Teaser
Si Yuta– Isang lively na lalake. Mautak. Maabilidad. Gwapo. Pero pagdating sa chicks, sopla! Kasi naman, sa tuwing may popormahan siyang babae, laging binubulilyaso ang kaniyang diskarte ng kaniyang makulet na kapatid na babae na si Tet.
Si Tet– Ang bunsong kapatid ni Yuta. Cute. Maliit. Iyakin. Mahal na mahal niya si Yuta at ayaw na ayaw niyang nakikita itong may kadikit na ibang babae. Gusto kasi niya, paglaki niya, siya ang maging asawa ng kuya niya kahit alam niyang hindi pwede.
At silang dalawa ang bumubuo ng maliit na gift wrapping shop na siyang nagbibigay aliw sa iba’t ibang mga tao sa tuwing may espesyal na okasyon. At silang dalawa ang gagabay sa ating lahat upang tuklasin ang iba’t ibang kahulugan ng pag-ibig.
Prologue
“YUTA—anak.” pabulong na sabi ng ina niya habang hawak-hawak ang kaniyang buhok. Halos nakadikit na ang bibig nito sa kaniyang tenga na tila sa loob lamang ng ilang segundo ay babawian na ito ng buhay. “Ma—Makinig ka…”
Tumutulo naman ang kaniyang luha habang pinakikinggang maigi ang mga bawat salitang lumalabas sa bibig ng kaniyang ina. “O—Opo Mama”
“I— kaw na ang bahala kay Tet. Mahalin mo siya dahil kuya ka niya.” anito bago umubo ng malakas saka ipinagpatuloy ang sinasabi nito. “Simula ng mawala ang papa mo, kayong dalawa ang naging lakas ko. Nalulungkot ako pag nakikita kong nag-aaway kayo.”
“O—opo mama!”
“Sa—salamat… anak…”
“Ok lang yun mama!” aniya bago niyakap ang kaniyang ina. Hinintay niya ang mga susunod na sasabihin nito ngunit tanging katahimikan lamang ang iginanti nito sa kaniya. Isa lang ang ibig sabihin nun, nalagutan na ito ng hininga.
Pilit niyang pinipigilan ang kaniyang pagluha ngunit kahit anong gawin niya ay sinusuway siya ng mga ito. Tila nag-uunahan pa ang mga ito na makarating sa labas ng kaniyang mga mata upang maging malaya. Naisip tuloy niya, buti pa ang mga luha, kahit anong mangyari, maganda ang nagiging result ng kanilang paglabas. Samantalang siya, tila nakakulong pa rin sa kaniyang kalungkutang nadarama.
Bumukas ang pintuan. Nakita niya si Tet, may dalang ice cream para sa kanilang tatlo. Agad itong lumapit sa kaniya at binigyan siya ng isang piraso. Kinuha niya ito mula sa kapatid niya ngunit nahulog ito sa sahig.
“Kuya naman! Sinasayang mo yung ice cream! Magagalit si mama niyan.” anito saka pinulot ang nahulog na ice cream. “Di na kita bibigyan sa susunod! Hmpf!”
Agad niyang niyakap ng mahigpit ang kapatid. “Wa—wala na si Mama, Tetsu.” Bakas sa kaniyang boses ang labis na kalungkutan. At hindi na siya magtataka kung pati ito ay umiiyak na rin dahil sa ginagawa niya.
Nabitawan ni Tet ang hawak nito. Mula sa kaliwang kamay nito, nahulog ang ice cream na dapat sana ay kakainin niya. Sa kanan naman ay ang ice cream na para sarili nito at para sa kanilang ina. At bago pa man tuluyang bumagsak ang mga ice cream ay naunahan na rin ito ng luha ng kaniyang kapatid. Mga luha na nagtatanong— Bakit mo kami iniwan, Mama?
Episode 1 – Kiss be with you
Sa tuwing umuulan,
nahihipo nito ang aking labi.
