“ANO ang sinabi sa’yo ni Sir Ham? Inaway ka ba? Sinabon nang walang banlawan, sister? Come on, tell me! I’m sure, kinagalitan ka niya ‘no?” Bibig ng kaibigan ang sumalubong kay Avril pagbalik ng cubicle.
“Hay naku, wala naman siyang panama sa beauty ko, Rebecca.” Tila walang kainte-interes na sabi niya. Hindi niya maaring ipahalata sa kaibigan ang damdamin niya patungkol kay Mr.Villaceran dahil wala rin naman siyang balak ipagpatuloy iyon. Bahagya pa nga siyang naiinis sa sarili dahil pakiramdam niya ay tila siya isang teenager na nagkaroon ng bagong crush.
“I told you not to call me that yucky name, my gosh!” maarteng sagot ni Brook habang iwinawasiwas ang kamay nito kasabay ng pagsasalita.
“Only if you won’t ask me about Sir Elton. Elton daw siya, hindi Ham, praning ka!”
“Urgh…Whatever! He still is a ham to me…” Nangarap na naman ito habang nagsasalitang tila wala namang partikular na kausap. Umiikot pa ang mga mata nito na animo’y talagang nagpapantasya.
“Oo na, sagutin mo na yang mga emails mo at panay pop na ng mga yan,” sabay turo niya sa computer nito. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang tumalima naman ito.
“PSSTT! Ms. Avril, tawag ka ni Sir Elton!” It was Jeff, one of her colleagues.
“Me? Why daw?” Naituro pa niya ang sarili na anyong nagtataka sa sinabi nito. Nang tumango ang kasama ay napatayo na siya. Naroroon na naman ang matinding kaba sa dibdib habang palapit sa opisina ni Sir Elton.
Sa loob ng silid ay naroon ito at matamang nakayuko sa isang bungkos ng papel. Nang lumapit siya ay hindi na niya kailangang hulaan kung ano ang pakay nito sa kanya ‘pagkat nakita na niyang report niya ang hawak nito sa mga oras na iyon. Maybe he was doing some scrutiny regarding her work. Pigil ang hiningang naupo siya sa upuang nasa harap ng table nito habang hindi man lang siya nililingon ng lalaki.
Ilang sandali rin ang lumipas bago ito tumuwid ng upo sa swivel chair at tumitig nang diretso sa kanya. Bahagya siyang kinabahan nang mapansin ang kaseryosohan ng titig nito. Kahit bahagyang ngiti ay hindi niya mabanaag sa mata ng lalaki.
“Were you the one who prepared this report, Ms. Loriaga?”
“Why, did I fail to write my name under—”
“It’s a simple question and you shouldn’t be sarcastic! I’m asking you!” He gritted his teeth.
Tumaas nang bahagya ang kilay niya sa narinig na tono ng boses nito. Akala mo’y kung sino na namang hari ng kalupaan kung makapagsalita ito sa kanya!
“I was just wondering you still have to ask when I am definitely sure I had my signature on that report.”
Sa pagkakataong iyon ay bahagya namang tumaas ang sulok ng labi ni Elton. Amusement flooded in his face. “Do you usually treat my friend Sigmund that way?”
Avril was stunned. She couldn’t think of any single moment she or even anyone from Caress have ever treated Boss Sigmund the way she did to Sir Elton. Hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit niya nagagawang sagutin nang ganoon ang lalaki.
“I’m sorry, Sir…”
“It’s been only three days of my stay here at Caress but you already have said sorry for so many times. I was just asking kung ikaw ang gumawa ng report na ito. Ikaw ba?”
“Ano po ba ang problema sa report at—”
“Ikaw ba?!”
Napatigil siya nang marinig ang matas na tinig ng lalaki.
“Opo, ako nga. Please don’t beat around the bush, ano ba ang problema ng report ko?”
NATAHIMIK si Hamilton sa simpleng tanong na iyon. Nagdadalawang-isip kung sasabihin pa kay Avril ang natuklasan niyang pagkakamali sa mga reports nito. Pero sa huli ay nagpasya na rin siyang sabihin dito ang lahat. Karapatan nitong malaman iyon.
