Isang mabangong amoy ng paboritong pagkain ni Arthur ang nagpagising sa kanya. Napangiti siya. Siguro ay nagluluto ang mahal niyang si Junifer. Nakikita niya ang imahe ni Junifer na nakayuko sa kanya at may masuyong ngiti. Alam niyang sa pagbangon niya ay isang mainit na halik ang isasalubong nito sa kanya. Ngunit nawala ang ngiti niya at napamulat ng mga mata ng maalala ang nangyari kagabi. “Shit!” bigla siyang napabangon buhat sa pagkakahiga sa sofa.
“Bonjour!”
Nilingon niya ang nagsalita. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. May hawak na maliit na kutsara at nakasuot ng apron. Suot nito ang madalas gamitin ni Junifer sa pagluluto ngunit hindi ito si Junifer.
“Que faites-vous ici, Sylvia?” nakangunot-noo niyang tanong na kung anong ginagawa ng babaing ito sa apartment niya. Tumayo siya buhat sa sofa at nilapitan ang dalaga.
Umikot ang mga eyeball nito sa mga mata. “Ganyan ba dapat ang isalubong mo sa akin sa loob ng tatlong taong hindi natin pagkikita? How rude! wala ka pa rin ipinagbago. hmp!” Inirapan siya nito bago ipinagpatuloy ang pagluluto.
Nagsalubong ang kilay niya. Anong gustong palabasin ng babaing ito? Hinawakan niya ang isang braso nito at iniharap. “What do you want?” mapanganib niyang tanong sa dalagang hindi man lamang kakikitaan ng pagkatakot sa mukha kahit na humihigpit ang paghawak niya sa braso nito.
“Masusunog ang niluluto ko. Bitiwan mo ako.” mahinahon nitong sabi ngunit nagsisimula ng magningas ang mga mata nito sa galit.
Pagigil na binitiwan niya ang braso nito, ngunit hindi niya ito inalisan ng tingin. “Si P ang dahilan ng pagpunta mo rito hindi ba?”
Umiwas ito ng tingin at muling tumalikod sa kanya. Hinarap ang niluluto.
Matalim ang ginawa niyang paghinga. Lumayo kay Sylvia at naupo sa isa mga stool chair sa kitchen. “I’m hungry.” paangil niyang tanong dito.
Bahagya itong ngumiti. “Malapit na itong maluto.”
Isang tahimik na almusal ang pinagsaluhan nila. Hindi maiwasan ni Arhtur na muling titigan ang dalaga habang abala ito sa kitchen. Tatlong taon na magbuhat ng umalis ito sa France. Sa samahan. Malaki ang pinagbago nito. Hindi na niya makita ang iyakin na dalagitang minahal niya.
“Sylvia–”
“Minahal ba ako ni Laughing bear, Arthur?” halos bulong na tanong nito sa kanya.
Wala siyang masabi. Hindi niya gustong lalo pang masaktan ito. At ano ang maari niyang sabihin? “Hindi mo kailangan si P sa buhay mo, Sylvia.” paangil siyang sumagot. Ngunit minura niya ang sarili sa sinabi dahil sa nakikitang panghihina ng dalaga.
“I love him, Arthur.” mahina nitong sabi.
“I know.”
Humarap ito sa kanya at may hinanakit na nagsalita. “Anong alam mo sa nararamdaman ko, Arthur? Minsan ba ay pinakinggan mo ako? Tanging si Laughing bear lamang ang nakakaintindi sa akin.” tuluyan na siyang napahagulgol.
Nilapitan niya ito at akmang yayakapin ng umiwas ito. Nagniningas ang mga mata nito sa galit.
“Muli kong ibabalik ang pagmamahal sa akin ni Laughing bear, Arthur. Papatayin ko ang babaing iyon!”
Tumalim ang mga mata niya. Mahigpit na hinawakan ang mga braso ng dalaga. “I will kill you too.”
Nararamdaman ni Sylvia ang matinding galit ni Arthur. Hindi niya maiwasang manginig. Inaamin niyang natatakot siya sa lalaking ito. Sa tuwing makikita niya ito ay hindi niya maiwasang manginig at panlamigan ng katawan. Hindi ito katulad ni Laughing bear na laging nakangiti. Tahimik ito at laging nakaangil sa kanya. Sa tuwing kasama niya ito sa mission ay mas natatakot siya dito kaysa sa target nila. Kagabi ay alam niyang pagod ito kaya madali niya itong napatumba ngunit ngayon ay nagsisisi siya kung bakit ginalit niya ito. Kulang na lang ay balian siya nito ng leeg. Humihigpit ang hawak nito sa braso niya.
