Christmas Wish – Chapter 4

Christmas Wish

Christmas Wish

WALA na namang tao sa bahay, siya lang mag isa. Natapos siya sa paglilinis ng bahay kaya’t naisipan niyang mamasyal sa mall. Hanggang ngayon ay tuliro pa rin siya sa nangyari kagabi, hindi pa rin siya makapag isip ng maayos hanggang sa mall sa tuliro pa rin siya. Sa halip na pumasok sa Ladies room ay sa Men’s room siya napapasok, napahiya tuloy siya. Namili siya ng mga grocery items para ipadala sa lolo at lola niya para naman may stock ang mga ito. Malapit na rin ang piyesta sa kanila kaya’t yayayain niya ang mag aama na bumisita sa kanila at iya magpapakitang gilas siya sa mga palaro. Sa mall na rin siya nananghalian at nagpalipas ng hapon, dala naman niya ang kotse kaya’t susunduin niya ang mga bata. Tumunog ang cellphone niya, may nag text. Si Renz.

Wena, pakidaanan mo naman ako here sa ofis. Nacra yung car ko. Hintayin kta. Thanks. Ni-reply-an niya ito ng “Ok”. Wala man lang I miss you o I love you! Pagmamaktol niya. Heh! Manahimik ka Rowena Alcaraz, hindi por que naglaplapan na kayo ay kayo na! Liberated na ang mga tao ngayon! Wala naman talaga siyang karapatang angkinin si Renz, wala naman siyang stable na relasyon, siya ay yaya at amo naman si Renz. Inalagay na niya sa kotse ang mga pinamili at dadaanan na niya ang mga susunduin. Sinundo muna niya ang mga bata sa school at si Renz ang sumunod. Naghihintay si Renz sa tapat ng building kaya’t madali nila itong nakita.        “Thank God!” Pagsakay nito.

“Thank me dapat!” Pwede naman itong mag taxi pauwi. “Saan tayo?”

“Sa mall, doon tayo kakain.”

“Wag na. Magluluto na lang ako.” Para lang naman silang mag asawa sa lagay nila ngayon, housewife siya at working husband naman itong si Renz at siyempre may mga anak. Haay buhay! In her dreams! Tahimik lang sila habang nabiyahe. At bigla na lang niya naalala ang piyesta. “Renz, fiesta nga pala sa amin next week. Gusto ninyong sumama?”

“Babalik ka sa Bicol? Eh, di babalikan mo na si Marlon.” Parang may nahihimigan siyang pagseselos.

“Hmmm… selos ka?” Tudyo niya rito. “Sa bagay, gwapo naman si Marlon. Dapat mo ngang pagselosan. O ano sasama ba kayo?”

“At bakit naman ako magseselos?” Tumaas bahagya ang boses nito.

“Ewan.” Nagkibit balikat na lang siya. “Sasama ba kayo?”

“Mama, sama kami!” Sigaw ni Sean.

“O, sasama raw.” Sabi niya. Walang imik naman si Renz hanggang makarating sa bahay. Dinner na ulit at tulugan na. Hindi na naman siya dinalaw ng antok kaya’t heto siya sa gazebo, nagpapaantok. “Hey!”

May tumapik sa balikat niya. Si Renz, sino pa ba? “Bakit hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba yung kiss ko?” Biro nito.

“Excuse me, bakit ko naman hihintayin iyon. Tambayan ko ito.” Tumabi ito sa kanya at umakbay ulit.

“Naku, alisin mo yan. Danger zone.” At para naman siyang sira na inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito. “Kumusta na si Jeelina? May pilay pa rin?”

“Wala na.”

“Ano patay na?” Pilosopong tanong niya.

“Wag ka namang ganyan. Wala na yung pilay at nasa France siya ngayon.” Mukhang walang concern sa boses nito, girlfriend nga ba talaga nito si Jeelina?

“Kaya nandito ka sa piling ko, alone ka.” Sinadya niya na may himig na pagtatampo sa boses niya.