“Sa paggawa ng ganitong kaselang report, sa lahat ng oras ay dapat kang maging maingat, Avril. We should have zero mistake for this kind of report.”
“Sir Ham, hindi ko makuha ang ibig mong sabihin.”
Ibig niyang mapangiti sa pangalang itinawag sa kanya ni Avril pero napagpasyahan niyang umakto na lang na kunwa’y hindi iyon napuna. Mukhang hindi rin naman iyon pansin ni Avril.
“Ang ibig kong sabihin, sa paggawa ng ganitong report ay kailangang hands on ka din sa mga bagay o mga taong may kinalaman sa report mo.”
“But of course, I’ve been doing that practice ever since I’m a newbie here, Sir.”
“Really? Well, I guess, you’ve been just too lax at this point.”
“Sir?”
He didn’t utter any word for a few seconds but he was mesmerized by the way Avril was sitting there in front of his table and part of her face was slightly covered by several strands of her black hair.
“Any problem, Sir? Can you please do me a favor?”
He looked at her.
“Tell it straight to my face. Wha’ts wrong with my report?” she seriously asked.
He heaved a sigh then looked intently at her. “There were people stabbing you at the back, Avril. Tell me how could you stand that?”
NANLAKI ang mga mata ni Avril sa narinig. Nang magpatuloy ito ay lalo na siyang nagulat.
“You mean, may naglalabas ng mga supplies natin?”
“Kung sana ay ganoon lang, Avril but this one is very serious since these people have been bringing the cargos to our competitor companies. Ito marahil ang dahilan kung bakit nakukuha nila nang walang kahirap-hirap ang kalidad ng mga cosmetics natin.”
Natulala siya sa mga narinig. Hindi matanggap ng isip niya ang sinasabi nito. Limang taon na siyang nagtatrabaho sa departmentong iyon at bagaman pinagsama ang Marketing at Sales Department, nagagawa nila nang maayos ang mga trabaho nila.
They had even opted to exchanging ideas if only for the benefit of the company. Iyon ang polisiya ng kompanya nila. Hindi at nasa Marketing ka ay iyon lang ang concern ng isa. Senyales iyon ng pagpapahalaga sa pagkakaisa ayon na rin sa presidente ng Caress Inc. At siya bilang isa sa mga pioneer employees ng kompanya ay nagsilbing tagagawa ng sales at production reports ng Caress. Mula noon ay wala siyang problema…ngayon pa lang…
“Sigurado ba kayo sa mga paratang ninyo, Sir?”
“Hindi ako nagbibintang, Avril. It’s a fact na posibleng hindi ko rin nakita kung hindi sa mabusising pag-aaral ko sa report mo. I mean, why would I do that? Kung ganoon lang, disin sana’y isinama na rin kita sa paghihinalaan ko.”
“At bakit naman isasama mo ako? I was never raised a theft! Mahal ko ang trabaho ko maging ang kompanyang ito!” Umalsa ang boses niya sa matinding inis.
Bahagyang nagulat si Elton sa marahas niyang pagtayo. Galit na hinarap niya ito.
“Exactly my point, Avril. Relax, hindi tayo ang magkaaway rito. Kailangang gawan natin na aksiyon ang mga bagay na ito dahil kung hindi ay magugulat na lang tayong bagsak na pala ang Caress Inc.”
Napahugot siya ng malalim na hininga. Hindi magawang tanggapin ng pride niya ang sinasabi nito. Sino ba ito sa akala nito? Kadarating pa lamang nito at sisirain na agad ang magandang samahan nila sa kompanyang iyon? Hindi maaari.
“Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Kung totoo ang mga ‘yan, ngayong hapon din ay magre-resign ako sa trabaho,” bigla ay lumabas sa bibig niya. Iyon lamang at nagmamadali na siyang tumalikod pero hindi pa man nakalalayo ay narinig na niya ang mariing pagtawag ng lalaki sa kanyang pangalan. Hindi siya lumingon pero nabitin sa ere ang sana’y pagpihit niya sa doorknob.
