I Love You Long Before – Chapter 7

I Love You Long Before

I Love You Long Before

“Ano ng gagawin ko ngayon pare?” naisuklay nya ang mga kamay sa buhok. Parang puputok ang ulo nya sa sakit sa kaka – isip kung ano ang nararapat nyang gawin.

“Kung hindi ka ba naman kasi isa’t kalahating estupido eh disin sana’y hindi nangyari yan.” sisi pa nito sa kanya.

“’Wag mo na nga akong sisihin. Dati ang problema ko ay ang pagsabi kay Louise about Drew, hindi pa nga tapos nadagdagan nanaman and it’s much worse!” hopeless nitong daing.

“Easy pare. Siguro naman hindi ka pipikutin nun’.” nakangisi pa nitong sabi. Isang matalim na tingin ang ipinukol nya rito.

“You think so?” but Hans didn’t answer sa halip ay tumungo lang ito and that made him worry more.

 

Parang nauupos si Louise na napa-upo sa kama, parang pinipiga ang puso nya, hindi nya maintindihan kung bakit kumikirot iyon. Bakit ganun? Nagpakawala sya ng isang malalim na buntonghininga. Nanlalambot sya, parang ngayon lang nya na – absorb ang lahat. Bakit ba ako kailangang magpa – apekto sa kanya? Eh ano ngayon kung nagkamabutihan na pala sila ni Maya. What do I care? Hmp. Kung dyan sila masaya, well, I’m happy for them too! Ngunit para namang tuksong bumabalik sa balintataw nya ang naabutang itsura ng mga ito. Inigo was almost naked, nakabukas ang polo nito at pati na ang butones ng suot nitong pantalon and her friend was infront of him sa isang malaswang posisyon! Bullshit! Nahahapong tumayo sya at nagtungo sa sala. Binuksan nya ang telebisyon para pansamantalang mawala sa isip ang nakita.

Hindi na sumama si Maya sa kanyang umuwi ngayon, nagpa – iwan ito sa ospital, hindi rin daw ito matutulog dito at mananatiling magbabantay sa lola nito. Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi rin nya alam kung paano ito pakikiharapan. Affected? Hindi ah! Sagot nya rin sa sarili. Ang pagtunog ng doorbell ang nagpabalik sa kanya sa huwistyo. Kunot noong sumilip sya sa bintana. Sino naman ang pupunta ng ganitong oras? Wala syang makitang tao sa gate. Tinignan nya ang relong pambisig eleven o’clock. Tumunog muli ang doorbell. Sino naman kayang herodes ito? Tumayo sya at napagpasyahang silipin sa gate kung sino ang dumating.

“G –good evening.” alanganing bati ni Drew.

“Anong ginagawa mo rito? Ang kapal mo rin naman talaga ano?” mataray nyang bungad dito ng mapagsino ang nasa labas.

“I –I came here to apologize.” mababang tinig nito.

“There’s nothing to apologize for, since I will never forgive you anyway.” pambabara nya rito.

“Please Lou, I’m sorry. I don’t know what came to me that night.” Nagsusumamo nitong sabi na iniaabot ang tangan nitong tatlong dosenang bulaklak na noon lang nya napansin. Napatingin sya rito, animo’y maamong tupa na akala mo’y aping – api. Tinaasan nya ito ng kilay.

“Well, I don’t know what came into me too that day I answered you.” She hissed.

“Kung patatawarin mo ako, I promise to behave and I promise to tell you everything that has been going on and all the root of it.” Dire – diretso nitong sabi na sya namang nagpabuhay sa kuryusidad nya. Tell me everything that has been going on? And the root of it? – Anong meron? Kunot noong tinignan nya ito.

“And by what do you mean that you will tell me everything that has been going on?” she asked curiously.

“Patawarin mo muna ako at papasukin.” nakangisi nitong sagot. Ma – utak ang ugok I – black mail pa ako! Pero dala na rin marahil na kakaibang kaba sa kanyang dibdib sa kuryusidad na bumangon sa kanya ay napilitan syang buksan ang gate at patuluyin ito subalit hanggang sa garden set lamang.

