Hawak ni Sylvia ang simbulo ng kompanya. Isang rug bear. Ibinigay iyon sa kaniya ng kanyang papa nung maliit pa siya. Nagsilbing lucky charm niya habang lumalaki siya. Nahiling niya noon sa rug bear na sana ay bata na lamang siya at laging kasama ang kanyang papa.
Inilagay niya sa ibabaw ng drawer ang hawak bago humakbang palabas ng silid na okupado niya simula pa kagabing dumating siya sa hotel. Gabi ng kanyang engagement party at ngayon niya makikilala ang lalaking ipakakasal sa kaniya ng kanyang papa. Nawalan ng silbi ang pagpapanggap niyang nagdadalang tao siya. Hindi nito iyon pinaniwalaan. At kahit pa na totoo iyon ay alam niyang hindi iyon magiging hadlang para sa mga plano nito. Para dito ay isa lamang siyang laruan na pwede nitong pagalawin kahit na kailan nito gusto.
Mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Naalala niya ang lalaking sa unang pagkikita ay nakaramdam siya ng pagmamahal. Tinanggap na niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya minahal ni Laughing bear. Ilusyon lamang iyon. Ang buong akala niya ay mahal siya nito kaya lagi itong nasa tabi niya. Pero nagkamali siya, Hindi pag-ibig iyon kundi kabaitan. Umalis siya sa samahan dahil pinagbigyan niya ang kanyang mama na magpunta sila ng Pilipinas at bumisita sa mga kamag-anak nito. Iyon pala ay isa iyon sa mga plano ng kanyang papa para mailayo siya kay Laughing bear. Hindi gusto ng kanyang papa na isang katulad lang ni Laughing bear ang mapangasawa niya.
Isa siya sa mga hitmen ng kompanya. Kasama niya si Laughing bear sa mga misyon niya at hindi miminsang nanganib ang buhay niya ngunit laging naroon ang lalaki para siya tulungan at iligtas. Nang sabihin niya sa kanyang papa na may pagtingin siya kay Laughing bear ay matinding galit ang naging reaksyon nito. Simula noon ay hindi na muli niyang nakasama sa misyon ang binata. Si Arthur ang ipinalit ng kanyang papa para makasama niya sa mga misyon. Kabaligtaran ni Laughing bear si Arthur. Marahas ang lalaki at walang pakialam kung masaktan siya . Ang tanging iniisip nito ay patayin ang target kahit buhay niya ang maging kapalit.
Dinama niya ang mga labi. Hindi niya alam kung bakit nagawang hagkan siya ni Arthur pero nagpapasalamat siya sa ginawa nito dahil nagising siya sa kaniyang ilusyon.
Ngayon ay nakapagdesisyon na siya. Susundin niya ang kaniyang papa….pansamantala hangga’t hindi siya nakakaisip ng paraan kung paano niya ito matatalo.
Nakangiti niyang binuksan ang malaking pintuan ng hall. Musika na nagmumula sa orchestra ang sumalubong sa kaniya. Nagsimula na ang kanyang kamatayan.
Hindi na gusto pang pumunta ni Lamond sa engagement party ng anak ni Charles Gervaise ngunit kailangan na niyang malaman ang totoo sa nangyari sa kapatid. Lalong gumulo ang mga pangyayari sa natuklasan niya sa India. Shit! Ano ba talaga ang totoo? Sino ba ang paniniwalaan niya?
Pumasok siya sa loob ng hall. Hinanap ng mga mata si Charles. Nakita niya ito na kausap ang isa sa mga associates nito. Akma niya itong lalapitan ng bumukas ang isa pang malaking pintuan ng hall at bumungad ang anak ni Charles Gervaise.
Hindi niya maiwasan mapahugot ng hininga. Nakita niyang naningkit ang mga mata nito bago ngumiti ng lapitan ng isang matandang babae.
