Bakit Mahal Kita – Chapter 7

Bakit Mahal Kita

Bakit Mahal Kita

Kinabukasan maghapon silang naggala ni Brian, pumunta sila sa Underground River, Dolphin watching,Crocodile Farm, Iwahig Penal Colony ang isang araw nilang pag stay ay inilaan nila sa iba pang lugar na hindi nila napuntahan.

Napakasaya ng araw na iyon para kay Jhen,doon nya nakilala ng husto ang lalaking mahal. Hindi na nya yata kayang malayo dito. Mahal na mahal nya ang lalaki at alam nyang kahit paano ay mahal na rin sya nito.

Pinakilala na rin sya ni Brian sa parents nito. Mabait ang pamilya De Luna,noong una parang nahihiya sya at hindi makakilos ng husto dahil naiilang sya pero pinaramdam nito sa kanya na welcome sya sa pamilya at mahal nila ang mga taong mahal ng kanilang anak.

Ang akala ni Jhen na perpektong buhay sa piling ni Brian ay biglang naglaho ng isang umaga ay may dumating na babae at hinahanap si Brian. Nang itanong nya kung sino ito, si Candice daw sya ang long time girlfriend ni Brian.

Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ni Jhen bakit ba hindi nya natanong ang kumag na lalaking yon kung may girlfriend ito or wala. Basta na lang sya nakipag relasyon dito at nakisama dito ng ganoon kabilis.

Naiiyak na sya pero hindi nya pinahalata, tinawagan nya sa intercon ang binata at sinabing may naghahanap dito, si Candice daw long time girlfriend nya. May diin ng sabihin nyang long time girlfriend.

Hindi nakakibo si Brian at bahagyang natigilan.Binaba na agad ni Jhen ang intercon at sinabi kay Candice na pwede na syang pumasok sa opisina ni Brian.

Nakaramdam ng insecurities si Jhen dahil sobrang ganda ni Candice, para itong artista at ang sexy nito pa animo ay isang modelo. Walang wala syang sinabi sa itsura nito.

May usapan sila ni Brian sa labas sila kakain ng lunch ngayon. Lunch break na at halos isang oras na nandoon sa opisina nito si Candice at hindi pa rin lumalabas ang dalawa. Selos na selos si Jhen at hindi nya alam paano pakikiharapan si Brian kaya sumama na lang sya mag lunch kay Myra.

Hindi nakaligtas kay Myra na may dinadalang problema ang kaibigan. Kinuwento nya lahat kay Myra, sinisi rin nya ang sarili kasi hindi nya naitanong kay Brian kung may girlfriend ba ito.Basta na lang sya nagtiwala at nagmahal.

Tinatawagan sya ni Brian pero hindi nya sinasagot ang mga tawag nito. After ng lunch hindi sya agad bumalik ng desk nya parang sumama ang pakiramdam nya, ayaw nya muna makaharap si Brian at baka kung ano pa ang magawa nya kay Brian. Gusto nyang bigyan ng mag asawang sampal ang binata,kaya hanggang maari ayaw nya munang makaharap ito.

Pagbalik nya sa desk nya,nalaman nyang umalis si Brian kasama si Candice, sobrang duguan na ang puso nya at hindi na sya makapag trabaho ng maayos.

Alas singko na hindi pa rin bumabalik si Brian, umuwi na ng maaga si Jhen. Gusto sana nya mapag isa pero hindi pumayag si Myra na mag isa syang umuwi. Sabay silang umuwi ni Myra,panay ang tawag sa kanya ni Brian at hindi nya talaga sinasagot ang cellphone nya.

Alam nyang pupuntahan sya nito sa apartment nya kaya doon muna sya nakitulog sa mga pinsan nya sa Quezon City.

Worried na si Brian dahil alas dose na ng gabi at nandito sya sa labas ng apartment ni Jhen, hindi pa rin ito umuuwi at hindi rin sinasagot ang cellphone nito.

Alam nyang galit sa kanya ang dalaga, bakit hindi muna nito pakinggan ang paliwanag nya. Bago sya bumalik sa Pilipinas ay nakipaghiwalay na sya kay Candice dahil abala ito sa trabaho at wala rin naman oras para sa kanya.

Hindi rin naman sila pareho seryoso sa relasyon nila kaya nakipaghiwalay na sya dito bago umuwi dito sa Pilipinas.

