HINDI pumasok kinabukasan si Avril dala ng matinding sama ng loob. Pagkatapos manghimasok ni Geisha sa pag-uusap nila ni Elton ay hindi na natupad ang pangako ng huling muli silang mag-uusap sapagkat umalis ang mga ito bago pa man dumating ang takdang oras ng pag-uwi nila.
Nakita niyang lumabas sa opisina ang dalawa habang si Geisha ay nakapulupot pa sa braso ni Elton. Hindi pa nakuntento ay binigyan pa siya ng babae ng matalim na sulyap bago tuluyang makalabas ng pinto. Sa lahat ng iyon ay nakamasid lang ang mga kasama niya lalo na si Brook at matapos ay sa kanya natuon ang atensiyon ng lahat na tila nagtatanong.
Bakit nga ay halos alam naman ng lahat na palagi silang magkasama ni Elton. Iyon nga lang, hanggang sa loob lang sila ng opisina magkasama nito at kahit minsan ay nakapagtatakang hindi siya nito inimbitang lumabas.
Napakatanga niya! Ngayon niya napagtantong isa siyang napakalaking hangal sa pag-asam na may damdamin din sa kanya si Elton. Kung talagang may puwang siya sa puso nito, hindi sapat ang mga pagkakataong magkasama sila sa trabaho. Bakit ngayon lang niya naisip na tila siya bilanggong itinatago sa apat na sulok ng opisina nito? Dapat ay alam niya iyon. Wala nga namang binabanggit ang lalaki kaya wala siyang maisusumbat dito.
Oo nga at may pagkakataong nararamdaman niyang mahalaga siya kay Elton kapag naglalambing ito at nag-aalala sa kanya pero ganoon lang iyon. Kung minsan ay tinatanong siya nito tungkol sa mga pangarap niya sa buhay at malaya naman niyang inilalahad lahat ng iyon. Maging ito ay nagkukuwento rin ng mga nais nitong mangyari. Minsan ay napag-uusapan nila ang paglagay sa tahimik pero hindi naman nangangahulugan iyon na gusto na siya ng lalaki at may plano itong totohanin siya.
Isa siyang malaking hangal sa pag-aakalang my gusto sa kanya si Elton! Sino ba siya kung ikukumpara kay Geisha? Isa lamang siyang yagit na natabi rito. Nakakahiya siya sa harap ng mga kasama niya na pagkatapos paasahin ng boss nila ay heto at naiwang talunan. Kung bakit kasi hindi niya nakontrol ang situwasyon. Nahalikan lang ay nakalimot na siya sa pangakong hindi na na siya magmamahal na muli. Kasalanan na naman niya kung bakit siya nasasaktan ngayon. Naiyak siya kasabay ng pag-ahon ng awa sa sarili..
“SORRY, Sir pero hindi ko po talaga alam kung nasaan si Avril eh,” wika ng kaibigan ni Avril matapos itong lapitan ni Elton sa cubicle nito at tanungin tungkol sa dalaga.
Napailing siya. “I wont buy that, Ms. Rebecca, imposibleng hindi mo alam kung bakit wala ngayon si Avril. Best friend ka niya, hindi ba? Didn’t she at least text you?”
“Pero talagang hindi ko po alam, Sir Ham – ilton, I mean. I texted her pero hindi po siya sumasagot.”
“It’s been two days since she left her work at kahit anong tawag ay wala tayong natatanggap dito! That would be considered AWOL!” Galit na talaga siya at naiinis na dahil bigla na lang hindi nagpakita si Avril matapos ang huli nilang pag-uusap. Marami pa siyang dapat ipaliwanag dito at marami pa talaga silang dapat pag-usapang dalawa.
“Sir, baka naman nagkaroon lang ng kaunting—”
“Hindi ka man lang ba nag-aalala na baka kung napaano na siya? Two days at wala man lang siyang contact sayo, Ms. Rebecca and still you manage to tell me na wala kang alam!” Hindi niya naiwasan ang mapasigaw habang ang mga empleyado naman ay walang nagawa kung hindi ang tumayo at makinig na lang sa kanyang mga litanya.
“Kung ang iniintindi ninyo ay ang trabaho ni Avril, nagtutulong po kami ni Cindy at—”
“Damn it! Bilang kaibigan ay hindi lang iyan ang concern mo! Paano kung hindi pala nakauwi si Avril noong gabing huli mo siyang nakita? Paano kung napahamak na pala siya?” Naihilamos na niya ang mga palad sa mukha sanhi ng matinding pag-aalala.
Gayunman ay tila hindi masyadong apektado si Brook. Nakataas pa ang mga kilay nito nang sumagot. “Sir, ganito lang kasimple yan eh, hindi siya nagrereport pero wala namang notice na may sakit siya. Kilala ko ang kaibigan kong iyan, Sir. Sobrang dedicated yan sa trabaho at kahit maysakit na madalang namang mangyari ay pumapasok pa din ‘yan.”
“What’s your point then, Rebecca?”
“Brook, sir, it’s Brook!” tila gigil na gigil na tili nito.
“Okay, Brook! Ano ba ang ibig mong sabihin?” naguguluhan niyang tanong habang nakakunot ang noo.
“Uma-absent lang ‘yan kapag may problema sa puso! Gets niyo ba ‘ko?” maarte nitong sabi.
“You mean…has she got a boyfriend already?”
“Aysus santisima! Wala siyang boyfriend, Sir! Alam mo kung bakit? Kasi daw, ‘yung lalaking mahal niya ay hindi raw marunong magsalita! Wala raw pakiramdam! In short, torpedo! Iyon ang sabi niya sa akin!”
Sukat sa narinig ay bigla na lang niyang naisipang hatakin papasok sa loob ng kanyang opisina ang kaibigan ni Avril.











hehe. nkakaaliw c brook.hehe. torpe nga nmn c ham,super.hehe
hahaha,yan kc….
ay anu ba yan
o ano “TORPEDO” ka nga sir Hammmm….:)
ahay…ayan na..
brook..brook..brook…
bow aq sau!!!!! haha!!!
makapalag… WAGAS!!!! :p
haha.. Nice 0ne rebecca
make me sad!!!
hahhaha..tama..
haha..nga nman, sasabihin lang eh..d pa masabi!
hi,.yesha..thanks…
ganun ayos lang samin mag reg. basta walang bayad…hehehehehe
u know naman nag rerent lang kami.heheh
thank you foo foo…
im new here..and i love this story..panu poh mag register dito..thanks poh…
foo: sa ngayon, no need to register. pero pag naayos po ang .com namin, baka ibalik namin ang registration for members. ang tanong… kung maayos pa yung .com namin. ahehe
wow! nkakatakot nman c sir ham.. basa uli me ha,, thanks yesh. ingat