I’m Yours – Episode 13

I'm Yours

I'm Yours

Episode 13 – On This Day

On this day
I promise forever
On this day
I surrendered my heart

“LARA, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na h’wag mong masyadong pilitin ang anak natin na maging palaban gaya ng ibang mga bata diyan? Isa pa, hindi mo rin siya dapat pinipilit na maging makulit at madadal gaya ng kapatid niya.” saway ni Ernesto sa kaniya habang pinapangaralan niya ang kanilang panganay na anak na si Yuta.

Bumuntong-hininga na lamang siya pagkatapos marinig ang suway ng kaniyang mister. “Ernesto mahal ko, lalake si Yuta at panganay pa natin siyang anak. Gusto ko lang na lumaki siyang isang malakas at matatag na lalake gaya ng mga ibang bata diyan. Matitiis mo bang inaasar at inaapi yang anak mo sa eskwelahan araw-araw?”

Tiningnan ni Ernesto si Yuta habang umiiyak ito. Pinagkaisahan kasi itong bugbugin ng mga kaklase nito sa eskwelahan, palibhasa ay lampa daw kasi. Niyakap muna nito si Yuta bago ito binulungan na umakyat sa kaniyang kwarto, agad namang tumalima ang bata.

“Lara, ako ang tatay dito at ako ang masusunod sa tahanang ito. Let him learn on his own. You can’t force him to understand how you feel.” nagsimulang mag-seryoso ang boses ni Ernesto. Ayaw na ayaw kasi nito na pinu-pwersa ang kanilang anak.

Nilapitan lamang niya ang kaniyang mister bago niya ito niyakap ng mahigpit. “Sige na nga mahal ko, last na to. Kunsabagay, pagod na rin ako sa pangangaral sa batang yan. Buti pa si Althea, mag-da-dalawang taon na pero mas aktibo pa ata sa panganay natin.”

Binatukan siya ng mahina ni Ernesto bago ito ngumiti sa kaniya. “Ikaw talaga. Iba si Yuta na panganay natin at iba ang bunso niyang kapatid na si Althea. Ayokong kinukumpara mo silang dalawa sa isa’t isa.”

“Opo, pati ako, suko na rin sayo. Para tuloy akong bumabalik sa pagkabata pag pinapangaralan mo ko.” biro niya dito habang nilalaro ang mabalbon nitong dibdib. Siniil naman ng halik ni Ernesto ang kaniyang mga labi. Sinagot naman niya ito.

LINGID sa kaalaman ni Ernesto at Lara ay narinig ng kanilang panganay na anak na si Yuta ang kanilang buong pag-uusap.

May kirot siyang naramdaman sa kaniyang puso dahil pakiramdam niya ay isa siyang walang kwentang anak. Pakiramdam niya ay hindi siya mahal ng kaniyang ina. Buti pa ang kaniyang ama, lagi siyang inuunawa, iniintindi.

Lumarawan sa isip niya si Althea, ang kaniyang nakababatang kapatid. Lagi na lang kasi siyang kinukumpara ng kaniyang ina dito. Kesyo mas adorable ito kaysa sa kaniya. Kesyo mas madaling turuan ito kesa sa kaniya. Kesyo mas malayo ang mararating nito kaysa sa kaniya.

Napakagat siya ng labi. Kung hindi sana dumating ang Althea na yan! Kung hindi sana siya nagkaruon ng kapatid! Hindi sana magkakaganito ang buhay niya!

Agad siyang pumasok  sa kwarto ni Althea kung saan mahimbing itong natutulog. Kumuha siya ng malaking unan at agad niyang nilapitan ang natutulog niyang kapatid. Tatakpan na sana niya ang mukha nito ng unan ngunit agad naman itong ngumiti sa kaniya. Tila nananaginip ito ng isang magandang panaginip.

Parang tinusok ang kaniyang puso. Hindi niya kayang patayin ang kaniyang kapatid. Oo, aaminin niya naiinggit siya dito pero hindi kakayanin ng kaniyang kunsensiya ang kumitil ng buhay, lalo na kung ang kaniyang sariling kapatid.

