‘Pasko na naman, ngunit wala ka pa,
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo…’
FEEL na feel ng kaibigan ni Avril na si Brook ang pakikinig sa pamaskong awiting iyon habang taliwas naman iyon sa nararamdaman niya. Para sa kanya kasi ay hindi kaayang-ayang pakinggan ang pamosong awitin na iyon ni Ariel Rivera. Napasimangot pa siya nang nasa koro na ang kanta samantalang sinasabayan pa ito ng madamdaming pag-awit ng kanyang kaibigan. Hindi niya natiis, tumayo siya at inabot ang portable radio sa working cubicle ni Brook. Pinatay niya iyon bago inilagay sa ilalim ng kanyang table.
“Hey, Avrilata! Bakit mo pinatay yan?” tili ni Brook na tila naiinis.
“Alam mo, Brooka, kanina pa ako naaalibadbaran sa ginagawa mo! Huwag mo ngang ubusin ang oras mo sa kadramahan diyan!” sagot naman niyang may himig pang-aasar.
“Haler, who’s talking here? Sino ba itong nag-iinarte at kahit ang nananahimik na si Ariel Rivera ay bino-boycot mo?”
“I just don’t like the song! May problema ba doon? Magtrabaho na nga lang tayo.” Muli niyang hinarap ang computer upang balikan ang kanyang ginagawa.
Nasa magkatabing cubicle sila ng kaibigan sa Marketing Department ng Caress Cosmetics at ang hapong iyon ay walang pinag-iba sa araw-araw na routine nila. Lamang, nang hapong iyon ay tila ganadong magpatugtog ng mga love songs ang kaibigan na hindi naman nito dating ginagawa.
“Alam mo, Avril, kung ako sa’yo, huwag mong sayangin ang kabataan mo sa mga walang kuwentang lalaking dumating sa buhay mo, okay! Just go with the flow. Look at me.” Naupo na rin si Brook sa harap ng computer nito pero siyempre ay nagkakarinigan pa rin sila dahil mababa lamang ang dibisyon ng bawat cubicle.
“Brook, ayoko nang marinig ang mga sasabihin mo, puwede ba? Just please bear with me, ayoko talaga ng magulo.”
“Bakit, noise ba iyon? Ang ganda kaya ng boses ni Ariel ‘no! Mas gusto mo pa ang mga headbanging types na tugtog kaysa diyan tapos—”
“Will you please shut up, Rebecca!” putol niya sa sasabihin pa nito.
“Okay, okay, just don’t call me that way again, Avril! No care na ko sa I-hate-love songs mo basta Brook lang ang itawag mo sakin, okay!”
Napangiti na siya nang marinig iyon mula rito. Ayaw na ayaw kasi ni Brook na marinig ang totoong pangalan nito at matigas na Brook lang daw ang itatawag dito ng kahit na sino sa opisina nila. End of the story. Tumahimik na rin ito sa wakas nang tawagin niya itong Brook gaya ng ibig nito.
HINDI man aminin sa sarili ni Avril ay totoo naman ang sinasabi ni Brook. She had just started hating love songs after her previous boyfriends dumped her for other women! Yes, hindi lang isa kung hindi dalawang beses siyang iniwan ng kanyang mga naging nobyo upang ipagpalit lamang sa iba. Ang dahilan? Napakalalim na frigid daw kasi siya!
Kasalanan ba niya iyon? Sa hindi niya type ang madilim na lugar. Hindi siya kahit kailan mauusuhan ng sinehan at pagtambay sa mga parke! Iyon lang, frigid na siya? Well, she had once let her first boyfriend Marco, kissed her.Hindi nga lang matagal iyon pero hindi na siya nakatulog dahil doon.Hindi niya matukoy kung dahil sa kilig o dahil iniisip niyang iyon na ba talaga ang halik na nababasa niya sa mga pocketbook? Tila kasi hindi tugma ang damdamin niya sa deskripsiyon na nababasa niya sa akda ng mga paborito niyang writers. Ang ending, iniwan siya nito matapos sabihing may iba na itong gustong babae. The bastard even shouted at her face that his new girl was very passionate and loving way, way more than her!
Halos ganoon din ang itinakbo ng kanyang ikalawang relasyon. Laking pagkagulat niya nang maglakas-loob si Ralph na dalhin siya sa motel! Sa galit ay sinampal niya ito sa harap ng mga taong nasa parking area ng motel. Marahil dala ng pagkapahiya, sinigawan na rin siya nito at sinabing tila siya yelo sa panlalamig sa relasyon nila. And that truly hits her!
Umuwi siyang mag-isa at matapos iyon ay mariing pinag-isipan kung talaga bang hindi siya normal at ganap na babae. Wala rin naman siyang maisagot sa sarili kaya minabuti na niyang iwasan muna ang mga lalaki. Hindi na siya muling papasok sa pakikipagrelasyon kung ganoong hindi rin naman siya capable na magmahal ng sapat. Magiging unfair lang siya at sa huli ay sa hiwalayan din hahantong ang lahat. Iyon nga lamang, lahat ng may kinalaman sa pag-ibig ay kinaiinisan niya. Nagmistula tuloy siyang man hater at lumaon ay wala sa loob na napanindigan na rin niya ang bansag na iyon.
“OO, totoo ang sinasabi ko, sister. On leave si Boss Sigmund! Balita ko’y lalabas ng bansa kasama ang misis. Baka kaya totoo ang balitang nahuli ni kumander na may kabit si bosing ah!”