“So? What is it that you have to tell me?” blanko ang ekspresyong tanong nya rito. She does’nt want him to see how desperate she is about what he’s going to say.

“Do you forgive me now?” anitong inaabot muli ang mga bulaklak sa kanya. Tinignan nya ang mga iyon. She let out a sigh. Will I forgive this jerk? -I think I should. Marahan syang tumango bilang pagsagot sa katanungan nito atsaka tinanggap ang mga bulaklak. Maluwang naman na ngiti ang makikita sa mga labi nito.

“Thank you. Thank you so much honey.” anitong hinawakan pa ang kamay nya. Nagsalubong ang kilay nya sa narinig at sa ginawi nito. Tinanggal nya ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

“Drew, I forgave you but it does’nt necessarily mean that we are still committed ” pagka-klaro nya rito. Nagyuko naman ito ng ulo, bigo sa nais nito. “What do you have to tell me.” ulit tanong nya.

 

“Mom! You can’t do this to me!” mariing tanggi ni Maya sa ina.

“The decision is final. I already called your dad and they will talk about it immediately!” pinal na sabi ng ina nito. Iyon ang eksenang dinatnan nya sa pagdating nya mula sa unibersidad. Hindi nya alam kung ano ang pinag–usapan ng mga ito Pero isa lang ang natitiyak nya hindi ito magandang balita mula na rin sa nakikitang reaksyon ng kaibigan. Tumingin ito sa kanya subalit hindi ito nagsalita, mukha itong binagsakan ng langit at lupa. Pero hindi nya alam kung paano nya ito matutulungan, ayaw naman kasi nitong magsalita, at iginagalang nya iyon.

 

“Lou!” halos lakad – takbo ang ginawa nya para lang maabutan ang dalagang patawid na sa kalsada. Animo’y tila hindi naman sya nito naririnig. “Louise!” ulit nyang tawag dito. Lumingon ang dalaga, at lalong binilisan ang paglalakad.

“Hey wait up!” aniyang finally ay naabutan na rin ito. She look so refreshing, ang amoy ng cologne nito ay sumasama sa hangin pati ang buhok nito ay bahagya ring tinatangay ng hangin. “I have to tell you something.” walang paliguy – ligoy nyang sabi. Lord, help me. Piping hiling nya.

“Anong kailangan mo?” mataray nitong tanong sa kanya na hindi pa rin humihinto sa paglakad at ni hindi man lang sya nililingon.

“It’s about Drew.” aniyang humahabol din sa mabilis na paglakad ng dalaga.

“What about?’ kasabay naman niyon ay tumunog ang cellphone nito. She answered it. “What??” kunot noo ito. Kung sino man ang kausap nito ay hindi nya alam. “U –uh. Are you sure?” finally ay huminto na rin ito sa paglalakad atsaka tumingin sa kanya. He can see clearly in her eyes pain and it’s slicing him apart. Parang maluluha ang mga matang ngayon ay titig na titig sa kanya. Her light brown eyes are getting darker, tila ba nasalimbayan ng kalungkutan. Kitang kita nya ang pagpipigil nitong tumulo ang namumuong luha. And it bothers him, para syang dinadaganan ng isang malaking bato sa dibdib sa nakikita nyang itsura nito ngayon. Tinapos na nito ang pakikipag – usap sa telepono at muling tumingin sa kanya.

“Whatever you wanted to say, I already know. Drew told me about it the other day before. So there’s nothing to talk about anymore.” anito atsaka patakbong tumalilis pumara ng taxi atsaka sumakay. Naiwan syang naguguluhan sa sinabi nito. Anong sinabi ni Drew?

Tuluyan ng tumulo ang pinipigil nyang mga luha pagsakay na pagsakay nya ng taxi. Why is this happening? Sabi ko sa sarili ko pagsisisihan mo ang araw na iyon? Pero bakit? I don’t understand. I don’t understand it at all! Shit na luha ‘to! Aniyang pinunasan ng tissue ang luhang akala mo’y waterfalls sa pagtulo, walang pasidlan. Bakit ayaw huminto??  Maktol nya.