Hindi na sana niya ito gustong puntahan ngunit wala siyang mapagpipilian. Ito lamang ang makapagsasabi sa kanya kung nasaan si Laughing bear. Napadaing siya sa muling paghigpit ng mga kamay nito sa braso niya.
“Merde.” mahinang sambit nito sa nakikitang pagdaing niya. Marahas siyang binitiwan nito.
Lumayo sa kanya at malakas na nagmura. Hindi niya maiwasang mapapitlag. Ngayon lang niya nakitang nagalit ito ng matindi. Nag-iigitng ang mga ugat nito sa leeg at nakakuyom ang mga kamay sa pagpipigil sa kung anumang gagawin nito.
Tumalikod ito sa kanya at naghubad ng T-shirt bago inihagis sa kitchen table. Umiwas siya ng tingin. “Go home, Sylvia. Je ne peux pas te dire où il est.” hindi nito masasabi kahit sa kanya kung nasaan si P. Humakbang ito palabas ng kitchen.
“I swear Arthur. I will kill that woman!” galit niyang sigaw. “Hindi ko matatanggap na may ibang pakakasalan si Laughing bear maliban sa akin.”
You’re childish, Sylvia. Do whatever you want.” tuluyan na itong lumabas ng kitchen.
Narinig na naman niya ang mga salitang iyon. Galit niya itong sinundan. Humarang siya sa gagawin nitong pag-akyat sa hagdanan. “I’m not a kid anymore.” isang right hook ang ibinigay niya dito.
Tinanggap lamang nito ang ginawa niya. Hindi niya ito natinag sa pagkakatayo. Nasa mga mata ang kaaliwan ng tumingin sa kanya. Ipinagngitngit niya iyon. Ipinapahiwatig ng mga matang iyon na wala siyang laban dito at talagang bata lamang siya sa paningin nito.
“Vous avez raison.” pag sang-ayon nito. Naging mapungay ang mga mata. ” You’re not a kid anymore, I noticed that.” bumaba ang mga mata nito sa mga labi niya. “You’ve grown into a beautiful woman.”
“Arthur…” nakakaramdam siya ng kakaibang damdamin sa ginagawa nitong paghagod ng tingin sa kanya.
Marahas na kinabig nito ang batok niya. Naramdaman na lamang niya ang mga labi nitong humahalik sa kanya. Mainit ang mga labi nito. Tila siya napapaso. Ang akma niyang pagpigil dito ay naudlot ng bumaba ang isang kamay nito sa baywang niya at marahas siyang hapitin papalapit dito. Lumalalim ang halik nito. Ang mga kamay niya na kanina ay gustong pumigil sa ginawa nito ay kusang yumakap sa leeg nito. Tinanggap ang halik nito at gumanti din ng ganoong kainit na halik.
Ang sabi ni Arthur sa sarili ay yakapin ang dalaga. Ikulong sa mga bisig niya. Burahin ang nararamdaman nitong sakit sa ginawa ni P. Ngunit hindi niya naiwasang hagkan ang dalaga. Nawala siya sa sarili ng matitigan ang mga labi nito. Ang mga labi nitong gusto niyang hagkan noon pa man. Minahal niya ito sa unang pagkikita nila. Ngunit pinatay niya ang nararamdaman ng magtapat ito ng pagmamahal kay P. Ang ginawa niya ay lumayo dito at naglagay ng pader sa pagitan nila. Damn! pero anong ginagawa niya ngayon? heto siya at hinahagkan ang dalaga.
Naramdaman ni Sylvia ang pagbaba ng mga labi ni Arthur sa punong dibdib niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi man niya aminin ay nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Hindi niya iyon naramdaman man lamang kay Laughing bear sa tuwing hahagkan siya nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa naisip. Malakas niyang itinulak si Arthur.
“No!” Agad niyang inayos ang damit. bakit niya ngayon lang nalaman ito? Napakasakit!
Umiwas siya sa gagawing pagyakap sa kanya ni Arthur. Hindi siya makapaniwala. Hindi siya totoong minahal ni Laughing bear. Isang ilusyon lang ang lahat.