“Tampo ka naman. Ang labo na nga namin, eh.” Lagi na kasing nag aaway ang dalawang ito. Pansin na rin niya sa tuwing bibisita ito sa bahay at kung nag-uusap sa cellphone ang dalawa.

“Kasinlabo ng tubig sa kanal? Gusto mo linisin natin.” Bakit ba ang pilosopo niya ngayon? “Ako sa pala si Wena, the philosopher. Nagpapakilala na ako dahil baka sapakin mo na ako dahil inis ka na.”

Tumawa ito. “Kiss na lang instead na sapak. Mas masarap pa.” Tumayo ito at hinila siya sabay yakap. Ready na siya. Ramdam na niya ang matatamis na labi ni Renz, it’s good! Lalo pa nitong hinapit ang beywang niya, hinawakan ang batok niya para hindi siya makawala. Hinahaplos naman niya ang malapad na dibdib nito, kumapit siya sa leeg nito. She wants him, very.

“Gusto mo sa bed?” He asked in a raspy voice.

“No. Next time.” Kahit gusto niya ay dapat pa rin niyang respetuhin ang sarili. Wala silang relasyon ni Renz, mabuti na ang nakakasiguro. “Times up!” Kumalas na siya bago pa siya mawala sa wisyo. Naupo na ulit siya. Umupo na rin si Renz. “Bitin.” Nakangiting saad ng lalaki.

“Ayyy!” Binuhat siya nito. “Saan mo ako dadalhin?” Kahit alam niya ay nagtanong talaga siya.

“Sa kwarto.” Hanggang sa makarating sa kwarto, hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin. “Anong gagawin ko? Maghuhubad ba ako or what?” Para siyang bata, pre-schooler na bago pa lang sa school.

“Ha? Ikaw ha, kung anu ano ang iniisip mo. Matutulog na tayo.” Ibinaba siya nito sa kama. At nahiga sa tabi niya.

“Oh yeah. Anong dapat kong i-expect? Nakakabaliw! Teka, bakit dito sa kwarto mo?” Tanong ulit niya.

Kinumutan siya nito at kinintalan ng halik sa noo. “Dito ka lang. Kasi, kapag doon ka natulog sa kabila, hindi ako makakatulog. Ano ba ang gusto mo? Tutulog tayo o…” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at hinalikan siya sa labi.

“Yung una na lang. Matulog na lang tayo.” Isiniksik niya ang sarili sa katawan nito, naka-aircon kaya’t malamig. Sana magtapat na ito ng tunay na nararamdaman para naman hindi siya na siya naguguluhan pa kung ano talaga ang mayroon sila. Medyo pagod siya nitong mga nakaraang araw dahil sa sideline niya, para hindi siya mabagot sa tuwing wala siyang kasama sa bahay.

Nagdi-dealer siya ng mga Natasha products dahil nairekomenda sa kanya ni Joan, kaibigan niyang dating nagtatrabaho sa CamSur at lumuwas na rin ng Maynila. Malakas daw ang mga cosmetics, mga pabango at damit sa village. Dagdag income naman iyon sa kanya para maipadala kay Lola Belen, kahit hindi ito humihingi ay binibigyan niya lalo na’t malapit na ang pasko. Nasabi na rin niya kay Renz ang sideline niya at ayos lang naman daw ito, hindi naman niya napapabayaan ang trabaho.

 

CAMARINES Sur is one of the best places in the whole wide Philippines! At ito ang kongklusiyon ni Wena lalo na sa bayan ng Buhi. Dito siya lumaki, at talagang ipinagmamalaki niya ito. Napakaraming virgin forest sa kanilang bayan at napapanatili na rin ito dahil sa batas. Dito rin matatagpuan ang pinakamaliit na isdang nakita niya sa kanyang talambuhay. Ang Sinarapan. Nasa biyahe na sila papunta sa timog, sa ngayon ito ang nagmamaneho ng kotse habang yung tatlong makukulit na bata naman ay natutulog. Habang nagmamaneho ito ay pinagmamasdan niya ang gwapo nitong mukha, mukha ng isang anghel. Hindi niya maiwasang mapangiti habang tinititigan niya ito, his eyes, maganda parang nakakatunaw, his nose, perfect and his lips, so sweet. Nakadalawa na siya rito at talo pa niya nag nanalo ng lotto.

