Isang coffee shop ang pinasok ni Arthur. Agad na hinanap ang researcher ng C5G. Natagpuan niya ito sa pinakasulok ng shop. Tila hindi mapakali. Nang mag-angat ito ng paningin at makita siya ay agad itong nakahinga ng maluwag. Napasandal ito sa upuan. Nilapitan niya ito.
“Anong nangyari? Bakit kailangan ipapatay si Ballerina?”
“Ako ang sagutin mo.” mahina ngunit mariin nitong sagot sa kanya. Halos itabing na sa mukha ang suot na sumbrero. “Paano nalaman ng C5G ang ginawang pagpapakasal ni Laughing Bear?”
Nagkibit-balikat si Arthur. “I have no idea.” totoong sagot niya. “Alam mong maraming magagaling na researcher ang kompanya. Hindi lang ikaw.” humila ng silya at naupo paharap kay Reduce. Ipinatong ang dalawang braso sa mesa.
Nagbuntong hininga ito. “Alam ko ‘yon!” paangil nitong sagot. “Pero itinago ko ‘yong mabuti.”
“Nakakasiguro ka ba?” pang-uuyam niya. ” sulat ni Woody Bear ang natanggap namin ni P.”
“Merde!” Mahina itong napasuntok sa mesa. At tumingin sa kanya na hindi makapaniwala.
Bahagya siyang natawa. “Don’t blame yourself.”
Nangunot ang noo nito. May galit sa tinig nito ng magsalita. “Bakit parang hindi ka nag-aalala? Papatayin nila ang matalik mong kaibigan. Nakukuha mo pang tumawa.”
“Je sais.” nakangiti niyang sagot.
Tinitigan siya nito. Napailing bago ngumiti. “Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapasok ang utak mo.”
“I’ve talked to Ballerina this morning.”
“And?” naghihintay ito sa mga sasabihin pa niya.
“And I offered him my preposition.”
“And?”
Huminga siya ng malalim. Handa siya sa anumang mangyayari sa ginawa niyang desisyon. Ang mahalaga ay ang kaligtasan nina Junifer at Parc. “And I know that he will accept that.”
“What kind of preposition or should I guess?” nakatiim ang mukha nito, kahit hindi na ito magtanong ay nakikita sa mukha niya ang kasagutan.
“My life.” mahina ngunit mariin pa rin niyang sagot.
“Bullshit!” mahinang mura nito. “Hindi ako makapaniwalang wala man lang ako nagawa para pigilan ka.” Isinandal nito ang likod sa sandalan ng upuan.
“Sa ibang pagkakataon Reduce hihingiin ko ang tulong mo. Sa ngayon ang mahalaga sa akin ay ang kaligtasan ni Ballerina.”
Kinuha ni Reduce ang notebook style laptop nito sa knapsack bag nito na nasa ilalim ng mesa.
“Hindi na nagugustuhan ng board ang mga transaksyones na ginagawa ni Ballerina sa ibang mga share holders ng kompanya. Masyado na raw siyang nagiging mabait. Kailangan daw ay bigyan ng leksyon si Ballerina. Pauvres il!” Iniharap nito sa kanya ang laptop at ipinakita ang mga sister company ng C5G. Hindi siya nagaksayang tingnan man lamang iyon. ” Hindi rin niya inaasahan na malalaman ng kompanya ang pagiging ‘Angel’ niya sa samahan. Ang pagtatago niya ng sekreto sa C5G ang dahilan kung bakit siya ipapatay. May balitang marami na siyang naibibigay na impormasyon sa kalabang Kompanya.”
Mahinang tugtog na nanggagaling sa stereo ang naging pagitan sa pananahimik nila.
“Anong naiisip mong paraan?”
“Aucun.” umiling pa ito. “Matigas si Ballerina. Nakahanda raw siya sa mangyayari. Masyadong mataas ang pride ng lalaking ‘yon!”
Bahagyang natawa si Arthur. Parehong temperamental ito at si Ballerina kaya hindi magkasundo. “Pero hindi naman natin hahayaan na mangyari ‘yon ‘di ba?”
“Naturellement! Kahit saksakan ng pride ‘yon, hindi ko naman siya hahayaan na mamatay siya ng paganoon lang. After all malaki ang utang na loob ko sa kanya.”
Tumayo siya. “Partons! Puntahan natin si Ballerina.” Humakbang na siya palabas ng coffee shop.
“Sure.”
Inilagay muna ni Reduce ang laptop sa knapsack bag nito bago sumunod kay Arthur.
Sa building ng isa sa mga sister company ng C5G. Hindi inaasahan ng sekretarya ni Ballerina ang biglang pagpasok ng lalaki sa opisina nito. Hindi na ito nakagalaw ng tutukan ito ng baril. Ngumiti ang lalaki bago ipinutok ang baril. Walang buhay at dilat ang mga matang sumubsob ang matandang babae sa mesa nito.
Tinitigan muna ng lalaki ang nagkalat na dugo sa mesa bago balewalang naglakad sa nakasarang pinto ng private office ni Ballerina. Nakiramdam bago sumandal sa puting pader. Marahang binuksan ang pinto ng isang kamay. Automatic na bumukas ang ilaw at napamura ng makitang wala nang nadatnan na Ballerina sa loob.
“Bullshit!”
Agad na pinindot ang communication device na nakakabit sa kaliwang tainga nito. “He’s not here. Nakatakas siya. Search the whole building!”











NEXT CHA[TER NA!!!!
wow nice story haha kahit di ko magetz… ung mga language
..
TAO po ba character dito O bear..hehehe…PIZZ..
