So It`s You – Chapter 5

So It`s You - Anjustin

MALAPIT nang magtanghali. Nalilito pa rin si Hehe123 kung sisipot siya sa usapan nila ni Jenny. Hindi niya kayang paasahin at saktan ang damdamin ng dalaga pero hindi pa talaga siya handang makita siya nito. Hindi pa siya handang makita ang dismayadong mukha nito kapag nakita siya.

Naisipan niyang mag-log in sa Facebook para i-chat ang isa kina Foo, Louise, Yesha, Tinzz o Pinay, ang mga TOP admins na tanging nakakaalam ng sekreto at totoong pagkatao niya. Si Foo ang nag-iisang nag-reply sa kanya.

Hehe123, anong problema?

            Hnd pa ako handang magpakilala sa knya

            Eh di, PM mo xa sa TOP. Sabhin mo me lakad ka o kya may sakit.

            Bka umasa na naman siya sa susunod

            Ano ba tlagang gusto mo? In love na nga xa sau pro natatakot ka pa rn

            Eh, hnd naman ang totoong ako ang mahal nya

            Kya nga magpakilala kna sa knya pra mahalin na nya ang totoong ikaw

            You think that`s possible?

            Alam mong walang imposible sa pg-ibig. Anong silbi ng mga sinusulat mo kung ikaw mismo hnd naniniwala dun

            Iba ang mga sinusulat ko sa real scenario

Ang mga kwento ng pag-ibig maaring kathang-isip lmang ng may akda pro nangyayari tlga iyon sa totoong buhay. Ano bang kinakatakot mo?

Eh, baka hindi na niya ako pansinin.

Mas lalong hindi ka niya papansinin kapag hindi ka sumipot.

Nalilito ako.

Hay naku! Walang mangyayari sa iyo kung hnd mo susubukan. Or it`s up to you. Kung gusto mo siyang ma-in love ky Kevin bhala ka. But, hndi guarantee iyon na mamahalin nya ito. Hnd naman xa laruan pra basta-basta mo na lang ipamimigay. Besides, she doesn`t like the guy. Pro kung naniniwala ka sa sinulat mong POV ni Jenny sa The Man Behind Me, well, it`s not impossible na baka nga ma-in love xa ky Kevin.

Sige. Bahala na.

Ilang oras na lang. Kelan ka pa magdedesisyon?

Don`t worry. Kya ko na to. Thanks, pare!

Ok. Kw bahala.

 

“HOY! Okay ka lang?” tanong ni Jenny sa natutulalang si Kevin. Nakita niyang nakasarado na ang laptop niya.

“Oo naman,” sagot nito na agad inayos ang sarili.

“Ang lalim yata ng iniisip mo. Ano ba kasing pinanood mo?”

“Ah, wala. Sekreto.”

“Hay naku! May pasekreto-sekreto ka pa. Tayo na.”

Nagtataka itong napatingin sa kanya. “Akala ko ba, hindi ka pa aalis? Bakit hindi ka nagpalit ng damit-pambahay?”

“Kina France tayo pupunta. Tumawag siya sa akin ngayon. Birthday ng kapatid niya at inimbitahan niya akong mag-lunch doon.”

“Okay lang sa iyo na sumama ako?”

“Hindi. Pero sabi niya isama raw kita. Anong magagawa ko? Alam mo naming patay na patay iyon sa iyo. Tumayo ka na diyan. Akin na ang laptop ko.”

Ibinalik niya sa bag ang kanyang laptop at binitbit iyon.

“Jenny! Buti at nakarating kayo!” masayang salubong ni France sa kanila pagdating nila sa bahay nito.

“Mabuti at dinala ko ang crush mo,” bulong niya rito habang nakikipag-beso-beso.

“Ikaw talaga.” Mahina siyanitong kinurot sa tagiliran. “Kevin, halika! Tuloy kayo.”

Iginiya sila ng kaibigan sa loob at pinakilala sa pamilya at mga bisita nito na mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lamang. Asikasong-asikaso nito silang dalawa ni Kevin hanggang sa makakain sila nang maayos.

“Jen, bakit mukhang napakatahimik yata ni Kevin ngayon? Inaway mo na naman ba iyan?” bulong sa kanya ni France.

“Hindi, ah. Ang bait-bait ko nga sa kanya ngayon. Itanong mo pa sa kanya.”

