Love Takes Time – Chapter 11: The promise?

Love Takes Time

Love Takes Time

KANINA pa nakatitig si Francine sa harap ng computer. Tapos na niyang gawin ang five-part proposal na pinagagawa ni Sir Golez at wala na siyang makitang bahagi niyon ang nangangailangan pa ng revision. Dapat ay kanina pa niya iyon ipinasa sa boss niya pero hayun nga at nakatanga siya sa harap ng monitor.

Kagabi pa siya ganoon, mula nang makita niyang muli si Sir Lee. Hindi niya mapaniwalaang nakita niya ulit ito matapos ang halos siyam na taon. Matagal niyang pinaghandaan ang muli nilang paghaharap pero sa tagal ng panahon na kahit minsan ay hindi niya ito nakita, hindi na niya inaasahan ang pagtatagpong iyon na naganap kagabi.

Pinakiramdaman niyang mabuti ang sarili. Hindi maaring ganito, hindi maaring sa loob ng siyam na taon ay ganito pa rin ang damdamin niya. Oo nga at iyon naman ang kanyang inaasahan noon but that was so many years ago! Hindi ba at nakuha pa nga niyang ipangako kay Sir Lee na hintayin siya at huwag itong mag-asawa hanggang hindi sila muling nagtatagpo? Para ano? Para mapatunayan lamang na totoo ang lahat ng kanyang mga ipinahayag rito? Na hindi pag-ibig ng isang bata ang pagtatanging nararamdaman niya noon?

Matagal na niya iyong inamin sa kanyang sarili, noon pang nasa kolehiyo sila ni Cleo. Kumukuha ng kursong Education noon si Cleo at siya naman ay Marketing kasabay ng kanyang online degrees in Creative and Visual Arts nang mga panahong iyon.

Madalas pa rin silang magkasama ng kaibigan sa kabila nang magkaibang kursong kanilang kinuha. Nabalitaan rin niya mula rito nang maging student teacher na ito ng Francisco Dominguez – na matagal na diumanong hindi na roon namamasukan si Sir Lee.

Nakaramdam pa rin siya ng lungkot kahit paano nang mabalitaan iyon at ang isipin lamang na hindi niya alam kung saang panig man ng daigdig naroon ang lalaking minamahal ay nakapagpapahina sa kanyang pag-asang muling makita pa ito.

She could still remember how painful it really was when Cleo confirmed that Sir Lee had received all her letters and cards but it was a big question mark why he didn’t bother to reply even once. She had also given him her email address thru one of her letters and had waited for his response but not a single letter came.

Napailing siya sa daloy ng mga alaala ng kanyang kabataan.

Napadiretso siya sa pagkakaupo nang magbalik sa kasalukuyan ang kanyang isip. She then texted Cleo asking if they could go out that afternoon and her friend immediately replied ‘yes.’ Kailangan niya ngayon ng kasama, ng makakausap at ng taong nakaaalam ng mga pinagdaanan niya.

Napakatagal ng mga sandali para sa kanya. Pagpitik na pagpitik ng kamay ng kanyang relo na nagbabadya ng oras na uwian ay awtomatikong umangat ang kanyang pang-upo mula sa kanyang swivel chair at lumakad ang kanyang mga paa patungo sa exit door ng kanilang opisina. Dire-diretso siya patungo sa lugar na kung saan ay magkikita sila ni Cleo.

Nagulat ang kaibigan nang i-text niya itong doon sila magkita sa perfume boutique kung saan niya nakita si Sir Lee nang nagdaang araw. Madalas kasi ay sa coffee shop lang sila nagkikita nito, magkakapeng saglit at matapos ay saka palang sila maglalakad-lakad sa loob ng mall. But she insisted in her message to meet her in front of the boutique.

Nilinaw niya na sino man ang maunang makarating sa nasabing tagpuan ay maghintay lang roon hanggang sa magkita silang dalawa. Bagaman nagtataka si Cleo ay napahinuhod na rin niya ito. Ganoon naman si Cleo bata pa sila, laging ideya at suhestiyon niya ang ikino-consider nito. She was a very good friend to her kung iyon ang pagbabasehan..

Malayo pa ay natanaw na niya ang boutique na iyon na pinuntahan nila nang nakaraang araw. Humanap siya ng pinakamalapit na upuan na maaari niyang mapuwestuhan habang hinihintay ang kaibigan. Ayon sa text nito ay fifteen minutes pa bago ito makarating doon. Mas malayo kasi ang eskuwelahang pinapasukan nito sa mall kaysa sa office niya na isang sakay lang ng cab ay naroon na.

Nakakita siya ng isang bench na hindi kalayuan sa boutique, tinungo niya iyon at doon nagpasyang maghintay.

Habang hinihintay si Cleo ay muli niyang pinagmasdan ang lugar na iyon kung saan niya muling nakita si Sir Lee. Hindi pa rin niya mapaniwalaan hanggang sa mga oras na iyon na muling nagsanga ang kanilang landas ng dating guro. Wala na siyang nabalitaan pa tungkol sa lalaki mula nang umalis ito ng Dominguez. Hinanap din niya sa Friendster, Facebook at iba pang social networking sites na gaya nito sa internet ang lalaki pero napagod lang siya kase-search ay hindi naman niya ito nakita. Maging ang Friendster account ni Rina ay tiningnan niya dahil sa isip niya, imposibleng wala ito sa friend list ng babae kung may account man ito pero wala pa rin siyang napala. Isang bagay lang ang nalaman niya na nakasiya sa kanya – na hindi ito nakatuluyan ni Sir Lee ayon na rin sa uploaded photos nito sa sariling account.

Doon kasi ay malaya niyang nakita ang picture ng isang lalaki na  kasa-kasama ni Rina sa maraming larawan nito. At kung ang pagbabasehan ay ang mga iyon, hindi maikakailang may relasyon ito sa lalaking kasama sa larawan.