 

Pagdating na pagdating nya sa bahay ni Maya, ay desidido ang mga kilos nya. Dagli – dagli syang pumasok sa kwarto at kinuha ang maleta. Isa – isang inilabas ang mga damit sa kabinet atsaka basta nalamang isinalaksak sa loob ng maleta, wala na syang pakialam magkagusot – gusot man ang mga iyon. Isa lang ang pumapasok sa isip nya, she need to get away. Away from everything! Away from Maya and specially away from Inigo! Ewan nya kung bakit, basta alam nyang dapat.

 

Halos panawan sya ng lakas ng kausapin sya ni Libya. Mariin nyang ipinilit dito na hindi sya makapapayag. Pero ng sabihin nito na ang Papa nya ang nagdesisyon ay bigla syang nanahimik. This can’t be! Akala ko ba ay susuportahan nila ako no matter what decision I make bakit ngayon –” Argh! Halos sabunutan nya ang sarili sa problemang kinasangkutan. Parang naririnig pa nya ang mga sinabi ng kapatid.

“Pack your things Inigo. You’re going home.” Ma –awtoridad nitong utos sa kanya.

“Why? Nagkaroon ba ng problema sa rancho?” nagtatakang tanong nya. Biglaan kasi ang pagluwas nito at ni wala man lang pasabi sa kanya. Agad tuloy syang kinabahan dahil baka may kung ano ng nangyari sa mga magulang.

“We have to prepare for your wedding.” Blanko ang ekspresyon nitong sabi.

“MY WEDDING!!!” gulat na gulat nyang nasabi.

“Yes, your wedding.” ulit naman ng kapatid. “Siguro naman ay alam mo na ang ginawa mo my dear kaya magkakaroon ng wedding?” tila nang – aasar pa nitong sabi.

“No.” mariin nyang tanggi. “I can explain.” nagsusumamo nyang sabi sa kapatid na makinig sa kanya.

“Whatever your explainations are my dear brother, I know you are saying the truth. But I don’t have the power para salungatin si Papa, alam mo yan.” mahaba nitong eksplinasyon na syang ikinatigil nya.

“You mean –” nahahapong napasalampak sya sa sofa. “No! It’s impossible!” hindi pa rin nya makapaniwalang nasambit. Naaawa namang nilapitan sya ng kapatid at niyakap.

“I’m sure malulusutan mo rin ito, do something about it my brother. Don’t let her ruin your life and your future.” Makahulugan nitong sabi.

At ngayon ay naka – impake na sya, paano na ba ang susunod nyang magiging step? Naalala nya ang sinabi ni Libya kanina lang “don’t let her ruin your life and your future.” Nakapagdesisyon na sya. Agad na binuhat ang bag at tinungo ang pinto, dahan – dahan niyang pinihit ang seradura niyon upang hindi magising ang mga kasambahay at si Libya. He was on his way to the front door.

“Desidido ka na bang talaga?” ani ng tinig na nakilala nya, It’s Libya. Nakaupo ito sa madilim na bahagi ng sala.

“Yeah.” he paused. “Magsusumbong ka ba?” tanong nya rito.

“Hindi.” nagpakawala ito ng malalim ng buntonghininga. “Just tell me where you are. Call me so I’ll not worry.”

“Thanks Libya.” aniyang lumapit at niyakap ito.

“Now, you take care. I’ll wait for your call.” anitong tinapik sya ng marahan sa balikat.

 

Wala pa ring pasidlan ang pagtulo ng mga luha nya. Alam nyang namamaga na ang mata nya sa kaka – iyak pero hindi nya mapigilan ito. Matagal ng tulog si Mykee pero sya ay nanatili pa ring gising. Sa apartment nito sya tumuloy matapos mag – alsa – balutan, nagulat pa ito ng makita ang maletang dala nya at namamaga ang mga mata. Sisigok – sigok syang umupo mula sa pagkakahiga. Ano na ang gagawin nya ngayon? Tinignan nya ang kaibigang himbing na sa pagkakatulog. Sasabihin ko ba sa kanya ang lahat ng nangyari? –She deserves to know lalo na at nakikitira lang ako sa kanya atsaka para makapag – bigay din sya ng advice sa akin.