Pinakatitigan niya ito, sumasabay ang hapit na gown nito sa bawat paglalakad nito. Her gown is like her second skin. Napailing siya. Sa unang beses na pagtatagpo nila ng dalaga ay may kung anong binuhay ito sa kaniya. Protective instinct? Hindi niya masabi. Marahil ay nakikita lamang niya ang kapatid dito kaya niya naiisip ang bagay na iyon. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Her sister has an innocent beauty, so as this woman. He did a mocking smile. Pero alam niya ang nakatago sa inosenteng kagandahan na iyon.
”Bonsoir tout le monde!” bati ni Sylvia sa buong bisita. Naningkit ang mga mata niya ng makita ang ama.
Agad siyang sinalubong ng kanyang mama. ” What took you so long? Kanina pa naghihintay ang mapapangasawa mo.”
Isang ngiti lang ang isinagot niya sa kaniyang mama. ”So where is he?”
Masiglang hinawakan ng kaniyang mama ang isang kamay niya at iginiya siya sa lalaking mapapangasawa niya.
Nakangiti sa kaniya ang lalaking hindi na niya agad nagustuhan. Bagamat nakangiti ang lalaki ay bakas sa mga mata nito ang kalupitan.
”He’s a gentleman at alam kong magkakasundo kayo ng anak ni Gascon and you know what, He’s good in fencing too.” Nakangiting sabi ng kaniyang mama habang papalapit sila sa lalaki.
Hindi niya gusto ang nararamdaman sa mapapangasawa niya. May kung anong galit ang umusbong sa dibdib niya.
Agad na inabot ng lalaki ang isang kamay niya para hagkan ang likod ng palad niya. ”My Sylvia. I’m very happy to finally meet you.”
“So do I, Mister Gascon.” Nakangiti niyang sagot at hinila ang kamay.
”Call me Brice.”
”Maiwan ko muna kayo, Sylvia. Hahanapin ko lang ang papa mo. ”
Tumango siya sa kaniyang mama at bumaling sa mga bisitang nasa malaking hall.
”Nang malaman kong pumayag ka sa pagpapakasal sa akin ay lalo akong nasabik na makita ka, Sylvia. Alam mong maliit ka palang ay gustong-gusto na kita.”
Bahagyang ngiti lang ang kanyang isinagot. Naiirita siya sa ipinapakita nitong paghanga sa kaniya.
”Alam kong hindi mo gustong magpakasal sa akin, kaya naman kinumbinsi ko ang papa na gamitin niya ang kaniyang impluwensiya para mapapayag ko ang iyong papa na ipakasal ka sa akin.”
She smiles at him. Iyon lang ang kaya niyang isagot dito. Alam niya ang lahat ng plano ng kaniyang papa. Kaya hindi siya naniniwalang kaya nito at ng papa nito na impluwensiyahan ang kaniyang papa.
Ang maamong mukha ng kanyang papa ay kabaligtaran ng pag-uugali nito. Nagulat siya sa paghawak na ginawa nito sa kaniyang braso. Iginiya siya papunta sa dance hall.
”Let’s dance Sylvia.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Iyon ang gusto ng kaniyang papa, sundin ang lahat ng sasabihin ng lalaki. Humawak ang isang kamay nito sa kaniyang baywang bago siya hinapit papalapit sa katawan nito.
”Ang pakiramdam ko’y magiging akin ka ngayong gabi, Sylvia. Kapag nangyari iyon ay hindi mo maiisip kahit saglit si Laughing bear.”
Tumalim ang mga mata niya. Natawa ng mahina ang lalaki.
“Damn you.” mahinang bulong niya.
“I know that you’re inlove with Laughing bear kaya naman pinahanap ko siya sa mga assassin ng papa. And I know where he is.”
Naikuyom niya ang mga kamay.
Patuloy lang sila sa mahinang pagsasayaw. Iyon ang nakikita ng mga bisita at bawat isa ay may ngiti sa mga labi. Isa ang mga Gascon sa pinakamayaman at maimpluwensiya sa France. Iniisip ng mga bisita na mapalad si Sylvia sa pagkakaroon nito ng mayamang mapapangasawa.
