Revenge of My Amnesia Girl – Teaser

Revenge of My Amnesia Girl
Revenge of My Amnesia Girl

“Tahan na, Yumi, malilimutan mo din ako…”

Ang tatlong taong relasyon nina Harold at Mayumi ay nauwi sa hiwalayan sa pagdating ng kababata ng huli na si Carla. Nagmakaawa man siyang muling mahalin ni Harold ay hindi pa rin siya ang pinili nito. That same night she got drank and had an accident.

Ang yakapin ang dating nobyo ang unang-unang nais niyang gawin matapos magising buhat sa ilang araw na pagkakatulog dahil sa aksidente subalit pinigilan niya ang sarili, ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa na naman sa paningin nito. She had enough!

Isang paraan ang naisip niya. Nagpanggap siyang nagkaproblema sa ala-ala at ang isa sa hindi niya naaalala ay ang relasyon nila ni Harold.

Kung tutuusin ang objective ng plano niya ay ang mapalaya na sila ni Harold nang tuluyan sa kanilang relasyon pero imbes na samantalahin nito ang sitwasyon upang mapakasalan si Carla ay mukhang hindi nito kinaya ang kunsensiya kaya hiniwalayan nito ang kababata/nobya at muli siyang niligawan.

At ngayon sasamantalahin niya ang guilt na nararamdaman nito upang makapaghiganti…

Editor’s Note

Last May 10, 2012 pa ito nai-submit ni Jei Yu sa aming inbox pero ngayon lang kami ulit nagkaruon ng time na mabalikan ang mga pending manuscripts na nai-submit sa amin. For what reason? Busy sa pag-aaral, work at lovelife ang karamihan sa mga staffs, hehe!

Sa TOP po kasi, pag nag-submit ka ng story, ikaw mismo ang gagawa. You need to register for an account, go to your dashboard and post each chapters of your story on your own. Then editors will check out your story if it’s worthy being featured here and you will be surprised na may schedule na ang iyong story! (kung sinunod mo ang aming mga writing guidelines, siguradong papasa yan!)

Nonetheless, kung minahal ninyo ang huling kwento ni Jei Yu na may pinamagatang “Five steps to win you”, tiyak, mas magugustuhan ninyo ito dahil ibang strategy ang ginawa ng ating manunulat sa romantic story ito.

Foo

PS: And no, hindi po ito katulad ng kwento nila John Lloyd at Toni Gonzaga, sa title lang may pagkakahawig pero iba po ang konsepto. Bow.

Schedule: Every Saturday and Sundays

146 thoughts on “Revenge of My Amnesia Girl – Teaser

  1. haha napaisip nga ko kng ito ung story nng my amnesia gurl with toni and john lloyd kung d q pa nbsa ung p.s. ni author, d lang kc sa title hawig pati sa plot

  2. sometimes my mga kagagahan ak0ng nagagawa at pag napahiya na ako bec of it i alm0st wish n magka amnesia n lng aq para makalimutan q ung hiya or hurts n nararamdaman q.

  3. Yah aku dn nacucurious dn ako s story n2..want ko dn 2 basahn ..peo wait ko mna mtapos 2 den wYL waiting mkapg ipon mna gils kht panu:)…mejo sa teaser pa lan naiirita @ naiinis n ako kai harold hmmmp!! Keber ba nmn sbhn niya kai yumi na “MKAKALiMUTAN MO DN AKO” parang kai dali un gawin…haisssst!! Mejo nkarelate ako sa story n2:) 2 yrs ago gani2 dn nngyri skn kaso nd ako nag revenge ..ahaha(ganun!!) praktikal kc akong tao ayoko mging tnga @ mgpaktanga ..peo kht nmn ganun mrunung dn nmn ako umiyak ahaha…anyway gud job author mukhang mpapaiyak dn ako sa kwen2 mna 2..gudluck:)

  4. ay parang bad naman si girl dito… ang mga evil plans nagba-back fire yan… baka mas masaktan sya kapag karma naman ang nagrevenge…pero parang kaabang-abang…. posting na po…

  5. nice teaser…

    parang may nabasa na rin akong ganitong scenario sa isang pocketbook…ang kaibahan lang, nagpanggap si girl na may amnesia dahil natakot at nahiya siya dun sa ex niya… ^___^

  6. sobrang nakakaabang ang story nato…looking forward to read this.. now pa lang magipon na me ng gils..hehehe

  7. This is the first ever story i’ve written kaya mas marami itong flaws compare sa 5 steps pero sana maentertain kayo ng story although hindi ito rom com unlike 5 steps..

    Hindi ko pa din alam sched ng posting nito pero sana may magbasa once mapost na..
    hehe..

    1. err… nakalagay na po, every saturdays at sundays…

      minsan, parang gusto kong lagyan ng robot ang site para may automatic na sasagot sa mga FAQs ng mga readers. T_T

Leave a Reply