“Wala ka bang plano umuwi sa Davao pag pasko Hon? I’d love to meet your family.” Sabi ni Josh sa nobya habang nagdidiner sila.
“Babe, I’m busy, kung makakapagbakasyon man ako it would only be for a week at most.” sagot naman ni Jen sa katipan.
“Hey, one week, mahaba nay yun, and you promised me that I’m going to meet your parents soon…so why not now?” nagpapacute na pangungulit ng binata sa nobya.
“Fine, magpa-book ka na uuwi tayo,pero you wont stay at my parents house okay? You’d be staying at the house of my Mama’s brother…wag ka rin magdadala ng damit na sobrang magara…maporma ka pa naman, baka ano sabihin ng mga tao dun sa’yo…”
“Babe, di ako magara…this is how I am… pero since you warned me, ok I’ll keep myself as simple as I can.” Alam na alam nila kung gaano ka vanedoso ang lalaki at ang ugaling ito ang dahilan kaya wala muna sanang plano ang dalaga na iuwi ang binata sa probinsiyang linalakhan niya.
“From here, gaano pa kalayo ang sa inyo Babe?” tanong ni Josh kay Jen paglabas nila ng airport.
“2 hours, pero ihanda mo ang sarili mo, noong last na nakausap ko si Mama sabi niya wala pa ring sementadong kalsada sa amin. Kalahati lang ng byahe ang maganda ang daan.” Warning pa ni Jen sa nobyo na sinagot lang siya ng maluwang na ngiti.
“Babe, are we there yet?”medyo masama na ang mukha ni Josh habang nakasakay sila ni Jen sa bus pauwi sa probinsiya ng dalaga. Tagtag na ang katawan nila sa byahe at kahit na si Jen na nakaranas na ng ganung byahe noon ay medyo nanibago, paano ba naman umulan pa noong nakaraang gabi at lubak-lubak at maputik ang kalye, isama pa ang siksikan ang mga sakay ng bus na sa isang araw ang pagbyahe ay dalawang beses lamang. Alam niya na nahihirapan ang nobyo, pero sa loob-loob ng dalaga ay natatawa ito sa inaasal ng nobyo, alam niya na medyo nagsisisi na ito sa pangungulit sa kanya na sumama ng probinsiya.
“”30 minutes more, andito na tayo sa San Fabian, yan ay kung walang bababa maya’t-maya.”
“Wala bang bus stop? Kelangan ng disiplina sa daan.” Napansin na kasi ng binata na maya’t-maya ang pumapara at sumasakay ng bus at kahit pa ang bubong ng bus ay may nakasakay.
“Walang ganyan dito…at kung magrereklamo ka…well, prepare yourself na pagtawanan ng iba pang sakay ng bus na ito.” Nakangiting sagot ng dalaga kay Josh. Pero ang tingin niya ay sa dinadaanang tanawin… matagal na siyang hindi nakakakita ng mga saging na tumutubo sa tabi ng daan, mga kalabaw na nakatali sa puno, mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan habang naliligo sa poso. Naalala niya ang kabataan niya, ganun din sila, naghahabulan habang naliligo sa poso o sa ilog o sa ulan…
“Wag ka dyan Jen madulas dyan….”babala ni Rommel sa kanya ng tumakbo siya sa may gilid ng ng flag pole habang naglalaro sila ng habulan sa ulan.
“Okay Lang ako…” pero din a natapos Jen ang sasabihin dahil nadulas na ito sa putik… nagmamadali naman tumakbo para sumaklolo si Rommel sa kababata.
“Ayan, tuloy puro putik ka na, kaw kasi di ka nakikinig sa akin, nadulas ka tuloy, halika tayo ka dyan, bumalik tayo sa poso para matanggal yang putik na nasa katawan mo”
“Kumusta na kaya si Rommel? Sigurado ang gwapo na siguro nun… ano kaya sasabihin niya pag nakita niya ako uli. Matagal na rin mula ng huli silang nagkita, 14 years na ang lumipas mula ng umalis siya sa kanila at kahit minsan ay din na niya nakita ang kanyang kababata sa loob ng iilang beses na nakakauwi siya, nabalitaan na lang niya na pinadala si Rommel ng nanay nito sa isang kamag-anak nito na pari na nag-alok para makapag-aral ang lalaki sa magandang eskwelahan. Kahit paano ay may konting pananabik at kaba sa dibdib ni Jen, isang magandang alaala para sa kanya ang nagging samahan nila ni Rommel s panahon ng kamusmusan niya.