Tama nga ang kanilang ina. Sa tuwing ngingiti si Althea, parang may iba itong kapangyarihan na magpagaling ng puso. Puso na puno ng hinanakit at hinagpis sa tuwing naiisip niya ang mga pangaral ng ina. Napaluha siya pagkatapos na kusa niyang mabitawan ang malaking unan na hawak niya.

Mahigpit niyang niyakap ang natutulog niyang kapatid. Napaka-inosente nito para saktan niya. Nagsisisi siya sa kapangahasang ginawa niya at sumumpa siya na imbes na kainggitan niya ito ay siya mismo ang mag-aalaga at magpo-protekta dito.

“Sorry bunso ha… hindi na mauulit. Forgive mo na kuya ha?” bulong niya dito habang patuloy na umaagos ang kaniyang mga luha.

Naramdaman naman niya ang paghaplos ng kamay ni Althea sa kaniyang basang pisngi bago siya mahinang kinalmot nito. “Ya…” mahina nitong tugon sa kaniya.

Labis ang kaniyang tuwa sa ginawa ni Althea! Pakiramdam niya kasi ay kinausap siya nito at sinabi sa kaniya na, “Ok lang kuya! Eto kalmot, ganti ko sayo.”

KINABUKASAN…

“Yuta! Anak! Gising na! Mamasyal tayo sa—” sigaw ni Ernesto habang tumitingin sa kaniyang wrist watch.

“— parke! Tay! Nay! Kanina pa po ako nakabihis!” mabilis na sabi ni Yuta pagkatapos siya nitong gulatin mula sa likuran. Muntik na nga niyang matabig ang kaniyang iniinom na kape buti na lang at napigilan ito ni Lara.

“Aba Yuta, anak, himala! Parang iba ka ata ngayon?” pagtatakang tanong ni Lara kay Yuta habang tinititigan niya ito mula ulo hanggang paa. Ano kaya ang nakain nito at parang sinapian ng mabuting anghel ang panganay niya?

“Siyempre nay! Excited na ata kaming pumunta ni Althea sa park para mamasyal! Diba bunso?” ani Yuta bago nilapitan ang stroller kung saan naruon si Althea. Tinaas naman ni Althea ang kaniyang kamay na para bagang kinakampihan siya nito.

Nagkatinginan silang mag-asawa. “Iho, ok ka lang ba?” si Ernesto.

“Oo nga anak, baka mamaya may lagnat ka?” si Lara.

“Wala po! Sige na tay, nay, tara na! Gusto ko na mag boating!” sagot naman ni Yuta.

PAGDATING sa parke ay agad silang pumunta sa boating area. Pagkabili ng ticket ay sumakay na kaagad si Yuta, kasunod ang kaniyang ina pagkatapos ay ang kaniyang ama na bitbit si Althea.

Maaliwalas ang panahon. Hindi masyadong mainit dahil maraming mga sanga ng puno na nagsisilbing lilim sa kanilang gagawing paglalakbay. Habang nagsasagwan si Yuta at Ernesto ay hindi niya maiwasang mapangiti.

“Yuta, anak, sorry ha kung lagi kitang pinapangaralan. Panganay ka kasi, gusto ko, maging strong ka rin kagaya ng tatay mo.” panimula niya habang bitbit niya si Althea.

“Ok lang po yun nay! Basta promise, makikinig na ako sayo lagi! Saka aalagaan ko rin si bunso pag marami kang ginagawa!” agad na sagot ni Yuta sa kaniya.

Inakbayan naman ni Ernesto si Yuta. “Ganiyan nga anak. Basta, kahit anong mangyari, gusto ko alagaan mo si nanay at si bunso ha?”

“Opo tay!”

Umubo siya ng mahina upang makuha ang atensiyon ng mag-ama. “Eherm… may sasabihin pala ako sa inyong dalawa.”

Nagkatinginan si Yuta at Ernesto. “Ano yun?” koro nila.