Masaya na rin siyang hindi ito ang nakatuluyan ni Sir Lee. Hindi niya inaasahan pang muli silang magkita nito nang wala pa itong asawa, pero hindi niya maitanggi sa sarili na ayaw niyang i-entertain ang ideyang posibleng nag-asawa na nga ito. O kaya ay ang ideyang si Rina ang mapapangasawa nito. She just hated her. Sa tingin niya ay hindi ito bagay sa mala-anghel na si Sir Lee.

Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang matanaw niya ang taong iyon na laman ng kanyang isip. Papasok ito sa boutique kung saan ay nagkita sila nang nagdaang araw. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos ay hindi mkapaniwala na muli ay nakita na naman niya ang dating guro.

Madali niyang kinuha ang cell phone mula sa kanyang bag. Kailangan niyang i-text si Cleo upang hindi na ito tumuloy sa loob ng boutique! Hindi maaring magkita ito at si Sir Lee dahil siya dapat ang unang makapagkuwento kay Cleo ng tungkol dito. Baka kung magkita ang mga ito ay kung ano pa ang maikuwento ng kaibigan niya. Hindi kagaya noon ay nahihiya na siya at nag-iisip na ngayon sa mga posibleng idulot ng mga aksiyon niya.

Akma pa lang niyang pipindutin ang call button ng gadget na hawak matapos hanapin sa phonebook ang pangalan ng kaibigan nang makita niyang nagmamadaling pumasok ito sa loob ng stall. Hindi na niya ito naabutan kaya madaling-madaling nilisan na lang niya ang mall nang hindi tini-text si Cleo. Aalis na lamang siya habang hindi pa siya napapansin ng sino man sa dalawa. Tatawag na lamang siya kay Cleo at sasabihing nauna na siya ritong umuwi.

“A TRUE friend is one who thinks you are a good egg even if you are half-cracked. We have been friends together, in sunshine and in shade.”

~Caroline Sheridan Norton~

Text message iyon ni Cleo sa kanya. Nagpaparamdam ito matapos niyang iwan sa mall kaninang nakita niyang pumasok ito ng Jivago boutique. Naging ugali na nitong pasahan siya ng kung anu-anong quotation sa tuwing hindi siya sumasagot sa mga pagpaparamdam nito sa text.

Hindi kasi niya alam ang unang gagawin kaya minabuti niyang iwan na lamang ang mga ito. Paano’y nag-uunahan ang paruparo sa pagsisirko sa sikmura niya. Kinakabahan siyang hindi niya maunawaan. Dahil doon ay nagdesisyon siyang umalis na lamang at bahala nang magpaliwanag rito kung sakali. Dumiretso siya ng uwi sa apartment na inuupahan hindi kalayuan sa lokasyon ng kanyang trabaho.

At ngayon nga ay nagtetext ito matapos ang dalawang oras na palitang pagtawag at text na hindi siya sumagot dito. Tiyak kasi niya na nang mga oras na iyon ay magkasama ito at si Sir Lee. Ang totoo ay hinihintay lang niyang mag-text ito tungkol sa dating teacher nila. Nahihiya rin kasi siyang magtanong.

Iniisip niya na kung tatawagan ang kaibigan nang tumunog ang kanyang door bell. Sumilip siya sa venetian blinds at nakita niya ito na nakatayo sa harap ng kanilang gate pero laking gulat niya sa nakitang lalaking kasama nito. Hindi siya puwedeng magkamali! Si Sir Lee iyon habang nakangiting nakikipagkuwentuhan kay Cleo! Ano ang gagawin niya? Hindi ba niya pagbubuksan ng pinto ang mga ito? Lilitaw namang parang hindi siya nag-mature matapos ang matagal na panahon at tila isip-bata pa rin siya kung gagawin niya iyon.

Pero bakit kasi nandito sila? Hindi ba iniwan na nga niya ang mga ito sa mall? Wala siyang nagawa kundi ang mapakagat-labi at kakaba-kabang lumabas ng bahay upang pagbuksan ng pinto ang mga ito.

“G – Good evening, Sir,” bati niya rito nang mapapasok na niya ang mga ito sa receiving area ng kanyang apartment.

“Best friend, saan ka ba nagsuot? Hindi ba may usapan tayo sa mall? Bakit bigla kang nawala?” nanlalaki ang matang tanong nito at nagliliwanag ang mukha habang isinesenyas sa kanya si Sir Lee.

“Pasensiya ka na. Sumakit kasing bigla ang ulo ko kaya sumakay ako ng taxi at dumiretso na nang uwi kanina. Tatawagan naman sana kita kaya sorry na talaga.”

“Hay naku, tatawagan mo ako after two hours? Ganoon mo katagal balak na pamutiin ang mga mata ko? Anyway, look what I’ve got, friend! Mabuti na lang at naroon si Sir Lee sa boutique! Kung hindi ay mukha akong tanga roon! Aren’t you surprise I’m with him?” excited na kuwento nito.

Ngumiti siya at kunwa ay hindi rin mapaniwalaan ang presensiya ng dating guro. Iyon nga lang, tila late naman yata ang reaction na iyon. Nalimutan niya kasi iyon kanina nang papasukin niya ang mga ito.

“We’ve actually met last night, Cleo. ‘Di ba nabanggit ko sa iyo na naiwan ko roon ang pinamili kong toys the reason why I came back? Naroon din kagabi si Francine.”

“What? Eh ‘di ba hindi ka nga kamo pwede kagabi kaya hindi tayo natuloy lumabas, Francine? Sino ang kasama mong lumabas kung ganoon?”

“I was with Sir Alvin last night, Bessy. May mga tinapos kaming gawain sa opisina and he invited me out for a dinner. May pinabili lang si Mama sa mall kaya kami nagawi sa Jivago.”

“Pero bakit hindi mo nabanggit sakin na nagkita kayo ni Sir Lee? Kung dati lang iyon eh nagkukumahog ka nang—”

“Cleo, please. That’s past, kalimutan mo na iyon. Isa pa ay nakakahiya naman kay Sir.” Pinandilatan niya ng mga mata ang kaibigan na mas nanlaki naman ang mga mata sa sinabi niya at nag-make face pa ito na tila hindi naniniwala sa kanya. Hay, sa ganitong pagkakataon ay ibig niya talaga itong dagukan!

