The Second Love – Chapter 1

“Maine!” tawag ni Riza sa kanyang kaibigan.

“Ah..” patangang tanong sa sarili ng maibalik ang ulirat galing sa malalim na pag-iisip ng dalaga.

“Ano ka ba Maine, ba’t nakatulala ka dyan! Kanina pa kita tinatawag ah!” medyo may pagkainis na sabi ni Riza.

“Pasenya ka na friend may iniisip lang ako.”

“ano na namang yang iniisp mo?Problema?Hay naku wag ka nga mamrublema dyan hayaan mo ang problema ang mamoblema sayo noh.” pagbibiro ni Riza sa kaibigan.

“Iniisip ko kasi yung alok sakin ni Aling Tina”.

“Hoy!ano ka ba friend wag mo sabihing tatanggapin mo ang alok ni Aling Tina”.napalapit ng mabilis si Riza sa kinaroroonan ng kaibigan.

“Anong gagawin ko?High school lang na tapos ko at hindi ako makahanap ng magandang trabaho,Sabi ni Aling Tina malaki ang kikitain ko kapag pumasok ako dun sa sinasabi nya”

“Saan yung nightclub?Oo nga malaki kita dun pero ano naman ang ibebenta mo dun yung sarili mo.Hindi ka ba natatakot?”pag-aawat nito sa kaibigan sa gustong mangyari ni Maine.

“Alam mo naman kahit ano gagawin ko para sa pamilya ko.Kailangan ko ng pera para sa pag papagamot ng tatay ko.”

“Bahala ka Maine nasa sayo yan.”walang magawa si Riza para mabago ang binabalak nitong gawin.

Kasalukuyan silang naninilbihan bilang katulong sa isang maliit na kainan sa bayan ng Mindoro ,at dahil maliit lang ang kainan ay maliit din ang kanilang sahod na kung saan ay kasya lamang para sa pang-araw-araw na gastusin.

Si Maine ay panganay sa apat na magkakapatid,walang trabaho ang kanyang ina at ang kanyang ama ay nagkasakit kaya hindi makapagtrabaho,habang ang kanyang mga kapatid ay maliliit pa at hindi pa makakatulong upang mataguyod ng kanilang pamilya.

Tama na nga ang pageemot mo dyan,tara na at pumasok na tayo sa loob baka masita pa tayo ni Amoaya ni Riza sa kaibigan para ituloy ang kanilang trabaho.

Napabuntong hininga si Maine habang tinutungo ang pintuan papasok sa karinderya katatapos lamang nilang mag-tanghalian noon kaya may isang oras silang pahinga mula sa trabahong iyon.

Pagkapasok ni Maine sa karinderyang iyon ay agad na inayos at nilinis ang mga kalat sa kusina . Ano bang gagawin ko?Ang hirap ng sitwasyon ko.Sana makatagpo ako ng mayamang lalaki para maiahon ako sa hirap at mapagamot ang tatay ko.patuloy na paghihimutok ni Maine sa sarili.Imposibleng may magkagusto sa akin na mayaman sa pangit kong topagbababa ng tingin ni Maine sa sarili.Ay bahala na nga.habang iniiling ang ulo.

Alas-Otso na nang gabi nang matapos sila sa trabaho,sabay na naglakad ang dalawa patungo sa sakayan ng tricycle para umwi sa kani-kanilang bahay.Si Riza at Maine ay ma-kalapit bahay kaya sabay sila lagi sa pagpasok at paguwi kaya ito ang naging dahilan para magkakilalang lubos ang dalawa.

Dahil madilim sa kanilang lugar ay kailangan nila laging magdala ng flashlight para mailawan ang kanilang dinadanan.Kung tutuusin mula sa bayan pauwi sa kanilang bahay sa Santo Niño ay maaring lakarin ngunit dahil sa madilim ang daan at kung minsan ay maaari silang makasalubong ng ahas at mga masasamang tambay sa kalsada ay minabuti na lang nilang sumakay ng tricycle.

“Friend tingnan mong mabuti yung dadaanan natin baka may ahas ah”.takot na paalala ni Maine sa kaibigan ng makababa sila galing tricycle.

“Matatakutin ka talaga!Ahas lang yan,basta wag mong gagalawin di ka tutuklawin nun.”matapang na sagot nito.

