“ANO ang ibig sabihin nito?”
Matigas at galit ang tono ni Sir Elton na bumungad kay Avril kinabukasan. Nagulat pa siya nang mula sa likuran ay bigla na lamang nitong ibinagsak sa kanyang working table ang nakilala niyang letter of resignation na ipinatong niya sa table nito bago ito dumating kanina. Nagulat man ay hindi siya nagpahalata. “Sulat?” painosenteng sagot niya, pretending unaware of what he was trying to insinuate. Gayunman ay hindi niya maiwasan ang pamulahan ng mukha.
“Alam kong sulat pero ano ang ginagawa nito sa mesa ko?!” hindi maitago ang galit na tanong nito.
“Alangan namang namamahinga? Basahin mo kaya, Sir?” Binigyan pa niya ng diin ang salitang ‘Sir.’
“Try me, Avril and I’ll kiss you right here in this very minute!” bulong nito na nagpakilabot sa kanya. Of course, sagap na sagap iyon ng kaibigang nakasahod ang mga tainga sa katabing cubicle.
“I told you I would bring my letter to your table yesterday but I guess you were not able to come back since the time you went out with your girl!”
Hamilton grinned. Napahiya siya sa ibig ipakahulugan ng ngiting iyon. Iniisip ba nitong nagseselos siya?
“Hindi ba at nagkaintindihan na tayo? Sinabi ko naman sa’yo na wala akong iniisip na hindi maganda laban sa’yo.”
“Only you would know…” Inirapan niya muna ito bago tinalikuran.
“DAMN it, Avril! That’s unfair!” Hindi napigilan ni Elton ang mapamura sa nadaramang inis. Heto at nasa harap niya ang tauhan ng kaibigan na sa lahat yata ng nahawakan niya ay pinakamatigas na ang ulo. But this woman was the same woman who had been giving him restless and sleepless nights! Ano ang laban niya doon?
Marahan siyang napailing. He didn’t waste time and immediately snatched her hand and led her to his office to everyone’s surprise. He shut the door as soon as they turned their back, and pulled her against him. Akala niya ay magwawala ito pero nauna pa itong humalik sa kanya, bagay na ikinagulat man ay nagustuhan pa rin niya.
He almost gasped for air when the kiss deepened. He explored and tasted the sweetness of her mouth. Ang mga kamay ay pinanatili niyang nakayapos sa dalaga sa pag-aakalang ayaw nitong lumampas sila sa ganoong tagpo. Iyon marahil ang dahilan ng pagwawala nito ng nagdaang araw. Baka kasi ayaw nito nang masyadong mabilis.
Subalit saglit pa ay nasorpresa na naman siya sa ginawa ng dalaga. Kumalas ito sa kanya at panlakihan siya ng mga mata sabay hawak sa kanyang mga kamay upang igiya iyon patungo sa destinasyong kanina pa niya gustong tahakin. Napasinghap siya sa ginawa nito at sa isang banda ay halos mapugto ang kanyang hininga sa matinding pananabik. He held her hand and let her feel his crotch. Nangatal ang katawan ni Avril dahil doon kaya’t madali niya itong niyakap. He showered kisses on her face and neck and then, he stopped.
“Please don’t…” bulong ni Avril na nagdagdag sa kanyang pananabik.
“Please don’t do this to me, Avril.” He sucked a little of her neck. She violently gasped.
Hindi niya alam ang gagawin kaya minabuti niyang ikulong na lang muli sa mga bisig ang dalaga. They stood up hugging for a few minutes while he was once in a while giving light kisses to her forehead and cheeks. Avril silently closed her eyes while accepting his wet kisses. It was a spur of the moment thing to both of them and before losing their control, he led her to sit with him to the nearest couch.
Naramdaman niya ang tangka nitong iiwas ang kamay nang makaupo na sila kaya hinigpitan niya ang hawak dito. Hindi niya alam kung anong klaseng gayuma mayroon ang babaeng ito at nahipnotismo siya nang ganoon.
“Please stay, sweetheart. I’d love you to stay.” He begged and kissed her hand afterwards. Tiningnan siya nito sa mga mata.
“Paano ko magagawang alisin sa isip ko na posibleng pinagdududahan mo ako sa mga pangyayaring ito, Sir Elton?”
“Elton, sweetie…Elton to you…”
NAPANGITI si Avril sa sinabi ni ng lalaking kayakap. Now she had to call him by his name simply because they had already kissed, touched and almost did ‘it’ for two times!
“Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin sa mga pangyayaring ito,” aniyang napapayuko at hindi alam ang gagawin.
“I’ll handle everything, Sweetheart. Just please trust me at kung maari ay wala ka munang pagsasabihan nito upang hindi makaapekto sa imbestigasyon.”
“Natatakot ako…”
“Naiintindihan ko. Ako man ay natatakot na malaman kung sino ang nasa likod ng kalokohang ito and worse, baka isa pa sa mga kaibigan mo ang sangkot dito.”
“Si Brook…have you…have you—”
“Yes, Sweet. I’m sorry, pero dito, tayong dalawa lang ang hindi suspect. Hindi ko maiiwasang hindi siya makasali sa imbestigasyon.”
