MABILIS na nag-cross-over move si Josh sa kaniyang tagiliran. Pumasok ang bola bago pa man niya maisagawa ang kaniyang depensa. Nakapuntos muli ito.
Tagalid ang laban. Nakaka bente puntos na si Josh. Samantalang siya ay isang malaking itlog pa rin. Ibang-iba ang aura ni Josh habang kumakain sila ng tanghalian kanina. Hindi kasi niya akalaing sobrang galing pala nitong maglaro ng basketball kaysa sa kaniya. Maski ang mga babaeng humahanga sa kaniya na nanggaling pa sa ibang bayan ay nagsisimula na ring lumipat ang paghanga kay Josh.
“Rommel… tatapusin ko ng mabilis ang laban na ito para kay Jen.” deretso at walang kakaba-kabang sabi ni Josh sa kaniya. Kakahawak pa lamang niya sa bola ngunit mabilis na naman niyang naagaw ito. Parang may sa-pusa talaga!
Tinitigan lamang niya ito habang pinupusan ang mga pawis na naglalabasan sa lahat ng sulok ng kaniyang katawan. “Shit…” bulong niya sa sarili habang pilit na pinapakalma ang sarili sa kaniyang tagilid na sitwasyon.
“Alam mo ba kung bakit ko ipinagpilitan ang sarili kong pumunta dito?” tanong niya sa kaniya habang dini-dribol ang bola.
“Siyempre, para magpa-impress at para kunin ang kamay ni Jen para sa gusto mong kasal.” masungit na sabi niya habang pilit na inaagaw ang bolang mailap sa kaniya.
“Mali. Pumunta ako dito matagal ka ng tinik sa relasyon namin.”
“Ako? Tinik? Nagpapatawa ka ba?”
“Oo, isa kang tinik na dapat kong bunutin sa lalamunan ni Jen. May pagkakataong nababanggit niya ang pangalan mo tuwing magkasama kami at pakiramdam ko, isa lamang akong panakip butas para makalimutan ka niya.”
“Ganun ba? Eh kung nasasaktan ka, ibalik mo na lang siya sa akin at itatama ko ang lahat alang-alang sa pangakong binitawan ko sa kaniya.” ganti ni Rommel habang pilit na inaagaw ang bolang hindi niya mahawakan kahit isang beses.
Nag-iba ang porma ng pagdi-dribol ni Josh bago ito bumulusok sa loob ng ring. Mabilis siyang sumunod dito ngunit umatras ito sabay tumapak sa labas ng three point lane. Isang long three point shot ang gagawin nito! Hindi maari! Kailangan niya itong habulin!
“Mas matatag ang pangakong binitawan ko sa kaniya…” sabi niya bago siya tumalon sa ere. Napaka-perpekto ng porma niya! Karapat-dapat lang ang titulong ibinigay sa kaniya ng kanilang unibersidad, ang University MVP of the Year!
Pilit niyang hinabol ang kinaroroonan ni Josh ngunit huli na siya. Naihagis na nito ang bola habang siya nama’y tinititigan sa kawalan ang paglapit ng bola sa ring. “Hi— hindi! Hindi! Hindi ka dapat pumasok!” sigaw niya sa bola ngunit hindi siya nito pinakinggan. Pumasok ang tira niya at ngayon ay siyam na puntos na lang ang kinakailangan ni Josh upang tuluyang tapusin ang laban.
“… dahil mahal ko siya at gagawin ko ang lahat, mapaligaya lang siya.” ani Josh bago ito bumalik sa kaniyang depensa dahil hawak na Rommel ang bola na kanina pa mailap sa kaniya.
TILA walang kapaguran ang dalawang lalake na naglalaro sa gitna ng malaking araw. Hindi kasi marinig nila Miles at Jen ang pinag-uusapan ng kanilang mga katipan dahil masyadong malaking espasyo ang inilaan nilang dalawa para sa kanilang pagtutuos.
Mabilis na inakbayan ni Miles si Jen pagkatapos maka three points ni Josh. “Yes! Twenty three points na si Josh! Samantalang ang baby ko, bokya pa rin. Hahaha!”
Napatingin lang si Jen sa pinsan niya bago ito nagsalita. “Insan, bakit natutuwa ka pa eh gayong alam mo namang matatalo si Rommel?”
“Alam ko. Kaya nga ako natutuwa dahil mananalo si Josh eh.”
“Hindi kita maintindihan insan. I mean, pag nanalo si Josh, kailangan ko siyang pakasalan dahil yun ang usapan. Na kung sino ang mananalo, siya ang unang magpapakasal, diba?”