“Okay, sabi mo eh. Paano, gotta go girl! Sir Lee, una na ako. May sundo na ako sa labas.” Iyon pala ang naririnig nilang sunud-sunod na busina ng sasakyan sa labas ng bahay. Sino na naman kaya ang sundong ito ng kanyang kaibigan, bagong prospect na naman? No wonder.

Palabas na si Cleo nang maalala niyang tawagin.

“Wait, Bessy! Isinama mo si Sir Lee para iwan dito? Nakakahiya naman sa kanya, hindi ba?” Pinandidilatan niya ng mata ang kaibigan.

“Best, may kotse si Sir, hindi ko siya kailangang ihatid, ‘di ba Sir?” baling nito sa dating guro sabay kindat. Nagbeso ito sa kanya at binulungan pa siya na pagkakataon na raw niya iyon para masarili ang lalaki. Kinurot niya ito ng pino sa tagiliran na tinawanan lamang ng pilya niyang kaibigan. Matapos ay dali-dali na itong lumabas ng bahay at lumulan sa kotseng naghihintay sa harapan ng kanyang bahay.

Pahiyang-pahiya siya ngayon. Kumakabog ang kanyang dibdib just the mere thought of being with this guy alone. Pagkaalis ni Cleo ay hinarap niya ang lalaki. “S-Sir, maupo ka muna. How about a cup of coffee or juice?” nagkakandautal niyang tanong rito. Hindi niya ma-maintain ang poise na lagi namang meron siya. Coffee ang hiningi nito at madali siyang tumalikod upang pumunta sa kusina.

Sabi ni Cleo ay masarap siyang magtimpla ng kahit instant na kape. Iyon kasi ang lagi niyang idinudulot sa kaibigan sa tuwing nagagawi ito sa place niya. Pinilit niyang kalmahin ang sarili habang nagsasalin ng tubig na mainit sa isang maliit na tasa. Iniisip niya ang mga posibleng topic na pwede niyang buksan sa harap ni Sir Lee para hindi naman sila magkailangan nito.

“Nice place, Francine.”

Napatalon siya sa pagkabigla kaya napalakas ang pagkakababa niya ng thermos at tumalsik ang laman niyon sa braso niya.

“Ouch!”

“Oh my God, what happened? What have I done?!” Hindi naman malaman ng lalaki ang gagawin sa matindi ring pagkabigla. Hinawakan nito ang braso niyang naabot ng mainit na tubig at madaling hinanap ang toothpaste na puwedeng i-apply doon. Nakita naman nito ang hinahanap at inabot ng kaliwang kamay habang ang kanan ay nakahawak pa rin sa kaliwang braso niya.

Hindi niya alam kung anong damdamin ang unang uunawain ng mga sandaling iyon. Basta ang alam niya, hindi na gawa ng mainit na tubig ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang ugat ng mga sandaling iyon. Ramdam niya, nothing had changed. Siya pa rin si Francine, ang dating batang tapat na nagmahal sa lalaking ngayon ay kaharap at masuyong hawak ang braso niya.

“I’m okay, don’t worry about me, Sir. Okay na ‘ko.” Binawi niya ang braso maging ang tinging hindi niya maititig sa mga mata nito.

Ilang sandali ang lumipas at kapwa hindi nila malaman ang sasabihin nang sa wakas ay makaisip siya ng itatanong dito. Pagbuka ng bibig niya ay siya namang pagsasalita rin nito.

“Actually…”

“So, how’s your…”

Nagkatinginan sila dahil doon at kapwa natawa sa nangyari. Bahagyang nawala ang pagkailang nila sa isa’t-isa ng mga oras na iyon.

“You go first,” ani ng lalaki.

“No, you go first,” ngiti naman niya.

“Sige, ikaw na…”

“Ikaw na, it’s okay…”

“Okay.” Sabay na naman sila. Doon na talaga siya tuluyang natawa. Nahampas pa niya ito sa balikat dahil sa matinding tuwa ng mga sandaling iyon. Kinikilig siyang hindi niya mawari sa sarili.

“Okay, ako na. You know what, I’m glad na nakita ko kayong dalawa ni Cleo. That’s true. After so many years, nakita ko kayong muli at nakakatuwang mag-bestfriend pa din kayo.” Nakangiti ito at muntik nang mahulog ang panga niya sa kakisigan ng lalaki. Bakit kasi ang super guwapo talaga nito? Mahihiyang tumabi rito ang mga toothpaste commercial model sa TV!

“Marami na kaming napagdaanan sa buhay ni Cleo at tested na ang friendship namin. I’m so proud of her.” Ngumiti siya sa sinabi nito at ipinagpatuloy ang pagtitimpla ng kape.

“Some good things really last…” Nangungusap ba ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya?

“Yeah, right but some good things never do…” nakangiti naman niyang tugon dito.

Nauna na siyang lumabas ng komedor at sumunod naman ito sa sala.

“You have a nice place, France.”

Syet! Bakit ba musika sa pandinig niya ang “France” na tawag nito? Feeling niya ay endearment iyon? Mula ngayon ay wala ng ibang tatawag ng ganoon sa kanya. Sacred na ang pangalang “France” mula sa gabing iyon. Wala nang ibang may karapatang tumawag sa kanya nang ganoon kundi ito lang!

Nilingon niya ito at nakita niyang pinagmamasdan nito ang kabuuan ng bahay niya. Mabuti na lamang at masinop siya sa bahay kung hindi ay nakakahiya rito.

“Thank you, Sir. Ito na kasi ang pinakakomportable at pinakamalapit na apartment sa trabaho ko na puwede kong tuluyan. Please make yourself comfortable.”

“Of course but actually, hindi naman ako magtatagal. I actually came here just to make sure you got home safe. Sabi kasi ni Cleo ay may pag-uusap kayo kanina sa mall at nag-alala siya nang hindi ka dumating.”