Mabilis na naiharang ni Sylvia ang isang kamay ng bibigyan siya ng isang malakas na suntok ng lalaki sa may tiyan niya. Hinawakan niya ang kamay nito at akmang gagamitan ng karate ng pumakabila ito sa pagkabigla niya. Napunta ito sa likuran niya hawak ang mga kamay niya at marahan siyang isinayaw.
“Surprised?” Natawa ang lalaki sa reaksyon niya. “I know how to fight too, My Sylvia.”
Inikot siya nito paharap dito. Nakita niya ang ginawang pagngisi nito. Umangat ang isang binti niya para sa isang flying kick ngunit nahawakan nito ang binti niya at hinapit siya.
“Où est-il?” bulong niya. Inangat ang mga kamay. Humanda sa pag-atakeng gagawin ng lalaki. napansin niyang magaling ang lalaki sa close range fight. “Tell me where he is.”
“My Sylvia, You don’t have to worry about him. He’s safe in my father’s hands.”
“I don’t believe you.” isang upper cut ang ibinigay niya ngunit tinanggap lang nito.
Isang matinding sampal ang iginanti nito. Napaatras siya ng bahagya. Napasigaw ang mga bisita sa nasaksihan.
“Sylvia!”
Napatingin siya sa direksyon ng boses. Galit na galit ang mukha ng kaniyang papa.
“Désolé, papa. Hindi ko kayang magpakasal sa kaniya.”
Hindi mailabas ni Charles ang galit sa anak sa harapan ng mga bisita. Hindi niya gagawin iyon dahil masisira siya sa kaniyang mga kasosyo. Hindi talaga ito marunong sumunod. Si Laughing bear na naman ang dahilan kung bakit nagkakaganoon na naman ang kaniyang anak. Damn Laughing bear! Anong bang pinakain nito sa anak niya? Hindi siya makapapayag na ang lalaking iyon ang mapangasawa ng anak niya. Hindi niya mapapayagan na si Laughing bear ang humawak ng lahat ng negosyo niyang pinaghirapan mapalago sa loob ng maraming taon.
Agad na tinungo ni Rowena ang anak ng matalim siyang titigan ni Charles. Hinawakan ang magkabilang kamay ng anak at dinala sa dibdib.
“Sylvia, What’s wrong?” may pag-aalala sa tinig ni Rowena.
“Mère, I don’t want to marry him.” nangingilid ang mga luha sa mga mata ng anak. Hinaplos niya ang makintab nitong buhok.
“Sylvia…I know you will learn to love him, just give him a chance.” Alam niyang hindi gusto ng anak niya sa mapapangasawa nito dahil kay Laughing bear, pero wala siyang karapatan na baliin ang utos ni Charles.
“Non, Mère.” Umiling si Sylvia. Hindi ko kayang magmahal ng iba.” Si Laughing bear lang ang mahal niya. Mananatiling si Laughing bear lang.
“Anong kalokohan ito, Sylvia?” galit na galit na lumapit sa kaniya ang kanyang papa. Mahigpit na hinawakan ang braso niya. “What’s wrong with you?”
“Rien, Père. I don’t love him. Si-”
Nanlaki ang mga mata ni Sylvia. Mabilis na tinabig niya ang kanyang papa. At isang matinding flying kick ang ibinigay niya kay Brice ng makitang kumuha ito ng baril at itinutok sa ama niya.
Nabitiwan nito ang baril at napaupo sa marmol na sahig. Agad ang pag-agos ng dugo sa may braso nito. Nanlaki ang mga mata niya.











…….-_-……..
nkakasakay na ako, sa wakas..
wahahahaha……
BEAR…………. laughing….. name a huggable
ahaha
)) hala teka.. deh q p masyadong gets eh.. pro mukhang mage gets q rin toh ahahha 
aw! bat wala nang next? ang ganda pa man din!