Ngunit sayo ko lamang ito ibibigay,
dahil ito’y iyo magpakailan man.
“HI pogi.” malambing na sabi ng isang magandang estudyante na halos araw-araw na nagpapa-kyut kay Yuta. Kasabay nito ay iniumang nito ng kaunti ang kaniyang dibdib upang masilip niya ang nasa loob nito.
Napalunok naman siya habang abala siya sa paggupit ng mga wrappers. “Thanks Alex, alam kong matagal na akong pogi.” ngumiti siya bago dinampian ng halik ang kamay nito. Ginagawa niya ito bilang tanda ng paghanga sa kagandahan at paggalang niya sa mga babaeng nagpapa-kyut sa kaniya.
“Ikaw talaga, kahit kailan ang sweet-sweet mo.” Alexandra ang buong pangalan nito pero mas gusto niya na tinatawag siya sa pangalang ‘Alex’.
Itinigil ni Yuta ang paggupit sa mga wrappers. Tinitigan niya si Alex sa mga mata. Kulay asul ang mga ito, kakaiba sa lahat ng mga babaeng nakilala niya. At natutuwa siya sa tuwing nagpapabalot ito ng regalo sa kaniyang maliit na gift wrapping shop. “Hindi naman. Alam mo kasi… pumupogi ako dahil sayo Alex.”
Napatawa ng malakas si Alex. Ngumiti rin siya. Unti-unti ay naglapit ang kanilang mga labi bago nila ipinikit ang kanilang mga mata. Nang lalapat na ito sa isa’t isa ay agad na humarang ang gift wrapper sa gitna nila.
“Kuya! Ang lakas ng hangin! Sobra!” si Tet! Hawak nito ang wrapper na ginupit niya. Kaasar! Ito na yata ang pang-sampung beses na pinigilan niya ang mga romantic moments niya sa mga babaeng nagpapabalot ng regalo sa kaniya. Pag nagkataon, tiyak na sopla na naman siya dahil maiinis si Alex sa kaniya at sa kapatid niya.
“Tet! Istorbo ka!” sigaw niya sa makulit na kapatid habang pinapaypay ang wrapper na gagamitin sana niyang pambalot sa regalo ni Alex.
“Kasi naman Kuya! Maghahalikan lang kayo, dito pa sa shop ko!” pagdadahilan naman nito. “At ikaw babae, nandito ka para magpabalot ng regalo at hindi para ibalot ang kuya ko.”
“Si—sino siya mahal ko?” tanong ni Alex sa kaniya bago itinuro ang nag-ngu-ngusong si Tet. Para silang mga aso’t pusa sa harapan niya kung makatitig.
“Wa—wala! Alalay ko lang!”
“Anong alalay!? Hoy miss, for your information, ako ang magiging future wife ng kuya ko! Kaya ngayon pa lang, sinasabi ko na sayo…” anito bago inilapit ang mukha niya malapit sa tenga ni Alex saka sumigaw ng malakas. “Layuan mo ang kuya ko!”
Halos mahimatay naman si Alex sa sobrang lakas ng boses nito. “Ayaw ko nga! Nakita mong mahal ako ng kuya mo eh. Besides, sobra ka pang bata for him. At kahit na lumaki ka na, hindi pa rin kayo pwede kasi magkapatid kayo!”
“Ah ganun? Kahit na! Basta ibibigay ng kuya ko ang lahat ng gusto ko. At pag sinabi ko sa kuya ko na layuan ka niya, lalayuan ka na niya.” pananakot nito kay Alex.
“O sige, papiliin na lang natin ang kuya mo.”
“Sige!”
Sabay silang tumitig kay Yuta bago sila nagsabay na nagtanong sa kaniya. “Ako o siya?”