Bahagya siyang nalungkot sa narinig. Akala pa naman niya ay nagpasama ito sa kaibigan niya para makita siya.

‘Hello! Earth calling Francine!’

Nagpapantasya na naman kasi siya.

‘Stop it, Francine Aviona, iyan ang nagagawa ng kababasa mo ng pocketbook eh,’ bulong niya sa sarili.

“May sinasabi ka ba?” siguro ay naulinigan nito ang binubulong niya.

“Ang ibig kong sabihin Sir, nakuha niyo ba yung mga toys ng mga anak niyo na pinamili last night?” Sa wakas ay naitanong rin niya ng pasimple ang kanina pa nag-uukilkil na tanong sa kanyang isipan.

“Anak? You’re so funny, Francine! I’m not even married. Para sa mga pamangkin ko iyon at kung hindi lang ako inaway kagabi nang dumating akong walang pasalubong ay hindi ko na iyon sana babalikan pa,” nakatawang tugon nito.

Hay…ibig na niyang mahimatay. Cute pa rin talaga ito, lalong tumingkad ang kakisigan nito sa paglipas ng panahon. Naroon pa rin ang prominenteng gatla na tila isang malalim na dimple sa ilalaim ng mata nito.

Muntik na siyang mapangiti sa sagot na iyon. At least, hindi pala ito nag-aasawa pa hanggang ngayon. Bakit kaya?

“You know what, I’m wondering why you’re asking me that when you were the one who told me not to get married, right?”

Bigla ay namula siya sa sinabi nito. Halata namang nanunukso lang ang ngiti nito but just the same, guilty siya!

“Sir naman, baka pwede huwag mo nang ipaalala iyon? Nakakahiya nang pag-usapan kasi matanda na ko ngayon at hindi na ang Francine na stalker niyo noon.” Habang sinasabi niya iyon ay hindi siya makatingin dito. Baka kasi mahalata nito at mabasa sa kanyang mga mata na hindi totoo ang mga sinasabi niya.

Na-realize na niya iyon kagabi pa nang muli itong makita. Inamin na niya sa sarili iyon, hindi man niya matanggap – na mahal pa rin niya ang lalaking ito sa kabila ng maraming taong lumipas.

“So, hindi pala totoong may patutunayan ka sa akin sa muling pagkikita natin, kung ganoon? Sa tingin ko, mas ako ang may napatunayan sa iyo – na ang batang pag-ibig mo noon ay magbabago, lilipas ang panahon at ikahihiya mo pa kagaya ng nasabi ko.” Nakangiti pa rin ito habang animo ay nanunudyo.

“Ehrm, can we change the topic, Sir? Oo nga pala, bakit hanggang ngayon ay wala pa rin kayong asawa? What happened to Ms. Rina back then?” It’s now her turn to interrogate. She wouldn’t deny to herself that she wanted to know what happened to Rina.

“Well, as simple as the dialogue of Ate Shawie, maybe we’re not really meant to be,” nakatawa nitong tugon.

“Naku Sir ha, kalog pala kayo, bakit hindi kayo ganyan dati?” nakatawa naman niyang biro dito.

“Hindi naman, kaya lang kasi wala ka namang ginawang ikatutuwa ko noon, remember? Lagi na ay usapan ako sa faculty room namin dahil sa mga pinaggagagawa mo. After what happened, isang taon lang at umalis na rin ako roon.”

“I see.” Wala na siyang maisip na sabihin rito kaya natahimik sila kapwa. Nasa ganoon silang ayos nang maisipan niyang batuhin ito ng isang pilyang tanong.

“How about the cards and letters I sent you, were you able to keep them?” Hindi man nito sinagot isa man sa mga iyon ay umaasa pa rin siyang naitabi naman nito ang mga sulat niya kahit paano.

“Letters? Card? I don’t remember receiving one,” kunwa ay nag-iisip pa rin ito habang bahagya pa itong napapatingala sa kisame. “Ah, yeah, I remember now. Wala na eh, hindi ko na naitabi ang mga iyon. It’s been so long and you can’t expect me to keep those, Francine.”

“Yeah, of course but what’s the point of not being married up to now, then? I just thought you were keeping them since you were holding on my promise?” Siya naman ang pilyang nagtanong rito ngayon.

Wala na si Madam Susana at Madam Banal sa harap niya para pigilin pa niya ang sariling sabihin ang mga iyon. Napansin niyang si Sir Lee naman ang natigilan sa kanyang sinabi.

“I remained single because I don’t see any point of rushing into marriage. Isa pa, naging subsob ako sa muling pag-aaral abroad kaya ganoon.”

Ayon dito ay hindi na ito nagtuturo ngayon. May sarili na itong negosyo na malayo sa field ng pagtuturo. Nagbiro pa nga itong na-realize nitong hindi ito talaga para sa pagtuturo nang magkaroon ng isang estudyanteng gaya niya.

Kahit paano ay nakakapanghinayang na hindi na nito pina-practice ang profession nito. Magaling pa naman itong guro noon sa pagkakatanda niya. Isa itong malaking kawalan para sa larangan ng edukasyon.

Matapos itong magkape ay nagpaalam na sa kanya. Ayaw pa sana niyang umalis ito pero iyon ang hinihingi ng pagkakataon. Masyado naman itong makakahalata kung gagawa siya ng alibi na huwag muna itong umalis. Ang ganda tuloy ng tulog niya ng gabing iyon, thanks to Cleo she had brought him there!

“GOOD morning, nangangamoy romance na naman ang ngiti mo, Ms. Francine,” bati sa kanya ng isa sa mga kasama sa trabaho.

“Talaga ba? Maybe because in-love ako,” ganting biro niya rito.

Magaan ang pakiramdam niya ng umagang iyon. Bunga iyon ng pagkakakita niyang muli kay Sir Lee. Mula pala noon hanggang ngayon ay ito pa rin ang iniibig niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit single pa rin siya magpahanggang ngayon. Hindi lang niya maamin iyon dati sa sarili.