JUST a thought.. some one might think of name like that and the place too
sorry bench hindi ko alam eh.
sorry sorry…
hi razy-lover!hayaan mo sasabihin ko kay blue na itapon na niya ito..nakakalito no?hehehehe…but i suggest na para makuha mo ang ibig sabihin ng story, tutukan mo ng maigi ang pagbabasa.:)
and one more thing…si Ikay at si Blue ay iisa.
sorry ha pero hindi ko talaga makuha ang ibig sabihin ng story
mo pero sige i read i next chapter
hello kuya will at ikay ay erin at ikaw din po blue also foobarph.
sorry wla lng magawa.
medyo nakulangan ako sa ginawa nung lalaki. saan nagtago si humpty dumpty?
naku! paano yung plano ni Arthur?
parang nakakaasar ang story.
Iyon lang ba talaga ang dahilan kung bakit ipapapatay sa kanila si Ballerina? I smell something fishy there. parang may mas malalim pang dahilan bukod doon.
foo: well– blue! mag reply ka nga sa comment ni bench. ^^
sana madugtungan mo agad ang story…actually hindi ako mahilig sa action,but I found it interesting..!
P.S lagyan mo naman ng translation those french words!Mas getz ko pa yung mga spanish words kaysa dyan..
…nabitin po aqu….san na karugtong nito?
AKALA KO LOVE STORY YUN PALA ACTION. BAKIT GNUN???? NAKAKABITIN…NASAN NA ANG KASUNOD NITO???
BAKIT GANUN ANG STORY?? NAKAKACONFUSED.
KAPAG ACTION MAS GUSTO KO ANG ENGLISH. PERO TRY KO ITONG BASAHIN. MUKHA NAMAN ITONG INTERESTING.
thanks po sa pagbasa!
hindi ko po intensyon na lituhin kayo sa mga french words na ginagamit ko. ayoko naman kasi na bawat sabihin nila sa french eh lagyan ko ng translation na kasunod. Magiging dictionary ang labas ng kwento. ahehehehe.
Gustuhin ko man po alisin ang mga french words eh hindi ko na po magagawa dahil nag-umpisa na ang stories sa “ganon”. I’ll make sure na lang po na makakasunod kayo sa stories.
Atsaka, sawa na po akong guluhin ang pilipinas.Its time na ibang bansa naman ang guluhin ko. lahat na kasi ng stories ko pilipinas ang ginagamit ko.ahehehehe. kaya france naman ngayon. ahehehe.
pacenxa na po ulit kung matagal ang paglabas ng Breaking Silence. Pero tatapusin ko ang story. Kailangan ko lang ng mahabang time.
thanks jinks!yeah, natupad na nga ang wish ko. ahehehe.ang galing noh?its a miracle…thanks kay kuya!!ahehehe
thanks erin! miss u..binubusisi ko na ang bawat scene. ayoko kacng madisapoint ka, pati na rin ang mga readers.
thanks po ate yesha sa comment. I’ll make sure na makakasunod na ang mga readers sa kwento.
always give me a comment ok?thanks!:)
sana lagyan mo po ng translation ung mga french words d2
its erin.wala ako magawa kaya e2 nagcomment ako sayo.ginamit ko pa ang email add mo.hehe.
maganda sana ang story but may mga part na kulang sa emosions. katulad dun s chapter 2 mo. pansinin mo un. basahin mo ng paulit ulit ang stories mo.mlalaman mo kung ano ung cnsabi ko.
d2 s chapter five mejo nbitin ako sa ginawa nung lalaki.ang alam ko my idadagdag ka pang part dun.tsaka paulit ulit ung ibang mga words. oh well, cenxa na.kilala mo naman ako.1 of your “fans”. gus2 ko lng mapaganda ang stories mo. keep it up ikay. kailangan mo sigurong madepress ulit pra maayos mo tong stories mo. pinakialaman ko pala ung part two.cenxa n bnasa ko un. marami ng nagbabasa ng stories.kinukulit ko na yung ibang barkada natin.nirereveal ko na sa kanila ang matagal mo ng sekreto.wahahahaha.
goodluck!:)
congrats eka!natupad na yung wish mo.hehe.
maganda ang story.pero nakakabitin!
tragic ending ito noh?imposibleng maging happy ending ito kasi dba wla namang nabubuhay na hitman in real life? i mean lahat ng mga hitman namamatay sa labanan. pero sana ihappy ending mo naman yong ibang stories na gagawin mo dito para masaya namang basahin.masyado kasing brutal ang isip mo eh kaya kung ano2 na lang ang pumapasok, try to write a lovestory without action naman.
love you friend!
ipasa mo rin dito yong espiya mo.maganda yon.goodluck!:)
will? c kuya will b to o c arciaga?
jack, itatanong ko pa sa utak ko kung san nya itinago si ballerina, ok? ahehehe.
di ko alam s ex q kung san nya hinugot yang title..actually, drama dpat yang breaking silence kya lng ang boring ng story ng ex q,kya sv q palitan ko ng action.kya ayun!my laughing bear at skinny bear…cenxa n ha, wlang mama bear eh…hehehe
ung mga french words di ko rin alam kung saan ko pngkukuha ung mga un. bka si webmaster alam nya.ahehehe
thanks reed!idol tlga kta!wla akong masabi!bow!ahahahaha
hehehe…nakakabitin naman to blue!saan nagtago si ballerina? bakit breaking silence ang title? atsaka anong ibig sabihin ng mga french words sa story?di ko magets eh
next chapter na!
ei ikay kinulit ako ni erin na magcomment sayo pero ayoko dito sabihin ang comment ko. marami akong napansin sa story mo.
basta keep it up!
wahh, brutal naman itong scene na ito. sana pinasirit at pinakalat mo yung bituka ng lalake para mas maganda, nyahaha!
next chapter!