“Hah naku basta ayaw ko sa ahas!Hmm nakakasawa na araw-araw na lang ganito .” paghihimutok ni Maine.”Kailan kaya tayo yayaman at nang di na tayo naglalakad ng ganito,kung mayaman lang tayo di sana naka- de kotse na tayo” dagdag pa nito sa paghihimutok nya.

“Loka-loka ka talaga friend!kung ano-ano imahinasyong pumapasok sa isip mo.” natatawang sabi ni Riza.”Tara na nga at naghihintay na sila sa atin.” yakag ni Riza dito at maputol ang kadramahang sinisimulang gawin ng kaibigan.

“Mano po inay” sabi ni Maine ng makita sa labas ng kubo ang kanyang ina.Nauna nang nakarating sa bahay si Riza dahil nasa unahang bahagi ng eskinita ang bahay nito.

Walang imik ang Ina ng kinuha ang kamay nito para manuhan ni Maine at tila may hinahanap sa mga kamay ng anak.

“Wala kang dala?”paninigurdo nito nang hindi makita ang nais makita.

“Pasensya na po Nay wala pong natirang pagkain sa Karinderya naubos lahat kasi madaming kostomer kanina.” mahabang pag papaliwanag nito.

“Sana kahit nag tabi ka ng kaunti alam mo na mang kailangan natin ng pagkain dito.Minsan na nga lang makatikim ng masarap na pagkain di ka pa nakaalalang mag-dala.” bakas sa mukha ang pag kadismaya sa sagot ng anak.

“Hindi ko naman po pwde gawin yun Nay,nan doon po yung may-ari baka mapagalitan pa ako pag-kumuha ako ng mga ulam dun na hindi naman po tira-tira.” .

“Ei kung pumayag ka na lang sana sa inaalok ni Tina ei di sana di mo na kailangang manglimos ng pagkain sa amo mo!” Umalis sa pag-kakaupo si Aling Maria at pumasok na ito sa kanilang maliit na kubo na bakas sa mukha nito ang inis.

Bakas ang lungkot sa mukha ni Maine dahil sa inasal ng Ina,hindi nya maintindihan bakit ganon ang turing ng kanyang Ina sa kanya.

Napaupo siya sa upuang kawayan kung saan nakaupo ang kanyang ina kani-kanina lamang.At tila mag sisimulang magisip ng malalim.

Maya-maya may lumabas na isang lalaki na makikita sa mukha na may edad na ito at hirap sa paglalakad.Dahang-dahan niyang tinatahak ang kinaruruonan ni Maine gamit ang kahoy na tungkod para makatulong sa kanyang paglalakad.

Napalingon si Maine sa kinaroroonan ng ama.”Tay bat gising pa po kayo?Dapat nagpapahinga na kayo ah.”tumayo si Maine sa pagkakaupo para tulungan ang ama na makaupo sa upuang kawayan.

“Hindi naman ako makatulog,kailangan ko siguro magpahangin at medyo mainit sa loob.”

“Ay ganun po ba?Nainom nyo na ba yung gamot nyo?

“Oo nak wag ka mag-alalala kaya ko alagaan sarili ko,Anak pasensya ka na ah?”malungkot na ani nito sa dalaga.

“Para saan naman po?

“Ako dapat ang nagtatrabaho para sa inyo kaya lang..”hindi maituloy ang nais sabihin ng kanyang ama dahil parang magsisimula itong maiyak dahil sa awa sa anak at lalo na awa para sa kanyang sarili.

“Naku Tay ang drama nyo, wala ho yun! Sino-sino pa po ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo.”pag-alalo nito sa kanyang ama.

“Kung di lang sa diabetis ko di sana nagtatrabaho pa ako ngayon.”pagsisisi nito sa sakit na nararamdaman.

“Tay okey lang naman kahit ako na po ang magtrabaho, mas maganda na makapagpahinga kayo kasi may edad na din kayo.”

“Ay sya; kumain ka na ba anak?” ng ma-alala nito ang nais itanong sa anak at maputol ang kadramahang sinimulan niya.

“Kumain na po ako Tay bago kami pinauwi ng amo ko binigyan kami ng pagkain.”

“Sya nga pala Tay, dapat pumunta kayo sa Doctor sa lunes para magpacheck-up kung may epekto ang gamot nyo sa inyo. ani ni Maine sa Ama.

