‘Nak, ang nobyo mo, alam ba nya na sa mga pinsan mo siya tutuloy pagkatapos natin maghapunan, alam na alam mo na di papayag si Papa mo na dito siya sa atin. Alam mo naman ang mga tao dito, mahirap na pag may lumabas na mga tsismis.” Halata sa ina ng dalaga na di siya boto sa nobyo ng anak.
“Yes Ma, alam nya yun ,ata alam nya na walang hotel dito” nakangiting sagot ng dalaga sa ina.
“Bakit pa kasi isinama mo yan dito sa pag-uwi mo….minsan ka na nga lang umuwi may bitbit ka pa.”
“MA, diba kayo ang may gusto na di ako umuwi ng madalas dahhil nakakapagod ang biyahe at isa pa palagi naman ninyo akong dinadalaw ah…pero medyo naalog yata mga buto ko sa byahe kanina!” at sinundan ng malutong na halakhak ng dalaga ang sinabi sa ina.
“Wala pa ring pinagbago ang baryo natin Ma no? gaya pa rin ng dati…….” sabi ng dalaga habang nakadungaw sa veranda ng bahay nila.”Well, at least ngayon nay ilaw na ang daan, pero kahit aspalto man lang sa kalsada wala pa rin, daig ko pa ang inaalog alog na bato para sa sungka kania sa byahe namin” at sinundan ng masayang tawa ng dalaga ang sinabi nyang iyon
“Eh, kung nagpasabi ka ba naman ng oras ng pagdating niyo, di nasundo ka ng Papa mo sa airport para naging komportable ang byahe niyo papunta dito.” Sermon ng nanay nya habang nakapamewang sa kanya.
“Ma,kung ako lang ang masusunod di ako uuwi kaso ang ungas na yun gusto daw makita k7ung anong meron dito, since yun ang gusto nya di yun ang ginawa ko….para din maexperience nya ang ganitong klase ng buhay.”
“Matagal na kayo ng nobyo mo ‘Nak, buti di pa nagyayaya ng kasal yan, si Papa mo kinakabahan ng sinabi mong darating kayo, baka daw atakehin siya bigla pag sinabi ng lalaking yan na magpapakasal na kayo!”
“Ma, di pa ako sigurado kung siya na ba, isa pa bata pa ako, madami pa akong gusto gawin…wag kayong mag-alala.” at tumayo ang dalaga para yakapin ang ina.”ma Ihahatid ko muna kina Uncle Teddy si Josh,alam kong napagod siya sa byahe at si Papa pinatagay pa, di pa naman sanay ang taong ‘yun an uminom”at bumaba na para ayain ang nobyo sa bahay ng tiyuhin nya na tutuluyan nito bago ito tuluyang malasing ng tatay nya.
“Ang tagal na mula ng umalis ako dito, at kapag umuuwi naman ako dito para akong hangin na dadating at biglang aalis” sabi ni Jen sa sarili habang naglalakad pauwi sa bahay nila mula sa bahay ng tiyuhin nya na tinutuluyan ng nobyo nya. Medyo malayo layo ang bahay ng tiyuhin niya sa bahay nila pero nilalakad niya lang ito mula sa pagkabata nya.
“May puno na pala sa burol….napangiti sa sarili ang dalaga ng makita nya ang burol na palagi niyang pinupuntahan noong bata pa siya.” di naman siguro ako hahanapin nila mama kung medyo matagalan ako umuwi ngayon, maliwanag pa naman ang buwan, masarap magpahangin sa burol ngayon.” At tinahak na ng dalaga ang daan papunta sa burol
“Di na ako sanay umakyat dito, ang hirap pala, nakakahingal.” nasabi ni Jen ng nasa taas na siya ng burol”
“Talagang mahirap lalo na kung ilang taon mo na kinalimuta ang lugar na ito” sagot ng isang boses ng lalaki
Tumalikod ang dalaga pagkarinig sa boses na yun, natakot siya dahil di nya inaasahan na may maabutan pala siyang tao sa lugar na iyon, at di nya nakikita kung kanino nanggagaling ang boses na yun.
“Ilang taon ka nawala tapos tatakbuhan mo na naman ba ako?” at tumambad sa kanya ang ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
“Sino ka?” kinakabahang sabi ng dalaga sa lalaki.
“Akala ko ba babalikan mo ako…akala ko ba di mo ako makakalimutan Jen?” At lumapit ang lalaki sa dalaga at hinaplos ng lalaki ang pisngi ni Jen na napatanga sa pagkakatitig sa malamlam na mata ng binata.











Ayun si mel!
Scene of rommel
Ahhh kakakilg sabi ko na nga ba at naghihintay si mel kay jen eh
next chapter please..hehehe
OMG!
ayan! bat pa kc nangako c Jen..yan 2loy
hhmm.. akin na lng c josh
hayyy….sna di na nya isinama bf nya…hahahahahah
next page lng
muling ibalik!!!!
hayss,
Salamat sa pagdaan at pagbabasa.
hay, slmat ngkita n rin clang dlwa…sa dting tgpuan nun bta p cla…jejeje