Oo, alam ko. And I’m happy for you pag nanalo si Josh at nagpakasal na kayo.” ani Miles bago niya ito niyakap ng mahigpit.
Marahan namang pumiglas si Jen sa pagkakayakap ng pinsan niya. “That will also means, hindi kayo ang mauunang magpakasal ni Rommel kung hindi kami. Ayaw mo bang mauna insan?”
Tumawa lamang ng mahina si Miles bago ito nagsalitang muli habang nilalaro ang mahabang buhok ni Jen. “Insang Jenny, hindi mo ata ako naiintindihan eh.”
“Hindi nga kita maintindihan, ano ba kasi yun?”
Biglang nag-seryoso ang mukha ni Miles saka siya nito tinitigan ng deretso sa mga mata niya. “Mahal ka pa ni Rommel.”
“Don’t say that, mahal mo si Rommel, right Miles?”
“Yun na nga eh, mahal ko si Rommel, pero ikaw pa rin ang mahal niya!”
“Pa– paano mo naman nasabi?” Halos nagsisimula nang mabingi ang mga tenga niya sa bilis ng pagtibok ng kaniyang puso. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng kaniyang pinsan. Dati kasi mahinhin ito at mahiyain. Pero simula nang umalis siya, tila masyadong maraming bagay ang nagbago sa paligid niya.
“Araw-araw, pumumpunta si Rommel sa burol kung saan kayo lagi nagkikita. Kung hindi ko pa ipinagpilitan ang sarili ko sa kaniya, hindi niya ako mamahalin. O sabihin na nating… hindi niya ako ‘pilit’ na mamahalin.”
Tila tinusok ng mahabang kawayan ang kaniyang puso. Masakit iyon para sa kaniya dahil hindi tama na sabihin iyon ni Miles sa kaniya. Siya dapat ang mahalin ni Rommel, at hindi siya. “Miles…”
“Akala ko, pag bumalik ka dito ay maaayos ang lahat dahil nandyan na si Josh sa tabi mo. Pero nagkamali pala ako. Lalo palang magiging komplikado ang lahat.”
“Sorry… hi– hindi ko alam…”
“H’wag ka ng mag-sorry dahil makasarili ka Jen. Pero kung gusto mong makabawi, simple lang ang gagawin mo. Pag nanalo si Josh sa laban ito, kailangang magpakasal na agad kayo at magpakalayo-layo para hindi mo na kami magulo ni Rommel ko. Kung sakaling himala na manalo si Rommel, magpapakasal kami pero h’wag kang magkakamaling magpakita sa kasal o sa baryo natin.” sabay talikod nito sa kaniya.
Gusto man niyang yakapin si Miles ay hindi niya magawa. Aminado siya na may mali siya nuon pero kinalimutan niya na iyon dahil kay Josh. Pero hindi niya akalain na kahit sa kasalukuyan ay nakakasakit pa rin siya ng damdamin.
MALAKAS na sigawan ang narinig niya mula sa mga taong nanonood sa laban sa pagitan ni Josh at Rommel. Tuluyan na siyang iniwan ni Miles ngunit hindi na niya ito nagawang habulin pa. Narinig niya ang sigawan.
“Go Rommel! Kaya mo yan!” sigaw ng isang babae na nasa harapan niya. Bente sais puntos na ang nagagawa ni Josh, samantalang si Rommel ay anim na puntos. Dalawang magkasunod na three-points pala ang ginawa nito.
“Josh… Rommel…” aniya sa sarili habang patuloy na pinapanood ang laban sa pagitan ng dalawang lalakeng nagmamahal sa kaniya.











Complex love
Very complicated
ang swerte nman ni jen…
hay naku…pugutan si miles…xa na nga lang ang nagpilit nang sarili nya sya pa may ganang manumbat…as if naman na sya ang papakasalan ni rommel kung sakaling manalo nga si rommel..ahaha.. and mas typ ko ang love team nila josh at jen..hehe…
whaaaa….malditang Miles!!
sarap sapukin!!
asa-ness lang sya…si Jen ang love ni Rommel…
at sila ang magkakatuluyan, kasi sila ang bida….nyahahaha
foo: you’ll never know nadz. haha!
complicated..
foo: uu
hay, ako kinakabahan sa laban ng dalawa ah..food-ing next chapter pls.. hehehehe. thanks.
NEXT CHAPTER PLZZZZZZZZZZZZ….
huhuhuhuhuhh
ganda
wheew!..
ang gulo..
at ang hrap magdecide nito..
foo: lolz, kng ikaw si Jen, ano magiging decision mo? ^^
hay nku poh………. complecated love ever……
foo: uu nga. ^^