Halos bumagsak ang dalawa niyang balikat sa tanong na iyon. Kung pipiliin niya si Alex, tiyak na magtatampo ang kapatid niya. Kung si Tet naman, tiyak na lalayuan na siya ni Alex at baka hindi na bumalik sa shop nila. Anong gagawin niya? Sinong pipiliin niya?
Magsasalita na siya nang biglang kumidlat at kumulog ng malakas. Dahil sa pagkabigla ay sabay silang napayakap kay Yuta. Kasabay nito ay bumuhos ang malakas na ulan. At dahil sa nangyari, napilitan siyang isara pansamantala ang shop at patuluyin si Alex sa kanilang bahay na siyang mismong bahay na rin nila. Kahit labag man sa kalooban ni Tet ang ginawa niya, wala na rin itong nagawa.
NAGTIMPLA ng mainit na tsaa si Tet para sa kanilang tatlo. Kahit naiinis siya kay Alex ay binigyan niya pa rin ito ng maiinom. Kabilin-bilinan kasi ng kaniyang mama na maging mabait sa lahat ng tao, lalo na sa mga nangangailangan. At sa pagkakataong ito, wala siyang magagawa kung hindi asikasuhin ang bisita ng kaniyang kuya.
“Huwag kang didikit sa kuya ko, makikita mo, maliligo ka sa tsaa na hawak ko.” pananakot ni Tet bago pumagitna sa kinauupuan ng kuya niya at ni Alex.
“Opo, di po ako didikit.”
Kasabay nito ay siniko niya ang kuya niya ng malakas. “At huwag mo rin hahawakan ang malikot na kamay ng kuya ko kahit na umaakbay siya ng palihim sa likuran ko.” aniya bago tinitigan ng masama ang kuya niya na dumidiskarte kay Alex.
“Tet naman, makaka-iskor na ako kanina eh, bakit sumulpot ka bigla?” aburidong tanong ni Yuta bago ito tumayo at hinarap siya.
“Kasi naman kuya, ang landi-landi mo. At kahit kailan, ang bagal mo pagdating sa babae. Tiyak, paglalaruan ka lang nila.” pagpaparinig niya kay Alex habang abala ito sa pagsipsip ng tsaa na ginawa niya.
“Maya-maya, tulog kang Alex ka!” sabi niya sa isip niya. Nilagyan kasi niya ng pampatulog ang tsaa na itinimpla niya para kay Alex. Ginawa niya ito para mailayo ang babae sa kuya niya.
Naghintay pa siya ng ilang minuto ngunit tila hindi tumatalab ang nilagay niyang gamot para dito. Bakit kaya? Maya-maya pa ay napansin niyang todo ang hikab niya. Inaantok siya. Pero bakit? Nakatulog naman siya kanina at—
“Have some sleep Tetsu, may pag-uusapan lang kami ni Alex ng importante.” sabi ng kuya niya bago siya nito hinalikan sa kaniyang ilong. Unti-unting nagdilim ang kaniyang paningin bago siya nakatulog.
Pinagpalit pala ng kuya niya ang basong para kay Alex. Tuloy, ang nainom na tsaa niya ay yung may pampatulog. Ang resulta? Successful sleeping tea switching!
“ALEX, anong problema?” agad niyang tanong dito pagkatapos ayusin Tet sa pagtulog. Pumunta siya sa bintana kung saan kanina pa nakatitig si Alex. Iniharang niya ang kaniyang katawan saka tumitig sa mga mata nito.
“Anong problema? Wala akong problema Yuta.” anito bago ngumisi. “Ikaw talaga, kung anu-ano ang naiisip mo.”
“Hindi normal sa isang babaeng kagaya mo ang basta na lamang humalik sa isang lalake ng hindi nag-iisip ng kung ano ang susunod na mangyayari. Matagal na kitang customer Alex pero lately, hindi normal ang mga kilos mo.”
Napatayo naman si Alex sa sofang inuupuan niya. “Nahihirapan ako. Hindi ko na kasi mahal ang boyfriend ko.”