Nanatili siyang nakatayo sa harap ng nakapinid na pinto habang ang isip ay magulung-magulo sa takbo ng pangyayari. Nagulat na lamang siya nang may brasong humawak sa kanya at sa isang iglap ay naiikot siya nito patalikod sa pinto. Ilang sandali lang at namangha pa siya nang matagpuan ang sariling nakapaloob sa matitipunong braso ni Sir Elton.
“It’s okay, sweetheart. I’ll take care of everything,” she heard him whispered against her ears.
She shivered. Nanigas ang kanyang katawan sa iba’t-ibang klaseng emosyong naramdaman pero ang higit na nangingibabaw ay ang panggigilalas sa mga brasong nakapulupot sa kanyang katawan at sa mga salitang naririnig niyang binibitawan ng lalaki.
She simply gave herself the benefit of the doubt when she clung unto his shoulder. Naturally, this kind of situation would make her vulnerable. Nasaktan siya sa nalaman at kailangan niya ng masasandalan sa mga panahong iyon. Ipinikit niya ang mga mata at sa isip ay hinintay ang mga susunod na pangyayari.
SI Elton naman sa isang banda ay hindi rin maunawaan ang sarili. Hindi niya matukoy kung ano meron ang babaeng nasa kanyang bisig upang naisin niyang protektahan ito ng ganoon na lamang. May isang bahagi ng kanyang pagkatao ang nasaktan nang makita ang disappointment at pag-aalinlangan sa mga mata ni Avril dahil sa isinawalat niya. Hindi niya mapigil, lubha siyang nag-aalala para rito.
Surely, he wouldn’t doubt her. Kahit pa ibulong ng isip niyang hindi niya dapat balewalain ang posibleng partisipasyon ni Avril sa natuklasang pagnanakaw na iyon ay gasino na lamang iyon sa isinisigaw ng puso niya. Hindi niya alam kung bakit pero dama niya sa puso niyang inosente si Avril at biktima rin ito sa mga pangyayari.
Nang naramdaman niya ang bahagyang pagkalas ng babae ay higit pa niyang hinigpitan ang yapos dito at nang tingalain siya nito upang magtanong ay lalo nang naging mabuway ang dikta ng isip niya. Unti-unti ay bumaba ang kanyang mga labi sa bahagyang nakaawang na labi ng dalaga. Hindi niya inaasahan ang pagtugon nito pero lubhang hindi niya mapigilan ang nararamdaman.
They shared for a passionate kiss nobody could say they hardly knew each other. He was kissing her and passionately caressing her back, pulling her closer. His hands moved from caressing her back way up to her shoulders and neck. He was stunned for a moment when he felt her hands seeking ways for entrance in his three-piece office suit. Avril sensed his tension when he swallowed an imaginary lump for several times.
Avril, on the other hand kissed him back with equal hunger and intensity. Her hands wrapped around the nape of Elton. In her mind, she now knew that Elton was indeed a tempting Ham in history and she couldn’t wait to tell Brook about it!
MABILIS ang mga pangyayari. Bigla ay naramdaman na lang ni Avril na sumayad ang kanyang likod sa pinto kasunod ang katawan ni Sir Ham! Bumubulong ang kanyang isip pero mas matindi ang paghahangad ng kanyang puso at katawan. To hell with the consequences! Saka na niya iisipin iyon.
Naramdaman niyang saglit na huminto ang lalaki sa paghalik sa kanya pero hindi pa rin ito bumibitiw sa mahikang nalikha nila kaya naman hindi man lang siya nagtangkang idilat ang kanyang mga mata. Paanong nagagawa ng lalaking ito na hagkan siya habang posibleng siya ang pangunahing nasa likod ng pagtataksil sa kompanya?
Sukat sa naisip ay bigla siyang bumalik sa katinuan. Nabigla pa si Elton nang marahas niya itong itulak at ang pagkagulat ay nakabadha sa mukha nito.