Napangiti siya sa nakita. Kakaiba talaga itong mag-ama na ito. Minsan seryoso, minsan comedy. “Hindi lang ako at si bunso ang aalagaan ni Yuta paglaki niya… dahil hindi na magiging bunso si Althea.”

“Hindi na bunso si Althea? Bakit naman nanay?” tiningnan ni Yuta ang kaniyang ama upang humingi ng mas malinaw na paliwanag. “Tay, ano ibig sabihin ni nanay?”

Itinaas na lamang ni Ernesto ng sabay ang kaniyang balikat at dalawang kamay. “Ewan ko diyan sa nanay mo. Ano ba kasi yun? Di kita ma-gets mahal ko.”

Magsasalita na sana siya ng biglang hinawakan ni Althea ang kaniyang tiyan na waring ito ang unang nakahula sa kaniyang sasabihing surpresa sa mag-ama. “Masusundan na si Althea mahal ko. In short, mas magiging magulo na ang pamilya natin!”

Nabigla naman si Ernesto sa narinig. “Ta– talaga!? Magiging tatay na ulit ako!? Este, magiging tatlo na ang bulingit natin?”

“Oo!”

“Sa wakas! Natupad din ang—” agad na hinawakan ni Ernesto ang kaniyang dibdib. Inaatake ito ng sakit sa puso!

“Tay? Anong problema? May masakit ba?” pagtatakang tanong ni Yuta habang hinihimas ang likuran ng kaniyang ama. Sa murang edad, alam niya ang nangyayari sa kaniyang ama. Ngunit hindi niya lubos akalain na ang mga napapanuod niya sa telebisyon ay maaari rin palang mangyari sa tunay na buhay.

“Anak! Bumalik na tayo! Inaatake ng sakit sa puso ang tatay mo! Mag-sagwan ka pabalik! Dali!”

Halos mataranta si Yuta sa narinig mula sa kaniya. Hindi ito makapaniwala na may tinatagong sakit sa puso pala ang kaniyang ama. Inililihim nila ito kay Yuta dahil ayaw nilang mag-alala ito sa kondisyon ng ama. Pero hindi nila kapwa inakala na magiging maaga ang gagawing pag-atake nito.

Nahihirapang mag-sagwan si Yuta pabalik sa boat station. Bukod sa mabigat ang mga paddles ay iilang tao lamang na kapwa nila nagba-bangka ang nakapaligid sa kanila. Sumigaw siya ng saklolo upang maging mabilis ang kanilang pagbalik. Mga ilang minuto rin ang lumipas bago sila napansin ng mga tao. Ngunit pagdating nila sa boating station ay huli na ang lahat. Patay na si Ernesto.

ILANG buwan din ang lumipas ngunit hindi pa rin nakaka-recover ang kaniyang ina sa pagkawala ng kanilang tatay.

Dahil sa nangyari ay napabayaan ng kaniyang ina ang sarili. Pati ang kanilang maliit na karinderia ay naapektuhan din. May mga ilang tauhan kasi sa kanilang tindahan ang nang-uumit ng pera mula sa kanilang kinikita. Kung nung una ay hindi niya ito masyadong pinapansin, ngayon ay nagdesisyon siyang pangunahan ang negosyong sinimulan ng kaniyang ina. Umasa siya na magiging maayos ang lahat kung siya mismo ang mangunguna sa negosyong pansamantalang iniwan ng kanilang ina.

Di kalaunan ay bumagsak ang kanilang negosyo at iniwan din sila ng kanilang mga tauhan na ang tanging hangad ay ang kanilang pera at mga pag-aari. Buti na lamang at nakapagsumbong kaagad siya sa mga pulis at agad na tumakas ang mga ito.

Kasunod nito ay naging sakitin ang kaniyang ina. Pati si Althea ay naapektuhan din dahil hindi siya sanay mag-alaga ng bata. Sa sobrang hirap na nararamdaman niya ay hindi na siya nakatiis. Nag-desisyon siyang kausapin ang kaniyang ina tungkol sa kaniyang nararamdaman at nangyayari sa kanila.