“Parang ang sama ng titig mo ah. Gusto mo ba akong rape-in? Mamaya na lang kasi nagmamaneho pa ako.” Tila nakahalata naman ito, sino bang hindi sira ulo na hindi tititig dito? Gwapo as in! Kung pwede nga lang niyang gawin ang sinabi nito kanina… hay…

“Excuse me. Virgin pa ako, hindi ako marunong mang-rape.” Sagot naman niya at pawang katotohanan ito. He chuckled at parang musika ito sa kanyang pandinig.

“Virgin? Don’t worry, tuturuan kita!” Biro nito. At game naman siya!

“He he he, ito naman! Ang halay mo! May Jeelina ka na ah!” Namula ‘ata siya.

“Jeelina? Well, wala pa namang nangyayari sa amin.” Nagkibit balikat ito.

Napanganga siya. “Weh? Di nga? Imposible! Paano mo naman natitiis ang ganoong klaseng babae? Sexy, maganda tapos… ano pa ba? Witch!” Naalala niya tuloy ang tawag ni Sandy sa bruhang iyon.

“Bakit naman witch?” Tumawa na lang siya at hindi na sumagot. “Kanina ka pa nagmamaneho, ako naman. Tutal malapit na tayo sa amin.” Itinabi nito ang kotse, ini-unlock ang seatbelt at gayun din naman siya. Bumaba sila ng kotse at nagpalit ng puwesto. Bago, pinaandar ang kotse ay nilingon muna niya ang mga bata. Tulog na tulog ang mga ito. Habang papalapit sa kanilang bayan ay nakakaramdam siya ng excitement. Walang Jeelina, walang sakit sa ulo, kasama niya ang mga bata pati na rin ang kanyang prince charming.

 

HEY, you three. Gising na! Nandito na tayo!” Tinapik ni Renz ang balikat ng tatlo. Nasa tapat na sila ng ancestral house. Malaki nga iyon. “Daddy… karga…” Kinalong naman niya si Sandy. Nagising na ang dalawa at agad na binuksan ang pinto ng kotse, mukhang tuwang tuwa sa pagdating nila.

“Lola Belen!” Narinig niya ang sigaw ni Wena.

Biglang bumukas ang malaking pinto at iniluwa nito ang isang matanda, hindi ito mukhang lola, siguro ay mas bata pa ito kaysa sa edad, wala siyang makitang puting buhok.

“Ay apo ko!” Sinalubong nito ang dalaga. Katabi ni Wena ang dalawang bata.

“Hi po!” Sabay pang bati ng mga ito.

Laking gulat ng matanda. “Diyos ko! Rowena, apo ko na ba ang mga ito?!” Nilingon siya nito, lumapit siya kay Wena at bumaba naman si Sandy at ngitian si Lola Belen.

“Manugang? Aba’y pagkagwapo naman!”  Sinapo nito ang pisngi niya. Tumawa naman si Wena.

“Lola, hindi po. Siya po yung amo ko-”

“Mama Wena! Ang ganda nito! Wiiii!” Sumigaw naman si Sandy.

“Ikaw bata ka, anong hindi! Kita mo’t ‘mama’ pa ang tawag sa iyo nitong bata.” Lumabas naman si Lolo Poldo, malakas pa nga talaga ito sa kalabaw. “Hijo!” Niyakap siya nito. “Pumasok na tayo.”

 

NAUPO sila sa isang sofa na gawa pa sa narra, ang daming mga antique na mga bagay sa loob ng bahay. Masaya siya dahil walang ipinagbago ang bahay. Naipaliwanag na niya sa kanyang lolo at lola  ang bagay na hindi maintindihan ng dalawang matanda. Wala naman talaga silang relasyon ni Renz. As if naman kung meron, amo ito at yaya lang siya.