( ending please? 
pls pls pls..npkgnda po ng story nkakbtn nmn pra smin kung hndi tpos ung stry..sana nmn mtpos na oh..sna mgkending na..
ayyynnnaaa…bitin maxado…last month pa aku nagahntay ng nxt chapter taz hangang ngaun la pa din…tsktsk..
wew!!!
ang tagl nmn ng next chapter!!!!
bitin!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ShOckEd MooD………………
NEXT PLease…………………………………
bulingit tuwang-tuwa ako sayo. dati nagsusulat ka lang sa notebook ngayon sa internet na. yabang.:D
nakakatawa lang kasi hinahanap ko sina Shaitan at Jabberwalk yun pala ibang story yun. Akala ko ito yun.
itext mo ako kapag tapos mo na to. ayoko magbasa ng bitin.
nice one bulingit! keep it up!;D
‘cguro sa december ,,lalabas na yung nxt chapter,,hehehehe peace!!!
‘uulitin co rin from da start,nkalimutan co na eh,,=)
gUdluck sa wRiter..gAling!
-makUuulettt
hmmm..blue, ulitin mo kaya lahat para mas maintindihan ng mga readers. feeling ko nakakalito kasi ang story. ok lang sken kung ulitin mo. siguro ok lang din sa readers para mas maintindihan nila. Huwag ka kasing kabahan, huwag mo na rin limitahan ang paggamit ng mga words mo.
ok lang kahit hindi ito love story, i know you can write a good one.
medyo nalilito pa ako sa ngayon sa mga codename-codename po. babasahin ko po ulit. ito.
o0opz..hmmm …goodmorning nlang,,ehehe no comment muna,,ehe gudluck
blue bitin na sila oh. labas mo na kasi yung mga remaining chapters. Ilang chapters ba meron to? chapter 9 na bitin pa rin ang story.
Napansin ko bakit rug bear ang trademark ng company? mga rug stuff toys ba ang ginagawa nila? joke! nakakaintriga lang kasi. yung iba kasi lion or tiger or scorpion bakit sa C5G rugbear? hmmm..
Ang C at G ba sa name ng company is CHARLES GERVAISE?
yung sa india; ang hula ko dun, nagmerge yung company nina ganesha at gervaise. kasi may share si ganesha sa company. ang nakakaintriga is kung ano yung natuklasan ni polar bear sa india. tungkol ba iyon sa kapatid niya o meron pang iba? isa pa nga pala, nakalimutan ko, sino si shadow bear? hula ko si Ingrid yun.
napansin ko pickle minded si sylvia. siya si rugbear di ba?
ano kayang gagawin ni A? kainis! mahuhulaan ko rin yon.
hmm..parang si ballerina ang may alam ng lahat.
blue naman kasi, pabasa na ko lahat. ang daya mo!naiinip na ako.
no may next chapter na ba ito blue.
post mo na.
pls. nakakabitin na ha.
kc every individual my kanya2 nman taung talent eh.. at dpednde din un sa tao na nag discribe sa isang tao dba? hindi nman lahat priho ung mga opinion ng mga tao.. isa pa bata pa nman c blue blang maging professional writer dba.. marama pa xang kailangan matutunan… pra skin..magaling nman c blue at hindi lahat ng tao my talent katulad nya…thanks bench ha nice to meet u anyway ingat.
foo: amen.
wow! ang laking papuri naman non, miss grace. nasa high level na si Blue? bakit ganon hindi ko makita?
helo ekay musta? wow nag start ko na mag basa ng breaking silence.. maganda ah.. unique nman c ekay kc at may originality.. dats da reality anyway.. hindi lng tlaga puro love sa life.. ma xperience din ntin ang hindi natin gusto ma xperience sa life dba?.. kaya nasa high level na ekay ung mga imagination mo hehehe iba tlaga ang mga writer anu?
basta nagustuhan ko ang story ekay gudluck sau ha.. ingat
mas magulo ka bench. dati mga love story sinusulat ko sabi mo gumawa ako ng may suspense tapos ngayon na gumagawa na ko sasabihin mo love story naman. ano ba talaga?