 

“Inigo!” yugyog sa kanya ni Hans. “Pare, gising na.” umungol naman sya. Ayaw pa niyang bumangon umaga na rin kasi syang nakatulog sa kaka – isip sa kinasusungan nya. “Hindi ka ba papasok?”

“Hindi.” aniyang tinakpan ng unan ang mukha.

“Okey then, I’ll go ahead. Bahala ka na dito.” paalam nito.

 

Matapos syang tumawag kay Libya ay hindi na sya nakatulog. Kausap nya ang kaibigan tungkol sa nangyari hanggang sa nakatulugan na nito ang kanyang pagsesentemyento. Idinilat nya ang mga mata. Kailangan kong maka – usap si Lou. Dagli syang bumangon upang ma – upo ding muli dahil sa bigla nyang pagkahilo.

“Hijo.” tawag sa kanya ng isang katulong na nagwawalis sa kabilang bahay. Nilingon nya ito, kanina pa niya pinipindot ang doorbell sa tinutuluyan ni Louise ngunit walang lumalabas. “Walang tao riyan. Umuwi ng probinsya si Maya.”

“Ah, ganun po ba? Eh si Louise po?” usisa nya.

“Iyon bang maputing babaeng kasama ni Maya?” tumango sya. “Aba eh, nauna pang umalis sa kanya iyon aywan lang kung umuwi rin.” anito sa puntong bisaya.

“Sige salamat nalang po.”

 

“Mag – iisang linggo ka ng absent. Ano bang nangyayari sayo?” nag –aalalang mukha ni Hans ang bumungad sa kanya. Hindi nya namalayang kanina pa pala sya nito tinitignan mula sa malayo.

Tinignan nya ito, nagpakawala sya ng buntonghinga. “I can’t find her.” malungkot nyang sabi.

“Tsk. Tsk. Tsk.” Iiling – iling nitong sabi. “Ganyan ba talaga ang nagagawa ng pag – ibig?” anitong animo’y nagtatalumpati. Kunot – noo naman nya itong tinignan.

“Okey ka lang?” natatawa nyang tanong dito.

“Problema?” balik tanong nito sa kanya. Kumuha ito ng sigarilyo mula sa bulsa at nagsindi. “Mmm… sya nga pala tumawag ate mo.” paalala nito sa kanya.

“Bakit daw?”

“Darating daw ang Papa mo at susunduin ka.” anitong ibinuga ang usok.

“WHAT??” napatayo sya sa gulat. “NO! hindi pwede ‘yon pare! I’m sure they will make me marry Maya. Hindi maari yun! I don’t love her!” diin pa nya.

“Yah. I know. You love Louise.” Tumingin ito sa kanya.

“Yah, it’s Louise I love.” Pag-kumpirma naman nya sa sinabi nito.

“But does she love you? Baka naman ikaw lang ang nagmamahal?” nanunubok nitong tanong sa kanya.

“I think she does like me too.”  Confident nyang sabi.

“Like you. But not love you.” natameme sya dun. Paano nga naman nya mapapatunayan na mahal din sya ng dalaga gayung ni ayaw nga nitong magpakita sa kanya. Ni hindi pa nga nya nasasabi ang nararamdaman nya para rito ay sukat nalang itong nawala ng parang bula.

 

“Inigo.” katok sa kanya ni Hans. Nasa loob sya ng banyo at naliligo.

“O!” sagot nya. “Sandali lang palabas na ako.” aniyang napagtantong baka nagmamadali na itong pumasok. Sa paglabas nya sa banyo ay mukha ng mga magulang ang sumorpresa sa kanya.

“Pa? Ma?” Nagtatakang tanong nya na nagpalipat-lipat ang tingin sa mga magulang. “What are you doing here?”

“Don’t you think we should be the one asking you that?” mahinahon ngunit may diin na tanong sa kanya ng ama. “Hindi ba’t kina-usap ka na ni Libya? Pack your things now Inigo. Huwag mong bigyan ng kahihiyan pa ang ating pamilya.” anitong may diin ang bawat salitang binibitawan lalo na sa huling kataga.

