PAGKATAPOS makipag-kamay ni Josh kay Miles ay agad na nagsalita si Rommel. “Josh, balita ko magaling ka rin daw sa basketball.”
Nagkatinginan lang sila Miles at Jen sa kanilang narinig mula kay Rommel. Hindi maisip ng dalawang dalaga kung ano ang nasa utak nito at sinabi niya ang bagay na iyon.
Napangiti lamang si Josh bago ito sumagot sa sinabi niya. O marahil, mas mainam na sabihin na isang “paghahamon” iyon dahil magaling din itong maglaro ng basketball sa kanilang baryo.
“Hindi naman pare, marunong lang akong maglaro pero hindi ako magaling.”
“Hindi ako naniniwala.” sabay humalakhak si Rommel. “Sige na pre, isang round lang.”
“Sige, kailan tayo magsisimula?”
“Mamaya, pagkatapos makakain.”
“Saan?”
“Sa labas ng kanto dito. Street basketball ang gagawin natin. One-on-one. Race to 32 points.”
“Any rules?”
“Nothing in particular pare. Just a game.”
“Ok.” pagtatapos ni Josh bago ito tumayo sa kinauupuan niya para magpaalam sa kanila. Ugali na kasi niya ang hindi kumain ng marami at maghanda sa tuwing may gagawing isang bagay.
Ngunit sumunod din sa pagtayo si Rommel. “Pero may pusta.”
“At ano naman ang pusta pare?”
Tumitig lamang siya sa mga mata ni Jen. Malamig at isang malalim na titig ang nakikita niya mula sa lalake. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa gagawing paglalaban ng dalawa.
Napakulit kasi ng Rommel na ito! Nasa kaniya na si Miles na bukod sa maganda na eh mabait pa. In addition to that, wife material, hindi katulad niya na tila inanod ng panahon ang kulturang nakagisnan niya sa kanilang baryo. Naging three fourth manilenya siya at one fourth probinsiyana na lang. Thanks to Josh na kaniyang boyfriend.
“Kung sino ang mananalo sa ating dalawa, siya ang dapat na unang ikasal sa babaeng mahal niya.”
Napangiti si Miles sa sinabi ni Rommel bago niya ito niyakap ng mahigpit. “Yay! Josh, magpatalo ka na lang para hindi na makawala sa akin ang lalakeng ito!”
Nanatiling tahimik lamang si Jen. Hindi siya makatingin ng deretso sa kanilang tatlo. Pakiramdam niya’y nagkamali siya ng dinala niya si Josh sa probinsiya nila. Ngunit anong magagawa niya? Sobrang kulit kasi ng lalakeng ito!
“Sorry Miles, kailangan kong manalo para ikaw ang magiging bride’s maid ng kasal namin ni Jen. Sisiguraduhin kong hindi makaka-basket si Rommel kahit isang beses.” sabay tawa.
“Insang Jenny! Kumbinsihin mo naman si Josh na magpatalo na lang oh.” pabirong pakiusap ni Miles sa kaniya.
Iniligpit lamang ni Jen ang kaniyang pinagkainan pati ng kay Josh bago nito sinagot ang pinsan na nangungulit na parang pusa. “Insang Miles, di mo mapipilit yang si Josh. Makulet yan eh.”
“Oo nga! Singkulet ng Rommel ko.” ani Miles bago nito dinampian ng halik sa pisngi si Rommel.
SAKTONG ala-una ng hapon nagsimula ang laban nila Rommel at Josh.
Bagama’t maliit ang kanto kung saan nakatayo ang isang maliit at lumang one-basket court sa kanilang baryo ay dinumog ito ng mga tao. Parang isang national competition ang nagaganap sa pagitan nilang dalawa dahil pati ang mga tao sa kalapit nilang baryo ay dinayo ang lugar nila upang saksihan ang pagtutuos nila.