“Sylvia…”
“Don’t, Arthur.” Putol niya sa anumang sasabihin nito. Hindi na niya gusto pang marinig ang totoo. Hindi niya kakayanin.
Nagbuntong hininga ito. “Please Sylvia. P is happy now with her wife. Huwag mo na siyang guluhin.”
Malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Napakasakit ng nararamdaman niya. “Hindi ko maipapangako, Arthur.”
“Damn..” mahinang bulong nito.
Marahang humakbang siya palabas. Napahagulgol siya ng makalabas ng apartment. Isang ilusyon lang ang pag-ibig na iyon sa kanya ni Laughing bear. Siya lamang ang nag-isip na mahal siya nito.











sanah ung dalawa nlng ni sylvia & arthur para wala ng gulo hehehe
eh mukhang bagay naman si sylvia kay arthur..
kaya kayo n lng hehehe…
sa ngayon po ang napansin ko lang po dito ay sa tagpong ito:
“Naramdaman ni Sylvia ang pagbaba ng mga labi ni Arthur sa punong dibdib niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Hindi man niya aminin ay nagugustuhan niya ang ginagawa nito sa kanya. Hindi niya iyon naramdaman man lamang kay Laughing bear sa tuwing hahagkan siya nito. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa naisip. Malakas niyang itinulak si Arthur.”
Bakit po kaagad bumaba ang mga labi ni arthur sa punong dibdib ni sylvia samantalang hindi pa nahuhubaran? dapat po ipinakita dito na habang hinahalikan si sylvia ay dahan-dahang kinakalas ni arthur ang mga butones ng kanyang damit o kung ano man ang damit nyang suot at tinanggal sa pagkakahook ang bra nito. nang sa ganoon po ay nakakasabik naman. at habang dinadama ni arthur ang punog dibdib ay napapasinghap si sylvia.
-Sa scene po na ito ay parang kulang po nakakabitin.
laive: salamat po sa komento. sa tingin ko masyado lang mainit si Arthur kaya kahit may damit eh tumatagos yung halik niya sa katawan ni Sylvia. :p
hehe.napagkamalan kang lalake blue…kung sabagay may pagkalalake ka nga. hehe.
nyway, mga nagiilusyon silang pareho. Sila nalang kasi ang gawin mong magkapartner.
foo: ay naku, boksingera yang si blue eh. tama ba?
ahahaha!!sensya na po, hehehe!baka lalo nyang hindi tapusin!ahahahaha!
foo: ok lang yun. busy rin kasi sa “sports” yang si blue. later, she will finish it for sure kasi may part two pa yan.
nako..wawa naman kuya foo..kuya blue, help po, maganda pa naman ‘to..
foo: naku nadine.. hindi ko kuya blue.. ate blue po siya.
wala pa din po bang kasunod?
teka lang mga giliw naming tiga-subaybay. ano kasi.. hinahanap ko kung naisend na sa akin ni blue yung last chapters.
grabe! blue! help!
kelan po lalabas ung kasunod?tagal ko nang hinihintay ‘to..para naman po sakin maganda ung story nya..thanks po for sharing..
Aray ko!pano mo nalaman to?kay Erin? kaw talaga sipag kahit kailan…but thanks bro..dahil sa’yo nakabalik na ko sa mundo ko.ahehehe.ang lalim no?ahehe. depressed na naman kasi ako ngayon kaya pasalamat ako sayo.
but i try to make it clear at yung talagang maiintindihan mo para hindi mo na ko pulaan. sama ng words mo!:p
miss na kita. miss ko na si mama at dada. san ka nga pala sa dk?nasa dk ako ngayon kasama sina kuya will. next wk balik ulit kami ng N. magkita naman tayo.eto pala YM ko,melfirose@yahoo.com..sige na ha. Marami akong ipapabasa sayo.ahehehe.kainis ka di mo ko inaadd sa FS mo!hmp!
thanks again sa comment. basahin mo naman yung ibang story.huwag mo lang pulaan ha.ahehehe.
ai, thanks din pala sa name na reduce. nagamit ko na rin siya sa story sa wakas. mwuah!