pag sinagot ko ang tanong mo about sa India part. Mabubulgar ang sikreto ko. pero kung gusto mo hulaan, hulaan mo. beh! si bossing nahulaan niya yun(galing ni bossing!clap..clap..), magaling ka rin kapag nahulaan mo.
ganoon talaga ang story, sinimulan ko talaga sa gitna. kasi ang breaking silence part 1 ay kung ano ba ang gagawin ni Arthur para iligtas ang mahal niya at ang matalik niyang kaibigan, tungkol kay polar bear at sylvia. gets mo na? may clue na kong binigay ha. hulaan mo na lang.hehehe. kasi kahit pilipitin mo leeg ko, hindi ko ibibigay ang kwento sa’yo ng buo. beh! pahihirapan kita ngayon. sadista ako remember?wahahahahahaha. but thanks anyway. kaya pala nagpunta ka sa apartment ko kagabi…yun pala! naku!akala ko miss mo na ko. wala na yung ibang story ko. ang tagal na non eh. decade na yun. inaanay na sa closet ko yun.
hi shepipay! sorry po kung matagal ha. naging busy lang po talaga ako. sensya na po talaga. (ano ba yan! nahihiya na ako!)sigh..
,,ang tagal naman ng next chapter,, november na ahh..
bitin kc… =)
foo: oo. kasi tinaype pa ng author na to yung manuscript na isinulat ni Erin, yung bestfriend niya. basta, it’s kinda hard to explain pero i promise you matatapos ito.
blue, gawa ka naman ng love story. Nakakamiss na kasi eh. hindi ko masyado gusto ito. mas maganda pa yung dati mong mga story. nasaan na yung mga iyon? ang tagal mo ng sinulat iyon. ilang years na ba?
foo: meron na daw– sabi niya
bitin. kainis ka talaga blue. palagi mo na lang akong binibitin. hindi ko pa tapos yung ibang story mo, eto na naman, bitin na naman ako.
parang nam-bluff lang si Brice dito At bakit tinutukan nya ng baril si Charles? Parang may bumaril kay Brice..si Polar bear yun no? at ano yung natuklasan ni Polar bear sa india?
May something talaga diyan kay charles. pansin ko, parang galit na galit siya kay Parc. hay!bitin…
blue, pag di ako nakatiis…gigisingin talaga kita! mabasa ko lang lahat ito.
foo: actually, tapos na raw niya yan. problema ko lang is kung paano ko makukuha yung mga final manuscript sa kaniya. hahay!
hi te sha! senpai! arigatoo!ahehehe…
hello ate grace!hindi ko po love story yun. ahehehe. thanks po sa comment.
hindi na ko senti marc. may ginawa lang ako sa loob ng kwarto ko. nangungulam ako eh..ahehehehe. malapit na nga bday nyo. lagi naman ako ang cook nyo so alam ko na na ako ang magluluto. darn! buti di kayo nalalason.wahahahahahaha..grabe! sobra ang energy ko ngayon.parang gusto ko na agad patayin si Parc. ahahahaha.
but thanks Marc! kinikilig ako! wahahahahaha…
helo eka.. fan mo na ako ha.. hehehe ingat dto nman pla c ate mo sha eh.. kahit bz nag bibigay ng time tlaga yan hehehe.. ingat cge wait ko pa ang mga story mo ha..gusto ko tlaga ang love story mo hehehe..
hindi pa rin pala tapos ito. Oi Simang, tapusin mo na to. bitin! siguro tinatamad kana naman magtype ano?.. ikaw talaga..nabasa ko na yung kay Erin. nice story.
keep it up blue! wag kana senti ok? malapit na bday namin ni Erin. kaw magluto ha.
hi eka! im here na… just read this chapter. ill keep u posted soon. nice one!
sana ilabas na yung next chapter,, bitin kc,, hehe
foo: ilalabas na rin po yun. wait lang po kayo
WOW NAMAN! sa wakas meron na! kuya foo, tuloy-tuloy na po ba ‘to?as in matatapos sya?thanks po..hehe..
foo: oo naman! hyper active na ulit ako!