“Bakit ka nahihirapan? Ang gulo mo, alam mo ba yun?”
“Hindi ako magulo Yuta. In fact, matagal ko ring pinag-isipan ito. Ngayon ko lang na-realize na tuluyan ng nawala ang feelings ko para sa boyfriend ko. Nahihirapan ako dahil ito ko alam kung ano ang dapat kong gawin.”
Tumalikod naman siya dito saka binuksan ang bintana. Napangiti siya habang nakatitig sa malalakas na pagbuhos ng ulan. “Alam mo Alex, tanga ka. Pero may naisip ako.”
Mabilis siyang lumapit kay Alex saka hinawakan ang kamay nito. Kinaladkad niya ito papalabas ng shop saka itinulak sa gitna ng daan. “Imulat mo ang mga mata mo! Yan ba ang lalakeng babalewalaen mo?” aniya bago itinuro ang isang lalake na tila kanina pa may hinahanap sa gitna ng malakas na ulan. Ito ang boyfriend ni Alex!
“No—no way!” halos pigil ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Alex. Tatakbo sana ito palayo ngunit mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. Kumaway siya sa lalake at nakita naman sila nito.
“Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap ah! Sino yang lalakeng kasama mo!?” sigaw ng lalake sa mataas na tono. Kahit basang-basa sa ulan ay tila hindi pa rin ito nawawalan ng lakas. Marahil, kanina pa ito nakababad sa ulan ngunit may kakaibang lakas ang tumutulak dito upang magpatuloy sa pagpapa-ulan.
“Siya si Yuta, kaibigan ko. At Gringo! Sinabi ko naman sayo, nahihirapan na ako! Hindi ko na kaya!” sigaw ni Alex sa boyfriend nito. “Kung ayaw sa akin ng papa mo, eh di huwag! Ayaw ko na rin sayo!”
“Wala akong pakialam Alex! Kung ayaw niya sayo, wala tayong magagawa duon! Basta’t ang mahalaga, mahal natin ang isa’t isa, yun lang ang mahalaga diba?”
“Pasensiya ka na Gringo pero simula ng marinig ko sa tatay mo ang mga masasakit na salitang iyon. Parang biglang naglaho ang nararamdaman ko para sayo. Besides, nag-aaral pa naman tayo. Marami pang pwedeng mangyari.”
“At ano ang mga pwedeng mangyari? Kung ngayon pa lang hindi natin ito malalagpasan, alam nating pareho na hindi tayo magiging maligaya huli!”
Magsasalita pa sana si Alex ng bigla siyang sumingit sa usapan. “Pare, isang tanong lang ang itatanong ko sayo. Pag hindi mo inayos ang sagot mo, babasagin ko yang mukha mo.” aniya kay Gringo bago niya ito tinitigan ng matalim sa mga mata. “Mahal mo ba si Alex? Sagot.”
“Oo.” mabilis na sagot naman ni Gringo sa kaniya.
Halatang kanina pa ito naiinis sa kaniya dahil nakikita niyang nanginginig ang mga kamao nito. At kahit anong oras ay maaring lumipad ang kamay nito sa mukha niya ngunit nakahanda na siya duon.
“Ikaw Alex, maha—“
Hindi pa man siya tapos magsalita ay tumakbo na ito papalayo. Buti na lamang at nahawakan niya ang kamay nito. Napigilan niya ito sa pagtakas. “Sagot Alex! Mahal mo pa ba ang lalakeng ito?”
“Hindi! Hindi na! At ayaw ko na!”
Pagkatapos marinig ang sagot ni Alex ay mabilis niyang hinalikan ng madiin sa labi si Alex. Sinubukan niyang pagalawin pa ang kaniyang mga dila sa loob ng bibig nito ngunit lumalaban ito. Hindi nito tinanggap ang halik niya. Dahil duon ay napangiti siya dahil alam niya kung sino pa rin ang mahal nito.