“Can you atleast give me another week? Please? Malapit na ang finals.” pagdadahilan nya sa mga ito. Tinignan nya ang kanyang ina hinihintay nyang magsalita at ipagtanggol sya ngunit nabigo sya. Panandalian namang nag–isip ang kanyang Papa.

Tumikhim muna ito. “Okey. Just be sure that you will go home immediately after one week.” anito atsaka tuluyan ng lumabas kasunod ng kanyang ina.

Now what? Totoo namang malapit na ang finals at ginawa nya rin iyong dahilan upang magkaroon pa ng ilang araw upang mahanap ang dalaga. I must find her. If she does’nt really love me at least malaman man lang nya na totoong mahal ko sya.

 

“So? What’s your plan?” kanina pa pala nakamasid sa kanya si Hans magmula ng umalis ang kanyang mga magulang. Tinignan nya ito.

“I must find her” aniyang isinatinig ang nasa isip. Hans chuckled.

“Ano? Okey ka lang? Sa tono ng pananalita mo it’s like this is a ‘matter of life an death’” anitong nakuha pang mang-asar. Tinitigan nya ito.

“Seryoso ako. And yes, it is a ‘matter of life and death’ dahil para sa akin death sentence ang pagpapakasal sa isang babaeng hindi ko naman mahal.” Sapo ang ulong sabi nya. “I don’t understand it pare, we are in the new millennium now, is kissing and necking a reason now for a two person to get married?”

“Hindi. Pero base sa nakikita ko I presume that Maya’s family are well-off  at kilala. Hindi ba ikaw na rin ang nagsabi sa akin noong minsan na magkababayan kayo?” Tumango sya. “Well, maybe that’s one of the reasons. Kahihiyan ng pamilya nyo ang sinasabi ng Papa mo na nataya. Maybe that’s why.” Napayuko sya and sighed. Alam naman ng Papa nya kung sino ang babaeng gusto nya hinihintay lamang nya ang tamang panahon. He is enjoying every second of his youth at ganoon din ang gusto nyang mangyari sa dalaga, ng sa ganun ay pagdumating na ang tamang oras ay pareho na silang handa. Inihahanda ko lang ang lahat. Naipilig nya ang ulo sa naisip. Matindi na yata talaga ang pag – iilusyon nya. Who am I to dominate all that’s happening between us. Ni hindi nga nya alam kung ano ang mga binabalak ko. Hah! Wake up man!

The following two tabs change content below.

Louise

Love is for everyone, one can not live without it... just like air; without it you can not breathe...

Read the rest...


80 Responses

  1. Yan kc inigo.mahilig k kc.tkot k nman matale

  2. sana magkita n kayo ni lou inigo

  3. Angelita Azares says:

    kalerki

  4. hai ang labo tlga ng dlawang 2

  5. laick08012007 says:

    Go go go Inigo.

  6. gracea says:

    d ka kc ng sabi ng totoo inigo..go find her

  7. aket says:

    Nakakaloka at magulo Ang damdamin ko sa aking nababasa

  8. lynder2015 says:

    naaawa na ako kay Inigo but then again nangyari na and ika nga lalaki lang siya.. :)

  9. alicia gonzalez says:

    …..

  10. julie23 says:

    Ayan kse..:-)

  11. nesilita says:

    toinkz..nagpadala ka kasi inigo…hmmmp
    kakinis ang mga ganyang lalaki

  12. Sherilyn says:

    buti nga sayo..

  13. suzybae20 says:

    go go go inigo

  14. Mavis says:

    Yun ang npapala ng mga womanizer

  15. noime says:

    lang arw nanamna toh

  16. margz says:

    ..yah..
    ..youre right inigo
    you must FIND her….

  17. iramae_orbiso says:

    waiting for my gils to continue read the story..

  18. felmy20 says:

    nakakabitin…

  19. felmy20 says:

    waiting for another day to read the next chapter…:(

  20. Charm says:

    sabi na nga eh! haizt!