Sa umpisa ay nahirapan siyang kumbinsihin ang kaniyang ina ngunit dahil sa kaniyang pagpupumilit ay naimulat niya ang mga mata nito na kailangan pa nilang lumaban. Hindi para sa kaniyang sarili kung hindi para kay Althea at sa kaniyang parating na bagong kapatid.

Lumipas pa ang ilang mga buwan at nanganak muli ang kaniyang ina. Isa rin itong malusog na batang babae kagaya ng kaniyang kapatid na si Althea. Sa puntong iyon, lalo niyang pinagtibay ang kaniyang paninindigan na pagbutihin ang pagiging kuya, at ngayon,  isang tatay para sa kanilang pamilya.

“YUTA, anak, maraming salamat ha… hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko.” mahinang sabi ng kaniyang ina habang hinahaplos ang kaniyang buhok. “Kung wala kayo ni Althea sa tabi ko, siguradong hindi ko kakayanin…”

Niyakap niya ang ina habang tinatanaw ang stroller kung saan naruon si Althea na mahimbing na natutulog. “Ok lang yun nay. Nangako ako kay tatay na magiging matatag para sa ating lahat.”

“Ikaw talaga…” bumuntong-hininga ang kaniyang ina. “May hihilingin sana akong pabor sayo anak.”

“Ano po yun nay?”

“Gusto ko sana, ikaw ang magbigay ng pangalan sa bago mong kapatid. Sigurado akong matutuwa ang tatay mo pag pinagbigyan mo ako.”

“Si– sige po…” ilang minuto rin siyang nag-isip bago siya nakaisip ng pangalan. “Tessa.”

Nagtaka naman ang kaniyang ina sa narinig mula sa kaniya. Pero halata sa boses nito ang pagpapaubaya, hindi ito tutol sa sinabi niya. “Bakit naman Tessa ang napili mong pangalan anak?”

“Kasi ako, pinangalanan ako ni tatay na Yulessis, related daw po yun sa planet Jupiter na malakas at malaki. Si Althea naman, ang ibig sabihin ng pangalan niya ay pagpapagaling. Si Tessa naman, nabasa ko sa isang fairytale na book. Sabi dun, ang ibig sabihin daw nun ay tag-araw o summer.”

Nag-isip naman ang kaniyang ina sa narinig mula sa kaniya. Oo nga naman. Para sa kanila, simbolo si Tessa ng isang bagong simula. Isang simula na siguradong hinahangad din ng kaniyang minamahal na asawa para sa kanilang lahat.

“Sige Yuta, tatawagin natin ang bunso mong kapatid sa pangalang Tessa…”

Napatalon naman sa tuwa si Yuta. Pakiramdam niya ay malaking achievement iyon para sa kaniya. Aaminin niya, nasa kaniyang kabataan pa rin siya pero wala siyang panahon upang gugulin iyon. Mas kailangan siya ng kaniyang ina,  Althea at Tessa kaysa ng kaniyang kabataan– at ipagpapalit niya ito alang-alang sa kanila!

“Althea! Narinig mo ba yun!? Tatawagin nating Tessa ang bago mong kapatid. Sorry ka na lang, hindi ka na bunso! Belat!” biro niya dito habang mahimbing itong natutulog at hindi naglilikot sa kaniyang stroller.

“Yuta, h’wag ka ngang masyadong maingay. Baka magising ang kapatid mo.” saway naman ng kaniyang ina habang inaabangan ang pagdating ni Tessa mula sa nursery room.

Maya-maya ay pumasok ang nurse, bitbit si Tessa.

“Eto na po  si baby. Ano pong itatawag ko sa kaniya mommy?” malambing na sabi ng nurse sa kaniyang ina.

“Tessa po. Tessa ang name niya.” sabat naman niya. Proud siya sa pangalang ibinigay niya sa kapatid at mas gusto niya na siya ang magsabi ng pangalan nito kaysa sa kaniyang ina.

“Wow! Napakagandang pangalan naman niya. Eh si baby gurl na natutulog sa stroller, ano po name niya?” usisa naman nurse. Sa pakikitungo nito sa kanila ay maalaga ito at malapit talaga sa mga bata.