“You’re very sure with yourself but how about me? Ako ang gumagawa ng report, baka nakakalimutan mo, Elton. Wala ka bang pagdududa sa akin?” Bigla ay sumakit ang loob niya.
NARAMDAMAN ni Elton na bahagyang nabasag ang tinig ni Avril. Hinaplos niya ang kamay nito at ipinaloob sa kanyang mga palad. Lord, he was very helpless. In his heart, he knew she was just trying to be strong.
“Oo, alam ko, pero nagtitiwala ako sa nadarama ko. Alam kong wala kang kinalaman sa mga pangyayaring ito kaya hindi ka kasama sa mga dapat imbestigahan sa kaso,” aniya.
“How sure are you?” Ang tinig ng dalaga ay puno pa rin ng alinlangan. As if waiting for something that he couldn’t figure out. He sighed and looked at her eyes, hoping that she would get what he felt with her. Na hindi na kailangan pa ng anumang salita dahil sa mga kilos ay ipinadarama naman niya iyon. But aside from insecurity and uncertainty, her eyes were blank.
“THIS sure.” Hawak ang kanyang kamay ay itinapat ni Elton ang kanilang magkasalikop na palad sa dibdib nito. Natigilan siy Avril. Umasam na isusunod na ng lalaki ang pag-amin sa nararamdaman nito. Umaasa siyang maririnig na rin sa wakas ang pinakamimithing salitang ibig niyang mairinig buhat dito. Pero nanatili itong hawak ang kanyang kamay habang ipinadarama sa kanya ang bilis ng pintig ng puso nito. Wala itong sinabi ni gaputok hinggil sa ibig niyang marinig.
Ibig niyang maiyak. Nasasaktan siyang isiping nahahabag lang si Elton sa sinapit niya. O marahil nga ay pinagtatawanan pa siya nito dahil sa mga nangyayari. Ang isiping siya ang gumagawa ng report at sa huli ay maaaring buweltahan ng krimen ay isang nakapangingilabot na alalahanin sa kanya. Siguro nga ay ganoon lang. Marahil ay awa lang ang tanging damdamin ng lalaki sa kanya. Kung hindi ay bakit hindi nito magawang magsalita? Hindi nito magawang isatinig man lang kung may damdamin man itong laan sa kanya?
That was the truth. He couldn’t speak because there was nothing to speak of. At hibang siya dahil umaasa siyang may katugon ang damdamin niya para dito. Foolish of her. Umantak sa sakit ang dibdib niya sa isiping iyon.











ganda.ang bilis ng pangyayari s kanila,nkakakilig.hehe
hehe nkakatuwa cla, kinilig ako s story
cute,
who is the culprit?
ano to? LOVESTRUCK SILANG DALAWA…hehehe kakakilig naman lalo na sa part na dinala sya sa office ni Hamilton.
ang bilis ng mga pangyayari…

i held my breath whe i was reading the part where sir ham and avril shared a very passionate scene.. hahahah!!! parang the fast and the furious lang sa pkiramdam..
- miss yesha..
i love the way you put words sa mga pocketbook na gnagawa nio..
bukod kay martha cecillia, isa na rin po kau sa paborito q..
eEEiikkK…
KiLiG to thE bOnes!
i agree if iwere her i will resign!!!
love at 1st sight talaga sila..hehehe..
ang ganda nito..
direct to the point..
nalabuan aq d2..bilis nman! un na agad?
mygodness???prang ipo-ipo
whoa. ’twas a little bit fast! /omgosh did he just do it?
whoa avril so fast
nakakakileegg… wahaha..
grabe.. parang ang bilis nila.. haha..
mag-confess ka na fafa ham!!! hehe..
ganda tlaga.. mag-apply ka na sa PHR ate!! ^^
super ganda talaga
BABYROCK,
PUYAT K N JEJEJE…
YESHA
di na ako natutulog dito sa kuwait sa pag-babasa…..kaso bitin talaga….hehehehe….bravo…mahuhusay at talented ang pinoy…..pero kailan po yung kasunod
….tnx.
thanks yesh, na miss ko kyo.. musta vacation? ingat.. mwahh
ksksbitin haaayyyy… ganda ng kwento… keep it up!
nasaan ang karugtong na chapter??
wheh…. that was awesome.. kailan kaya ang kasunod nakakabitin tlaga
whoa,, love at first cguro c sir hAm kai avirl,, kilig 2 d max tlaga to o!!! love it!!!! ^^
ang gnda tlga!
kkilig….hehehehe
kya lng bitin….hehehehe
more power to you poh!
pti n rin s iba png mga writers….
nice nman… but so ikli poh…….. kept it up….. cant wait for the next chapter,,,,,, God speed poh… Happy New Year TOP…………..
ang bilis naman..
hehe
Yesha: ikli lng po kasi itong SIR HAM, 8000 words lng more or less at 1/3 lng ng 24000 words ng ibang stories. Para po kasi sana sa PSICOM ito, kaso dito ko na napasa jejeje. Thankies!