  21. anaquirol says:

    GRABE NMN TONG C MAYA

  22. Prime Villanueva says:

    ayan masyado kasing ma pride pareho kaya baka di ba magkatuluyan.

  23. marygadan says:

    pikot ang inabot mo :-)

  24. emptychen19 says:

    kaka xcited tlga,

  25. thinkerbell.anne says:

    _ian ang bagay sa mg playboy katulad mo inigo! nakaka bwisit ka..hais!

  26. jcsm14 says:

    pikotan ng bonggang-bongga

  27. Roanne_ImXCnInowIt says:

    hay

  28. jjhuls says:

    hehehe minsan magulo pero nagegetz q namn story kaya ok lang

  29. jinjerbread says:

    hmm whats next to happen ?

  30. ynahB says:

    gils na naman ang problema

  31. Hopeless says:

    yeah, wake upp man! di mo naman kasi sya binakuran agad.. tapos nung start mo nang bakuran e di ka makuntento

  32. cutiegirl says:

    ang ganda ng story sarap mag basa lalo na pag free

  33. Blackrose says:

    Very nice and very interesting story.. :)

  34. mayriz says:

    OMG..pikot nga…

  35. maryroseann123 says:

    hurry up man.. before u gonna sing 25 minutes too late

  36. …buti nga sau inigi…ikakasal ka na………..pero asan c louise……

  37. pazawaiy_1901 says:

    ayan ang nangya2ri sa torpe at da sme tym babaer0ng lalake!wahahahaha!

  38. maricar says:

    *hay naku!!!kakainis naman kasi ung maya na un!!!kapal ng mukha!

  39. kpoplover says:

    this story is so confusing.. no offense.. pero minsan nalilito tlaga ako..minsan kasi ang point of view ay kay inigo tapos biglang pupunta sa point of view ni Louise..nakakalito tlaga..

    • Louise says:

      hi kpop hehe… pasensya n po dya ha? hindi n po kc edited wala pa ko knows sa mga pag aahos ng forrmats at tamang paggamit ng pov :) kauna-unahan ko po kc itong story. sana po khit paano ay napasaya ko kau :) thanks for reading po.

  40. azyal says:

    kAwAwA c inigO tAlagA..aNg LLLAAANNNDDDIIII ni mAyA…gRrRrRr

  41. iceehil says:

    waaah… sinasabi na nga ba at pipikutin xa weh!

    arrgggh..! sobra na ‘to.. naaawa na ko kay inigo ngaun.. wahaha..

    kaso parang super complicated ng love story nila eh 2nd yr. college palang naman sila.. tama po ba ako? wahehe..

    anyways.. ganda nito..^^

  42. jenna says:

    ngayon ko lang nabasa ito.. late na pala sa pagbabasa. ang comment ko lang eh nakakalito nga talaga sya.. hehe.. pero maganda naman ang story. sana may transition para naman lalo itong gumanda.

  43. prettyraz says:

    ok poh sna ung story kaso nalilito ako kasi parang wlang sequence…di ko lam
    ibang tauhan na pala ung kinukwento,o kya ibang lugar na pala….haiiiizzzz…
    pero ganda pa din…hehhe

  44. Louise says:

    thank you guys! touch naman ako at nagustuhan nyo hehehe… luv you all! muah! muah!

  45. glory says:

    huhuhuhuhu…nakarelate ako don ah….txt louise…. “its time to accept the facts of love”….. nxt chapter ba ulit bukas?…… alam u 1 to 7 chapter na print koo na… jejejejeje like it so much… GOD SPEED….

  46. bezfren says:

    ako din excited na, hehehe bukas ulit. grabe! sige inigo magpakasal ka na hehehe tiyak ko naman na hahabol si Louise para pigilan ang kasal mo eh! pero simpre sabihin mo muna sa kanya na mahal mo sia ha tapos bahala na si louise sa nararamdaman nia sayo. TAKE IT OR LEAVE IT! BWAHAHAHAHA….LOL.

  47. sjyo_1995 says:

    nakkabitin nman.. hehehe. excited nko sa mga susunod na chapters.. thanks louise.. ingat

Leave a Reply