“Why are you here?” ani Jen
“You’re still the same Jen that left me years ago….na kapag nabibigla ay english na kung magsalita…” at tumawa ang binata na patuloy ang marahang paghaplos sa pisngi niya.”Wala lang, nadito ako dahil alam kong darating ka dito….alam kong kahit ano ang mangyari ay babalik ka sa lugar na ito…sa lugar kung saan ka nagbitaw ng pangakong di mo tinupad.”
“Rommel….”
“Shhh…….. di ako humihingi ng paliwanag sa mga taong lumipas, sa bawat araw na nadito ako na alam kong nasa bahay ka ninyo…sa panahong umasa ako na aakyat ka dito para magkita tayo….ang mahalaga nandito ka….”at yumuko ang binata para gawaran ng halik ang nakabukang labi ng dalaga na nooy nabigla sa takbo ng mga pangyayari.
Hindi alan ni Jen ang nangyayari sa kanya, gusto ng utak niyang itulak ang lalaking humahalik sa kanya…subalit ang katawan nya ay sumasalungat sa isip nya…nagugustuhan nya ang halik na iyon at ayaw man niyang aminin iyon ay tunutugon na ang labi nya sa halik ni Rommel.
Parang naglaho ang lahat at tanging siya at si Rommel ang taong natitira sa mundo…ang banayad na haplos nito sa kanyang katawan, ang kamay nya na nakayakap na dito….
“Welcome back Jen…”ang nakangiting sambit ni Rommel ng matapos ang mahabang halik na iyon. Subalit napatanga pa rin ang dalaga habang nakatitig sa mukha ng kababata.
“Halika, umupo ka dito.” at iginiya na siya ng ginata sa nakalatag na tela sa paanan ng puno ng mangga. Nang naka-upo na siya ay umupo rin si Rommel at pumuwesto sa likuran nya at isinandal ang kanyang ulo sa dibdib nito, iniyakap nito ang mga braso sa dalaga.
Tuliro man sa bilis ng pangyayari ay di maitatanggi ni Jen sa sarili na nagugustuhan niya ang pakiramdam habang nakakulong sa braso ng pinakaunang lalaki na kanyang minahal.
Nabibigla man sa bilis ng pangyayari ay di nya maitatanggi sa sarili na sa oras na iyon ay kinalimutan niya ang lahat.
“Bakit di mo tinupad ang pangako mo Jen?”
“Paano ko matutupad iyon? na sa tuwing umuuwi ako ay iba-ibang babae ang napapabalitang nobya mo….inisip ko noon na tapos na tayo, hindi ka man lang sumulat ni isang bases, tatlong taon ako dun ni isang linya na nakasulat sa papel mula sa iyo ay wala akong natanggap…..”
“Sulat? Ni isang sulat ay wala akong natanggap mula sa iyo…paano ko malalaman ang address mo? Paano ko malalaman kung saan ko ipapadala ang mga isinulat ko…” sagot ni Rommel .
“Linggo-linggo, sumusulat ako hanggang sa napagod ako subalit sa bawat mahalagang okasyon noon ay nagpapadala ako ng sulat o card sa iyo…pero napakahaba ng tatlong taon para magpatuloy pa ako sa pagpapadala ng mga bagay na alam kong di mo sasagutin…Napagod na’ko Rommel, at sa bawat pangalan ng babaeng naging nobya mo sa loob ng panahong iyon lalo akong nasasaktan…kaya itinigil ko na ang kalokohang iyon….” sagot ni Jen habang nakatingala sa bilog at maliwanag na buwan.
“Jen kahit isang sulat wala akong natanggap sa iyo….sabi ni Mama narinig daw niya isang beses noong nagsimba siya na sinabi ng Mama mo na busy ka sa pagiging iskolar mo sa Surigao….at may mga nanliligaw daw sa iyo doon na mga anak ng mga kaibigan ng pamilya ninyo….ano ba ang panlaban ko doon….may litrato pang pinakita ang tiya mo sa mama ko…may nakayakap na lalaki sa iyo….” puno ng hinanakit ang boses ng binata
“Di ko sinasabing paniwalaan mo ako Mel, pero eto ang alam ko tatlong taon na di ako tumigil sa pagsulat sa iyo lingo-lingo at pagkatapos noon ay nagpapadala ako ng cards sayo sa bawat mahalagang okasyon.”
