GABI na ay wala pa ring tulog si Avril. Iniisip niya ang mga bagay na may kaugnayan kay Elton. Isang buwan ang mabilis na lumipas at sa mga panahong iyon ay wala itong alis sa tabi niya. Sabay silang kumakain ng lunch at kung oras na at hindi pa siya lumilipat sa opisina nito ay ito mismo ang kusang sumusundo sa kanya sa kanyang working station. Usap-usapan na sila sa opisina pero wala namang naglalakas-loob na magtanong liban sa kaibigang si Brook.
Naiinis ito sa tuwing sasabihin niyang hindi pa nagtatapat ang binata sa kung ano talaga ang pakay sa kanya nito. Para saan daw ang lunch at paghatid-hatid nito sa kanya kung wala naman pala silang unawaan. Hindi na lamang niya pinapatulan ang kaibigan pero sa kaibuturan ng puso niya ay batid niyang nagtatanong na rin siya. Palaisipan na rin sa kanya kung ano nga ba silang dalawa. Importante ba siya rito? Pareho kaya sila ng damdamin nito?
Napahugot siya ng isang malalim na paghinga. Umiibig siya kay Elton. Hindi na niya kaya pang hawakan ang sariling damdamin. Ang probema ay wala namang sinasabi sa kanya ang lalaki tungkol sa bagay na iyon. Gaya pa rin ng dati ay nagkakaroon pa rin sila ng pagkakataong magkasarilinan nito pero hindi naman sila lumalampas sa takdang limitasyon nito.
Hindi man gusto ay unti-unti na siyang nakadarama ng takot sa dibdib. Takot na anumang sandali ay iiwan siya ni Elton upang ipagpalit sa ibang babae. Napangiti siya ng mapait. Hibang siya sa pag-iisip na may katugon ang damdamin niya para dito! Hindi tamang umasa siya sa walang katiyakang relasyon na maibibigay ni Elton. Takot na siyang muling masaktan kaya mabuti na ring hindi na siya umasa pa.
“It’s been three weeks at nababagalan na ako sa itinatakbo ng proseso,” ani Elton.
Marahil ay iyon ang dahilan ng pananahimik nito. Naroon siya sa opisina ng lalaki nang araw na iyon upang kumustahin ang imbestigasyon at iyon nga ang malungkot na naging tugon ng lalaki.
“Kung may maitutulong ako ay sabihin mo lang. Handa akong gawin ang lahat para malutas ang bagay na iyan,” sagot niya.
Ngumiti si Elton at bumaha ang tuwa sa puso niya sa simpleng ngiting iyon. Kasabay niyon ay ang takot.
Tumayo si Elton at masuyong inabot ang kanyang kamay. Iginiya siya nitong maupo sa pinakamalapit na couch. “A penny for your thought, Ms. Loriaga?” Tila ito batang nanunukso habang ang mga mapupungay na mata ay nakangiti sa kanyang tila nanghahalina.
“What do you mean?”
“May gumugulo ba sa sweetie ko?” malambing na sabi nito sabay hagod sa kanyang pisngi. Sa ganoong magkatabing posisyon nila sa couch ay halos hindi na niya mapigil ang matinding kaba. Ilang beses na rin siyang nahagkan nito pero sa tuwina ay naroon ang pananabik at pag-asam. Habang tumatagal ay tila ito bisyong hindi na niya kaya pang alisin sa kanyang sistema. At natatakot siya sa maaaring idulot niyon.
“Bukod sa bagay na iyan ay wala na akong ibang iniisip pa, Elton. Ang nais ko lang ay masolusyunan na iyan at magbayad ang mga taong may malaking pananagutan sa thirty-five percent sales na nawala sa atin sa loob ng kalahating taon.”
“Are you sure? Don’t you have anything to tell me?” He kissed her cheek but she winced.
“Ano ba, baka may pumasok na empleyado at makita tayo dito,” kunwa’y tanggi niya.
“Ano naman? Matagal na natin itong ginagawa ‘di ba? I don’t care about them.” He started to give her neck light kisses that almost melted her knees. Good thing she was seated.
“Iyon na nga eh…matagal na nating ginagawa kaya puwede na nating itigil!” Hindi niya alam kung saan niya nahugot ang mga salitang binitawan niya. Marahil ay dahil sa kabiguang hanggang sa mga sandaling iyon ay walang sinasabing patungkol sa kanilang relasyon ang lalaki. O may relasyon nga ba sila?