“Ang kapal ng mukha mong hagkan ako pagkatapos mo akong pagbintangan ng kung anu-ano!”
“What the heck! I didn’t say you—”
“You, asshole! You will receive my resignation in your table before I leave this afternoon! Rest assured, Mr. Villaceran!” Iyon lang at iniwan niyang manghang-mangha sa matinding pagkagulat si Sir Ham.











nkakainis c avril,
hahaha,gnda nya tlga…
ay Avril………… lagot ka
Ang ganda nman ng stories na to.i really like it.hahahaha.
the feeling is mutual sa dalawa
sana ma catch kung sino ang nagnanakaw para malinis ang name ni Avril (uneasy ka talaga pag merong taong doubtful sa yo kahit na sabihing di ka naman kasali)
next chapter ulit
hahaha btin naman ate next na agad…
dpat di na natauhan si Avril ! hahaha!!!
ang kulit…
hahaha…this is realLy funy…i can’t keep my mouth shut…i’m here now reading at sChool iNternet Laboratory…ahahah
it’s really is funny:)
haha…anu yun…kakatawa nman…
haha. biglang nagng away e nuh? Katuwa.
)
Love yer stories Yeshae. wee. :*
hay ganda tlga… keep it up yesha
,.,.hAy Ang cuTe nG stoRy niA hEhE,.,.
grabee.. d ko kinaya.. haha..
ang gulo nilang dalawa.. haha.. at nasanay na xa sa tawag na “Sir Ham” wah.. hehe..^^
hahahaha…nakakatawa silang dal’wa..
“sir ham” tanggap nya na na masarap sxa…..hehehehehe
heheh…they are both funny^_^i love the storie
oo nga kanina ko pa tina try ayaw maopen ang 5 and 6… pls po pakicheck.. thanks
bAkit pUh ganun?…d q maopen chapter 5 and 6 ng sir ham…..sAna poh pakiayos!!!!!!!!,,,gAnda poh kc ng s2ry
bAkit pUh ganun?…s q maopen chapter 5 and 6 ng sir ham…..sAna poh pakiayos!!!!!!!!,,,gAnda poh kc ng s2ry
basa mode mna me sa next chapter, sobra miss ko c sir ham, khit nga c sir lee kanina eh.. un agad binasa ko.. grabe ganda.. thanks yesh.. mwahh..
Ang tagal nmn poh ng next chapter.
excited n q.
sana bukz may nxt chapter….
PLS nmn?
next Chapter please. (^_^)
Yesha: Guia, eto na post ko n jeje…senxa n I almost forgot…
ay gnun?
by schedule pla ang posting nyo..
hehe
well..
gagayahin ko n lang sya
tska ko nlang bbsahin ang novel
mo pag natapos mo ng ipost lahat
hmnn..
mas maganda cguro kung mai publish ANG
GAWA nyo..kc maganda tlga!!
Yesha: Yup, actually, we’re considering that pocbility kaya meron po tau poll sa front page. Vote n lng kau for ur fave stories.
Also, we nid to visit the site once in a while kasi un po ang reason ng pgchop ng stories. Hindi tau mgttagal sa site kpag walng ngvi – visit. Visit kau ha! Thankies!
yesha
hi yesha, sana matapos mo agad tong story na to,dko pa binabasa kasi mas masarap basahin ng buo hehe,anyway excited na ko basahin to pero pigilan ko muna sarili ko,nabasa ko na yung 3 other novels mo,galing mo talaga,favorite na kita hehe=) thanks
Yesha: Hi, aissa. Tpos ko na ang story actually. But we have schedule of posting here in TOP. Ang next chapter natin will be posted tomorrow, December 29 then December 31 and so on…every other day tau, sistah. Thanks for reading!
Yesha
this is really good..haha
if i know..
gs2 rin tlga ni avril..
hahaha
ok lng yan..
d p pla tapos e2?
can’t wait to read the next chapter
pasensya na..hehe
Yesha: Hi! May mga kasunod pang chapters so please keep urself posted!