INIHAGIS agad ni Rommel ang bola pagkahawak niya dito. Plano niyang pumuntos ng three-points kahit alam niyang malaki ang posibilidad na hindi pumasok iyon. Lumipad ang bola sa ere habang pigil hiningang pinapanood ng lahat ang paglapit nito sa ring. Kasabay nito ay ang dalangin ni Jen na pumasok ito.
Pero bakit siya nananalangin ng ganuon samantalang si Josh ang kasintahan niya. Si Rommel ay isang bahagi na lamang ng nakaraan niya, diba? Hindi… hindi na niya alam kung ano ang tunay niyang nararamdaman simula ng magkita ulit sila ni Rommel. Hindi na niya mahal ito ngunit sa sulok ng kaniyang puso’y nangangarap ito na muling masilayan ang pag-ibig ni Rommel.
Napakagat ng labi si Jen. “Napakatanga mo Jen!” sumbat niya sa sarili.
Pumasok ang bola. Nakaka bente nueve puntos na si Josh samantalang siya’y dose puntos pa lamang. Kung barilan siguro ang labanan, tiyak na kanina pa siya nakahandusay lupa at naghihingalo. “Ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling sa long-range Josh.” Hamon niya kay Josh upang guluhin ang concentration nito.
“Ganun ba…” mahinang sabi ni Josh sa kaniya. Napangiti lamang siya sa kaniyang sarili bago siya naghanda. It is his turn now to hold the ball and he needs at least three points to finish the game.
Pagkahawak ni Josh sa bola ay agad siyang tumapak sa three points lane saka tumalon ng mataas upang gayahin ang ginawa ni Rommel kanina. Mabilis namang nakahabol si Rommel at sinabayan niya ito sa ere. “Hindi kita papayagan!” sigaw ni Rommel.
“Akin ang larong ito Rommel… at akin lamang si Jen.” ani Josh habang mabilis siyang lumayo sa gagawing pagsapal ni Rommel sa tirang gagawin niya. Isang fade-away shot na ginawa sa three points lane ang gagawin niya. Maituturing itong isang advanced move sa laro ng basketball!
“No way!” gulat na sabi niya bago pinalaya ni Josh ang bola sa kaniyang kamay. Natapik niya iyon ng kaunti. Lumipad ang bola saka lumanding sa ring saka nagpaikot-ikot dito.
“Hu… huwag kang papasok!” sigaw ni Jen sa sarili habang mahigpit na hawak ang kaniyang dalawang kamay.
“Labas!” sigaw niya sa bola habang inaabangan ang pagbagsak nito sa ring.
“It’s…” bulong ni Josh sa sarili bago ito tumalikod sa kaniya. “… in.”
Pumasok ang bola. At isa lang ang ibig sabihin nito, panalo si Josh samantalang si Rommel naman ay hindi makapaniwala sa kaniyang nakita. Sa buong San Isidro at ibang karatig bayan, tanging ito lamang ang nakatalo sa kaniya. At hindi lang basta ordinaryong pagkatalo ang kaniyang naranasan kung hindi pagkapahiya sa lahat.
“ROMMEL….” bulong ni Jen sa sarili bago niya ito nilapitan. Ngunit bago pa man siya humakbang ay agad na humarang sa kaniya si Josh. Nakangiti ito na parang hindi napagod o naiinis man lang.
“Oh honey, nakita mo yun? Ang galing ko no?” ani Josh sabay yakap kay Jen kahit na pawisan ito.
Hinimas-himas naman niya ang likod ni Rommel bago niya ito sinagot. “Oo…”
“Oh? Bakit parang malungkot ka dyan?”
“Hindi naman… tara na, baka masyado kang napagod sa laban. Alam mo namang hindi ka pwedeng magpagod eh.”
“Nah, I’m ok. Ang mahalaga, nanalo ako sa laban namin ni Rommel. At isa lang ang ibig sabihin nun—- kasalan na!”
“Pero Josh…”
“Pero ano Jen?”
“Marami pa tayong plano diba?”
“Cut the crap Jen. All this time, I’m hoping na makakalimutan mo ang Rommel na yan. Kaya ko nga ipinagpilitan ang sarili ko dito para makasigurado ako na wala ka na talagang pakiramdam para sa kaniya. But I was wrong.”
“Teka Josh… I never told you about Rommel. He’s only my friend.”
“Talaga lang ha! How can you explain those times when you’re saying his name even if you’re sleeping? Your subconcious is fooling you! You don’t love me! You only love tha—“ magsasalita pa sana si Josh nang bigla siyang napahawak ng mahigpit sa kaniyang dibdib, sa may bandang puso. Nabuwal siya sa pagkakatayo dahil sa nahihirapan siyang huminga. Marahil ay dahil sa sobrang kapaguran pagkatapos ng laban nila ni Rommel.
“Josh! Are you ok!? Yan na nga ba sinasabi ko!” Mabilis na inalalayan ni Jen si Josh habang hinahanap ang gamot nito sa kaniyang pouch bag. Sa kasamaang palad ay naiwan niya ito sa kanilang bahay.
“Help! Somebody!” tarantang sigaw ni Jen sa mga tao.
Mabilis namang tumugon ang mga kababayan niya ngunit mas mabilis si Rommel dahil kanina pa siyang lihim na tumitingin sa kanilang dalawa habang silay ay nag-uusap. Nang makita niyang parang nanghina si Josh ay agad siyang tumakbo sa kanila bago pa man humingi ng tulong si Jen sa mga tao.