“Kevin, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito sa binata.

“Yeah, I`m good,” nakangiting sagot nito pero lihim na sumulyap sa kanya. Nagtama ang kanilang paningin. Bigla na namang tinambol ang kanyang dibdib kaya agad niya itong binawi.

“See? I told you,” wika niya sa kaibigan. “Siguro kinakabahan lang siya sa game nila mamaya.”

“Yeah, right. Finals na pala mamaya,” palatak ni France sabay pitik ng daliri. “Maglalaro na ba siya?”

“Maybe.”

Walang masyadong pasok basta Sabado kaya alam niyang papunta sa gym ang halos lahat ng mga nakasabay nila sa entrance gate. Habang naglalakad, napuna na naman niya na hindi kumikibo si Kevin.

“Ano ba talagang problema mo? Kanina ka pa walang kibo diyan, eh,” naiinis na tanong niya. Ewan niya kung bakit siya naiinis imbes na matuwa. Napaka-awkward lang talaga ng feeling niya nang mga oras na iyon at hindi siya sanay na tahimik ito.

“Bakit ka na naman nagagalit? Dapat matuwa ka kasi tahimik na ako,” pilosopong sagot nito.

“Hindi ako sanay, eh,” pagtatapat niya. “Sigurado ka bang okay ka lang?”

“Bakit sobrang concern mo sa akin ngayon?” nagawa pa nitong manukso sa kanya.

“Uhm!” Binatukan niya ito.

“Aray! Masakit iyon, ha?” reklamo nito.

“Ikaw na nga ang inaalala, pilosopo ka pa. Diyan ka na nga,” at mabilis na humakbang palayo rito.

“Hoy, sandali lang!” sigaw nito sa kanya na tumatakbo na para lang habulin siya. Inakbayan siya nito nang maabutan. “Babes naman! Ang dali-dali mong magtampo.”

“Hayan ka na naman sa babes mo,” reklamo niya at pilit inaalis ang kamay nitong nakapatong sa kanyang balikat.

“Alam ko namang nami-miss mo lang ang ka-sweet-an ko, eh, kaya ka nag-aalala na tahimik ako,” hirit pa nito.

“Pag hindi mo inalis ang kamay mo, babaliin ko ito.”

“Talaga? Sige nga,” hamon nito sa kanya habang tinutusok ng daliri nito ang kanyang tagiliran—her tickle point.

“Kevin, tumigil ka,” mariing banta niya rito.

Inalis nito ang kamay sa kanyang balikat para lang kilitiin siya sa magkabilang tagiliran.

MAKALIPAS ang limang minutong warm up, sumipol na ang referee para simulan na ang laro. Iginala ni Kevin ang kanyang paningin para hanapin si Jenny. Laking tuwa niya at para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita itong nakaupo sa bleacher na kaharap ng kanilang bench. Katabi nito si France. Nagpalitan sila ng ngiti nang magtama ang kanilang paningin.

“Go, kuya!” narinig niyang sigaw nito. Napangiti siya. Nakaupo lamang siya sa bench bilang reserve gaya ng sabi ng kanilang coach.

Muling sumipol ang referee para sa jump shot. Nagsimula nang maging maingay ang buong gymnasium. Magkahalong cheers para sa magkabilang team at kantyaw para sa mga palpak na players. Hindi naman nagpahuli ang coach nila na panay ang sabi ng “depensa” at “opensa” sa bawat pangyayari sa loob ng court.

Habang umiinit ang labanan sa pagitan ng dalawang koponan, hindi maalis ni Kevin ang tingin kay Jenny. Napapangiti siya sa tuwing sumisigaw ito. Paminsan-minsan nama`y nahuhuli siya nito kaya nagtatama ang kanilang paningin. Subalit ang dalaga ang unang bumabawi ng tingin nito.

“Time out!” sigaw ng table man na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Hindi niya namalayang second quarter na at dehado pa ang team nila. 45-20 ang scores nang tingnan niya ang scoreboard.

“Reston, kaya mo na ba?” untag sa kanya ng kanilang coach.

“Kaya ko na po, coach,” sagot niya at sumulyap muli kay Jenny. Bahagya itong tumango.

“Okay, palitan mo si Herrera bilang shooting guard. The rest, same position pa rin. Okay?”