“Anong pakiramdam ang halikan ng isang taong hindi ka naman mahal?” pabulong niyang tanong dito bago niya ito binitawan.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Bumulagta siya sa daan dahil sa malakas na suntok na ibinigay sa kaniya ni Gringo. Halatang galit na galit ito dahil sa ginawa niya. Susugod pa ito ngunit tinadyakan niya ito. Napa-atras ito sa sipa niya.
“Pare, isang suntok lang ang pwede kong patuluyin mula sayo. Ang mga susunod pa ay hindi na papasok dahil gaganti na ako.”
“Walanghiya ka! Bakit mo hinalikan ang girlfriend ko?”
“Girlfriend? Nagkakamali ka yata. Baka ang ibig mong sabihin ay EX-girlfriend mo.”
“Aba talagang may kayabangan ka talaga!”
Susugod pa sana si Gringo sa kaniya ngunit mabilis niyang itinuro si Alex na mabilis na lumalayo sa kanila “Hindi ba, yun ang dapat mong asikasuhin at hindi ako?”
Dahil sa narinig nito mula sa kaniya ay tila nahimasmasan naman ito. “Babalikan kita! At humanda ka!” pananakot nito sa kaniya bago ito kumaripas ng takbo sa direksyon kung saan tumakbo si Alex.
“Anong pakiramdam ang halikan ng isang taong hindi ka naman mahal— Wala.” tanging naibulong niya sa sarili habang unti-unti niyang naramdaman ang pagtigil ng ulan.
KINABUKASAN…
“Kuya naman eh! Sabing green ang maganda eh!” si Tet habang tinuturo ang bago nilang set na wrappers.
Binatukan naman ng mahina ni Yuta ang kapatid bago niya ito sinagot. “Pangit nga! Mas maganda kung red!”
“Green!”
“Red!”
“I think red and green are beautiful.” sabi ng isang boses pagkatapos pumasok sa kanilang shop.
“Alex!” sigaw ni Yuta samantalang si Tet naman ay biglang sumimangot ng makita ito. “Anong ginagawa mo dito?”
“Nandito ako para magpasalamat, sayo at sa kapatid mo.” ani Alex bago iniabot ang isang box ng chocolates sa kanilang dalawa. “Yan dapat ang ipapabalot ko sayo kahapon kaya lang maraming nangyaring kakaiba kaya di na natuloy. Para sa boyfriend ko yan pero sa inyo ko na lang ibibigay.”
Biglang sumingit si Tet sa usapan. “What!? May boyfriend ka pala?”
“Oo Tet. Pasensiya ka na kung nilandi ko ang kuya mo ha. Di na mauulit.”
“Dapat lang! Akin lang siya, akin!”
Mabilis na inakbayan naman ni Yuta ang kapatid niya bago ito naging seryoso sa pagsasalita. “What happened?”
“Ok na kami ni Gringo. Ipinaliwanag ko sa kaniya ang panig ko at ganun din siya sa akin. In the end, we decided for a cool-off.”
“Do you regret it?” tanong naman niya Alex habang hindi makapagsalita si Tet kahit gusto nito, mahigpit kasi ang pagkakahawak niya sa makulit niyang kapatid.
“No. Sa katunayan, babalik na siya sa US. Magkaibigan pa rin kami pero nangako kami na uunahin muna ang pag-aaral bago ang pakikipag-relasyon.”
“What if something happens? What if one of you broke such promise? What will happen?”
“Hindi ko alam ang sagot diyan Yuta. But for now, I’m doing fine. Thanks to you. Unexpected move yung ginawa mo kagabi. Pati siya nagulat din”
Bigla ay namula ang pisngi niya nang maalala niya ang halikan nila ni Alex. Aaminin niya, malambot ang mga labi nito. Pero kung sarap ang pag-uusapan, bagsak ito sa standards niya. Kaibigan lang kasi ang tingin niya dito at ni-rerespeto niya ito.
