang tono ng pananalita nito, seryoso ngunit malungkot.
Inilapag nito ang sample box na kinuha nito saka hinubad ang necklace na may nakasabit na singsing bilang pendant nito saka ibinigay sa kaniya. “Gusto ko sanang ipabalot ito ngayon. Nag-a-accept din ba kayo ng delivery?”
“Hindi po…” Nagtaka siya. Kanina lang ay parang kalog itong kausap pero ngayon, nag-se-senti mode na ito. “Bakit po ninyo naitanong?”
“Sa malayo ko kasi ito ipapa deliver. Pero dahil hindi kayo tumatanggap ng delivery, sigurado akong magugustuhan ito ng pagbibigyan ko.” Ngumiti ito sa kaniya.
“Kanino naman po ninyo ito ipapadala?” tanong niya dito pagkatapos niyang makakuha ng box na lalagyan ng mga jewelries sa kanilang stock cabinet.
Kumuha ito ng papel sa tabi ng pwesto niya saka nagsulat duon. “Eto, para dito.”
Tiningnan niya ang papel. “Para sa isang prinsesang nagngangalang Tet.”
Magsasalita pa sana siya ngunit tuluyan na nitong naisara ang pinto ng kanilang shop. Mabilis itong lumabas pagkatapos na maibigay sa kaniya ang papel at necklace nito. Sinubukan niyang habulin ito ngunit mabilis din itong nawala.
Pagkabalik niya sa loob ng shop ay tinitigan niya ang necklace. Maganda ito at parang mamahalin pa. Sinuri niya ang singsing na nakasabit bilang pendant nito. May nakasulat dito na– “Patty – Brian – 4EVER”.
Halos maluha-luha siya sa nangyari. Paano ba naman kasi, ibinigay nito sa kaniya ang pinaka-importanteng bagay nito. Kung tutuusin, nagtataka pa rin siya kung bakit ginawa ito ni Brian ngunit wala na siyang magagawa— kaniya na ang necklace eh.
HAPUNAN…
Kalalagay lamang niya ng huling sangkap para sa kanilang hapunan nang mag-desisyon siyang basagin ang katahimikang bumabalot sa kanilang magkapatid. Paano ba naman kasi, halos bente minutos na itong walang imik habang hinihintay na matapos ang niluluto niya. Worst, nakatitig pa ito sa kawalan.
“Tetsu…” Wala pa rin itong imik. Naluto na niya ang ulam at nakapagsandok na rin siya ng kanin. Lumapit siya sa harapan nito saka muling nagsalita. “Tetsu… kain na.”
As usual, hindi pa rin ito umiimik. Sa inis niya, pabigla niyang binagsak ang baso upang matauhan ito. “Tetsu!”
“Brian! Este, kuya!”
Halos mag-usok ang kaniyang ilong sa narinig. Pangalan ng lalake ang binanggit nito. Hindi naman siya nagseselos pero kakaiba talaga ang kilos nito. “Sinong Brian?”
“Ah… eh… kuya… customer natin kanina.”
“Customer? Sigurado ka?”
“Oo!”
Napatingin siya sa dibdib nito. Napansin niya ang kakaibang bagay na kumikinang na suot nito. “Ano yang suot mo?”
“Eto? Singsing na ginawang pendant…” Idinisplay nito sa kaniya ang suot nito saka ngumiti sa kaniya. “Maganda ba?”
Huminga siya ng malalim. Gutom na siya. Kung papatulan niya ang pang-aasar ni Tetsu, baka humantong na naman sila sa hagisan ng plato at kubyertos. “Oo. Sa kaniya ba galing yan?” Seryoso niyang sabi.
“Oo…” bigla ay lumungkot ang mukha nito.
“Oh bakit parang naging matamlay ka?”
“Kasi, pakiramdam ko, importante sa kaniya ito. Nagtataka lang ako kung bakit niya ito ibinigay sa akin.”
Ipinaghain niya ang kapatid saka niya ito sinubuan. Balik na naman siya sa dating gawi— ang maging tiga-subo ng pagkain nito sa tuwing nag e-emo mode sa harap ng hapag kainan.
“Siguro, magaan lang ang loob niya sayo kaya niya ibinigay yan.”
“Hindi kuya! Kahit magaan ang loob ko sa isang tao, hindi ko basta-basta ibinibigay ang isang bagay na sa tingin kong importante sa akin.”
“Ganun ba?”
“Oo kuya! Saka, nagtataka rin ako kung bakit nakasabit ang singsing na ito bilang pendant. Eh natural lang naman na isuot ang singsing, bakit pa kailangang isabit?”
Napaisip siya. Tama nga naman ito. Bakit nga ba ganun?
“Tetsu…”
“Kuya…”
“Ang singsing, malimit na ibinibigay yan sa isa’t-isa ng dalawang taong nagmamahalan. Pag isinuot mo yan, ibig sabihin, mahal mo ang taong nagbigay sayo niyan. Kung huhubarin man yan, hindi ibig sabihin na hindi na niya mahal ang taong iyon.”
“Alam ko ang tungkol sa singsing. Nagtataka lang ako kung bakit nga inilagay niya as pendant ito.”
“Bakit Tetsu, kung may makikita ka bang lalake na gustong-gusto mo at may suot na singsing sa daliri, magpapa-kyut ka pa ba?”