“JEN! Ako na ang tutulong sa kaniya.” sigaw niya ngunit isang malakas na suntok ang nasalo niya mula kay Josh.
“H’wag mo akong tulungan dahil hindi ko kailangan ng tulong mo!” mabilis na sabi ni Josh kay Rommel bago pa niya ito binigyan ng isa pang suntok. Hindi umilag si Rommel kahit kaya niya itong ilagan. Gusto niya kasing maramdaman ang sakit na nararamdaman nito. Tama siya, tinik siya sa pag-iibigan nilang dalawa.
“Josh! Calm down! You’re only making yourself sick!” sigaw ni Jen kay Josh habang umiiyak siya. Masakit na makita niyang nasasaktan si Josh. Masakit din ang makita niyang sinaktan ni Josh si Rommel dahil sa pagseselos nito. Siya ang dapat sisihin, hindi dapat si Rommel. Tanga kasi ang puso niya! Isang tanga talaga!
Sinunggaban ni Josh si Rommel saka niya pinagsusuntok ito ng sunod-sunod. Sinalo lahat iyon ni Rommel. “Ano pare!? Lumaban ka! Mang-aagaw ka! Maawa ka rin kay Miles! Maawa ka sa akin! Pakawalan mo na si Jen!”
“Hi—hindi pwede…”
“A— anong sinabi mo!?” isa pang malakas na suntok ang ibinigay ni Josh kay Rommel. Sinalo na naman niya ito na naging sanhi ng pagdugo ng kaniyang ilong.
“Hindi pwede…. dahil may pangako ako sa kaniya!” sigaw niya kay Josh bago niya sinagot ang mga suntok na ibinigay nito sa kaniya. Isang malakas na atake sa siko ang iginanti niya dito. Bumaliktad si Josh.
“Pangako ko na iiwan ko ang lahat kung sakaling magkakahiwalay kami at magkikitang muli. Ganyan ko kamahal si Jen… pero kung hindi na talaga pwede… wala akong magagawa kung hindi ang palayain siya.” ani Rommel bago siya tumayo sa lupa.
“Rommel… please… leave us alone…” pakiusap ni Jen bago niya nilapitan si Josh.
Napabuntong-hininga lamang siya bago niya ibinigay ang pouch bag na pagmamay-ari ni Jen. “Nakalimutan mo ito. Tuwing magkasama tayo, lagi mong bitbit yan. Lahat ng importanteng bagay ay dinadala mo dyan. Sige… patawad… at paalam.”
Mabilis na kinuha naman ni Jen ang pouch bag na nakalimutan niya sa bahay. Mahigit ilang taon na pala ang tanda ng pouch bag na ito ngunit lagi pa rin niya itong dala-dala. Binuksan niya ito. Nakita niya ang mga gamot ni Josh. Pinainom niya agad ang mga ito sa kaniya bago tuluyang tumulo ulit ang mga luha sa kaniyang mata.
Inihatid lamang niya ng tingin si Rommel habang lumalayo ito sa kanilang dalawa ni Josh. Tinulungan na rin ng mga kapitbahay ni Jen si Josh para madala ito sa kanilang bahay para makapagpahinga.
Si Miles naman ay nakatanaw lamang sa isang sulok habang pinapanood ang eksenang nangyayari sa pagitan nilang tatlo. Napahagulgol siya nang ma-realize niyang hindi talaga siya mahal ni Rommel. Kung may magagawa lamang siya para makalimutan ni Rommel si Jen, gagawin niya iyon. Pero ano ang dapat niyang gawin? Kailangang makaisip siya ng paraan. At kailangan na gawin niya iyon kaagad bago mahuli ang lahat.
At ang mga huling sinabi nito ang paulit-ulit niyang naririnig kahit na tuluyan nang nawala sa kaniyang paningin ang lalake. Ang lalakeng una niyang minahal at inibig. Ang lalakeng nagmahal sa kaniya ng lubos. At ang lalakeng ibinigay ang lahat makuha lamang muli ang kaniyang pag-ibig kahit na mayruon ng nagmamay-ari nito.











Parang di bagay yung story varsity playet maysakit sa puso at si jen parang laruan lang na pinag aagawan hahaha
nakakainis nman….
ano yon?…parang naging away ng mga bata..
hehhe..peace…ng-iiba talaga pag iba ang nagpatuloy..
but then, tnx dahil itinuloy mo..
hmmm…nag-iiba talaga ang takbo ng story kapag iba na ang nagpatuloy..but in a way, maganda pa rin naman ang kinakalabasan.;)
foo: i admit, mahirap siya bench… but i needed to do it to finish vennis story. it’s my own way of showing my gratitude to her for helping me out during TOP younger days. ^^
Iba na pala yung nagtuloy ok nmn so far
foooooooooooo….
asan na ung kasunod?
wag sana maging sad ending ‘to foo…kung hindi…
KAKATAYIN KITA!!!!!!!!
bwahahahahaha!!!!
foo: eto na, wet lang. ^^
galing ah…
foo-ding ganda na.. tpos mna ito? abangan kna lng next chapter.. thanks
foo: salamat po!
wow…ang ganda talaga…ok ‘to foo-ding ^__^
foo: np np!