“Yes, coach!” sabay-sabay nilang sagot.

“Eagles?”

“SAC Eagles!!!” sigaw nila.

Nagkahiyawan ang lahat nang makita siya. Narinig pa niyang isinisigaw ng mga ito ang kanyang pangalan. Subalit isang boses lang ang malinaw sa kanya—kay Jenny.

“Go, Kevin!”

“Oh, hayan! Siguro naman, mananalo na tayo ngayon,” wika ni Ace sa kanya sabay tapik sa kanyang likod.

“Oo naman. Ililibing ko ang kalaban ngayon,” pangako niya.

 

DALI-DALING bumaba si Jenny pagkatapos ng laro. Excited siyang lumabas at naghintay sa labas ng gym para ma-meet si Hehe123.

“Jenny, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni France sa kanya nang lumabas ito kasama ang kapatid.

“Sige, mauna na kayo. Hihintayin ko lang sina Kuya,” pagsisinungaling niya.

“Okay. Sige, bye!” paalam nito at umalis na.

Ilang minuto pa`y lumabas na ang kanyang kuya at buong team nito.

“Jenny, akala ko umuwi ka na.”

“Hindi pa, Kuya. May hinihintay pa kasi ako,” sagot niya rito.

Nagkatinginan ang team mates nito. Nanunukso ang mga matang tumitig sa kay Kevin sabay ngiti.

“Oh, Kevin,” tulak ng kanyang kuya kay Kevin. “Ikaw na ang maghatid sa kapatid ko pauwi,” dagdag pa nito. Akala yata nito ay si Kevin ang hinihintay niya.

“Hindi naman si…”

“Bye,” agad na paalam nito sa kanila.

“Bye!!!” sabay-sabay na paalam ng team mates nito.

Napabuntong-hininga lang siya.

“Sino bang hinihintay mo rito?”

“Basta hindi ikaw. Pwede ka nang umuwi,” taboy niya rito.

“Sungit mo na naman.”

“Sige na. Umuwi ka na please? Baka makita ka niya rito, eh.”

“Sino ba kasi…Boyfriend mo, ano? Isusumbong kita sa kuya mo,” banta nito sa kanya.

“Hindi ko siya boyfriend, okay?”

“Ay, lalaki pala talaga iyan, ah.”

“Kevin, ayokong magalit sa iyo. Kaya, please umuwi ka na,” pakiusap niya sa binata.

“Fine,” sumusukong sagot nito. “Uuwi ako para magbihis. Babalikan kita rito mamaya kapag hindi ka pa nakauwi sa inyo nang alas sais.”

“Oo na. Sige na, umalis ka na,” halos ipagtulakan na niya ito para makaalis na.

Naiiling namang umalis si Kevin.

Isang oras na siyang nakatayo roon pero wala pa ring Hehe123 na nagpakita sa kanya. Tinitingnan niya ang mga natitirang tao sa paligid niya. Halos lahat sa mga iyon ay babaeng cheer leaders. May mga nagdaraang kalalakihan pero lahat sila`y nilampasan lang siya. Ni hindi nga siya tiningnan.

“Konting pasensya pa,” sabi ng isip niya. “Darating din iyon.”

Tiningnan niya ang kanyang relo. Mag-aalas sais na. Nagsisimula nang mag-agawan ang liwanag at kadiliman. Maya-maya pa`y tahimik na ang buong gym. Siya na lang talagang mag-isa sa labas. Nagsimula nang maglandas ang kanyang luha sa kanyang pisngi.

Bakit? Bakit hindi ka sumipot? Bakit?” ang nanlulumong tanong ng isip niya nang mapaupo sa gilid ng poste.

“Jenny!”

Napalingon siya nang isang pamilyar na boses ang tumawag sa kanya. Mukha ng nag-aalalang si Kevin ang kanyang nakita nang tumayo siya. Lumapit ito sa kanya. Agad naman niyang pinahiran ang namamasa niyang pisngi at inayos ang sarili.

“Bakit andito ka pa? Hindi ka ba sinipot—”

“Pauwi na ako,” wika niya at agad naglakad palayo sa lugar na iyon.

“Mabuti naman kung ganoon. Talagang sinundo kita rito.”

“Pwede ba lubayan mo ako? Hindi mo ba alam na naiirita na ako sa kakasunod mo sa akin? Ayaw kitang makasama, okay?” galit na turan niya rito.