“O, yung bababa sa tindahan nila Epang, nandito na tayo!” sigaw ng konduktor.
“Lika na, dito na tayo bababa,” baling ni Jen sa kasama sabay tayo para magmadaling bumaba sa bus. Sa tindahan ng kapatid ng ina niya sila bumaba dahil ang bahay nila ay malayo sa main road at di dumadaan ang bus at jeepney doon, magpapahatid na lamang daw sila sa tricycle ng tiyuhin niya. Pero kung nag-iisa lang sna siya ay nilakad na lang niya papunta sa kanila.
“Dito ba ang bahay niyo Babe?” maang na tanong ni Josh sa katipan habang nililibot ng mata nito ang paligid ng bahay ng tiyahin ng dalaga.
Napangiti sa sarili ang dalaga, alam niya na di inaasahan ng binata ang ganun, alam niya na iniisip ng binata na parang mga rest hause ang bahay sa probinsiya.”
“Bahay to ng kapatid ni Mama Josh, and sa likos ng bahay na ito ay may mga kulungan ng baboy, may gulayan at ang kuo na nakikita mo ay ang pinaglalagyan ng feeds ng baboy, O, Auntie Epang!!!!” Tawag ni Jen sa tiyahin na lumabas mula sa pinto ng bahay nito.
“Jennnn!!!” ang ganda-ganda mo na! Ang puti mo pa!!! Sus, talo mo ang nanalo nung piyesta sa Mutya! Buti umuwi ka, ang tagal mong di nagpakita dito!” masayang salubong ng tiyahin ng dalaga at niyakap pa ito ng mahigpit.
“Te, si Josh pala, nangulit sumama kaya isinama ko na lang.” Nakangiting biro ni Jen sa nobyo ng pinakilala ito sa kapatid ng ina.
“Magandang araw po Ma’am, I’m Josh, boyfriend ni Jen…” magalang na pagpapakilala ni Josh sa sarili.
“Sana magustuhan mo ang bakasyon mo ditto sa amin.”sagot ni Epang sa binata pagkatapos ay bumaling sa dalaga para bumulong “Yan pala ang boypren mo ha, kata di ka na umuuwi ditto ang pogi pala ng lalaking yan!” halatang kinikilig ang tiyahin niya.
“Auntie behave, mahahalata ka niyan!”ganting bulong niya sa tiyahin
“Ay siyanga pala tatawagin ko si Pedong para mahatid kayo kina manang, pupunta na lang kami dun ni Uncle mo mamaya pagkatapos ko magpaakyat ng buko, O, alam ko, di ko nakakalimutan gaano ka kalakas himigop ng sabaw ng buko .” nakangiting sabi ng matanda sa dalaga at tinawag na nito ang maghahatid sa kanila.











Cant wait to read the nx chapter
Ala nagkabf na si jen paano na si mel baka until now hinihintay pa din sya ni mel
hahaha..nagka bf agad…
wala akong gils.. sayang
what happened? ngekzz!! bat ang bilis.. nag away b cla kya nag karoon ng iba c jen?
ayt my iba na c jen T.T pano na si mel?
anu un?my papromise promise effect pa salawahan din pala hmp!
nako ano na ang boy lng ang ang nga promises
haha! wala daw iwanan hahaha.. nsan na c mel.. hmmm next! ^^
aiii after 14yrs ba naman d talagang magka bf hehe
may bf na agad si jen???aaay…
Don’t worry malapit na hanap pa ko inspirasyon para maganda ending…salamat sa pagbabasa
sana mtapos mona hnnggng ending n…mabibitin ako nyan!..jejeje! pero ang gnda ng kwento, mula s cmula p lng…sna mganda ending ni2..god bless..
malapit na ang kabanata 6 ….thanks sa pagbabasa nyo ^_^
where’s the next?i hope you’ll finish your stories..nkakainirita kc pg nbibitin ee..haha
san na yung kabanata 5????
san na yung kasunod??
hanep favorites ko pa naman magbasa ng pocket book. thanks for this site.. hehehehe
arg! after 10 years ba ito? oh after 3 years? ^^