“Aalis na ako dahil may klase pa ako at bago ko pala makalimutan—“ mabilis pa sa hangin ang ginawang paghalik ni Alex sa mga labi niya. Tumagal ng ilang sandali ang halik na iyon at mismong si Alex na rin ang pumutol niyaon. “— ganti ko yan sa ginawa mong paghalik sa akin kagabi. Quits na tayo.” anito bago siya nito kinindatan saka lumabas ng shop nila.
Umuusok naman sa galit si Tet dahil sa nakita niya. Kinagat nito ang kamay niya bago ito ngumawa na parang bata. “Ang daya! Dapat ako din! Pa kiss kuya!”
Pilit na inilalapit ni Tet ang kaniyang bibig sa labi niya ngunit dahil sa mas malaki siya kaysa dito ay hindi ito nagtagumpay. Bagkus ay niyakap na lamang niya ng mahigpit ang makulit niyang kapatid bago niya ito binulungan sa tenga saka hinalikan iyon. “Ang halik na nakita mo kanina ay dapat na ibigay mo mo lamang sa taong mahal mo.”
Tila natameme naman si Tet dahil sa narinig mula sa kaniya. Napapakiramdaman kasi nito kung kailan siya seryoso at kung kailan siya dapat biruin at apihin. Ngunit sa pagkakataong ito, seryoso siya at dapat na makinig ito sa lahat ng kaniyang sasabihin.
“Alam mo ba kung bakit, Tetsu?” tinatawag niya sa palayaw na lalake ang kaniyang kapatid na babae sa tuwing nagiging seryoso siya sa pakikipag-usap dito.
“Ba—bakit kuya?”
“Malalaman mo yan sa tamang panahon pag nagmahal ka na ng totoo. But for now…” hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Tet saka niya ito dinampian ng halik sa labi. “… you deserve this kiss for being a good sister.”











hmmmm..
exciting nman ang story na ito..heheeh
funny
i wanna read this one….it opens up my curiosity…XD
curius ako d2 sa story na to..hehehe
mei kmukang anime to ah ung i love my younger sister..pero in the end ndi sila ngkatuluyan kxe magkapatid tlaga cla …incest noH..
pero ito bka in the end ndi pla cla mgkapatid
bakit mo naman nasabi na pangit ng pangalan ang yuta myheart?
ang pangit ng pangalan.. “yuta”
parang may napanud akong anime na ganito…
what the heck?di ko nakayo maintindihan po…I’m confused…sino po si Kuya xy?…lalaki po yan xa?ano po pa na novels ang nasulat nya?.meron po ba syang story na nasulat dito?..gusto ko po basahin..curios po ako sa kanya..hehehe…
))pumpkin!!
;
to Mickai…..
hiniwalay ko na tong respond ko para di aq nahihilo….
nasobrahan kc aq ng tulog…..
e qng di ba nman aq isa’t kalahating tanga e….
ang gulo gulo q…
anyways back 2 d topic….
shocks na-epal ang maganda qng pangalan….
i never meant to say na idinidikit mu dun sa said anime ung novel….
i know n me napulot ka…..
at di q rin akalain na ganun kahaba ang ita-type q….
i guess it just poured out….
but it doesnt mean that i am trying to offend you dun sa sinabi q….
qng na offend ka nga, sori na…
di nga aq marunong mang-away e…
let me repeat wat i said
“kso pag napanuod mu na,wag na wag mu sana i-compare ung gawa ni kua xy”
wala ka nmang nkita dyan na past tense ng compare dba? i mean nililinaw q na wala aqng sinabi na kino-compare mu nga xa…. ang tinype q… KUNG sakasakaling ico-compare mu…. w/c hindi mu ginawa, den dat’s good…. ang kaso, di lang nman tayo ung nagbabasa, at qng di tayo ang magco-compare, surely, someone else would…
kay nga inunahan q na ng lagay…. para kumonte ung magtatangka… pra automatic…. matalino tayo we…. nagkataon lang na sayo q lan na-address -and i really am sorry for dat, mali nga nman aq dun… sori na wa?