Oh well, bata pa naman siya pero sino ba ang maniniwalang sa edad niyang beinte-singko ay never pa siyang nagka-boyfriend? Ngayon lamang niya na-realize iyon, na hanggang ngayon pala ay hinihintay niyang muli silang magkita ni Sir Lee. Kaya pala hindi siya nagkakagusto sa iba. Ito pala ang hinihintay ng puso niya.

Ang problema, paano niya ito muling makikita gayong hindi man lamang nito nabanggit sa kanya kung saan ito tumutuloy ngayon? Maging ang personal mobile number nito ay hindi rin niya nahingi. Nakakainis sapagkat hindi man lamang niya nagawang diskartehan ang bagay na iyon. Kumukupas na yata ang galing ni Francine Aviona Riva!

Mabilis ang naging paglipas ng mga sandali. Saglit lang at tapos na naman ang maghapon niyang trabaho. Walang pagbabago sa routine niya, ganoong-ganoon pa rin kagaya ng mga nakaraang araw pero sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakulangan sa sarili. Tila ngayong nakita na niya ang kabuuan ng kanyang pagkatao ay hindi na siya mapakaling hindi agad iyon maipuno sa buhay niya.

Nag-aabang na siya ng sasakyan pauwi nang dumaan ang isang pamilyar na kotse sa kanyang harapan. Bumaba ang salamin ng kotse pagtapat sa kanya at muntik na siyang mapatalon sa tuwa nang mapagsino ang lalaking sumilip mula rito.

“Hop in, France!” Si Sir Lee.

Hindi na siya nagdalawang-isip at mabilis na sumakay na sa kotse ng lalaki.

“Hi Sir, kumusta na? Long time, no see ah!” biro niya agad dito upang mabawasan ang tensyon sa paligid.

Natawa ito nang malakas, kay guwapo talaga nito lalo pag ganitong tila isang batang humahalakhak.

“You really don’t fail to make me laugh, Francine!” Yumuyugyog pa ang balikat nito nang sabihin iyon. Bakit nga eh kagabi lang naman sila huling nagkita nito.

“Do I?” seryoso ang tanong niyang iyon dahil buong akala niya ay puro sama lang ng loob ang idinulot dito.

“Yes, totoo po yon. Wait…” Nakatawa ito nang mapansing hindi siya nakasuot ng seatbelt. Nagmenor ito nang bahagya sa pagmamaneho at isinuot ang seatbelt sa kanya. Halos ay mayakap na siya nito upang maiayos lang ang kapirasong belt na iyon sa kanyang katawan.

Hindi niya mailingon dito ang mukha dahil ga-hanip na lang at mag-aabot na ang kanilang mga labi. Nalanghap niya ang perfume nito, samyo pa lang ay alam na niyang iyon ang binili nitong pabango sa mall noong magkita sila. Mula ngayon ay paborito na rin niya ang perfume na iyon!

“Napadaan lang ako. May pinuntahan ako sa bayan at sakto namang nakita kitang palabas ng building ninyo. I just hope walang maghuramentado nito sa paghahatid ko sa iyo pauwi!” Nakangiti pa rin ito at palinga-linga sa kanya habang nagmamaneho.

“Naku, walang magagalit Sir, nobya niyo lang.”

Lalong lumapad ang ngiti nito sa sinabi niyang iyon. Hindi man lamang nito kinompirma o idineny kung meron nga itong girlfriend o wala sa ngayon.

“Eh Sir, you don’t need to take me home. Looban pa kami at maaatraso ang pag-uwi mo kung ihahatid mo pa ‘ko.”

“No, it’s okay, ihahatid na kita. Maaga pa naman.” Sumulyap pa ito sa relong pambisig nito.

“Hindi na, Sir. Nakakahiya na nang sobra-sobra. Okay lang talaga ako and don’t worry dahil may tricycle naman sa kanto namin.” Siyempre ay hindi naman iyon 100% totoo sa loob niya pero mainam nang hindi siya masyadong obvious sa nararamdaman niya ukol dito.

“No, I insist. Actually, you may call me by name. Matagal na akong hindi nagtuturo at hindi naman siguro ganoon ang laki ng agwat ng edad natin para pupuin mo pa at tawaging Sir hindi ba?”

“Naku, hindi ko magagawa iyon, Sir. Nasanay na akong tawagin ka sa ganoong paraan at nakakailang naman kung bigla ko na lang iyong babaguhin.”

“So, kung nagkataong totoo pa rin sa loob mo ang ipinangako mo sa akin almost a decade ago, would you tell it to me while addressing me Sir, at the same time?” Amusement was in his face.

“Of course not,” she smiled sweetly, “but if that’s the reason why you prefer me to call you by name, then are you expecting me to propose now?” Pakiramdam niya ay sasabog ano mang oras ang aniyang dibdib sa sobrang excitement na nadarama.

Hindi ito kumibo, ngumiti lang ng bahagya at nagulat siya nang pindutin nito ang tungki ng kanyang ilong. Wala itong binitiwang salita pero parang ang gesture na iyon ay nagsasabing “Ikaw talaga!”.

Ang nasabi ay nasabi na at ang apoy na ginising ni Sir Lee sa kanyang kapilyahan ay hindi na niya mapaghupa ngayon. Wala na siyang balak tigilan ang pangungulit dito.

“Tell me, Sir, why are you still single up to now? Does it have something to do with me?” Hindi na siya kinilabutan sa tanong niya. Pakiramdam niya ay hindi halos isang dekada ang lumipas. Sa tingin nga niya ay karugtong ng ngayon ang kahapon niya kung saan nasa High School pa rin siya at stalker nito.

Ilang sandali rin bago ito sumagot at halos mapasigaw naman siya nang marinig ang tugon nito.

“What if I say yes?”

Natulala na lamang siya at hindi makapaniwala sa narinig.