“Lola Belen, ang ganda ninyo po gaya ni Mama Wena.” Puri ni Sean.

“Itong batang ito, nambola pa!” Halatang aliw na aliw ang matanda sa mga bata lalo na kay Sandy.

“’La, tutulong na po kami sa paghahanda para bukas.” Tumingin siya sa orasan, ala-una pa lang ng hapon. Sobrang abala na ang lola niya sa paghahanda para sa pista.

“Magpahinga muna kayo.” Sagot ni Lola Belen, “Narito kayo para magbakasyon, ‘di ba? O di kaya’y magpunta kayo sa ilog, mamasyal kayo.” Suhestiyon ng matanda. Sana naman sa bakasyong ito ay may pagkakataon na siyang isolo si Renz, pero araw araw naman niya itong kasama, bakit gusto pa niya ito solohin? Pagnanasa na iyan Wena! Naku, tumigil ka na sa katangahan mo! Napipikon na siya ng munting tinig na ito, tuwing may iniisip siya na tungkol sa kanila ni Renz, lagi na lang itong sumusulpot na parang kabute. Ano na ngayon ang balak niya? Gagahasain ba niya ito o ito ang gagahasa sa kanya? OA naman ‘ata. Hayan, sumagot na naman ang munting tinig. Napansin din niya nang mga nakaraang araw, noong wala pa sila sa probinsiya, kung ano na lang at lagi siya nitong tinititigan ng malagkit. Mas malagkit pa sa kalamay. Hindi siya halos makatingin dito ng direkta, halos kasing pula na siya ng hinog na kamatis nang biglang ngumiti ito sa kanya. His smile, it’s kinda seducive. Hindi naman niya iniisip na s-ini-educe nga siya nito, para lang. Tapos noong kasunod na araw naman, kinindatan siya nito at siya naman, parang nalulusaw sa kakiligan. Ano bang meron ang lalaking ito? Masyado siyang naapektuhan ng munting bagay na ginagawa sa kanya ni Renz . May anak na ito tapos maharot pa rin, iba talaga ang mga lalaki. Halos matanggal naman ang mga mata niya sa eye socket nang makita niya itong umaahon sa pool, ipinapakita ang siksik nitong mga muscles sa katawan. The abs, malapad na dibdib na kay sarap hiligan, biceps and triceps muscles, isama na rin ang gwapo nitong mukha, wala na siyang mahihiling pa! Parang lang itong tiyuhan ng mga bata, hindi halata na magkakaroon pala ito ng anak, ang tatlo pa! Masarap isipin kung siya ang katabi nito sa kama, magkayakap sila tapos hahalikan siya nito hanggang sa… Rowena! Ano ka ba?! Nasisiraan? Bakit mo inisip ang mga bagay na iyan? Hindi kayo magka-level ni Papa Renz! Sinampal niya ang sarili. “Aray!” Sinapo naman niya ito agad.

“Anong nangyari sa iyo? Bakit mapula yung pisngi mo?” Tanong naman ni Renz na halatang nag aalala. Tinanggal nito ang palad niya na nakasapo sa pisngi niya at pinalitan iyon ng sariling kamay. Malambot ang palad ni Renz, masarap pisilin. “What’s wrong?” Kung hindi pa umimik si Renz ay baka tuluyan na siyang nawala sa sistema. Munting haplos lang iyon ngunit naapektuhan agad siya.

“Ah, may lamok kasi eh. Kinagat ako.” Pero wala naman talagang lamok. Kawawang lamok, napagdiskitahan pa niya, dati yung hotdog, ngayon naman yung lamok. Ano naman ang susunod? Langaw o porkchop? Humugot siya ng isang malalim na hininga.

“Bakit?” Tanong nito at inangat ang baba niya.

  Parang ang tahimik ng paligid. Kaya’t luminga siya, wala palang tao roon, maliban sa kanila. Ramdam niya ang unti-unting pagliit ng espasyo sa lugar sa kinatatayuan nila. O hallucination lang niya iyon. Sinalubong niya ito ng tingin, she’s getting… getting what?