Natigilan ito. “Ewan ko. Siguro hindi na.”
“Kitams, eh di sinagot mo na ang sarili mong tanong.”
“Ang lalim mo kasi minsan sumagot eh. Kuya, malaki na ako! Hindi mo na ako kailangang i-baby pa!”
“Hindi kita bine-baby. Ang gusto ko lang, magkaruon ka ng sariling pag-iisip. Malay mo bukas, wala na ako diba, so mag-isa ka na lang.
“Heh! Ang akala ko ba hindi mo ako iiwan?”
Inakbayan niya ito saka niya ginulo ang buhok nito. “Ikaw talaga. Iiwan kita pag hindi mo inubos yang pagkain mo.” Aniya saka naglagay pa ng maraming kanin at ulam sa pinggan ni Tet. Sumimangot naman ito sa ginawa niya.
KINABUKASAN…
“Hi. Magkano po ang magpabalot ng regalo?” tanong sa kaniya ng isang babae na naka mini-shorts at sleeveless na t-shirt. Napakaganda nito at talaga namang lahat ng dumadaan sa kanilang shop ay napapatingin dito.
Itinuro niya ang mga naka-display sa kanilang stand. “Depende po sa size at hirap nung ipapagawa ninyo mam.”
“Ganun ba?” anito pagkatapos tingnan ang itinuro niya. Tila may napansin ito sa kaniya na halos ikagulat din niya. “Mawalang galang na ha… pero ang cute naman ng necklace mo.”
“Ah, eto po?” hinipo niya ang singsing na nakasabit bilang pendant sa suot niyang necklace bago siya ngumiti. “Opo, sobrang cute nga po.”
Bigla ay may pumasok na bata sa shop na may kasamang isang lalake na halos matanda kesa sa customer niyang babae. “Mama!”
“Oh baby, akala ko ba bibili kayo ng sandwich sa labas ni Papa?” agad nitong bati sa anak bago niya ito binitbit.
“Mama! Salap sandwich! Tapos na kain Papa!” cute nitong sabi bago niyakap ang kaniyang ina.
“Honey, yang baby natin, sobrang lakas kung kumain. Grabe.” Pagbibiro ng asawa nito bago umupo sa silya na para sa kanilang mga bisita upang magpahinga. Mukhang napagod yata ito sa pag-aalaga ng kanilang anak.
Ngumiti ito sa asawa bago ibinigay ang anak dito upang bitbitin. “Dear, magpapabalot pa kasi ako ng regalo eh. Mauna na kayo sa kotse, susunod na ako.”
Tumalima naman ang asawa nito. Pagkalabas ng mag-ama ay kinuha niya mula sa malaking supot na kanina pa nito dala, sa loob nito ay may limang laruan na ipapabalot nito.
“Eto sana ipapabalot ko. Kung magkano man yan, sosobrahan ko na lang ang bayad. Pagbalik namin, saka ko na lang kukunin ang sukli. Ok lang ba yun?”
“Ok lang po mam. Pakisulat na lang po ang pangalan ninyo dito sa customer slip.”
Kinuha nito ang customer slip saka ibinigay sa kaniya. Pagkakuha niya sa papel ay nagulat siya sa nakasulat dito. Napasulyap na lamang siya sa labas habang tinatanaw ang mabilis na pag-alis ng kanilang kotse.
Binasa niya ang nakasulat sa pangalan ng papel. “Patty.”
~
XY: A non-tangible gift for someone, just like what I promised before…











ugh!!!!!!!!! naguguluhan na talaga ako sa story…. balik pinas nanaman kanina eh nasa japan… ANG GULO!!!
..ah..ahmm..anu byan kninan sa japan ngayon nsa pilipinas ah diba magkausap c tetsu at ang 22ong lolo niya..ang gulo…
ganda p naman ng story nguluhan lng aq pgdating ng episode 6 to 10
foo.. san na karugtong nito………
whaaaaaaaa……
next na…. magwawala na ako d2… ( jejejeje peace….)
xy: *tadyak poster ni foo* hmf! pansinin mo naman ako glory!
Asan na po next chapter nito.. ano po ba ang skec ng published nito?
nice stories..khit d q nka umpisa frm d start
balik sila na magkapatid? akala ko pa naman naging japanese era na yung kuwento at magkakatuluyan na sila. sayang?!
nakaka-confused?????
foo: sabi ko naman sayo… tapusin mo na to… pati ako nahihilo!
xy: *kain munchkins* gusto mo?
foo: heh! snob! hmpf!
hmm… sad story… hahay..
tama… think in a positive way…
kalungkot naman ang kuwento..
T___T
. . . . . .
ang sad.. sad na nga ako sad pa ang story na ‘to..
tenk you!
xy: it’s up to you kung papaano mo siya i-interpret. siguro… moral lesson sa story na to… think in a positive way. at the end of the day, ang depressed at malungkot ang siyang talo. happy weekend po!
xy: pahabol! ibaba mo na ako sa puno ng saging!
ok na, nakapagliwaliw na ako.. nyahahaha!
un nga lang nakalimutan ko ang oras..
*grins malaki* di kita ibababa jan hanggat di nagkakaroon ng love life si tesu!