Hindi siya pinatulog ng alalahanin ni Sir Lee ng gabing iyon. Hindi niya alam kung nagbibiro ito o ano pero seryoso naman ito ng sinabi ang mga katagang iyon na tumanim sa kanyang isip.

Paano raw kung sabihin nitong totoo ang hinala niyang kaya hindi pa ito nag-aasawa ay dahil hinihintay siya nito? Nabigla siya sa sagot na iyon ng lalaki kaya naman wala siyang nagawa kundi ang tumahimik. Naumid ang dila niya for the first time! Natawa ito at binago na ang topic. Marahil ay nahalata ang pagkatigagal niya.

Namalayan na lamang niya ang pagtilaok ng manok na hudyat ng isang panibagong umaga. Pipilitin niyang matulog kahit ilang oras para may lakas siya sa panibagong araw na iyon.

“How r u, Francine? Got ur no. from Cleo. Hav a nice day ahead n take care. – Lee Joshua” 

Text message iyon na number lang ang naka-appear. Natulala siya sa pagkabigla. Napapitlag nang muling tumunog ang kanyang cell phone. Isang message muli ang natanggap niya pero this time ay may pangalan na. Galing ito kay Cleo.

“Sir Lee juz left. He came hir 2 vcit hs old colleagues n ask me 4 ur no. I have ds feeling its ur lucky day 2day, Best. Wat ju tink?” 

Kinilig siya sa sinabi nito. May gusto rin kaya sa kanya si Sir Lee? Posible kaya iyon? Kung hindi, bakit hiningi pa nito ang number niya kay Cleo? Well, number lang naman iyon. Hindi naman masamang makipag-text talaga siya rito. Hindi tamang mag-isip na siya ng ganoong kaaga at umasa sa hindi pa siguradong bagay. Baka sa huli ay masaktan na naman siya gaya noon. Mabilis niyang sinagot ang text ni Sir Lee.

“I’m always doing good. I hope you are, too. Have a nice day.” Mabilis niyang sinend iyon sa sender matapos ay ang kaibigan naman ang tinext niya.

Kapag ganito nang ganito, isusulit na niya ang libreng pa-load ng kompanya nila. Dati ay lagi lang na-e-expire iyon kaya ngayong may makaka-text siya, sulit to the max na ang drama niya!

Muntik nang malaglag ang puso niya mula sa kinalalagyan niyon nang muling marinig ang message tone niya.

“I wonder if u kud help me buy things 4 my nephews ds afternoon, bday kasi noong kambal kong pamangkin… but its ok if u r bz.” 

She immediately replied. ‘Juice me,‘ tinatanong pa ba ‘yun eh halos magkandahaba-haba na nga ang leeg niya kasusunod rito noon. Noon man at ngayon, wala talaga siyang ibang minahal kundi ang lalaking ito. Ngayon pa bang nagpapakita na ito ng bahagyang motibo saka pa siya aatras? No way! No retreat, no surrender!

“No prob, what tym?” sagot niya.

Napagkasunduan nilang magkita ng hapong iyon sa isang restaurant sa Sta. Ines hindi kalayuan sa pinapasukan niya. Halos hatakin niya ang kamay ng orasan para dumating na ang hapon at makita na ito. Ngayon niya napagtantong napakatagal na ng panahong pinaghintay niya para magpatumpik-tumpik pa sa pagdedesisyon. By hook or by crook ay dapat na niya itong gawan ng paraan.

Kung noon ay napagbigyan niya ang hiling nitong kalimutan na lamang ito, hindi na ngayon lalo at hindi na niya ito teacher – at hindi na ito teacher talaga ngayon! So there was no any trace of their teacher-student relationship back then.

Pagdating sa tagpuan nila ni Sir Lee ay nadatnan niyang naroon na ito at matiyagang naghihintay sa kanya. Napakasimatiko nito sa suot nitong light green polo shirt. Ngumiti agad ito pagkakita sa kanya.

“Hi, Francine, you look good!” bati nito.

“Thanks, same as you Sir! You really look great with that shirt!” totoong puri niya dito. Tila lalo kasing tumingkad ang mamula-mulang kulay nito sa suot nitong iyon. And who says that only darked-skinned men were handsome? Hindi kaya!

“So I am with the same old Francine now!” tudyo nito.

“But I am with the new Sir Lee!”

Napakunot ang noo nito sa sinabi niya. Hindi agad ito nagtanong; hinayaan muna nitong makapagbigay sila ng order sa waiter na kaagad ay lumapit nang makita sila. Matapos magbigay ng habilin rito ay agad na nagbalik ang ngiti sa mga labi nito at muling inungkat ang mga binitiwan niyang salita.

“Sir naman, you’re too young for Alzheimer’s disease! Nakalimutan mo na ba ang pagtataboy na ginawa mo sa akin noon? Baka nakalimutan mo na rin kung ilang baldeng luha ang naubos sa akin sa kapapaiyak mo? And now, you’ve changed a lot.” She grinned pero totoo sa loob na sagot niya.

“Hey, hey hey! I don’t remember any intention of making you cry back then! Ang lahat ng nasabi at nagawa ko ay para lang sa ikabubuti ng situwasyon noon. Surely you didn’t expect me to just go along with your tantrums and out of norms – infatuation syndrome, did you?” Halata naman ang pagbibiro sa tono nito kaya’t hindi niya alam ang dahilan ng biglang pagbilis ng daloy ng kanyang dugo sa narinig.

“I told you it was not just a mere infatuation, Sir!” She immediately snapped at him. Just the thought of the past made her shivered and hurt at the same time.

“Yeah, right!” balewalang tugon nito.

“Sinabi ko na iyon nang paulit-ulit noon, ‘di ba! Bakit ba ang kulit mo?”

“Hey, are you mad, France?”

 Hindi niya tiyak kung totoo ang pag-aalalang nasilip niya sa mga mata nito.

“Hindi! Hindi ako galit! Bakit naman ako magagalit eh para ‘yon lang?” Hindi na niya mapigil ang daloy ng emosyon niyang tila nagdidikta ng kanyang mga sasabihin.