BAHAGYANG natigilan si Elton sa narinig. Tinitigan nito si Avril at pilit na inaarok ang damdamin nito. Tahimik lang pero nakamasid din sa kanya ang babae. Hindi niya matukoy pero sa mga mata ay may hinanakit ito. Natatakot naman siyang magtanong dahil mula sa mga nakalap niyang impormasyon buhat sa ilang mga taong mapagkakatiwalaan sa opisina ay may ilang pagkakataon na ring nasaktan ang dalaga.
Laking tuwa niya na sa kabila ng mga kabiguang naranasan nito ay nararamdaman pa rin niyang may pagtingin sa kanya si Avril. Ayon sa impormasyon, hindi na raw ito nag-e-entertain ng suitors ilang taon na ang nakararaan mula nang mabigo sa huling pag-ibig. Kung gayon ay umiibig marahil sa kanya si Avril. Unti-unti nga lamang niyang isasagawa ang naiisip na plano upang hindi matakot ang dalaga at maisipang layuan siya. Pero ngayon, may munting kaba siya sa dibdib sa binitiwang salita ni Avril. What was she up to?
“Any problem, Sweetie?” He was waiting for her reply as if forever when the door opened. Paglingon niya ay naroon si Geisha, ang babaeng noon pa man ay pilit na niyang iniiwasan. Nakita niya ang pagkabigla sa mga mata ni Avril at biglang lingon sa kanya na tila humihingi ng paliwanag. Bigla ay hindi naman niya mahagilap ang sasabihin.
“ANO ang ibig sabihin nito?” Nakapameywang pa man din si Geisha habang ang kilay na nakaguhit ay prominenteng nakataas.
“Geisha, huwag kang mag-eskandalo rito.” Malumanay ang tinig ni Elton pero sa likod niyon ay ang pakiusap ng lalaki.
Lumapit si Geisha at tumayo sa mismong harapan niya. “What is your employee doing here? Mukha yatang may mahalagang bagay kayong pinag-uusapan na hindi na kinaya ng working table mo at narito pa kayong magkatabi sa couch mo!”
“Please Geisha, leave Avril out of this!” Biglang namula ang mukha nito dala marahil ng matinding inis. Pagkuwa’y bumaling sa kanya. “Let’s just talk later, Avril…I’m sorry.”
Ilang saglit niyang tinitigan sa mga mata si Elton. Sana, sa mga tinging iyon ay maunawaan nito ang nadarama niya. Pero marahil ay talagang wala namang ibang damdamin para sa kanya ang lalaki dahil basta na lamang siya nito pinalabas nang dumating si Geisha. Sino nga ba naman siya kompara dito?
Lumakad na siya palayo dalawa pero bago iyon ay iniwanan muna niya ng isang makahulugang sulyap si Elton. Hindi naman makatingin sa kanya ng tuwid ang lalaki at sa wari ay nasukol sa isang alanganing situwasyon. Lumabas siya ng silid baon ang hindi masukat na sakit ng loob at pagdaramdam.











bt kc ayaw u pa sabihin ham.hehe. nagugutom tuloy aq,nem plan pgkain na.hehe
ang blis nmn mtpos ng bwat chapter…
may kontrabidaa
ay naku, Ham,sarap mong papakin…yummy
grr!!! the other girl is pissing meoff!!
bakit kasi may mga lalaking ganun..
hay naku naman talaga..
mahirap pa rin un ganun….
un di sinasabi f ano kb tlaga,,
hay’z parang m.u. lang cla!
sket…huhu
alam q kc un feelin nun gnun,,
aasa ka kc ramdam moh nman me aasahan ka tlaga pero d nman sinasabi..
anlabo tlaga…to hell the torpe! whahaha
hi! wawa naman si Avril takot amin kay ham na may gusto sya d2
haaay.. hirap talaga pag ganun.. =(
ang sakeett.. may naalala tuloy ako.. huhu..
haaay.. anu ka ba Ham? Don’t entertain suitors kung d mo naman xa gusto lalo na kung may gusto ka ng iba.. DI BA????? (tamaan ka sana! hmpf!)
haay.. go Avril! cheer ka nmen..^^
ok lang maganda naman kasi mga stories at nakakakilig pa…hehehhe…ang galing mo…..
Jejeje…Msarap tlga ma-inlove! Salamat sa pgbbasa mo
yesha
ahay..kawawa naman..ang hirap talaga pag nainlove.
BABYROCK,
PUYAT K N JEJEJE…
YESHA
hi! yesh, namiss ko to.. thanks. basa mode muna me sa next chapter. thanks. ingat