basta peace na tayo…
lam mu mas maganda….
si kuya xy na lan gyerahin nten…
waha jowk….
xy: hep hep, tama na yan. let’s move on na lang and wait for rainbow’s story. ^^
haha… ou nga….
takot aq sa gulo….
shockz…
iiwasan q na ngang magcomment ng mahaba…
napapasubo aq…….
haaai……….
nakahinga ren ng maluwag….
ako rin….
i want a kiss….
kahit brotherly kiss lang pwede na….
haha……
ayiee
pati ata ako lumalandi
ang layo nea sa ine-expect q….
an ganda neto….
an saya pa…
parang konti nalang misadventures na xa….
kip it up manong xy (paki correct na lang aq kung gurlalou ka pala…. mahirap manghula ah)
: ]
bkt gnun? prng yuckness nmn??
hmmmm..
abangan q nlng.. -_-
wahahaha…….ang sweet!
xy: mas sweet ka senti ayon sa mga naririnig ko.
mukhang maganda to ah…
“Anong pakiramdam ang halikan ng isang taong hindi ka naman mahal— Wala.”
nice qu0te…
can i borrow it?
gagamitin kong shoutout sa fs…
lalagay ko naman un name mo xynodras eh…pls?
no need to credit xy karlen. ^^
..sana hindi ito 2lad nung anime na napanood q..
..kaso dun boy naman may gusto sa younger sister nia.. ^___^
..danda pho ng story…mwahhh…
what anime have u seen?
i min yng tinutukoy mo na ung boy me gusto sa kptid nya?
im just wonderin eh
lol
prng nice kc panoorin!

xy: err, di ko po ata alam yun..
ay aq alam q…. maki-epal na ha…
kso tlagang nakaka-ano un e… no comment…
maaaning ka lan dun…as in qng litang ka na since birth e bka sa asylum k pulutin….
ewan q b qng bkit q npanuod un… akala q ksi… basta..
anu un e… “i love my younger sister”
ung movie na lang nun panuorin mo… aun sure aqng maganda….
gwapo pa ni shin*ung shin sa gokusen 1.. xa ung gumanap na yori
kso pag napanuod mu na,wag na wag mu sana i-compare ung gawa ni kua xy….
ksi, how cn i say this….umm… iba sila ng linya ng gawa… para sken ksi….
yung nka perk sa interest ng tao dun sa said anime, e ung fact na bunyag sa lhat na siblings tlaga sila… twins to be exact… saka ung tanong qng ipu-pursue b nila ung feelings nela…. ung parang nasapol nung mangaka n magiging controversial iyon.. na iba nman sa work ni kuya xy… kasi ung ke kuya,kidding aside, me mapupulot ka… para xng slice of life… ganun… parang ginawa lang nyang conflict ung pagiging siblings nila for d sake of having a main conflict… unlike the mangaka…. para sken nga ksi… she used it to cause an uproar, like for a controversy to be opened to d minds of d public w/c is in some way half good & half bad, ewan q lan qng ganun nga tlaga ung aim nia… i have nothing against d author, its just dat iba to at iba un… at hindi to incest… nd like wat i’ve said… you can see some realities of life here…. a slice of life w/c you can learn from… saka xempre gusto rin nyang maaning tayo…
p.s. kua pag me mali aqng nasabi 2ngkol sa work mo or her work… kau-kau na lan mag aus…
o ayan kuya, alam mu ng mataas tingin q sau…
tas inaaway mu lan aq… tsk…
Louise: AMEN! OI xy! umayos ka hahaha! wow! naintindihan ni yanna! weee…. hmmm.. you have a point there my dear hehehe…
xy: *nosebleed* kaw yanna, pakiramdam ko, kilala kita in real life. haha!
