Till We Meet Again – CHAPTER SIX

Till We Meet Again

Till We Meet Again

“Ma’am hahaluin ko na po ba ito?” tanong ni Cecille kay Jessica.

Hindi sumagot ang kausap kaya’t minabuti ni Cecille na lapitan ito.

“Ma’am?” untag ni Cecille kay Jessica.

“Ay, Cecille bakit?” tila nagulat na sagot ni Jessica.

“Tinatanong ko po kung hahaluin ko na yung niluluto natin.” Sagot naman ni Cecille.

Napatingin siya sa dalaga na halos kasing edad niya lang. Masaya siya dahil natupad na niya ang matagal na niyang pangarap at natulungan niya pa ang anak ni Manang Shiela na si Cecille. Kinuha niya kase itong assistant sa restaurant na itinayo niya dalawang taon na ang nakakaraan. Assistant niya si Cecille sa kusina pati na rin sa pag-aayos ng mga paperworks para sa restaurant. May shares sa naturang restaurant ang dalawa niyang kaibigang si Abby at Hazel ngunit siya talaga ang hands-on doon.

Si Abby ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang Assistant Business Manager.

Si Hazel naman ay natupad ang pangarap na magturo sa mga bata. Kasalukuyan itong teacher sa isang pre-school at balak din nitong magtayo ng sariling school kapag may sapat nang experience at funds.

Lahat silang magbe-bestfriend ay maganda na ang takbo ng career. Ngunit tila ba napakaswerte ni Abigale dahil maganda pa rin ang takbo ng lovelife nito with Paul.

“Sige haluin mo na Cecille. Pasensya ka na at di lang kita narinig kanina.” Sagot niya kay Cecille.

“Ok lang po Ma’am. Mukhang malalim po ang iniisip ninyo ah?” saad naman ni Cecille.

“Cecille have you ever been in love?” biglang tanong ni Jessica.

“Po?” takang tanong ni Cecille.

“Ah wala sige… tuloy mo na lang yung niluluto mo. Kaya mo na yan diba? If you need my help nasa office lang ako. Papahinga lang ako saglit.” Sagot ni Jessica.

“Ah sige po Ma’am malapit na rin naman po itong matapos at may mga kasama naman po ako dito.” Sagot naman ni Cecille.

Tumungo siya sa kanyang opisina upang magpahinga muna. Mukhang nawawala siya sa konsentrasyon sa pagluluto kaya minabuti niyang magpahinga muna. Isa pa ay alam niyang kaya na iyon ni Cecille dahil naturuan naman na niya iyon ng maayos dagdag pang marami din itong kasama roon upang tulungan itong magluto.

Umupo siya sa kanyang swivel chair. Napatingin siya sa gawing kanan ng kanyang office table at kinuha niya ang isang picture frame. Laman ng picture frame ang litrato nilang magkakaibigan kasama si Paul at Timothy. Tatlong taon na rin pala ang nakakaraan ng kinuhanan ang litratong iyon sa resthouse nila Hazel sa probinsiya nila.

***

Masayang nag-shower si Jessica pagkaakyat sa kwartong inookupahan niya. Masaya siya dahil maganda ang kinalabasan ng niluto nila ni Timothy at tiyak niyang magugustuhan din iyon nila Abby, Hazel at Paul.

Nagtataka man ay nagsuot siya ng dress. Mabuti na lang at may dala siyang isang simpleng dress. Sa totoo lang ay iyon ang paborito niya dahil masarap iyon sa katawan.

Gawa kase iyon sa cotton na sadyang presko at ang kulay ay baby pink na isa sa kanyang mga paborito.

Pagkatapos isuot ang dress at humarap sa salamin upang mag-ayos ng sarili. Naglagay siya ng manipis na pulbos sa kanyang mukha at manipis na lipstick.

She’s really in a good mood at that time. Masarap kasama si Timothy kahit pa nga kinakabahan siya kanina ay nag-enjoy talaga siya habang kasama itong nagluluto. Napaka-attentive nito at mabilis kumilos kaya’t naging magaan ang kanilang ginagawa.

Matapos ang mahigit tatlumpung minuto ay handa na siyang bumaba.

Nagtaka pa siya ng may maulinigan siyang kanta na nanggagaling sa may veranda.

