“Kelangan ba talaga na umalis ka?” malungkot na tanong ni Rommel kay Jen.
“Para namang pwede na di ako pumayag sa gusto nila Mama, isa pa, dun naman ako sa mga lola ko sa Surigao titira, kasama ko daw sa bahay mga pinsan ko… mga anak ng mga kapatid ni Papa na nasa abroad.” sagot ni Jen pero sa baba ng burol nakatingin.
“Babalik ka pa kaya dito?” malungkot ring tanong ni Rommel.
“Oo naman… ano ka ba, andito pa naman sila Mama at Papa. Pag school break nandito ako. Di rin naman ako papayag na di makauwi.”
“Paano tayo Jen?”
“Anong paano tayo? Eh di ganun pa rin… kung ano tayo ngayon ganun pa rin tayo pagbalik ko. Yan eh kung andyan ka pa rin.” Nakangiti pero seryosong sabi ni Jen.
“Anong andyan ako, eh ikaw nga etong aalis eh…”
“Ako nga pero sino ba ang madaming nagkakagusto? Ako ba?” alam na alam kasi nila na dahil nagbabasketball si Rommel at may hitsura siya kaya may mga babae na kahit pa mas matanda sa kanya ay nagkakagusto sa kanya.
“Sira, di ako babaero, wala ka bang tiwala sa gwapong mukhang ito?” biro pa ni Rommel.
“Yun na nga eh… wala akong tiwala sa mga babae dito… Si Michelle o na parang langing naglalaway pag nakikita ka, si Caren na kung makadikit sayo parang linta na.”
Sumeryosong bigla si Rommel at ginagap ang kamay ni Jen “Kahit na alam ko na ako ang dahilan kaya ka ipapatapon ng mga magulang mo, dahil tingin nila mali tayo, alam ko mahal kita, mahal kita noon pa man, at mamahalin kita hanggang humihinga ako, pangako ko yan…”
“Paano kung matagalan bago ako makabalikb Mel? Alam ko, sabi nga nila Manang na pag hindi na tayo nagkita makakalimutan kita. Pero alam ko, kahit sa tingin nila laro lang ito, alam kong mahal din kita.” ani Jen.
“Basta promise ko Jen anuman mangyari,kung di ka man makabalik agad, at nagkaroon ako o ikaw ng iba… pagbalik mo pangako, iiwanan ko lahat para sa’yo.” nakatitig pa sa mata ni Jen ang binatilyo.











Puppy love
Nakakatuwa naman sila mga bata pa sila pero kung magsalita para na silang matatandang mangako hehehe
mag promise nalang muna kayo kasi mga bata pa kayo eh!!
hay nku promises na yan…
sana matupad ung promise ni rommel hanggang sa makabalik c jen
hahahah
kc dati nung kapanahonan ko pa eh mga 12 years old mature na kung mag-isip unlike these days
ahahaha.. ang bata nyo pa.. amff!!
ke babata pa ang cheezy na haha…
Nice
hay nako… nakakarelate ako.

nweiz, nice job!
oh no..panu kung hindi matupad yung pangako..hmp
wo promise matupad kai
kakakilig naman infairness….
nako ha promises promises ka pa baka mapako lng yan
promises mo lagot ka.
awwwwwwwwwwww ang swit! grabe
oonga nuh ♠ rose ♠ super uber sweet haiii
ang sweet nung”kung di ka man makabalik agad, at nagkaroon ako o ikaw ng iba… pagbalik mo pangako, iiwanan ko lahat para sa’yo.” gosh!! <>
ganda nmn ng kwento nito..lyk koh!
Foo sorry di pa nasundan agad don’t worry ngayong nakabalik nko I’m gonna finish this story!MUAH!!!!peace foo!
ay naku! promises na lang lagi! hmpf!