Ayaw kitang pulaan kaya lang para ka lang nagku-kwento sa story mo. wala akong makitang interisadong bagay dito. Masyadong limited ang ginagamit mong mga salita. redundant minsan. hindi ko makita yung problema sa kwento.nakakalito dahil sa dami ng characters. hindi ko masubaybayan ang kwento. maganda ang nabubuong scenario pero laging failed sa huli. mabigat itong story but hindi ko iyon makita. sana hindi ka nagsulat ng ganito kabigat at kaseryosong story kung hindi mo kayang ipakitang ganoon ang takbo ng mga pangyayari. nakakadissapoint kasi. huwag kang magagalit. sinasabi ko lang ang mga puna ko.
keep it up!ayusin mo ang kwento mo.;)
ngek! sa oslo ka pala.ahehe.kahiya naman! sure we can meet. i will email you kung kailan. medyo busy ako ngayon eh kasi sa mga projs ko sa school at wala pa akong pera.ahehehe. wag mo naman ako icompare kay Robert Ludlum, nahihiya ako masyado. nagbu-blush tuloy ako. ahehehe. Nabasa ko na yung series ng Miss detective. Maganda siya. medyo kakaiba yung mga cases na sinosolve nya. para siyang si Shinichi Kudo sa detective conan. may cases siya na parang cases ni conan. alam ko nabasa mo yung rockstar yung lalaki tapos pinatay siya ng gf nya. nakalimutan ko yung title.ahehe. try mo basahin yung kay jo nesbø. maganda rin yun. gusto ko yung snø mannen. try mo-:)
ilang years kana sa norway? san ka sa oslo? kung alam mo yung akker brygge pwede kang pumunta dun every sat. night kasi may gig kami dun.laman kami ng kalsada sa akker brygge.ahehehe.
thanks for reading Breaking silence. Alam ko confusing but I’m trying my best na maiintindihan mo at ng mga readers ang story.
keep supporting TOP. thanks a lot!:)
YOU’RE WELCOME!!!PWEDE BA TAYO MAG-MEET??? KUNG OK LANG SAYO.
MADALAS KA BA SA OSLO??? SANA NAMAN MAGKITA TAYO. MARAMI LANG AKONG QUESTION ABOUT SA STORY MO. ANG STYLE MO KASI PARANG KAY ROBERT LUDLUM KAYA LANG TAGALOG. WHY DONT YOU TRY TO WRITE IT IN ENGLISH??? O KAYA SA NORSK PARA NAMAN MAPAKINABANGAN ANG TALENT MO DITO.HEHE. USO RIN NAMAN ANG MGA POCKETBOOK DITO EH. MARAMI NA RIN AKONG NABASANG NORSK POCKETBOOK KAYA LANG HINDI KO MASYADO MAINTINDIHAN KASI LIMITED LANG ANG ALAM KO SA NORSK. HEHE. ANG GUSTO KO YUNG MISS DETECTIVE.MAHILIG AKO SA MGA SCI-FI AND ACTION AND THRILLER BOOKS.
IM WAITING FOR YOUR EMAIL. HOPE WE CAN MEET. THANKS!KEEP IT UP!:)
hi leah!thanks for your comments. natawa naman ako sa question mo na kung pangit ba si Arthur..basahin mo na lang ang BS at malalaman mo kung bakit..ahehehe..But for me, Arthur is very special.. sana makakita ako ng guy na katulad niya.ahehehe…wish ko lang!
keep supporting TOP.thanks!:)
HI!!!BAKIT HANGGANG NGAYON WALA PA RIN KASUNOD???ARAW ARAW AKONG NAGOOPEN BAKIT WALA PA RIN???
NAKITA KO PALA ANG PROFILE MO SA FS. ENIGMATIC DRAGON PRINCESS RIGHT???WALA KA MAN LANG PICTURE NA NAKALAGAY.
SA OSLO KA PALA??? NASA OSLO RIN AKO EH.SAAN KA SA OSLO???BAKA PWEDE TAYO MAG-MEET???
IM FREE DURING WEEK ENDS.HOPE WE CAN MEET=)
YOU CAN E-MAIL ME AT laxamanaleah@yahoo.com IF YOU ARE FREE.THANKS!!!!
MAY GANUN NA SCENE???SANA TINULOY-TULOY MO NA.:D
LAGI NA LANG SI PARC ANG NAGUGUSTUHAN NG MGA BABAE. PANGIT BA SI ARTHUR???
SAN NA YUNG KASUNOD???AYOKO SANA YUNG NABIBITIN AKO. MAGANDA NA KASI YUNG STORY.