Hindi naman na siguro kailangan anak, basta may iniinom akong gamot saka sa tingin ko mabuti-buti na ang paa ko pag-aawat ni Manong Fred sa nais mangyari ng anak dahil alam nyang wala naman silang panggastos para sa doctor dahil mahal ang bayad noon.

Naawa si Maine sa ama sa tinuran nito dahil alam nyang ayaw lang ng ama nito na mapagastos pa sila ng malaki para sa sakit nya.Napabuntong hininga ulit si Maine dahil wala siyang magawa para matulungan ang ama.

“Oy Maine!’ malakas na bulyaw ng ina ng tumungo ito sa kwartong tinutulugan ng anak.

Nabiglang napaupo si Maine mula sa kanyang pagkakahiga sa sahig na kawayan.

“Ano ba!? Di ka pa gigising?Aba tanghali na!Hindi ka senyorita para magbabad sa higaan” malakas pa ding bulyaw ni Aling Maria.

Naalimpungatan man ang dalaga ay tumungo ito sa kanyang damitan at kumuha ng maisusuot para handa na pag natapos siyang maligo.

“Bilis-bilisan mo at kailangan makarami ka ng benta”. pahabol pa ng ina ng nasa labas na si Maine ng bahay para maligo sa poso ng tubig na nasa likod bahay.

“Ang lamiggg!” sigaw sa isip ni Maine.Mag-aalasa-sais pa lang ng umaga ng Linggo ng araw na iyon.Kada Linggo ay wala siyang pasok sa karinderya kaya naman ang ginagawa nya ay nagtitinda siya ng gulay na tanim ng kanyang ina sa kanilang maliit na bakuran at ang kikitain ay binibigay nya lahat sa ina para pandagdag sa kanilang gastusin dahil nag-aaral pa ang dalawa niyang kapatid sa elemetarya.

Habang nag-bibihis ay di maiwasang magtampo ni Maine sa ina.”Nasa tamang edad naman na ako bakit kung ituring ako ni Nanay ay para akong bata tapos parang di nya ako talaga anak, parang lagi syang galit sakin” patuloy na tanong niya sa sariling isip.

“Tapos ka na?” tanong ni Aling Maria nang dumungaw ito sa maliit na kwarto ng anak.

“Oho”maikling sagot ni Maine pinili na lang nyang manahimik at hindi umimik dahil kahit ano namang sabihin niya sa ina ay hindi ito nakikinig.

“Ayusin mo ang pag- titinda ah! kailangan maubos mo yang mga gulay at yung pera ibigay mo lahat sakin.”paalala nito.

“opo” sagot na lamang nito sa ina dahil paulit-ulit lang naman ang sinasabi nito tuwing siya ay magtitinda.

Habang naglalakad ay iniisip niya ang kagabi pa sa kanyang bumabagabag ang alok ni Aling Tina.”Maine pumasok ka na sa sinasabi ko,malaki kita dun saka sasayaw ka lang naman dun pag katapos nun pag may magtatable sayo paoorderin mo lang ng maraming alak may hati ka dun.” pangungumbinsi ni Aling Tina sa dalaga.

“talaga oh ganun lang kadali yun?” paninigurado ni Maine.

“Oo naman at saka libre pa bahay di ka na magrerenta’. patuloy pa nito sa pagkukumbinsi sa dalaga.

Naputol ang pag-balik tanaw ni Maine ng may lumapit sa kanya para bumili ng talong at talbos ng kamote.”Sariwa ba ito ineng?” tanong ng Ale

“Ay opo naman, kapipitas lang po ng Nanay yan kaninang umaga”.

“Ay sya sige dalwang tali ng talbos ng kamote at tatlong piraso ng talong,magkano lahat?

Bente pesos po lahat” at sabay inilagay ng dalaga ang gulay sa plastick.

“May itsura ka ineng” sabi ng Ale habang sinsipat-sipat ang mukha ng dalaga pagkatapos ay kumukuha ng pambayad sa kanyang wallet.Namula ng bahagya si Maine sa tinuran ng Ale.

“Sa ganda mong yan Ineng malamang madami ang mag-kakagusto sayo”.dagdag pa nito

Napa-ngiti lang si Maine at tila nahihiya dahil hindi siya sanay ng pinupuri.”Salamat oh Ate” sa magalang na tono at mahinang boses.