Natigilan naman ito. Halatang nabigla sa sinabi niya.

“I-I`m sorry,” bawi niya sa sinabi. “Hindi ko sinasadya. I just…” Nagsimula na namang tumulo ang kanyang mga luha. Bigla siya nitong niyakap. “Hindi ko lang matanggap kung gaano ako katanga. Ang tanga-tanga ko,” sumbong niya rito.

“Shhh. Tahan na. That`s not true. Hindi ka tanga.”

 

PAG-UWI ni Hehe123 sa kanila, ibinalita agad niya kay Foo ang hindi niya pagpapakilala kay Jenny.

Andoon ka na, hindi ka pa nagpakilala. Dude, hinintay ka ng tao

Eh, hindi nga ako ngkaroon ng pagkakataong gawin yun. Ok na sila ni Kevin.

Look, sa gnawa mo, sigurado nagtatampo na sau yun. Once na malaman niya kung sino ka, I`m sure, she`ll get angry. Iisipin niya pinaglalaruan mo lang siya.

Kya nga mas mabuti nang hindi niya malaman kung sino talaga ako pra makalimutan na niya ang tungkol skn taz mkapagpatuloy siya sa buhay niya sa real world.

            Ewan ko sau. Gusto mo ipa-ban kita sa TOP?

            Foo naman!

            Eh, nakakainis ka kc. Gusto naming lahat magkaroon ng happy ending ang love story nina Hehe123 at Jen143, ikaw itong ayaw.

            Mgkaiba ang fiction sa real life.

            Whatever!

Hindi na ito muling nag-reply pa sa kanya. Nang tingnan niya ang kanilang group, laman ng usapan ng mga TOPpers ang tungkol sa usapan nila ni Jenny. Mukhang hindi pa ito nag-log in kasi wala pa yatang may alam na hindi siya nagpakilala rito bilang si Hehe123.

Ilang saglit pa`y isang tawag ang kanyang natanggap mula kay Louise.

“Hello po, Ms. Louise. Napatawag po kayo?” bati niya rito.

“Kumusta ang pagtatapat mo?”

“Hindi po natuloy. Naduwag po ako, eh.”

“Ganoon? Hay, akala ko pa naman happy ending na.”

“Hahaha. Kayo talaga. Sobrang inaabangan n`yong lahat ang love story namin ni Jen143.”

“Naman! Kakaiba kasi ang love story ninyo. Ang sarap isulat.”

“Hehehe. Kayo talaga. Akala ko pagagalitan n`yo rin ako tulad ng ginawa ni Foo.”

“Pinagalitan ka ni Foo?”

“Opo. Hehe. Nainis kasi siya nang sinabi ko sa kanya ang nangyari.”

“Nakakainis talaga. Pero wala kaming magagawa kundi ang mag-abang. Mas mabuti nga iyon, may suspense ang story.”

“Toinks. Haha!”

“Sige na. Have to go. Bye.”

“Sige po. Salamat po sa pagtawag.”

Pagkatapos ng usapan nila ni Louise, nagtext naman sa kanya si Tinzz. Pareho lang din kina Foo at Louise ang tinanong nito sa kanya. Parehong sagot lang din ang ni-reply niya.

ATE Jenny, okay ka lang ba?” tanong ni Saien sa kabilang linya.

“Oo naman, bakit?” sagot niya kahit hindi naman totoo.

“Eh kasi, hindi ka na nagpaparamdam sa TOP at sa FB. Pati si Hehe123—”

“Huwag na natin siyang pag-usapan.”

“Hindi po ba kayo nagkita?”

“Saien, ayokong magalit sa iyo. Please, let`s not talk about him.”

Natahimik ang kanyang kausap.

“I`m sorry.”

“Okay lang po. Sige po, ate. Magpahinga na po muna kayo. Basta andito lang kami para sa iyo.”

“Thanks! Pakikumusta mo na lang ako sa ibang TOPpers.”

Nakatakas ang ilang patak ng kanyang luha mula sa kanyang mga mata nang patayin niya ang kanyang linya. Tiningnan niya ang kanyang laptop. Ilang beses na niyang tinangkang buksan ito pero katakot-takot na pagpipigil ang ginawa niya sa kanyang sarili. Talagang paninindigan niya ang sinabi niya kay Hehe123 na kapag hindi ito nagpakita, aalis na siya sa TOP. That`s the deal and she had to do it.