“I’m sorry if I offended you but—”

“Iyan ang hirap sa’yo, Sir, puro ka sorry…Sorry noon Francine, kasi may mga bagay talagang hindi puwede! Sorry noon, Francine kasi imoral ang mga bagay na ginagawa mo at hindi magandang tingnan because I was your teacher! Sorry noon Francine, kasi may iba na akong mahal! What now, Sir? Sorry Francine, because all these years, I’ve realized all the more that we’re very much different… that although it is no longer out of norms, we really couldn’t be more than what we are right now! Ganoon ba iyon, Sir?”

Biglang-bigla ang pangyayari. Basta na lang nakaramdam siya  ng pagkaapi ng mga sandaling iyon. Parang bigla ay gusto niyang magkaroon ng hustisya ang damdamin niyang matagal na iningatan and yet, wala naman siyang napala sa buong buhay niya kundi ang laitin, pagtawanan at saktan ng mga taong nakaalam.

“Francine, I do not intend to hurt you. Then and now, I don’t have even a single intention of hurting you. Please understand, ang lahat ng nangyari ay tapos na, matagal nang tapos at hindi na importante pang—”

Hindi na niya pinatapos ang mga sinasabi nito. Mabilis siyang tumayo sa pagkakaupo sa harap nito at bitbit ang bag ay nagbigay siya ng huling salita rito bago tumalikod.

“Yes Sir, tama ka! Lahat ng nangyari ay tapos na, isang bahagi na lamang iyon ng aking kabataan! Oo, siguro nga! Pero hindi ko ‘yon makakayang basta na lang itapon sa alaala ko…dahil ang bahaging iyon ng buhay ko ang nagtulak sa akin para muling bumangon, para harapin ang buhay ng may pag-asa kahit wala ka! Dahil sa kaibuturan ng puso ko, umaasa pa rin akong darating ang panahong magtatagpo tayo… Kaya kung mali na naman ako, pasensiya ka na ulit. Sorry talaga…” Hilam sa luha ang kanyang mata nang talikuran ito.

Hindi niya alam kung gaano kabilis niyang nalisan ang lugar na iyon. Salamat at hindi siya tinangkang sundan ng lalaki dahil hindi na niya hawak ang sarili niya sa mga oras na iyon. Nakapagtataka lang na sa simpleng sinabi nito ay bumuhos ang damdaming itinago niya sa loob ng mahabang panahon.

Nakalulungkot ring isipin na ganoon lamang pala ang turing nito sa kahapong nagdaan. Para sa kanya kasi, hindi man nabigyang-katuparan ang kanyang damdamin sa panahon ng kanyang kabataan, importante pa rin ang mga alaala noon at iyon ang bumubuo sa kanyang pagkatao bilang Francine. Lahat-lahat ng tungkol sa kanyang nakaraan.

HINDI nakatulog si Francince nang gabing iyon. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang pangyayaring naganap sa kanila ni Sir Lee sa resto. Hindi na niya ito nagawang samahan sa lakad nito sapagkat walk out na ang drama niya. Nag-ring ang cell phone niya at nang makita kung sino ang caller ay biglang sumapuso niya ang labis na kasiyahan.

Sasagutin na lamang niya iyon nang maalala ang nangyari at naisip niyang tiyak na hihingi ito ng paumanhin sa kanya. Si Sir Lee, hihingi ng sorry? Hindi ba sanay na naman siyang laging naipapahiya nito? Sanay na siya noon na laging sinusungitan nito, bakit ngayon ay nag-iilusyon pa siya?

Nang matapos ang anim na beses na tangkang pagtawag at hindi niya iyon sinagot ay message tone naman ang narinig niyang ibinabadya ng cell phone niya.

“Can’t slip knowing dat smbody out der z mad @ me…”

She replied…

“then don’t sleep…”

“can we talk?”

“it’s late…”

“please…?”

“Zzzzz…”

“okay…”

Kainis naman ito, hindi man lang nag-effort para pilitin siya! Ganoon lang, okay na? Isang text na lang, bibigay na siya, promise…please, isang text pa…

Nakatulugan na niya ang paghihintay.


The following two tabs change content below.
PUBLISHED BOOKS (available in all NBS and Pandayan Bookshops) LIFEBOOKS (my new home) PEN NAME: AMOR FILIA *My Accidental Lover *The Mouse and the Kitten 1 *The Mouse and the Kitten 2 *Si Orange 1 CHAPTERS OF THE HEARTS (still available, just PM me) PEN NAME: YESHA LEE Green Issue *Believe Me When I Say I Love You *Find Me *Bebeh Ko *The Perfect Match for Charito Blue Issue *Minsan May Isang Pangako *Endless Love 1 *Endless Love 2 Yellow Issue *Kutob *Diary of Ten Year Old Marriage (DATOM) Cloudy Green Issue *Because Heart Never Forgets 1 *Because Heart Never Forgets 2 Soulmate Series *Vanessa (lavender) *Arleigh (orange) CYBER EVE SERIES *Lavender Series **Charisma dela Serna **Gabrielle Montemayor Orange Issue **Patricia Torralba (book 1) **Zamantha Esguerra Magenta Issue **Andrea Santillan **Bridget Santillan TAGALOG ONLINE POCKETBOOK (my roots as Yesha Lee) *Sir Ham *Love Takes Time *Bonna's First Love *Paglisan

Read the rest...


85 Responses

  1. Angelita Azares says:

    hayst…

  2. Angelsmith says:

    Hay pay ibig… Can’t wait

  3. S kwento prang ang sarap mkita ni sir Lee mukhang npakagwapo tlga nya.

  4. lucylyn cabang says:

    ang ganda.super kilig naman ang peg q

  5. deth says:

    Hahaha..kilig muvh ako dito grabeeee

  6. deth says:

    Diko mahanap yung vhapter 1 nya ????

  7. Ailyn Bore says:

    pakipot pakasi

  8. iiLee says:

    Hahaha I’m having fun reading lol

  9. julie23 says:

    Ahaha.. next na po.. :-)

  10. Sherilyn says:

    haha c Francine talaga..