 

HINDI na niya mapigilan ang sarili sa ginagawa, malapit na ang katawan nila sa isa’t isa. Hindi rin niya alam kung bakit nagpapa-cute siya kay Wena, kinindatan na niya ito, ngitian at alam niya na nakita siya nito habang umaahon sa pool. Ano pa ba ang kulang? A kiss will do!  Sagot ng maharot niyang utak. Then, the kiss… he’s kissing her! Para namang ngayon lang nagdikit ang mga labi nila. Nakow! Mmm… sarap! Nagulat na lang siya nang maramdamang tinutugon ni Wena ang isang nakakapanggigil na halik na ginagawa niya. Exciting, ngayon lang siya na-excite muli, maliban na lang noong manganak si Elize sa unang beses. Halos hindi siya makapag isip ng tama.

 

NAHIHILO na siya, pero hindi yung nararamdaman kapag sumasakay ng bus, nalulula kaya’t naglambitin siya sa leeg ni Renz. Dati, nandidiri siya sa torrid kissing dahil hindi naman nila iyon ginagawa ni Marlon, ngayon sarap na sarap siya na parang kumakain lang ng lollipop. Para akong adik, hay, nakaka-high!

“Mga kapitbahay! May nagsu-shooting ng pelikula!” Hindi niya alam kung saan nanggaling yung nakakairitang boses na iyon. Baka imagination lang niya iyon.

“Wena…” He brushed his lips to hers.

“Hmmm…” At siya naman, heto tuloy tuloy.

Tumikhim ito. “I think, someone’s watching us right now.” Ginising siya ng mga salitang iyon at tumingin siya sa labas. Nasa veranda sila! At sa ibaba, nagkukumpulang mga tao, that means kita nila ang lahat ng nangyari! Nagtago na lang siya sa dibdib ng lalaki, kung makikita lang niya ang sarili niya, siguradong namumula na siya. Narinig niya ang palakpakan at hiyawan ng mga tao sa baba.

“Wena! Ipabisto mo namam sa aku ang pogi mong bata.!” Sigaw ang isang matandang babaeng may curler pa sa buhok, si Aling Tekla. Gusto pala nilang makilala si Renz, lalo na ang mahaharot na mga dalaga. Ha! Magdusa kayo! Akin lang si Renz! Buwahahaha!

            “Paano man aku! Pig muot kita ng higit sampulong taon tapos ipagpapalit mo ako sa butlog na yan?!” Sigaw naman ni Badong. Tama, mahigit sampung taon nang nakararaan nang ligawan siya nito. Okay naman ang hitsura ni Badong, kaso nga lang masaydong siga at mahangin. Di hamak na mas gwapo at mabait si Fafa Renz niya, at nag kiss pa sila! Na-miss niya ng sobra ang Buhi, lalo na naman ang mga katrabaho niya sa CamSur na mga kolokoy lalo na kapag nakakakita sila ng mga macho at gwapo, tapos sumisipol naman ang mga lalaki nang palihim kapag nakakakita ng mga babaeng sexy na naka-swimsuit. Lihim siyang napangiti. Tiningala niya si Renz na tuwang tuwa sa mga tao sa ibaba. “Renz, tayo na sa loob.” Iginiya siya nito sa loob, at katakataka pa ring walang mga tao sa loob. Pati ang tatlong bata wala rin kaya’t bumaba sila sa kusina para hanapin ang mga iyon. May kusinera namang naiwan sa baba at tinanong nila si Rosie.

“Aling Rosie, nasaan po sila lolo at lola?” Naggagayat ito ng repolyo, nilaga siguro ang iluluto nito.

“Ah, lolo at lola mo ba kamo? Nagpunta sa bayan, nagpapalaro na ang mayor at gobernador. Kasama yung tatlong bata.” At nagpatuloy ng paggagayat ng gulay.  Wiling wili siguro ang dalawang matanda kaya hindi nagpaalam ang mga ito sa kanila, hindi pa naman kasi nadating ang mga iba pa nilang kamag-anak. Tumingin sa kanya si Renz.