xempre ate….
me point aq sa fact na gusto taung maaning ni kuya xy….
sa haba haba ng ti-nype q… dun aq pinaka cgurado….
haha
*peace* ^_^
xy: well, di pa naman ata naaaning si yanna eh. nyao
naiintndhan ko nman na nirerespeto mo xa
I ABSOLUTELY RESPECT KUYA XY IN EVRYTHIN too
evrythin spexaly d way he made his lines in his novels
evrythin as d way he shared his tots
evrythin as in lhat2 na
hehe
dey hve der own stories
i min, ibat iba ang mga sinusulat ng tao
in gud or bad ways mn
di mo maintndhan noh?
kc ang gulo kong kausap [buti alam ko hehe]
gulo ko pang kausap plus OA pa. lol [sori sa mga ngglet sken]
SUPERB NA INLOVE ako sa novel nya at na hooked tlga ako ng bongga
his work is d best of all novels ive ever read in my whole life
let me clear some things;
1.) i nver meant to say dat im wonderin bout d anime n nkita mo, kc gusto ko lan mkita un. AT WALA NG IBA PANG DAHILAN. kc tong novel ni xy gs2 kong makita sa movie or khet sa indi film lan okay na [SUPPORT NMAN KAU JAN! hehe]. nababaliw na kc ako sa kakaimagine hbng binabasa ko hehe pis! i cnt hardly resist imaginin things wen im readin novels as a writer too
2.) i learned alot from xy’s novel. really really alot. i cnt even thanked him near enuf for sharin sum of his masterpiece. naiyak nga ako sa ibang chap eh. spexali sa ending [sob]
3.) i dont compare people’s works nor criticize dem
4.) 2ngkol dun sa SMILEY ko sa una kong pinost na coment, di ko alam n gnun pla ung klalabasan nun. hehe. sori tlga
5.) kaya ako interested n mkita un kc gs2 ko lan. nothin more nothin less
6.) yanna di ko akalain ng gnun kahaba ssbhn mo, wala nman akong ibng ibig sbhin eh. im so sori
(
7.)at yan thanks sa pgsagot ng tanong ko
marami p sana akong ssbhin kso di ko alm pano uumpisahan eh
til ir!
adios!
xy: *sweatdrop* mickai, may towel ka ba jan? pinagpawisan ako dun ah… (thanks for the comment… just keep in touch, you’ll never know what will happen next)
hindi, kakatakas q lan sa mental. arrf
ganun?
kaw kuya, pakiramdam ko, pakiramdam mu lan un….
nice!sana hindi nga sila totoong magkadugo. some questions lang, how old na ba si Tet at siYuta? i agree though na may ‘cuteness’ factor ang story na ito.
i like it! actually maganda kung gawin mo itong mini series. parang cupid yung dalawang magkapatid..ganda ng tandem nila..haha..nakakatuwa..
haizt.. parang alm ko n?.. cguro kla nya love n ung feelings nya of her brother.. taz my nkalaan n ibang guy 4 her… ang ganda, my thrill.. like it.. chapter 2 pls?…
i love it!!!!!!!!!!!! chapter 2 naman!!!!!!!!!!
gAnda puu ng s2ry..
sana pAgpA2loi nio kH8 mEjo nGguluhan pO aku..
hehe
teka, parang.. parang.. parang.. hmmmm..
wawa naman tet.. (di bale, may darating naman for you at si kuya mo naman ang eeksena nyan sa love life mo..)
green!
ice cream!
paborit!
magakapatid silang totoo? kung ganun kawawa si tetsu
maganda siya! feeling ko rin anime-kakatuwa. maghihintay ako sa twists ng story.
hehe super kakaiba.
oh its a nice story maybe there not a real brother and sister.thnks for the story and god job