Thank you for this moment
I’ve gotta say how beautiful you are
Of all the hopes and dreams I could have prayed for
Here you are

“Tim?” saad ni Jessica ng makita si Timothy sa may veranda.

Nakasuot ito ng isang simpleng polo at di niya mapigilan ang sariling mapahanga sa kaguwapuhan nito.

“Jessica… Surprise! I hope you will like it.” Saad ni Timothy.

“Teka, you mean ikaw ang nag-ayos nito?” tanong ni Jessica.

“Yes… I thought it will be nice if we will have a special dinner. I also want to apologize sa nangyari kagabi. Hindi ko sinasadya at hindi naman kita minamadali about us.” Saad ni Timothy.

Nangiti siya dahil na-appreciate niya ang ginawa ni Timothy ngunit tila kinabahan siya sa takbo ng mga pangyayari sa pagitan nila. Ayaw niyang mawala ang focus niya sa pag-aaral at sa kanyang pangarap.

“Thank you. I really appreciate this.” sagot niya kay Timothy.

“Have a seat. Para makapagsimula na tayo ng dinner.” Saad ni Timothy habang patuloy na pumapailanlang ang kanta mula sa CD player.

And if I lived a thousand years
You know I never could explain
The way I lost my heart to you
That day
But if destiny decided I should look the other way
Then the world would never know
The greatest story ever told
And did I tell you that I love you
Tonight…

“Nasaan nga pala yung tatlo?” tanong ni Jessica kay Timothy patungkol kila Abby, Paul at Hazel.

“Don’t worry about them… They are just somewhere and they will probably eat what we have prepared pag dumating na sila.” Sagot ni Timothy.

“So you really planned this ha? At kasabwat mo yung tatlo?” natatawang saad ni Jessica.

“Guilty as charged!” saad ni Timothy sabay taas ng dalawang kamay.

Nagkatawanan sila sa tagpong iyon. Masaya si Jessica, she admits that pero the fear is still there. Hindi niya alam ang sasabihin at gagawin niya once na tanungin siya ni Timothy about them.

“Hmmm ang sarap ng food ah… I will definitely hire the cook who did this kapag nagtayo na ko ng restaurant ko.” dinaan na lang ni Jessica sa biro ang kaba at takot niya. Sana lang ay hindi pa magtanong si Timothy.

“Ang galing nga ng cook na yun dahil nasarapan ang tiyan ko at nabihag niya ang puso ko.” pasaring ni Timothy.

Gosh! Sabi na nga eh! Saad ng utak ni Jessica.

“Jessica…I want to thank you. Gusto kong magpasalamat kase you came to my life just when I needed somebody to cheer me up. Don’t get me wrong, you know very well kung ano ang naging desisyon ko para sa kapatid ko at para na rin kay Abby. Yes, I admit na si Abby ang unang nakapukaw ng pansin ko pero siya rin ang naging daan upang makilala kita. Siguro nga naging susi lang si Abigale para magkakilala tayo.” Mahabang turan ni Tim.

Pagkarinig ng sinabi ni Timothy ay piniga ni Jessica ang utak niya upang makapag-isip ng biro upang maging magaan ang usapan nila. She needs to lighten the conversation kung di ay lulubog na siya sa kinauupuan niya sa kaba.

“Don’t mention it Tim. Pinanganak nga yata akong isang clown dahil marami na ding nagsabi sa kin na I cheered them up! Kung di nga lang ako magaling magluto baka kinarir ko na maging comedian.” Biro ni Jessica sabay saad sa utak ng Corny mo naman Jessica yikes!

“Ikaw talaga Jessica. You always find humor in everything. Isa pa yan sa mga nagpapaganda ng personality mo.” Saad ni Timothy

“Tim huwag mo na kong bolahin kase alam ko na yan.” Natatawang sagot ni Jessica sabay saad sa isip, chill Jessica huwag kang kabahan!

“Jessica, gaya ng sabi ko kanina I am not rushing things between the two of us. Gusto ko lang sanang sabihin sa’yong I want to officially court you. I mean gusto kong magpaalam sa parents mo para ligawan ka para hindi sila mag-alala.” Saad ni Timothy.

“No! I mean that’s not really necessary Tim. Ahh…as you may have known laging busy ang parents ko kaya hindi ko alam kung kailan mo sila pwedeng i-meet para diyan.” Biglang sagot ni Jessica.