  11. ice_9 says:

    Hahaha tantrums talaga. Nakakatuwa na n kakaiyak.i love it.

  12. anness_23 says:

    ang ganda tlga!

  13. tintin says:

    nakakaloka naman!

  14. keeehialovesu says:

    /./././././.,.,.,.,.,.,.,.,., LQ agad wala pa nang L/./ jajajajajaja

  15. chyx11 says:

    hahaha…ms. pakipot

  16. readme says:

    yan! subrang pakipot kasi! =P

  17. yram says:

    ngayon naman pakipot ka hayyy Francine

  18. jcsm14 says:

    hahaha! pakipot pa…

  19. jinjerden says:

    hahaha! francine talaga oh!

  20. gingging02 says:

    Yesha nice story

  21. medz says:

    pakipot kc yan napala mo…

  22. ysa16 says:

    pakipot effect pa itong si france

  23. deth says:

    pakipot pa si girl… hehehe… =)

  24. ` hehehe winie the pooh kana girl :))

  25. roseAnn says:

    drama queen hehe

  26. jamchelle says:

    Ang pag ibig nga naman oh…

  27. Julieta says:

    Nakakakilig !!!!

  28. mishey1028 says:

    OMG author!! you really is amazing… its 00:38 midnight i have wor tomm, but still IM awake dhil sa gusto ong mtpos mgbasa..

  29. raboyme says:

    Hahaha, , late na pakipot

  30. yhengz says:

    hahahah…natawa ako sa peg ni Francine, pakipot pa kasi…heheh

  31. jenni says:

    mga pakipot pa

  32. Hopeless says:

    kilig much :)

  33. Hopeless says:

    hahahaha francine i love you talaga hahaha

  34. Hopeless says:

    gils na gils na

  35. eunice says:

    cute!! cute!!

  36. cutiegirl says:

    excited na ako sa ending

  37. Jacqui says:

    ang kulit ni francine :)

  38. jonahmie says:

    hahhah….nag tantrums na naman hehe

  39. pazawaiy_1901 says:

    miz.Yesha ang ganda2
    tlga nito ehehe. . .
    supper kilig! . .Ahahah
    sana more stories pfa . .

  40. maritel go teves says:

    hala…todamaks na talaga ang story ng dalawa….yipeee!!!!!

  41. zoe@bella says:

    hahahshs… ayan nice na yung flow….like like like

  42. Ara says:

    Pakipot si ate! Hahaha! :))

  43. itsgonnabeme says:

    waaaahh grabe talaga tong si france 😛

  44. Zhara says:

    I can’t wait 4 d nxt chapter,sna gumabi n jn s pinas so I don’t have to wait…lol

  45. saien says:

    ate yesha!!!!!! i lily lily like this part!!!! ang galing mo po tlga! wahaha! ang GANDA GANDA as in!!! more power! charut! haha Godbless po.

    Yesha: Salamat :) muahhh!

  46. zhara says:

    thank you ms.yesha…u just made my day,i’m so happy kc may chapter 11 na n paggising ko…sna maipost mo agad yung next chapter coz i really love this story…

    Yesha: Hi ganda! tom eve po ulit ang post…thankies :)

  47. Jerrica says:

    ayieee!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
    nakakakilig nmn!!!! ang galing mo writer! idol na po kita!
    Yesha: salamat :)

  48. nime says:

    mahal n xa cguro nung sir nya matagal n kso
    nagaalala lng kc dba nga teacher xa at c francine ay studen niya..

  49. pakat says:

    haha..
    katawa tlga..
    i enjoyed this chapter
    hanggang ngayon,
    patay na patay p rn xa ky sir lee

  50. aya_jedz says:

    syet!! ehehe,, ganda na ng story!!!!! whaaaaa!!!

    Yesha: jejeje…thankies…;-)

  51. sjyo0208 says:

    salamat nman nabsa kna rin.. 2 days ko di maopen ito.. thanks yesha ganda na… basahin kna uli next chapter.. excited nko eh.. ingat

  52. Yesha says:

    Hay salamat! Nakapasok na din me sa admin at ok n din ang site……..hay……jeje

  53. bench says:

    kamatis ba pwede kapag napaso???ahahaha…ung balat lang ng kamatis ha..pwede ba yun???haha..

    nice po miss yesha!

  54. vheng2 says:

    wehh,,sana po matapos na..
    excited na ko..
    comment lang: hndi po pwde lgyan agad ng toothpaste pag napaso ko..may component kc ang toothpaste na malamig..pag napaso ka maiinit parang nakukulob ung init..
    ntutunan lng po sa 1st aid..
    di ko na din msyado maalala ung exact..bsta un..hndi advisable ang toothpaste..
    hehe..patalastas lang..
    next chapter please.. c”,

    Yesha: hahaha! Thanks for this comment, vheng2! The truth is MAPEH teacher din ako aside from being a Math Teacher at ang pggamit ng toothpaste ay hindi talaga suggested sa first aid. However, there are theories that it can relieve pain dahil mdjo malamig nga saka it can also prevent the injured area from becoming a blister daw. One more thing, talsik lang naman un, hindi naman talaga nag form ng blister pa. So walang open wound to be infected. Kapag may blister na, totoo po ang sabi ni vheng guys na hindi dapat lgyan ng toothpaste and burn. Thanks vheng2, sinusubaybayan mo ang TOP stories. Muah!

    Yesha 😉

  55. eycee says:

    ate bitin!!!! nasan na next??????? :-)

  56. glory says:

    ate yesha…. ganda ulit….tnx poh…

  57. champolita says:

    hahhahha!!!btin…

  58. im_yesha says:

    Dear readers,
    Pasenxa na po kung hindi niyo nabasa ang Chapter 11. I didnt know what happened, baka nilalaro tau ng site harhar…But just the same, eto na po ang chapter 11…sana ay maibigan niyo…

    Yesha 😉

Leave a Reply