“Bakit may kasama kang Manilenyo Jen….totoo ba ang balitang ikakasal ka na at nandito ang lalaking iyon para hingin ang kamay mo sa mga magulang mo.” bakas ang galit sa boses ni Rommel sa pagkakasabi niya nito.
“Saan mo nakuha ang balitang yan Mel?”
“Alam ng buong baryo yan Jen. Noong nalaman kong uuwi ka sinabi ko sa sarili ko na babalik ka na dito at ngayon pwede ko nang ipagpatuloy ang pagmamahal ko sayo…handa akong iwanan ang lahat para sa iyo.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Sa pag-aakala kong di ka na babalik, may nakarelasyon ako…oo, alam kong mali, naging marupok ako…pero di ko siya minahal gaya ng pagmamahal ko sa iyo….kaya ko siyang talikuran, isang salita mo lang.” at humigpit ang pagkakayakap ng binata sa dalaga dahil naramdama nya na lumayo ang katawan nito sa kanya…parang biglang nagkaroon ng pader sa pagitan nila Jen. Subalit di na napigilan ni Rommel ang dalaga ng pumiglas ito at marahas na tumayo.
“Rommel, alam ko may mga bagay na nasabi natin noong bata pa tayo…but for God Sake…it was a lifetime ago…you’ve moved on and so did I….you’e now with somebody else like I am with Josh now…lets forget everything!” at mabilis na naglakad palayo sa lalaki si Jen.
“Makinig ka Jen ,ikaw lang ang minahal ko…oo maaring di ka maniwala…pero iyon ang totoo, hindi kita kinalimutan…bawat babaeng dumaan sa buhay ko ay di nagtagal dahil ikaw ang nasa utak at puso ko!” ang sabi ni Romml na nakahawak sa braso ni Jen.
“Hindi na kita mahal Mel…ang mga pangako noon…ay pangakong binitawan bunga ng kabataan natin…pero wala na iyon…wala na akong nararamdaman sa iyo”matigas na sagot niya sa lalaki.
Hindi inaasahan ni Jen ang susunod na gagawin ni Rommel, marahas siya nitong hinila at mabilis na kinabig ang kanyang leeg at isang marubdog na halik ang iginawad nito sa kanya…pilit siyang nanlaban, subalit ang isang braso nito ay nakayakap sa kanyang bewang. At bago pa napigilan ng babae ang sarili niya ay tinugon nya ang marahas na halik na iyon hanggang sa unti-unting naging banayad at naramdaman na naman niya ang haplos ng binata a katawan niya. Hindi na niya namalayan na natapos ang halik na iyon at nakapikit pa siya. Pagbuka ng kanyang mata ay nakatitig sa mukha niya ang binata, at di nya mabasa ang emosyon na nasa mga mata nito, subalit ayaw na niya maniwala dito….kumawala siya sa yakap ni Rommel at mabilis na nilisan ang burol.
“JEN, TAKBUHAN MO MAN AKO NGAYON ALAM KONG BABALIK KA PA RIN…AT ALAM MONG HIHINTAYIN KITA DITO SA LOOB NG ISANG LINGGO….” ang pahabol na sigaw ni Rommel sa lumalayong dalaga.











Next chapter na agad
exciting na…
oh my god!! so cxited hehe
i already gave the 8th chapter to foo it’ll be up soon sorry for the long update…got kinda busy at work…thanks for reading
I’m still waiting for the next part of this story would be great if the next part will be soon coz I’ll be very busy again with my work………….so far it’s so cold here……..wish you luck
hay bitin…sna mtpos mona agad ung sunod n chapter..god bless!
WHERE NA YUNG KASUNOD???????
very exciting when would be the next chapter………..
sorry talaga ha….akala ko kasi spammer…just add me up na lang uli if you have ti8me…God Bless
yup, ako nga, I used leejat kasi kaya hindi mo notice lolz…its ok…ingatz
sorry ikaw pala un?just add me up uli…sorry ha?
hi, how are?I tried to add you in my YM account but u denied my request.