Tatlong sunod-sunod na katok ang umistorbo sa kanyang pag-e-emote. Agad niyang pinahiran ang kanyang mga luha at inayos ang sarili.

“Bukas iyan.”

Bumukas ang pinto at inuluwa nito ang kanyang ina.

“Ma, bakit po?”

Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. “Anak, nag-away ba kayo ni Kevin? Ilang araw na kasi kayong parehong nagmumukmok,” tanong nito.

“Palagi naman kaming nag-aaway. Hindi pa kayo nasanay sa amin?”

“Ang nakasanayan namin ay ang bangayan ninyo. Hindi ang ganito na hindi kayo nagkikibuan.”

“Wala po kaming problemang dalawa. Siguro pagod lang iyon sa game noong Sabado. Huwag n`yo namang i-connect sa akin ang mga nangyayari sa kanya. Hindi naman po kami magnobyo.”

“Huwag ka ngang masyadong magbabasa ng mga kwentong pag-ibig na iyan. Masyado kang nagpapadala sa mga binabasa mo,” pangaral sa kanya ng ina.

“Hindi na nga po. Tumigil na ako,” aniya at ngumiti nang walang kabuhay-buhay.

            Tumayo na ito. “Bumaba ka na para maghapunan. Huwag ka nang magpapahatid ng pagkain dito.”

“Sige po.”

 

The following two tabs change content below.
Just read my stories and you`ll know who I am.

Latest posts by Anjustin (see all)

Read the rest...


63 Responses

  1. Angelita Azares says:

    hayst

  2. black angel says:

    Ay nman naduwag magpakilla

  3. laick08012007 says:

    Ang hirap mgdcsyon tlga.

  4. Audrey-G says:

    wawa naman

  5. lynder2015 says:

    parang true story ah :)

  6. peachytan says:

    Hays wawa nmn c hehe123 at jenny143

  7. mylles says:

    Hay…..torpe tlga ni kevin

  8. april25 says:

    haizzzz…..

  9. fharaway says:

    ..gils pah puh plzzz…!

  10. wyn says:

    haaaayyyyyyy.. :(

  11. grace S. plaza says:

    jejejejejejeje

  12. mits namz says:

    i need gils =(

  13. yram says:

    kasi naman di pa sya nagpakilala :-(

  14. jcsm14 says:

    o heart aches… ang sakit mo talaga…

  15. alma rosano says:

    hay naku…heartaches…

  16. xiamielle says:

    i guess kelangan ko munang mg-ipon ng gills..txk!

  17. xiamielle says:

    kasi naman….

  18. Shanely says:

    hay.. hindi pa nagpakilala

  19. chelsea says:

    Di pa kasi nagpakilala

  20. yrajudi says:

    nah! nxt chap nah.

  21. pazawaiy says:

    but naiintindihan que aman din c kevin =/

  22. pazawaiy says:

    kawawa aman c jhen. . . =(

  23. ayarizelle says:

    huh..i need to earn gils.,
    anyways thanks f0r sharing the st0ry,.nawawala ung pagkab0red ko i d0nt need to g0 out init pa naman dito sa vegas,.
    Keep it up writer,.g0dbless.

  24. wentan says:

    nkakatawa 2, ksama s bida ang mga writers ng TOP

  25. Jhea says:

    anu ba yan si kevin napa ka torpe,,hmps.. anu naman kung malaman ni jenny na iisa lang si hehe123 at kevin atleast nagtapat siya…at napakita siya..

  26. gesela says:

    GUMAGANDA NA….

  27. Hopeless says:

    i need gils!

  28. mayriz says:

    ganda talaga, hindi nga sya nakakaiyak masyado, nagmumukha lang ako tanga kaka ngiti mag isa hehehe. :)

  29. chell86 says:

    gumaganda na ang st0ry

  30. rewin says:

    Bitin nmn hehehe….

  31. Jayselle says:

    tagal pa ng next week..hayst..anung araw ba ngayon…ui saturday na…bukas ulit posting!….whhahahahahaha

  32. -xxx- says:

    Nxt week ulit.. Nice 😉

  33. maria joy says:

    nxt n pls.

Leave a Reply