“I can wait. Just tell me when. Walang problema sa kin yun. Gusto ko lang na malaman mong I am really serious about you.” Madamdaming saad ni Timothy.

“Ohh…you can’t be that serious! Sige ka baka mamaya ma-coma ka niyan!” biro ni Jessica. Arrggh! Ang pangit ng sinabi mo Jessica! Para kang sira! Umayos ka!

She can’t let Timothy meet her parents. Wala pa siyang napapakilala sa mga ito ni isa sa mga ex-boyfriends niya. Kapag nangyaring makilala ng mga ito si Timothy ay malamang na magustuhan ito ng parents niya. Mabait si Tim, matalino at gwapo! Hindi din naman kase ganoong ka-istrikto ang parents niya pagdating sa ganoon. At hindi nag-aalala ang mga ito dahil nga malaki ang tiwala sa kanya.

Natawa lang si Timothy sa tinuran ni Jessica. Alam niyang palabiro ang dalaga kaya’t ganon iyon magsalita. Ngunit iba ang pakiramdam niya sa mga sinasabi nito. Tila ba bumubuo ito ng pader sa pagitan nila.

***

“Hello bro, Tim here. How are you? How’s Philippines?” saad ni Timothy.

Kasalukuyang kausap ni Timothy si Paul sa telepono. Tinawagan niya ito upang mangamusta.

“I am doing good. Do you really want to know how’s Philippines or how’s Jessica?” biro ni Paul.

“So how is she anyways?” tanong niya kay Paul.

“As per my lovely girlfriend, Jessica is doing well. Medyo kilala na yung tinayo nilang restaurant so I think mas nagiging busy siya sa business.” Sagot naman ni Paul.

“That’s good to hear. How’s Abby?”

“Still lovely. Teka kailan mo ba balak bumalik dito sa Pinas from Canada? Hindi ka ba giniginaw diyan?” biro ni Paul.

“Got used to it bro. Hindi ko pa alam eh. Medyo hectic din ang sched ko sa work. Alam mo namang pinapahandle ng lolo ko ang business nila sa akin. It is really a huge headache.”

“Just tell us kung kailan ka uuwi. Namimiss ka na din ni Abby eh. Just make sure na uuwi ka pag ikakasal na kami ni Abby ah.”

“Oh kailan nga ba ang balak niyo?” tanong ni Timothy.

“Anytime soon… I proposed to her last week lang and syempre she said yes so we are in the process of arranging the wedding.” Saad ni Paul

“Congrats Paul!”

“Thanks bro. I just hope na bumalik ka na dito at baka matuloy pa ang love story niyo ni Jessica o baka naman may iba ka na diyan?” Si Paul.

“Don’t worry too much about me bro. Huwag kang mag-alala I will be there pag ikakasal ka na.”

“You should be dahil ikaw ang bestman.” saad ni Paul.

“Thanks. It’s an honor. I will surely be there.” Sagot ni Timothy.

The following two tabs change content below.

Latest posts by Lizzie (see all)

Read the rest...


47 Responses

  1. Angelita Azares says:

    what???

  2. yoj_126 says:

    hehehe basted….

  3. eunice cadence rimorin says:

    Hay ngxcited p nman ako n sasagutin n ni jess c tim

  4. lynder2015 says:

    what happened with Jessica and Timothy?

  5. eli says:

    hay?…what happened to tim and jessica?….

  6. ice_9 says:

    Basted ba si Tim?

  7. iramae_orbiso says:

    xciting naman..

  8. mariaroza05 says:

    hehe…

  9. aika08 says:

    nakakabitin, wla n aqng gils

  10. sel says:

    Ay fast4ward ano kya nangyari sa date nila?

  11. Jenlen says:

    sula lahat successful…

  12. haizamae says:

    hehe..kilig

  13. shey.davidsalvador says:

    ay.. n past forward

  14. Hopeless says:

    para nakong troll

  15. mayriz says:

    syang naman akala ko nag work ung plan ni tim…

  16. mayriz says:

    naudlot pala ang luvstory nila… humm inuna pala ni jess ang career nya..

  17. mayriz says:

    parang nabasa ko na ang story na to … humm

  18. likeylilly says:

    Ano ang resulta doon sa pag court ni tim…?

  19. Crucial says:

    Busted ba si Tim ? Sayang nman

  20. itsgonnabeme says:

    ayy :( what happened kaya sa date nilang yon?

Leave a Reply