Para kay Miles, isang napakalaking oportunidad nun upang makita na naman niyang naglalaro ng basketball ang katipan. Simula kasi nang maghiwalay si Jen at si Rommel ay naging malapit siya dito. Bagama’t maraming naging babae ang umaaligid dito ay nanatiling tapat ito kay Jen. Iyon siguro ang dahilan kung kaya’t nahulog ang loob niya rito. Hindi nga lang niya inaasahan na hahalikan siya ni Rommel nang minsang nagkasabay sila sa tricycle bago makauwi ng bahay. Sa ngayon, ang importante ay manalo si Rommel. Dahil ang panalo niya ay panalo niya rin.
Ngunit para kay Jen, isang kalokohan ang magiging laban na ito! Hindi kasi niya nai-kwento kay Miles na isang MVP player ito ng kanilang university team dati. Matatalo si Rommel at sisiguradin ni Josh na hindi talaga makakapuntos si Rommel. Seryoso kasi ito at matagal na ring naghahangad ng kasal ito sa kaniya.
Napakagat lamang siya ng labi bago siya sinumbatan ng kaniyang konsensiya. “Hindi ka ba natutuwa at papakasalan ka na ni Josh? Mahal ka niya. Mahal mo siya. Diba?”
“Hindi!” tutol niya sa kaniyang sarili. Mahal niya si Josh. Oo. Pero may natitira pa siyang damdamin para kay Rommel. Pero bakit ganun? Kahit tira lang ang para kay Rommel ay hindi niya magawang kalimutan ito. Bakit ang natitirang pagmamahal na iyon ay mas matimbang pa kaysa kay Josh?
Niyakap siya ng kaniyang konsensiya bago ito nagsalita. “Jen, kalimutan mo na si Rommel. Mahal siya ni Miles na pinsan mo. Hahayaan mo bang masira ang magandang samahan ninyo?”
“Kakalimutan ko ang lahat…” narinig niya mula sa kawalan.
Ang boses na iyon! Si Rommel! At tutuparin niya ang kaniyang pangako! Ngunit siya? Anong gagawin niya? Tutuparin din niya ang ipinangako ni niya kay Rommel noon?
Wala. Wala siyang naaalalang pangako na binitawan niya…
~
AUTHOR’S NOTE:
Ang Hanggang Kailan ay orihinal na akda ni Vennis. Sa kasamaang palad ay huminto siya sa pagsusulat at kasabay nito ay naiwan ang kaniyang istorya sa aming aklatan.
Naipangako ko noon na ipagpapatuloy ko ang mga hindi natapos na kwento dito sa TOP ngunit dahil sa ilang mga bagay ay na-delay din ako. Patawad sa mga naghintay at masugid na sumubaybay sa kwentong ito.
Ngayon, sabayan ninyo akong tapusin at saksihan ang mga huling yugto ng kabanatang ito. Nawa’y magustuhan ninyong lahat ang mga bawa’t katagang nakapaloob dito.
~ foo











Next chapter n
Go mel ipaglaban mo ang pag ibig mo kay jen
next next please..
ang iksi naman,foo…pero ok lang at least naipagpatuloy mo..galing!
yap foo you can do it!!!!!!!!!!!!!!!!fighting………….thanx it is a nice storyyyyyyyyyyyyyyyyyyy
go kaya mo yan ikaw pa ikawang ang tomapos ng maybe ito pa
kay go go go go foo…
break a leg
to you
foo …
foo-ding! galing mo talga.. kayang kaya mo yan.. ganda.. thanks foo-ding.. ingat
yes foo-ding… kayang-kay mo yan…
good luck…
go..kaya mo po yan..
foo-ding! foo-ding! foo-ding!
go foo!!! kaya mo yan! tapusin mo na!bitin na bitin ako dito…ganda pa naman
thanks foo-dint ^__^
go….foo………..tapusin moh na yah!!!!!
gud luck!!!!