“Payo lang Ineng ah wag ka mag -aasawa ng kung sino-sino lang.sayang ang ganda mo, Pumili ka ng mayaman o kaya puti naku panigurado hindi ka na magtitinda ng ganyan.”pahabol pa ng Ale bago ito tuluyang maglakad palayo sa dalaga..

Mag-aalas dose na ng tanghali ng makabalik si Maine sa kanilang kubo at talagang siya ay gutom at pagod dahil sa haba ng kanyang nilakad.

Masaya si Maine ng araw na iyon dahil na ubos niya ang lahat ng kanyang paninda at saka dahil pinuri siya ng Ale kanina.”Kung maganda pala ako,baka nga makatagpo ako ng mayamang lalaki” ani nito sa sarili habang nakangiti hawak ang kanyang mukha na tila nahihiya.

“Anong ngini-ngiti mo dyan?”bungad ni Aling Maria ng nakaharang ang dalaga sa pintuan papasok ng kubo.

“Wala oh Nay, Ito na po yung kita sa paninda”.Nakangiti paring sabit ni Maine.

Kinuha ng Ina ang wallet na inabot ng anak at binuksan ito.

“kakain na po ako Nay” paalam nito sa Ina.

Pumasok na ang dalawa sa kubo at si Maine ay tumungo sa kanilang maliit na kusina kung saan ang taltlo niyang kapatid ay kumakain.

“Ate kain na”. aloki ni Carlos ang pangalawang kapatid ni Maine.

“Oo sige, anu ba ulam natin?”

Nilagang talbos nang kamote na may bagoong isda po.” sagot ng bunsong kapatid na si Lara.

“Nasaan si Tatay? Kumain na ba?” tanong ulit nito.

“Nasa likod bahay at kukuha daw ng saging.” si Carlo ang sumagot.

Ang pangatlong kapatid na si Joseph ay walang pakialam sa pagdating ng ate at tuloy lang ng subo ng pagkain na nakahain sa kawayang lamesa.

Mag-sasandok pa lang ng kanin si Maine ay narinig niya ang malakas na tawag ng Ina.”Maine! Halika nga dito!” galit na sambit ng Ina.

Napakunot-noo si Maine ng marinig iyon at nagtataka kaya lumapit siya sa kinaroroonan ng ina.”Bakit oh?”

“Bakit kulang ‘to ng bente?” ang tinutukoy ay ang kita ni Maine sa mga gulay na itininda niya kanina.

“Imposible po sakto po yan kanina.”

“Aba ano ako nagsisinungaling? Bilangin mo at kulang yan! san mo nilagay ang pera? galit na sabi ni Aling Maria.

Binilang ni Maine ang perang ibinigay nya kanina sa Ina ngunit kulang nga ito ng bente pesos.

“Kukupitan mo pa ako alam mo namang marami tayong gastusin! San mo tinago ang pera?”

Napaiyak na lang si Maine dahil pinagbibintangan siya ng ina na hindi naman niya ginawa

“Hindi naman po ako nangungupit” pagtatangol nito sa sarili.

“Aba sumasagot ka pa! Ibigay mo na ang pera! nasan?

“Wala nga po akong kinukuha! kanina po kumpleto yan!”inis na sagot nito sa Ina.

“Aba walang hiya kang bata ka!Marunong ka na sumagot ah!” sabay sabunot nito sa buhok ng anak.

“Bakit ganyan ka Nay? Bakit ganito lagi ang trato mo sa akin?” hindi na mapigilan ni Maine ang sama ng loob sa kanyang ina na parang malayo ang loob nito sa kanya.

Naglapitan ang mga kapatid ni Maine sa Ina para awatin ito ngunit dahil sa maliliit pa ay wala din silang magawa.

“Sana di nyo na lang po ako ipinanganak, Sana hindi na lang ikaw ang nanay ko!Parang hindi nyo po ako anak”umiiyak na patuloy ng dalaga at ramdam ang sakit ng sabunot ng ina sa kanyang mahabang buhok.

Parang nahimasmasan si Aling Maria sa tinuran ng anak at binitawan nito ang buhok sa pagkakasabunot.

“Anak?!” sarkastikong ngiti nito, Nang maalala nito ang nakaraan na parang kahapon lang ang mga nangyari.

“Hindi kita anak!” napaluhang sabi ni Aling Maria dahil ramdam pa din niya ang sakit ng nakaraan.