“Althea po.” sagot naman ng kaniyang ina bago kinuha sa nurse si Tessa.

Nilapitan ng nurse si Althea upang hawakan at bitbitin ito. Ngunit pagkadampi nito sa balat ni Althea ay tila nababalutan ito ng yelo sa lamig. Hindi na rin ito gumagalaw. Sinuri ito ng nurse kung humihinga pa ito ngunit hindi na, patay na ito.

The following two tabs change content below.

xynodras

Latest posts by xynodras (see all)

Read the rest...


42 Responses

  1. Angelita Azares says:

    huwat?

  2. aket says:

    So mag kapatid nga sila

  3. Audrey-G says:

    may ganun?

  4. margz says:

    naunsa namn tawn ni uie!

  5. Sherilyn says:

    ai kawawa naman c althea.:)

  6. anness_23 says:

    weew weew weew!
    alis kayo jan mababangga kayo! hahahahah

  7. alma rosano says:

    bakit namatay si althea? wala namang sakit yun ah…

  8. Hopeless says:

    ay windang

  9. johmviflores@yahoo.com says:

    sad..

  10. Yawa says:

    Gulo talaga ..

  11. belle says:

    mdyo lumilinaw n.hehe

  12. jas says:

    maganda po sana sya kaso sa huli sobrang gulo at grabe sumakit ulo ko… pero maganda po tlga sya…

  13. haayyy naku. .kung bawat chapter pala eh may sariling kwento na hindi naman nagkakaugnay sa isa’t-isa, pag nabasa mo ng medyo naguguluhan ka, jump ka na lang sa ending bago ka mahilo. .

    kaloka tong story na tohh….haayyyyyyyyyyy!!

    sayang. .maganda sana kung di na lang ginulo. .eh yung
    first chapters magkakadugtong naman ang story. .nagsimula ng gumulo dun sa chapter 7. .grrrrrrrrrrrrr!!!!

  14. jakenchelly24 says:

    ..aw,aw..bhadbhad,nmtay n nga tatay pti kptid:((,ahuhuhu.sad story,hope it has a nyc ending..

    xy: hai hai

  15. cath14 says:

    si tessa si yuta..

    hay… *sad*

  16. yanna says:

    weee??
    wag kang ganyan kua….
    makisama ka…
    pahabain mu n….
    pero wag ung super haba…
    iba nang usapan un…
    o cge n nga…
    bahala k…

    xy: oki doki, sige.

  17. karenmp says:

    asar…nligaw ako dun ah….baliktarin ko kea dmit ko?….sayang..ganda p nmn nung una…hihihihi…

    xy: san ka banda naligaw karen?

  18. swtbaby says:

    sa wakas, kinuwento din ni XY kung paano naging ulila sina Yuta. Nasa isip ko pa din kasi ung sa book na gift ni Yuta na nasa Japan sila eh.

    Hanap ko pa naman si Althea pero maaga palang namatay. Kawawang bata…

    XY, paganda na ng paganda ang kuwento ha?! At may linaw na!!! Congrats…

    xy: wuuuu… binubula mu lang aku eh…

  19. cheena07 says:

    …weee…
    …excited na me…

    xy: aha! nagparamdam ka!

  20. PV says:

    kung ang chapter na ‘to eh story ng family nila, at least eh clear na paano sila naging ulila, pero may mas malaking secret pa. Mukhang matagal pa nga itong story na to and i’m liking it actually. At least di sya predictable.

    xy: pv! treat kita ice cream!

  21. eiprille says:

    an0 un?

    xy: errr

  22. glory2me says:

    tooink…… foo planet earth pa tayo ngaun…

    jejejejejee….. ( isip-isip)……

    umabot isip u sa planet pluto ahh….

    xy: masyado bang malayo?

  23. precious14 says:

    ano 2?gulo…parang mas hahaba pa ang story n2..naka2inip..

    xy: di ko na pahahabain ito.. pati ako exhausted na rin, ahehe

  24. sweetheart says:

    gulo po ng kwento

Leave a Reply