Submit

Paunang salita
Ang TOP ay hindi ordinaryong online group lamang na kung saan magpapasa ka ng nobela at prestong mailalathala ang iyong nobela pagkaraan ng maikling panahon. Patawad ngunit hindi kami ganuon…
Bakit kamo? Kasi nga po, iba ang TOP sa lahat.
Oo, maraming naglipanang mga website diyan na nagbibigay ng parehong nilalalaman gaya sa amin. Ang ilan pa nga ay kumukuha ng ideya sa TOP kung papaano nila kami magagaya. Ang masaklap nga lang, nahihirapan silang gawin iyon dahil iba ang aming batas bago kami maglathala ng kwento sa aming sariling tahanan.
Mga panuntunan
- Ang iyong nobela ay dapat tapos na.
- Ang nobela ay dapat may at least 24,000 words.
- At least ten (10) chapters.
- Kwentong pag-ibig lamang ang aming tinatanggap, (sa ngayon).
- Kung matatanggap, handa ka dapat pumirma sa isang pribadong kasunduan.
Mga benepisyo
- Sasakit ang ulo mo sa mga miyembro at admins…
- Sasama ang iyong kalooban… pag ganito, ganun, etc…
- Magugutom ka at mahihirapan…
- Pero sa huli, may makukuha ka sa amin na hindi mo makukuha sa iba, pangako yan.
BABALA!
Maging handa sa anumang uri ng komento na maaari mong matanggap mula sa aming mga miyembro. Malaya kaming tumatanggap ng constructive criticisms ngunit kung pakiramdam namin ay nang-aasar o nang-ookray ng walang giya ang isang miyembro, sisiguraduhin naming may paglalagyan ang taong iyon.
Paano ako magpapasa ng istorya?
Kung nais mong magsulat ng istorya para sa TOP, sumali lamang sa aming TOP Ning Network at duon mo muna i-post ang iyong istorya. Kapag natapos na ang iyong istorya at napabilang ka na sa amin bilang isang regular author, magkakaruon ka ng sariling espasyo dito sa TOP at makukuha mo ang lahat ng pribilehiyo bilang isang TOP author!
Pwebe po ba akong magpasa kahit pa tapos?
Oo pero kung sa loob ng isang linggo at hindi mo pa tapos o nai-po-post ang iyong istorya, buburahin namin ito. Pag nangyari ito, mahihirapan kang mai-consider bilang isang TOP awtor kaya mas mainam kung tatapusin mo ang iyong istorya bago ka humiling ng kapangyarihan upang makapag-post sa aming websayt.
Gusto ko magpasa agad!
Pwes, gamitin mo ang form sa ibaba! (pasaway na bata, haha!)
nakktkot nmn poh mag pas ng nobela.. hehe ask ko lng poh kung skling nagz2han nyo ung kwnto, maghhnap pa poh vah keo ng ksunod??
Louise: don’t be di naman kami nangangagat *wink* kung sakaling nagustuhan ang kwento ng mga admins nasa iyo iyan kung gusto mong ipagpatuloy ang pagsulat para sa TOP. Bilang contributor lamang o bilang awtor na.
foo: defendi sayo.
i see.. thnkz poh.. ask q poh ul8 if wat nmn mappla q kung sakali??
foo: wala.
hi! gudpam! ang lahat ng mga manunulat niyo ay napakahusay. kahit isa pa lamang ang nababasa kong kwento ay nadadala niyo ang mga mambabasa sa mga karakter ng kwento. itatanong ko lang po kung ang lahat ng nandito na nakasulat ay nailalathala at ito bay ay mabibili sa national books store? tnx!
Wish po nmin ‘yan na sana ay matanggap sa mga bookstores ang aming mga ilalathalang kwento
Yesha: Wala po ito sa NBS
Salamat po sa suporta!
paano po hindi matatanggap e sa dami ng magagaling niyong manunulat at kung ikukumpara ito sa ilan mga pocketbook na naisulat sa naturang bilihan ay walang katulad. maging ang pagpuna o bago kayo tumanggap ng sulatin ay nerereview niyo ng maayos na pamamaraan hindi lamang upang itama ang nagsulat kundi natuto maging ang mga nais makapagsulat na nagbabasa sa kung saan nagkamli ang nagsusulat. wow! kabilib! thanks..