Pupunta ng Singapore si Brian at bukas ng hapon ang flight nya, kailangan magkaayos sila ng dalaga bago sya umalis. Hindi din nya pwedeng ipostpone ang pag alis dahil may imi meet sya na investors at importanteng mai close nya ang business deal na ito.

Naalimpungatan si Brian at nagulat sya ng makitang mataas na ang araw,nakatulog pala sya sa kotse kakahintay kay Jhen. Hindi pa rin umuuwi ang dalaga at ng i try nyang tawagan ito ay naka off na ang cellphone nito.

Para na syang mababaliw kakaisip kung saan nagpunta si Jhen at kailangang magkausap sila ngayon bago sya umalis. Kailangan maayos nila ang problema nila.

Alam ni Jhen na ngayon ang flight ni Brian papuntang Singapore, tiniis nyang huwag sagutin ang mga tawag nito kagabi. Marami rin itong text sa kanya na nagmamakaawa na pag usapan nila kung ano man ang problema nila.

Gusto daw nito na magkaayos sila bago ito pumunta ng Singapore. Isang linggo itong mananatili sa Singapore at hindi daw nya kakayanin na hindi nya makausap si Jhen kahit sandali.

Gabi na sya umuwi sa apartment nya at buo na ang pasya nya. Uuwi na sya sa Cebu at wala na syang balak makipag ayos sa nobyo.

Sinaktan sya nito at hindi sinabi na may girlfriend syang naiwan sa Amerika. Para syang tanga na umasa at naging sunud sunuran dahil mahal na nya ang nobyo. Ayaw na nyang maulit ang mga naranasan nya sa huling naka relasyon.

Naghanap sya ng available flight papuntang Cebu, may nakuha syang flight ng hapon din na iyon. Tinawagan nya si Myra at sinabing nag email na sya sa HRD at nag file sya ng indefinite leave pero baka hindi na rin sya bumalik at gusto nyang mag settle na doon sa probinsya nila.

Iniwan nya kay Myra ang address nya sa Cebu pero kabilin bilinan nya na huwag itong ibibigay kahit kanino.

The following two tabs change content below.
I'm a Freelance Blogger, Quality Assurance Specialist in a Call Center I love to write short stories. I love photography and cooking I love to travel and surfing the net

Latest posts by michiedoll (see all)

Read the rest...


113 Responses

  1. lucylyn cabang says:

    ngek d man lang pinakinggan c brian

  2. Fred Che says:

    Kainisk jhen d moman lnv hinintay n magpaliwanag c bryan sayo

  3. sweet318 says:

    Hahanapin krin ni brian dyan sa cebu 😉

  4. lynder2015 says:

    every chapter us really worth it.. :)

  5. tricxie1302 says:

    ayan kawawa naman si brian .. ang mis understanding nga naman….hmmmm

  6. bambiekrypt says:

    Ang babaw jhen! Pwd nmn makinig ka sa paliwanag.? Hai nku kakainis c jhen.

  7. rishann says:

    nagdesisyon agad ng di muna nakipag usap kaya may mga iba na failed relationship sa ganyang ugali.

  8. Ailyn Bore says:

    hay kainis d man lng nya pinaking gan c brian

  9. ganun lang yun ang sakit naman

  10. aijo says:

    ang cute naman!

  11. Audrey-G says:

    ang ikli naman

  12. glazyblue says:

    ang bilis

  13. Saly Delina says:

    Ay sad naman nd kc muna makinig eh.

  14. Ahmmp… kabago bago pa…eala na agad sila…

  15. katelace says:

    0ooch,,,,sakit nun ah,,,,

  16. dmallari says:

    ganda, exciting

  17. antabagare says:

    Kasi naman d man lng binigyan ng time mag paliwang si guy ayan tuloy.

  18. C est la Vie says:

    Wow, over makareact si girl ah! A little jealousy is ok sometimes but yun reaction ng leading lady dito is too much naman yata at hindi na cute. But then, siya yun at story nya ito hehehe.

  19. april25 says:

    kawawa nman c brian…

  20. keeehialovesu says:

    …..:(

  21. julie23 says:

    Mka react nmn c ate.. di muna ngw8 ng xplanation

  22. hayathie says:

    nmn nd na nagtanung wawa nmn

  23. Yenng says:

    Exit mode ang drama.hayy mag kakalayo sila…tadatadaaa..