“Renz, gusto mong pumunta sa bayan?” Umiling ito, at may napakapilyong ngiti ang sumilay sa mga labi.

The following two tabs change content below.
Writing is not a profession but it is a PASSION...

Read the rest...


73 Responses

  1. Angelita Azares says:

    kilig

  2. sweet318 says:

    Ang kulet nila tlg so cute :)

  3. tricxie1302 says:

    wow nakakatuwa…

  4. aprilmarcellana says:

    Cheezy…

  5. shiela1234 says:

    Ang haharot nyong dalawa…..hahahahaha

  6. Hahaahahha daming nakakita kahiya

  7. Khizmar says:

    ligo muna bago basa haha

  8. sushibar84 says:

    Ang kulit nila

  9. ivyangel says:

    kulit! haha

  10. ArielSaavedra says:

    may pagka liberated ang story nato!

  11. julie23 says:

    Cute po ng story

  12. keeehialovesu says:

    Parang artista lang teh! Haha with matching audience pa., hanep., bigyan ng SHORTS.. Hahaha

  13. Sherilyn says:

    kayo na talaga..

  14. Yenng says:

    hahahah natuwa ako doon : )
    nakakatawa sya talaga.pinigil ko lang yung ilan kasi may natutulog na

  15. grace S. plaza says:

    wohhhh

  16. marygadan says:

    panay kissing scene huh hahaha

  17. shaina08 says:

    ay exciting!

  18. alma rosano says:

    nakaka excite naman…

  19. aine says:

    Hay pilyo ka renz

  20. ilovetabisan says:

    ang kulit ng story :)

  21. sweet93 says:

    Nakakatuwa talaga may plano c fafa Renz ang kulit na sweet

  22. uoyamaricel says:

    mmmmhhh bukas ulit magbasa 2log muna aketz,,,

  23. o7cristel says:

    haha ..pilyong ngiti daw.. patay ka Rowena!

  24. jjhuls says:

    ang ganda na ng story

  25. jinjerbread says:

    hahaaha grabe nakakatawa 😀

  26. ysa16 says:

    ito talagang si renz pilyo!

  27. wentan says:

    hindi masyadong haliparot c girl h. .

  28. Mharniemine14 says:

    I thought mahirap lang c wena? Bakit may kusinera? Hmm..wla lang..naguguluhan lang ako sa story…

  29. ladykairi says:

    galing talaga ng mga t0p writer.

  30. gingging02 says:

    Nxt chapter….

  31. jaimieallyson_25 says:

    Super lyk

  32. roseAnn says:

    ang sweet ..;)

  33. Nlove says:

    Wla na po akong gils…

  34. gesela says:

    YES! SUCCESS!…nakita ko na yubg password!!

  35. gesela says:

    hahaha!!!Renz pilyo ka ha!

  36. pia says:

    i like the guys personality.

    pero itong si girl medyo parang batang kanto kung umasta ha..just my opinion though

  37. pia says:

    im on chpter 4 na yooohooo excited to start

  38. malay says:

    wahhhhhh….

  39. edelyacilo says:

    hehehehe.. chapter 5 na q.. :) love it..

  40. edelyacilo says:

    wow.. hmmmmm.. anu kayang standing nila?

  41. anne says:

    hahaha nakita ko na ang password. yahooo…

  42. lpilapz says:

    nyyaaayyy!!! :)

  43. pia says:

    waahhh soon i wil read youuuu

  44. pia says:

    waahhh mababasa din kta pg tpos kanaaaa

  45. mhelai says:

    Ano kayang gagawin ni Renz?? haha Hi guys… thanks for reading this story!!!

  46. maria joy says:

    nice nmn

  47. doves says:

    wow grabe sarap….

  48. mayriz says:

    hahaha kuleet at ang cute ng story…

  49. mayriz says:

    not enough gils huhuhu… :(

  50. -xxx- says:

    ang awkward nun :)

Leave a Reply