Yesha: Nakakalunod ang mga papuri mo
Totoong nangangarap kami na makitang ganap na libro na ang bawat naming likhang gawa at sana ay mkapasa kami sa mataas na pamantayan ng NBS
Ang TOP po ay bukas sa lahat at natutuwa kami na sa aming munting paraan ay nagagawa naming tipunin ang ating mga kababayan mula sa iba’t – ibang panig ng daigdig
Mula sa TAGALOG ONLINE POCKETBOOK, maraming – maraming salamat po!
hello po, magtatanong lang po sana ako about sa “for review”. di ba sabi dito ay kapag nasa “for review” na ang pinasa kong kwento ay ‘yon lang ang inyong ilalathala? pa’no kung may chapter 2 na?ilalathala pa ba niyo ito?
TOP: depende sa naging personal na pag-uusap ninyo ng TOP author kung mailalathala ito o hindi. may ipapasa po ba kayo?
meron po sana eh. sana magustuhan ito ng TOP. nainspire kasi ako dahil nagbabasa ako ng mga kwento niyo.
TOP: Please submit your story for review at our email address, submission@tagalogonlinepocketbook.com
thank you
thank you talaga TOP. sana matapos na yong story na ALL I NEED
[...] lahat ng mga nagpasa ng istorya, pakipasa pong muli ang inyong mga gawa dahil nagkaruon po ng server rollback sa aming email. Salamat [...]
thank you TOP for viewing my story
You made, make and will make me happy…
thank you FOO for replying..
thank you YESHA and LOUISE for being my inspiration after reading most of your stories..
thank you very much from the bottom of my heart
Yesha: Congrats and welcome to TOP family!
pwede po na ako mag pasa ng story na yung tipong wala syang nakatuluyan?
top: just pass it and we’ll see what we can do
hi. gusto ko sanang magpasa ng kuwento. marami na rin akong mga tapos na kuwento at yung una nga ay sinubukan kong ipost dito. nag hihintay pa ako ng inyong sagot. mga ilang araw po kaya bago malaman kung pumasa sa panlasa ninyo ang aking kuwento?
salamat
top: use your dashboard to quickly post your stories. we enabled it for our potential author’s convenience. thank you.
ok thank you,i’ll finish it ASAP. thanks again..
Hi..bakit po walang POST-ADD NEW sa DASHBOARD ko? Gusto ko po sana magpasa ng storya. tnx.
foo: this feature is available by request. you finally have power to post your story under ~for review section. thank you
ganoon po ba? cause of intention kc ung akin eh pero tapos na
foo: rhoanne, paki try nga po kung enabled na yung Post New feature sa dashboard mo. kung hindi, paki email na lang sa amin. sama ka rin sa eb ha. ^^
Ang gaganda poh ng mga novels dito sa TOP.keep up the good work po. By the way gusto ko po sana magpasa ng nobela ko..:)))
top: we upgraded your account to contributor. kindly post your stories to prevent account demotion in the future, ty.
ahmmm…..gusto ko po sana mag submit ng story!!!! tapos na po yung story!
yung format ba sa taas ang susundin ko or sa top ning ko po ipopost!..ahmmm….nalilito lang po!
foo: kung tapos na yung story and you think it’s good to go, submit it using the form below. kung hindi pa tapos and it needs improvement, you can freely post it sa ning.
ok!..salamat..sa ning ko nalang po ipopost!…ang posting po ba dun by chap parin kahit tapos nah?
foo: bigyan na lang kita author access sa TOP senti kung tapos na.
wow…sana pagdating ng panahon,mgkaron ako ng publishing company at pagkatapos,sa TOP ako kukua ng mga writers,
wehehehehe..sana matupad kasi ang gagaling ng mga writers dito…
more power sa TOP!!!!!!
I am having a hard time getting into the ning thing because I have a computer hardware that blocks social sites. +_+; But I will try this again soon.
foo na post ko na sa ning eh!…
hayyy!….pm mo nalang ako sa mga mistakes ko foo! go na ako jan! promise! di na ako natatakot!
Leave your response!
You must be logged in to post a comment.
Maghanap ng Istorya
Pagbotohan at Survey Natin!
Maging Fan Namin!
Kumonekta sa Google Namin!
TOPPER Ka Nga Ba?
Mga Istorya
TOP Kalendaryo
Arkiba Namin
Share Us!
Daily Clicks!
Click pets to level them up!
Pakainin si Fooxy!
"Enge aku candy!"
Makipaglaro kay Eggie!
Palakihin ang bahay natin!
Sponsor Namin
Alyansa Namin!
Sundan Kami
TOP Chatbox
Bagong Lathala
Komento Ngayon
About TOP
User Panel