  24. Sowinlove says:

    Usap-usap muna din pagme tym… Kaso walang tym…ahahahaha kalerks!

  25. anaquirol says:

    PWEDE PAG USAPAN MUNA

  26. emptychen19 says:

    Excited much,

  27. lani27 says:

    Ayy..kawawa nmn ngsuffer clang dalawa sa maling akala..

  28. angalang says:

    wla n akong gils huhu

  29. dhabie says:

    Naku ayan ang nangyayari pag kulang sa pag-uusap

  30. grace S. plaza says:

    hayyyyy kalongkot nman,,

  31. jose0118 says:

    awss.. problem :-(

  32. caroline73 says:

    sooooo nice…..

  33. shaina08 says:

    hay… love problems…

  34. alma rosano says:

    aba, palayas effect pa siyang nalalaman…go girl kaya mo yan…

  35. marygadan says:

    makinig ka naman kasi muna Jhen

  36. ella2655 says:

    BRAINTOT WAWA NMN

  37. LadyRenesmee says:

    on to chapter 7..di baleng maubos ang gils matapos lang ang story…

  38. hyza says:

    feel sorry for both..hirap masaktan ano..

  39. john says:

    Pa bigla2 ka nman Jhen.

  40. uoyamaricel says:

    ayyyyyyyyyy

  41. dadhay21 says:

    . .anu b yan jhen.sana pinakingan mo ung side ni papa brian.ahe.

  42. sweet93 says:

    Next chapter n ano kaya ang gagawin ni brian ?

  43. sweet93 says:

    Ah yun n mn pla cguro n truma n c jhen sa x-bf yh kaya indi n nakikinig sa paliwanag ni brain

  44. aljo says:

    walng talking talking tlga??

  45. chelsea says:

    hirap naman for jenny

  46. ghia says:

    ay! agad-agad.. haha!

  47. wentan says:

    escape agad, wla man lng usap2. .

  48. gingging02 says:

    Ay ganoon lang? Ang labo mo Jhen…

  49. akeisha says:

    eto ang masaklap walang communication.. puro tamang hinala lang.. hirap talaga ng ganyan.. :(

  50. M.T. says:

    bakit naman di niya muna pakikinggan ang lalaki?

  51. nOvie says:

    ‘hay gnda.,dpat cnagot na nya mga col ni bryan..

  52. Julieta says:

    Kawawang Brian

  53. jhovelle says:

    nakakainis ung ganito, hindi masamang magtanong diba, saka ikaw na nga yung pinakilalang gf sa parents nya eh…

  54. Belle says:

    tanga nmn tong c jhen kaht n nsaktan siya s dti niyang karelasyon ala nmn msama f mgtanong f anu tlga ang totoo f s tingin niya n prang ngsisinungaling lng c brian di ska makipghiwalay. tsk tsk tsk

  55. pazawaiy says:

    ahmf!!kainix!

  56. aine says:

    Si Jhen naman agad umalis

  57. aine says:

    Kawawa nMN is Brian

  58. Ronnelyn says:

    Sad nman…bkit jc ineng di m muna pkinggan ang pliwNag ni bri…

  59. mayriz says:

    ayy bat iniwan agad si sir… try mo kya pakinggan muna sya… hehehe affected ako… ganda naman kc kadala ung story…

  60. doves says:

    hays, bakit ba hindi niya pinahihintulutan na magpaliwag….selos talaga oo

  61. princessemerald says:

    ang hirap magpalipas ng oras at araw sana araw araw sat and sunday lng pra tuloy tuloy pagbabasa

  62. princessemerald says:

    ay sana pinakingan nya muna ang side ni brian

  63. eyang says:

    wow exciting ano kaya mangyayari sa susunod

  64. selosa, mahirap ‘yan…….

  65. mia says:

    haiiii naku… selos agad c ate ui…:)

  66. maria joy says:

    hay nku sana maaga ung nxt chap xciting n kc

  67. Cheer says:

    selos agad2x? di pwede magpaliwanag muna? hehehe… =) next chappie na pls.

  68. Blackrose says:

    Bitin. Excited for next chapter. :)

  69. matet says:

    Ay bitin…. Next chapter please

Leave a Reply