Isang hapon iyon na sabay silang nagmimiryenda ni Brook sa canteen.
“Kung totoo man iyon, siyempre ay may reliever siya. Baka ma-paralyze ang market natin ‘pag nagkataon,” aniya.
“Asus, hindi rin! Hindi naman kaya ganoon ka-efficient si Boss Sigmund sa trabaho. Kung wala tayo dito, malamang magugulo ang buhay ng matandang ‘yun!” Sinabayan pa nito ng tawa ang sinabi.
Natawa rin siya sa sinabi nito.
“Pero alam mo, sisteret, muy guwapo daw ang papalit sa kanya,” nakangiting patuloy ni Brook. Hindi niya napigilan ang mapairap sa narinig. Basta pagdating talaga sa lalaki, ibang klase ang kaibigan niyang ito. “Talaga? Mukhang aso?” She grinned.
“Tse! Hindi si guwapo doggie mo ang tinutukoy ko! I mean, he’s so cute daw talaga at napakasimpleng tao! Wala siya sa board pero personal na inirekomenda ni Boss Sigmund!” Umiilaw pa sa tuwa ang mga mata nito.
“Ganoon? Puwede ba iyon? He must be somebody, huh. Okay.” She raised her brows.
“Ano ‘kamo?” Nakakunot ang noo ni Brook habang matamang nakatitig sa kanya na tila ba may mali sa sagot niya.
Inulit niya ang huling katagang sinabi. “Okay.”
“Is that all that you can say? Guwapo daw, sister, hindi mo ba ako narinig? OMG! Ngayon lang magkakaroon ng papa juicy sa paligid ko!” Tumili si Brook na tila ba sila lang ang taong naroon.
“Alam mo, ikaw, nakarinig ka lang ng guwapo eh natrumpo ka na! Itigil mo nga yan, Brook! Nakakahiya sa mga tao, ano ka ba!” Napalinga siya sa huling sinabi.
“Basta! I can’t wait to see him! Na-iimagine ko na ang magiging boss natin sa loob ng ilang buwan!”
Nginisihan na lang niya ito at madali nang tinapos ang pagkain. She won’t give a damn.











nice,want to read another chapters.hehe
eto ung isangstorydiba te..
diba te sabi ko sayo ang gling mo tlgah ehh..
chapter 1 palang naiintriga n ko ehh.. haha
Hi miss yesha.its nice story.god bless u and more power.thanks.
Yesha story is always interesting to read
)
Yesha: Thank you
Dko po mbsa un chapter 2?
hello, Dec 20, 2008 pa pala eto release ha… thrilling na umpisa pa lang ako ng chapter.
ano yong OPPOSITE POLES ATTRACT? novel o short story sya?
Yesha: Story siya na lalabas din under COH
)
oh, ok
how can I read chapter 2? kasi ang choices ko is TEASER and KABANATA9: HANGGANG KAILAN?
ganda ng story,LOL@@
hope another good story to read…
san na po pala yung ibang chapter ng sir ham???cant find it hehehe…
inaaayos pa po ni madam yesha
kinda nice!!!
oo nga lht ng yesha n snulat nia n nbsa ko ang ggnda,,sna nmn ung ibang author tpusin ung mga snulat nila..syng ksi..ang ggnda p nmn
ganda ng episode 1….hehehehe cgurado maganda rin kasunod…..
tnx a lot miss ayesha…hope di u magsawa sa pasusulat ng mga magagandang kwento….mwah
ggaling mu na magsulat…
hey mis. yesha i’m just staring reading this story ang ganda nito hay…
hi yesha…i’m one of ur fan too… galing!
hi yesha!!!
gaganda ng mga cnusulat mo!!! nakakabelib.. hehehe..^_^
nga pla, bkt my tym kau maglabas ng chapters?? nakakabitin kc eh.. =D
lam mo kc, natatapos kong basahin ang 1 whole story for 1-2 hours… hehehe… gnun ako ka adik.. ang ganda kc eh.. lalo na gwa mo.. ^_^
anoder question.. =D
bkt putol ung sa chapter 2??? =D
Yesha: ok n po ang chapter 2, salamat sa pgbabasa mo!
Hi! yesh, e2 naba ung c mr. ham? namiss ko mgbasa, ngkaproblem kc d2 sa office kya dme nakpagbasa agad namiss ko tuloy. basahin ko muna next chapter.. thanks, ganda tlaga ng mga stories mo.. ingat. lab yah..
whaaa,, isa na nman ba ito sa masterpieces n yesha??,, nice!!! remmber ko 2Loy yun’ fwnd ko na manhater dn,, pababasahn ko xa ni2!! tytC!! ^^
Yesha: naku, sayang, short story lng ito, aya pero dont worry may isa p taung manhater type n character, c Alpha ng OPPOSITE POLES ATTRACT…before Feb ang posting nun, ayain mo n din friend mo dito lolzzz…thanks!
Yesha: Ang OPPOSITE POLES ATTRACT po ay lalabas na rin under COH…
Hi Yesha!
You’re getting really really good in writing stories.
Keep it up!
It’s always a pleasure to me reading your works:)
Wow, thank you love!
Yesha
nice story again.. sana tuloy2x na talaga,,,,,
Yesha: Hi, glo! Kaw ang unang nkabasa ng story lolzzz…sa 22 @ 2am ang next chapter! thanku!
Yesha