“Ano pong sabi nyo Nay?” napatakhang tanong ng dalaga sa narinig mula sa Ina.

“Oo, Hindi kita anak! paguulit ng Ina.

“Ano yang pinag-sasabi mo Maria!” gulat na tanong ni Manong Fred ng makapasok ito sa kubo at marinig ang sagutan ng dalawa.

“Ano po yung sinasabi ni Nanay Tay?”Baling na tanong ng dalaga sa ama.

“Maria tumigil ka sa mga pinagsasabi mo! hindi maganda yan!” pagbabala ng asawa kay Maria.

“Bakit? wala ba akong karapatan magsalita? pagod na ako! Pagod na akong subukang mahalin yang anak mo! Pero hindi ko kaya!” “Hindi ko kayang ituring syang sarili kong anak, dahil sa twing nakikita ko yan anak mo patuloy kong naaalala ang pagtataksil na ginawa mo sa akin!” malakas na bulyaw ni Maria sa asawa.

“Tay totoo po ba? Hindi ako anak ni Nanay?”gustong linawin ni Maine ang mga salitang kanyang narinig.

“Hindi anak, Hindi totoo yun,pagod lang ang Nanay mo kaya nya nasabi ang ganyan.”Tama na Maria ah!” awat na baling nito sa asawa.

“Hindi!, nandito naman na tayo,bakit hindi pa natin lubus-lubusin!” mariing tutol nito sa sinasabi ni Manong Fred.

“Hindi kita anak Maine! Anak ka sa pagkakasala ng iyong ama!””Yung ina mong makati inagaw sakin ang iyong ama alam nyang ikakasal na kami pero nakipaglandian pa rin yang ina mo sa Ama mo.” makikita sa mata ni Aling Maria ang galit na matagal na niyang kinikimkim.

Labing-siyam na taon ng nakakaraan nung araw na iyon ay malapit ng ikasal si Aling Maria at Manong Fred.Pero bago ang kasal ay may pagtataksil na naganap.Inakit ni Luisa si Fred dahil matagal na niyang gusto ang lalaki ngunit hindi siya nito mahal at ang pakakasalan nya ay si Maria.Ngunit sa isang gabing pagkakamali ay nagbunga ito.At ang batang iyon ay si Maine.

“Pero hindi siya nagtagumpay na agawin sa akin ang Ama mo” may kislap ng paghihiganti ang mga mata ni Aling Maria.”Buti nga sa kanya at namatay sya sa pangaganak.” patuloy pa ni Aling Maria sa pagbaliktanaw sa nakaraan.

“Patay na po ang tunay kong Ina?” naguguluhang tanong ni Maine.

“Oo anak matagal nang patay ang yong tunay na ina, dahil ng pinaganak ka ay sya namang dahilan ng kanyang pagkamatay.” malungkot na pahayag ni Manong Fred.

Gulong-gulo ang isip ni Maine kaya hindi niya alam ang gagawin.Isang malaking masamang balita para sa kanya ang lahat ng narinig.

“Saan ka pupunta?”nag-aalalang tanong ng Ama ng makita itong patakbong lumabas ng kubo si Maine.

“Hayaan mo sya! malaki na sya.Ikatutuwa ko kung tuluyan na siyang lumayas dito sa bahay” dagdag pa ni Aling Maria.

Malungkot na napailing na lamang si Manong Fred dahil hindi niya maipagtanggol ang kanyang anak at ayaw na din nyang muli pang saktan ang kanyang asawa dahil sa nagawang kasalanan noon

Habang si Maine ay mabilis na naglakad palayo sa kanyang mga magulang at pilit na pinipigilan ang kanyang sarili na mahagulgola habang naglalakad palayo sa kanilang kubo dahil ayaw niyang umagaw ng eksena sa lugar na iyon sapagkat maraming tao ang nasa labas ng bahay ng mga oras na iyon. Litong lito ang isip ni Maine at hindi siya makapagdesisyon ng maayos kaya pinili niyang sumakay ng tricycle para pansamantalng makalayo sa lugar na iyon at kahit hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.

8 thoughts on “The Second Love – Chapter 1

  1. Oh sad story for maine. Sayang natutunan pa man din niyang mahalin ang isang dayunan na malamang ay pangarap ng karamihang babae.

Leave a Reply