KANINA pa tulala sa harap ng computer si Avril pero hindi pa rin siya nakakabuo kahit isang marketing idea na makatutulong sa launching ng pinakabagong facial product ng Caress Inc. Nakatitig lang siya sa computer habang bumabalik sa kanyang alaala ang namagitang usapan sa kanila ni Sir Elton kanina. Pilit niyang pinipiga sa isip kung sino ang mga posibleng tao sa kompanya ang naglakas-loob gumawa ng ganoong klaseng kataksilan sa kanila.
Hindi biro ang halaga ng mga resources nila para sa paggawa ng mga de-kaledad na cosmetics. Kaya pala sa mga nagdaang mga buwan ay nakapagtatakang ang mga bentaheng ideyang naiisip niya sa promosyon ng kanilang mga produkto ay nahahawig sa mga ideya ng kanilang kalabang kompanya. Iyon pala ang dahilan. Leakage. Sila ang walang tulog sa pag-iisip para sa ikauunlad ng Caress Inc. pero iba ang nakikinabang!
Bigla ang pag-igkas ng kanyang kamao sa keyboard na ikinagulantang ng lahat ng nasa paligid. Lahat ay napatingin sa kanya sa paraang nagtatanong. Pinigil niya ang sariling magsabi ng nalalaman sa mga kasama. Kung gayon ay hindi pala tagumpay ang Unity Policy nila. All the while ay may nagtataksil pala sa kanila at ang masaklap ay hindi nila kilala ang mga taong iyon!
“Nakita mo ba ‘yung babaeng dumaan dito kanina?” Si Brook. Gawi na nito ang dumukwang sa divider ng cubicles nila sa tuwing may sasabihin ito.
“Sino?” Hindi man lang niya ito pinag-aksayahan ng panahon na lingunin. Ang diyaske niyang kaibigan ay hindi man lang maramdaman ang topak niya! Patuloy pa rin ito sa pagkukuwento kahit sambakol na ang mukha niya dala ng inis.
“Yung babaeng naka-pleated skirt na dumaan dito kanina! Omigosh, Avrilata, sa harap mo siya galing dahil ikaw ang nasa gilid ‘no!”
“O ngayon?” Hindi pa rin niya makuha ang ibig sabihin nito.
“Syota ni Sir Ham ‘yun, gaga! Maganda siya, exotic beauty pero mas maganda ka, sistah!”
“Why the comparison?” kunwa ay nalilitong tanong niya upang pagtakpan ang bahagyang kirot na unti-unti na niyang nadarama. Nang nagdaang araw lang ay kaulayaw pa niya ang guwapong si Sir Elton pero ngayon ay nasa opisina nito ang babaeng posibleng tunay na nagmamay-ari sa puso nito!
“Why the comparison ka pa diyan! If I know, nagkulong kayo ni Sir Ham sa opisina niya kahapon! Umamin ka, Avrilata, umamin ka!” akusa ni Brook habang nandidilat ang mga mata.
“Ano ba ang aaminin ko? Liitan mo nga ang awang ng bibig mo at baka pasukan ko ng mouse iyan!” Muli siyang tumingin sa monitor at ipinagpatuloy ang pagta-type. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka mahalata siya ni Brook. Malakas pa naman ang pakiramdam ng kaibigan niyang ito.
“Hindi pa rin ako naniniwala sa’yo, Avril. May nakakita sa inyo kaya huwag ka nang magkaila!”
Lumipad ang tingin niyang bigla sa kaibigan. Kinabahan siya nang husto sa mga sinasabi nito. May nakakita ba sa kanila ng boss niya? “M-may…may nakakita sa amin? H-hindi namin iyon sinasadya, Brook! Walang may gusto sa nangyari! Nabigla lang kami pero hindi naman iyon natuloy…” kandautal na paliwanag niya.
Nabigla siya nang tumawa nang malakas si Brook. Doon niya napagtantong hinuhuli lang pala siya nito. Sino ba ang makakakita sa kanila sa loob ng opisina ng lalaki? Kinuha niya ang throw pillow at inihampas dito. Tawa pa rin ito nang tawa nang bigla nilang narinig ang pagsarado ng pintuan ng opisina ni Sir Ham.
Nang lumingon ay nakita nilang papalabas ito kaagapay ng isang babaeng may katangkaran at seksing manamit. Ang babae naman ay eleganteng-elegante sa suot nitong tube top na pula at itim na pleated skirt na halos isang dangkal ang layo sa tuhod. Halos singtakad na ito ni Elton dahil sa suot nitong mataas na sapatos. Nang mapadaan ay tumingin sa kanila ni Brook ang lalaki partikular sa kanya na iningusan naman niya nang palihim. Madapa sana ito kasama ng babaeng may two-inch pumps!
Inis na inis talaga siya! Muli lang niyang naalala ang kapangahasan nito sa kanya ng nagdaang araw. But come to think of it, kapangahasan nga bang talagang masasabi iyon? Hindi ba at maging siya ay nagustuhan rin naman ang mga namagitan sa kanila?
‘Umamin ka, Avril. Nagustuhan mo rin iyon!’
Napailing siya sa sarili. Naiinis siya sa mga bagay na naiisip niya. Sa bagay, iyon naman ang totoo. Hindi lang niya maamin pero nanghinayang siya nang husto sa kinahinatnan ng pangyayaring iyon.
“Hi, Avril!”
Nagulat pa siya nang pagdaan ay binati siya nito sabay kindat nang pilyo sa kanya. Namula ang kanyang mukha sa matinding pagkapahiya sa harap ng kaibigan at ng babaeng kasama nito.
‘The nerve!’
Umiikot ang mga mata ni Brook nang tingnan niya. Madali niya itong pinukol ng pen holder paglampas ng dalawa.











hehe nahuli s sariling bibig c avril.hehe .
ayiiee…
ayyyyyyyyyyyyyyy kaluka
overheat si Avril kay Ham … waaaa
Yesha, thanks for uploading chapters 5 – 9 and reposting chapter 2. it was really very kind of you:))
go girl!!!
entertaining!!!
it’s entertaining & great story!!
hahahaha..kakatawa naman to..
hehe,nakakatuwa cla
ang ganda! nakakaliban
g tlga 2
haaay.. ang ganda talaga nito..
sana mas mahaba yung mga chapters..^^
nakakatwa talaga si Brook.. wahaha.. para xang bakla.. girl ba xa? hehe..^^
hahay..ang galing naman..i like brook…
love it! dalawa plng na story ni ms.yesha pro tuwang-tuwa na ko… grabe,ka-adik huh?!
VUNE,
Thanks sayo. Hindi ko sure kasi parang nkakatakot n ang level ng PHR lolzzz…Pero isa sa mga plans ko yan dear
Yesha
galing mo tagala miss ayesha…. lalo gumaganda mga gawa ung story…bakit di u subukan na mag apply sa PHR TUTAL galing u namn magsulat .. im sure makukuha u dun…. thank you tagala miss ayesha,,,,,
thanks yesah, nabasa kna rin. ehehhe.. namiss ko c sir ham eh.. ganda talga..a ingat
hehehe… funny story
whahahahahahaha.. nice poh talaga,,,, kept it up ate yesha